Chapter 7
Third Peron’s POV
Pagkalabas ni Eunice sa opisina ni Austin, agad niyang hinugot ang cellphone mula sa bag at mabilis na tinungo ang comfort room. Nanginginig ang kanyang mga daliri habang idinial ang numero ng kanyang ina.
“Mom, please... pick up,” bulong niya, halos paos ang boses at nanginginig sa kaba. Namumuo ang luha sa mga mata niya ramdam ang bigat ng itinatagong sikreto. Ilang beses pa siyang tumawag, ngunit nanatiling tikom ang linya. Walang sagot.
Napakapit siya sa lababo at napayuko, sinusubukang pigilan ang pagpatak ng luha. Lumabas siya at dumeretso sa pantry, kinuha ang baso at uminom ng malamig na tubig. Para bang iyon lang ang natitirang sandata laban sa gumugulong na tensiyon sa kanyang dibdib.
Ilang saglit pa, nagpasya siyang i-text na lang ang kanyang ina: “Mom,magkita tayo mamaya, please.”
Pagbalik niya sa mesa bilang sekretarya ni Austin, pilit niyang isinuksok ang nararamdaman sa likod ng ngiti. Ngunit agad ding nabaling ang kanyang atensyon nang bumukas ang elevator at mula rito ay lumabas ang eleganteng ginang, ang ina ni Austin, si Amy. May tangan itong presensya na hindi basta-basta matatalikuran.
Napatayo si Eunice at agad sinalubong ang ginang ng yakap at magalang na beso.
“Ninang, buti naman napasyal po kayo.”
“I miss my son, dear. Nandiyan ba siya sa loob?”
“Yes ninang. Nandoon din po ang mga kaibigan niya.”
“Okay. Come with me, iha.”
Nauna si Eunice sa pagbukas ng pinto, tumayo naman si Austin nang makita ang kaniyang ina. Lumapit ito sa ina at hinalikan ito sa pisngi.
“Mom, napadalaw po kayo.”
“Hi tita,” bati ng mga kaibigan ni Austin.
“Hello mga iho. Wala ba kayong trabaho’t andito kayong lahat?”
Nasamid ang tatlo, nagsikuhan, at nagtawanan ng alanganin.
“Ah… eh, nami-miss rin po kasi namin si Austin, tita. Lagi na lang busy. Kaya kami na ang naglaan ng oras.”
“I see. Ako rin, I miss my son. Kaya ako narito.”
“Really, mom?” sarkastikong ngiti ang sumilay sa labi ni Austin. “Baka naman gusto nyo lang ulit akong pilitin na mag-asawa.”
“Austin, anak… tumatanda ka na. Kami rin ng daddy mo. Gusto ko na sanang magka-apo. Siguradong matutuwa ang daddy mo pag nagising siya’t may mga babies na sa paligid.”
“Mom, wala pa akong nakikitang babaeng gusto kong pakasalan.”
“Si Eunice, oh. Maganda, mabait, matalino. I like her for you, son.”
Napangiti si Eunice at mahiyain niyang iniipit ang buhok sa likod ng tainga, pinipigilan ang sariling kiligin.
“Mom… let’s talk about it some other time.”
“O siya, aalis na ako. Umuwi ka sa mansyon mamaya. Isabay mo si Eunice, doon kayo mag-dinner.”
“But mom—”
“No buts, Austin.” Matigas na tinapos ng ginang ang usapan at lumabas ng opisina. Napakamot na lang ng ulo si Austin hindi dahil sa inis sa ina, kundi sa ideyang makakasama niya si Eunice buong biyahe… at sa hapunan.
Samantala, hindi maipinta ang ngiti ni Eunice habang lumalabas ng opisina.
Natuloy ang dinner sa mansyon ng mga Garcia. Gaya ng gusto ni Amy, agad ding umalis si Austin pagkatapos ng hapunan. Wala na siyang nagawa nang ipihatid ng kaniyang ina si Eunice sa kanyang condo.
