Maegan
Nakatingin lang ako sa kawalan habang nandito ako at nakahiga sa kama na para bang mahuhulog mula sa kisame ang kasagutan sa lahat ng katanungan ko. Sinulyapan ko si Knight, ang stuffed toy na niregalo sa akin, six years ago, at agad ko itong niyakap.
Tinawag ko siyang Knight ever since the real Knight died in that horrible day in New York at kahit n a ilang taon na ang nakalipas, sariwa pa rin sa isipan ko ang lahat ng nangyari nung araw na yun.
“Miss na miss na kita!”sabi ko kay Knight as I hugged him closer to me
“Ang daya-daya mo naman eh! Pinakilig mo ako pero iiwan mo din pala ako!” dagdag ko pa at hindi ko nga alam kung normal pa ba ako sa ginagawa kong ito
Lahat ng nasasaloob ko, problema sa trabaho, whenever I’m happy, sinasabi ko ito lahat kay Knight. Wish ko nga sumagot siya minsan sa akin para matakot na ako sa ginagawa ko pero dahil hindi naman, nagpatuloy lang ako sa pakikipag-usap sa kanya.
“Alam mo bang may nanliligaw sa akin? Pero, wala eh! Hindi man lang siya lumapit sa iyo kaya binasted ko na agad! Ewan ko ba, tatanda na nga yata akong dalaga pero okay lang yun! At least, virgin pa ako kapag nagkita tayo!” sabi ko hanggang sa magring ang telepono ko kaya binitiwan ko si Knight at kinuha ang phone ko sa bedside table
“Yes Paul!?” sabi ko sa handler ko at nagsimula na siyang tumalak
“Teka nga! Bakit ba galit ka na naman, bakla!” tanong ko sa kanya
He is more than a handler to me but a dear friend as well kaya naman entitled ako na tawagin siyang ganun. Ilang taon na din kaming magkasama and my modelling career is a success dahil na rin sa kanya.
“Bakla ka ng taon, Maegan! Nasaan ka ba?” tanong niya sa akin kaya napakunot naman ang noo ko
“Nasa condo ako! Hmmm, hulaan ko? Nag-away na naman kayo ng jowa mong estudyante!” pang-aasar ko at nailayo ko ang telepono sa tenga ko dahil sa pagtili niya
“Paul naman! Balak mo bang basagin ang eardrums ko?” reklamo ko sa kanya
“G**a ka ba? May meeting tayo ngayon with the Vegafracia para sa contract signing mo! Nakalimutan mo na ba?” namutla ako sa sinabi ni Paul at agad akong napabangon sa kama
“Ngayon na ba yun? Akala ko bukas pa!” nagulantang din ako dahil sa ilang taon ko in this business, never akong na-late sa mga appointments dahil yan ang turo sa amin n i Daddy
Respect for the craft and respect for the people around us!
“Diyos ko Maegan! Kukulutin kita, bruha ka!” sigaw pa sa akin ni Paul
Patakbo akong pumunta sa banyo at agad akong tumapat sa shower matapos iloud speaker ang phone ko at tanggalin ang lahat ng damit ko.
“Ngayon ka lang naliligo?” inis na tanong ni Paul dahil narinig niya siguro ang lagaslas ng shower
“Maegan Blair Thompson! Alam mo ba kung ilang santo ang tinawag ko ng nakaluhod at nakadipa para lang sa iyo mapunta ang kontrata na yan?” inis na saad ni Paul pero hindi ko na siya pinansin dahil kailangan kong kumilos ng mabilis
Paglabas ko ng banyo ay nagbihis na ako agad at hindi ko na nga natuyo ang buhok ko dahil aabutin pa ako ng siyam-siyam at malamang, masakal na talaga ako ni Paul.
I booked a cab at mabuti na lang may nakuha ako agad kaya naman nagmadali na akong lumabas ng unit ko. Sa cab na nga ako nagsuklay at nung huminto ito sa stoplight ay saka lang ako nakapag face powder at lipstick.