Samantala isang malakas na sampal naman ang dumapo sa pisngi ni Eunice mula sa kaniyang ina.
“Tonta!” singhal ng kanyang ina. “Hawak mo na nga, hindi mo pa nagawan ng paraan?!”
“Mom…” umiiyak na si Eunice, hawak ang pisnging namumula. “Hinahanap niya… kung hindi ko inilabas ‘yung proposal, maghihinala siya.”
“Ang sabihin mo, hindi ka nag-iisip! Nasaan ba ang utak mo? Nasa dibdib mo na wala namang silbi?” Napakalaki kasi ng dibdib nito.
“Ang sakit nyo magsalita, Mommy!”
“Bakit, totoo naman ‘di ba? Hanggang ngayon, hindi mo pa rin makuha-kuha si Austin.”
“Anong gusto mong gawin ko kung hindi pa rin siya tinatablan sa mga pang-aakit ko?!”
“Gamitin mo ang utak mo!” sabay turo sa sentido ng anak. “Hindi puwedeng ako na lang palagi ang kikilos. Tandaan mo, oras na hindi mapasayo si Austin, pupulutin tayong dalawa sa kangkungan. Mawawala lahat ng pinaghirapan ko! At sila pa ni Faith ang magiging masaya?! Huh! Hindi ako makapapayag! Hinding-hindi!”
“Hindi, Mommy. Hindi ako papayag. Akin si Austin. Mahal na mahal ko siya. Please... do something..Please mommy…” Humahagulgol si Eunice, parang batang naagawan ng laruan.
“Gaga. Kung gusto mong mapasayo siya, siguraduhin mong mabuntis ka niya.”
“Mom...”
“Anak niyo ang magiging tagapagmana kahit hindi ka niya pakasalan. Yun ang importante.”
“Pero… magkikita na sila ni Faith.”
“Hayaan mo silang magkita. Sa tingin mo papayag akong maging masaya sila? Hayaan mong ako ang gumawa ng paraan para magkahiwalay silang muli.” Nakangising parang demonyo ang ginang habang sumisimsim ng alak.
“Really, Mommy? May tiwala ako sa'yo.”
“Tigilan mo ako, Eunice. Hindi sapat ang tiwala. Kumilos ka! Mag-isip ka ng bagong strategy para mapasa’yo si Austin. Malapit nang maubos ang pasensya ko sa'yo.”
“Mom…”
“‘Mom’ your face! Konti na lang, ibabalik na kita sa ama mong walang kwenta. Magtinda ka na lang sa palengke. Pareho kayong walang silbi.”
Napasinghap si Eunice, tuluyang nawalan ng lakas ang tuhod. “Mommy… ako ang napapahiya. Ako ang nasasaktan sa bawat rejection niya. Ako!”
“Drama mo, Eunice. Gamitin mo ang kaartehan mo sa tamang paraan kay Austin!”
Hindi na kumibo si Eunice. Umiyak na lang siya ng umiyak, pigil, tila isang iyak ng batang hindi alam kung minamahal pa ba siya ng kanyang sariling ina. Sa isip-isip niya, “Mahal ba talaga ako ni Mommy? O ang pera at posisyon lang ang mahalaga sa kanya?”
Umalis na rin ang kanyang ina, naiwan siyang luhaan. Pumatak ang katahimikan sa kanyang paligid na parang matalim na kutsilyong unti-unting humihiwa sa kanyang kaluluwa. Ang pintuan ay mariing sumara.
Habang pinapahid ang luha sa pisngi, unti-unting nagbago ang expression ng kaniyang mukha. Ang panghihinang naramdaman ay napalitan ng apoy na handang silaban ang lahat ng hahadlang sa kaniyang kagustuhan.
“Sa akin ka lang, Austin... sa akin lang,” bulong niya, halos parang panata. Sa tinig niya'y may bahid ng poot, ng pagnanasa, ng desperasyong matagal nang inipon sa kanyang dibdib.
Hindi siya interesado sa kayamanan. Hindi sa mansyon. Hindi sa yaman ng mga Garcia.
Si Austin lang ang gusto niya si Austin na tila langit na abot-tanaw pero hindi maabot. At ngayon, higit kailanman, handa na siyang gawin ang kahit ano para sa lalaking minamahal.
Sa dilim ng gabi, ipinangako niyang hindi siya matatalo. Marami na siyang bibubuong plano sa kaniyang isipan.
Hindi kay Faith.
Hindi kaninuman.
Chapter 7Third Peron’s POVPagkalabas ni Eunice sa opisina ni Austin, agad niyang hinugot ang cellphone mula sa bag at mabilis na tinungo ang comfort room. Nanginginig ang kanyang mga daliri habang idinial ang numero ng kanyang ina.“Mom, please... pick up,” bulong niya, halos paos ang boses at nanginginig sa kaba. Namumuo ang luha sa mga mata niya ramdam ang bigat ng itinatagong sikreto. Ilang beses pa siyang tumawag, ngunit nanatiling tikom ang linya. Walang sagot.Napakapit siya sa lababo at napayuko, sinusubukang pigilan ang pagpatak ng luha. Lumabas siya at dumeretso sa pantry, kinuha ang baso at uminom ng malamig na tubig. Para bang iyon lang ang natitirang sandata laban sa gumugulong na tensiyon sa kanyang dibdib.Ilang saglit pa, nagpasya siyang i-text na lang ang kanyang ina: “Mom,magkita tayo mamaya, please.”Pagbalik niya sa mesa bilang sekretarya ni Austin, pilit niyang isinuksok ang nararamdaman sa likod ng ngiti. Ngunit agad ding nabaling ang kanyang atensyon nang bumuk
Chapter 6Austin’s POV“Ms. Eunice, please come in and bring all the proposals from the schools in Zambales,” I said through the intercom.“Copy, sir. Coming.” Maarteng sagot naman nito.Ilang sandali pa, bumukas ang pinto. Pumasok siya, na pakembot-kembot, para bang eksena sa pelikula. Halos kita na ang buong dibdib at kaunting galaw lang makikita na ang panty nya. Daig nya pa ang mga waitress sa mga bars na napupuntahan naming magkakaibigan. Tiningnan siya ng mga kaibigan kong parang nanonood ng live show. Napailing ako.“Sir, ito na po ang mga files na kailangan ninyo,” sabi niya sabay yuko. Alam kong sinadya. Pero di ako tanga. Tao ako oo, lalaki pero may hangganan din ang respeto at disiplina sa sarili. Kaya kahit may matagal nang pangungulila sa init ng katawan, mas pinili kong umiwas. Lalo na ngayong... Alam ko na ang kinaroroonan ni Faith.“Thank you. You may leave now.” Hindi ko na siya tinapunan ng tingin.“Ms. Eunice,” pahabol ko, mahina lang, para kami lang ang makarinig.