Panay pa nga ang tingin ng driver sa akin kaya sinita ko ito lalo at nagmamadali ako.
“Kuya, sa daan ka po tumingin!”
Nagkamot naman ng ulo ang driver at nagconcentrate na nga siya sa pagmamaneho.
Pagdating ko sa address na sinabi ni Paul ay agad akong nagbayad ng taxi at tinawagan ko agad si Paul para sabihing nandito na ako.
Nakita ko ang isang high-rise building na may letter V sa tuktok kaya sure ako na doon kami pupunta dahil nga mga Vegafracia daw ang susunod kong project.
Tumakbo na ako lalo pa at kalahating oras na akong late sa appointment namin at sa entrance ng building ko nakita si Paul na imbyernang-imbyerna na sa akin.
“Sorry na!” sabi ko nung hinila na niya ako papunta sa elevator
“Diyos ko Maegan! Alam mo bang konti na lang kakainin na ako ng buhay ni Mr. Vegafracia! Galit na galit na siya dahil late ka!” pagsisimula ni Paul kaya muli akong humingi ng pasensya sa kanya lalo at alam ko na kasalanan ko naman
“Di bale, makikiusap na lang ako kay Mr. Vegafracia! Ako na ang magdadahilan!” sagot ko naman kay Paul para matigil na siya
Pagdating namin sa top floor kung saan nandoon ang opisina ni Mr. Vegafracia ay may nakaabang sa amin na isang lalaki na nakasalamin. Lumapit ito agad sa amin at bakas din ang pag-aalala sa kanyang mukha.
“Tara na kayo! Bago sumabog ang bulkan!” aniya kaya naalarma naman ako at nagmadali na din akong maglakad papasok sa opisina ng magiging boss ko
Pagpasok namin sa opisina ay may nakita akong lalaki na nakasuot ng blue na amerikana. Nakatalikod ito at nakaharap sa bintana habang nasa bulsa ang ang kanyang kamay.
Lumingon ito sa kanila at nanlamig siya nung magtama ang kanilang paningin. His eyes pierced into hers at bakas na bakas mula sa mga ito ang galit.
“Attorney, dalhin mo na sila sa conference room!” utos nito sa lalaking sumalubong sa amin kanina
Hindi ko maipaliwanag ang malakas na tibok ng puso ko buhat kanina nung magtama ang paningin namin lalo na nung marinig ko ang boses ng lalaki.
There is a sense of familiarity na hindi niya mawari at napitlag pa nga ako nung hilahin ako ni Paul palabas ng opisina.
Pagdating namin sa conference room ay naupo ako agad para ayusin ang sarili ko pero hindi ko na nagawa dahil pumasok na agad ang lalaki at padabog pa niyang sinara ang pinto kaya napatayo ako bigla.
“Take your seat!” utos nito sa amin na halos pasigaw na at nakita ko pa kung paano napapikit ang tinawag niyang attorney
He remained standing at nung mapatingin ako sa kanya ay nandoon ang galit sa mga mata niya.
“Ms. Thompson, do you know how much money have I lost because of your unprofessionalism?” sabi sa akin ng lalaki which I presumed to be Mr. Vegafracia
“I am really sorry, sir! I got caught up on something and I apologize for being late!” mapagpakumbabang sabi ko pero mukhang hindi pa niya naibubuhos lahat ang galit niya sa akin
“I won’t get back my money with that sorry of yours, Ms. Thompson! I know your father and your brother as well and it’s too bad na hindi mo yata namana ang pagiging professional nila!” sabi pa niya at doon na ako umalma
Ano ba ang karapatan niyang ikumpara siya sa tatay at kuya niya eh hindi naman siya nito kilala.
“Excuse me… hindi mo ako kilala para husgahan mo ako at sabihin na hindi ako nagmana sa tatay ko! Just because I am late for once, may karapatan ka ng insultuhin ako!” galit na sabi ko at itong si Paul ay panay ang pigil sa akin pero hindi ko siya pinansin
“For once?!” tanong pa nito sa akin kaya proud akong sumagot sa kanya
“Yes! Ngayon lang ako na-late appointment ko, Mr….”
“Mr. Lander Vegafracia!” sabi naman ng abogado sa kaya naman tama pala ako sa hinala ko
“As I was saying, ngayon lang ako na-late! At tama ka naman na hindi maibabalik ng sorry ko ang pera mo kaya sabihin mo sa akin kung magkano ang nawala at babayaran ko sa iyo!” matapang na sagot ko sa kanya and I saw him smirk
“Saka na natin pag-usapan yan, Ms. Thompson! Let’s get to the contract!” sabi nito sa akin at naupo na siya sa puno ng mesa
Inabot sa akin ng abogado ang folder pero dahil naiinis ako ay hindi ko naman ito binasa. Pakiramdam ko tuloy, minemenos ng isang ito ang isang Maegan Blair Thompson!car
“Bakit hindi natin pag-usapan ngayon, Mr. Vegafracia! I have my own money at hindi ko iyon hihingin sa parents ko! Just so you know, I am responsible at hindi ko pinapalinis sa iba ang kalat ko!” inis na sabi ko sa kanya pero tinaasan lang niya ako ng kilay
“You are wasting my time, Ms. Thompson. Gaya ng sabi ko, saka na natin pag-usapan yan. Just sign the contract so that we can carry on!” inis na sagot din sa kanya ni Lander
Kinuha niya ang ballpen sa bag niya at akmang pipirmahan na niya ito nung magsalita ulit si Lander.
“Hindi mo ba babasahin muna, Ms. Thompson?” tanong niya sa akin at dahil naunahan na ako ng inis ay hindi ko siya sinagot at si Paul ang binalingan ko
“Binasa mo na ba ito?” tanong ko sa kanya ng pabulongn at nung tumango siya ay pinirmahan ko na ito agad
Kinuha ko na din ang ibang papel na kailangan kong pirmahan saka ako tumayo dahil hindi ko na kinakaya ang ugali nitong boss ko. Siguro naman, hindi ko siya makakasama sa trabaho kaya okay lang at kailangan ko lang tiisin ang kasungitan niya ngayong araw.
Nung makapirma na ang lahat ay tumayo na kami ni Paul at nagpaalam sa kanila pero nakita ko ang pagkunot ng noo ng amo ko.
“Saan kayo pupunta?” tanong niya sa amin kaya nagkatinginan pa kami ni Paul
“Tapos na po tayo, hindi ba?” maarteng sagot ni Paul
“Nakalagay diyan sa kontrata na magsisimula ng magtrabaho si Ms. Thompson sa akin ngayon, right? Page 5?” cool na sabi nito kaya naupo ako ulit para basahin ang kontrata
At nanlaki ang mata ko kung makita ko doon ang isang clause ng kontrata na nagsasabi na magiging escort ako ni Lander Vegafracia sa lahat ng functions, parties, events etc. na pupuntahan niya.
Binalingan ko si Paul at pinandilatan ko siya ng mata.
“Akala mko ba binasa mo ito?”
“Oo! Binasa ko kaso…” pambibitin niya
“Kaso ano…”
“Hindi ko yata na-check yang part na yan?” nakangiwing sabi ni Paul and God knows, gusto ko ng himatayin sa mga oras na ito
“May problema ba, Blair?”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nung marinig ko ang pagtawag sa akin ni Mr. Vegafracia sa pangalawang pangalan ko. Si Knight lang ang tumatawag sa akin ng Blair!
At hindi siya si Knight! Sa ugali pa lang, malayong-malayo na!