Chapter 5Austin’s POV“What the fuck! Ilang taon na kayong naghahanap pero ni anino niya, wala pa rin kayong maipakita sa’kin? Nagtatrabaho ba talaga kayo o sinasayang ko lang ang oras at pera ko sa serbisyo n’yong palpak?”Napapikit ako sa tindi ng inis. Pinipilit kong kontrolin ang galit, pero kumukulo na ang dugo ko.“Tatlong taon na! Tatlong taon na akong naghihintay, umaasa, pero wala pa rin. Ni balita, wala.”I tightened my grip on the cellphone. Wala akong naririnig sa kabilang linya ni isang sagot, ni isang paliwanag, kahit hungkag na pangako… wala.It drives me mad. Mura na lang ang lumalabas sa bibig ko. Ginamit ko na lahat ng koneksyon ko, nilustay ko na ang kayamanan ko, pero hanggang ngayon… Faith is like smoke flickering in the distance then suddenly, gone.“Damn it!” Napasigaw ako at naisuntok ang kamao sa desk sa opisina ko na lumikha ng tunog.This isn't just a business transaction. This isn’t about closure. This is my life. This is the woman I can’t forget. Seven lo
Chapter 4Faith’s POV“Alam mo Faith, kaunting-kaunti na lang sasabunutan ko na yang Nicole na yan e.” gigil na gigil na sabi ni Charls na dinaig pa ang babae. Habang naglalakad kami palabas ng gate para mag abang sila ng mga sundo nilang tricycle, ako naman maglalakad na pagkasakay nila.“Sa totoo lang para siyang hindi teacher kung umasta. Dinaig nya pa mga Marites naming kapitbahay. Yung mga iyon nagchi-chismiss-an lang naman, libangan ganun.” Si Charie na halata rin ang inis.“Ano namang pinagkaiba nya sa mga Marites, na may nasisirang buhay dahil sa mga walang katiyakang impormasyon na pinapakalat?” Si Charls na maypa irap-irap pa.“Yung mga Marites walang license, yung empaktang Nicole meron.” Natatawang sagot ni Charie.“Mismo! Haha! Pero iisa ang hangarin ang manira ng kapwa.”“Hoy hindi ko kapwa yun. Hindi ako papayag kahit anong mangyari.”“At bakit naman?”“Dahil hindi ako empakta.”“Ay oo nga pala, duwende ka, hindi empakta.”“Ikaw naman tikbalang.”“Teka ang harsh na nun
Chapter 3Faith’s POV“Good day, fellows. Dahil may maganda akong balita sa inyo, pagsaluhan natin ang munting pagkain sa inyong harapan,” masayang pahayag ni Sir Jaecob, may bitbit na ngiti na tila ba may itinatagong kilig at tuwa. Sa simpleng handang iyon, ramdam mo ang sinseridadhindi lang basta pagkain, kundi pasasalamat.“Wow! Ang taray may pa-lafang si Sir!” sabay taas kilay at pa-cute na biro ni Charls, na Carlo talaga ang pangalan pero mas trip niya ang ‘Charls’ mas sosyal daw, mas ka-fabulous. Isa rin siya sa mga naging sandalan ko rito. Katulad ni Charie, kalog, walang preno, pero totoo. Charls is a gay, pero hindi mahilig sa mga girly things.“Oo, kumain na muna tayo bago ko sabihin ang good news. Sige na, puwesto na kayo.” May kakaibang sigla sa tinig ni Sir, parang batang may iniingatang sorpresa.“Jomer, dito ka na sa tabi ko. Ito na ang plato mo, nilagyan ko na ng kanin at paborito mong adobo,” malambing pero may halong arte ang paanyaya ni Nicole. Ramdam ko agad ang tu
Chapter 2Faith’s POV“Talaga po sir… tayo po ang napili?” Hindi ko mapigilan ang panginginig ng boses ko tila may kung anong init ang sumiklab sa dibdib ko, halong gulat, tuwa, at matinding pasasalamat. Napalunok ako ng mahina. Hindi ko akalaing maririnig ko ang balitang iyon mula mismo kay Sir Jaecob.May isang kilalang kompanya kasi na magdo-donate ng bagong classroom building sa isang piling paaralan sa Zambales. Kaya’t lahat ng paaralan ay pinasulat ng proposal. Ako ang naatasang gumawa para sa amin pinagpuyatan ko iyon, bawat salita iningatan ko, bawat ideya pinanday ko mula sa puso. Isa lamang daw ang mapipili, At heto nga, kami ang napili.Kulang kasi talaga kami sa classrooms kaya ang nangyari ay shifting class kami. May pang-umaga at pang hapon na klaseSobra naming kailangan iyon. May mga estudyanteng kailangang gumising nang sobrang aga para lang makapasok, habang ang iba nama’y ginagabi na sa pag-uwi. Pati mga guro, ramdam ang bigat lalo kapag may batang naiiwan sa hapon d