“Huwag mo akong tawagin na Blair!” matigas na pahayag ko sa kanya kaya tinaasan niya ako ng kilay
“I will call you with whatever I want, Blair! Isa pa, mas gusto ko yun kesa sa Maegan! Mas madaling bigkasin at mas magandang pakinggan!
MaeganLumabas na ako ng unit ko when I received a call from Alex, saying na nasa baba na siya para sunduin ako. Simpleng dinner lang naman ito so I just wore a simple outfit para dito.Pagbaba ko ay nasa lobby na siya and he smiled nung makita niya ako.Nagbeso kami at naglakad na kami palabas ng building while his car is waiting outside. He opened the door at nakita ko na may bouquet of red roses sa upuan ng front seat. Kinuha niya muna ito at inabot sa akin kaya nagpasalamat naman ako sa kanya.Sumakay na ako sa kotse and after closing the door, he jogged around para makarating sa driver’s side ng kotse.“Saan tayo kakain?” tanong ko kay Alex and he said na may reservation na kami sa restaurant ng kaibigan niya“My preferred place ka ba, Maegan? Pwede naman tayong hindi tumuloy doon kung hindi ka okay sa place?” tanong niya asa akin pero umiling ako agad“Okay na doon, Alex! Hindi naman ako mapili sa pagkain!” sagot ko sa kanya“Okay! Sorry kasi hindi muna kita natanong!” ani Alex
MaeganItinulak ko si Lander matapos kong marinig ang mga sinabi niya. Ano ba ang trip nito sa buhay at bakit ba niya ako ginugulo?“Lander ano bang pinagsasasabi mo? Anong what’s yours?” galit na tanong ko sa kanya pero hinawakan niya agad ang mga kamay ko“You! You are mine!” he said kaya hindi ko na napigilan ang pag-igkas ng kamay ko at binigyan ko si Lander ng sampal“Wala ng sa iyo, Lander! Iniwan mo na ako! Ikakasal ka na nga diba? Pucha naman ano bang gusto mo, gawin akong kabit?” galit na saad ko at nakita ko na natahimik si LanderNung makabawi na siya sa gulat dala ng nakabibinging sampal na binigay ko sa kanya ay nagsalita na sin siya sa wakas.“Hindi ko ginusto yun, Blair!”Natawa ako ng pagak at dahil ilang beses ko na itong narinig mula sa kanya, pakiramdam ko nakakaumay na. Sinapo ko ang mukha ko with my hands at hindi ko na nga napigilang mapasigaw.“Bakit nga! Bakit kailangan mo yung gawin sa akin! Bakit hanggang ngayon, pinapahirapan mo ako, Lander! Bakit hindi mo s
MaeganWe raised a huge amount at nandito si Paul ngayon sa unit ko para na din madiscuss namin ang kailangang gawin para sa pondong nalikon namin para kina Carlo. We both decided na pumunta ng personal sa isla para naman makausap namin ang mga tao doon and my twin brother is very much willing to help. Sinabi din niya na sasama siya pag nagpunta na kami sa isla dahil sa totoo lang, mas may alam naman siya sa mga ganitong bagay.Of course we wanted to make sure that the money will be used properly para naman hindi masayang ang mga efforts namin sa pagbuo ng project na ito.Nung matapos na kami ni Paul ay nagpaalam na siya at bago nga siya umalis, ibinigay ko sa kanya ang bag na naglalaman ng mga gamit na galing kay Lander.“Pakidaan na lang sa opisina niya, Paul! Thank you so much!” sabi ko at isa-isa pa niyang tinignan ang laman ng box“Sure ka ba? Bakit mo naman kasi ibabalik pa eh binigay naman na ito sa iyo!” sabi ni Paul sa akin pero inilingan ko na siya“Just do it Paul! Kung
MaeganAfter two weeks ay nakahanda na ang lahat para sa exhibit na gaganapin sa isa sa mga hotel ng aming pamilya.Paul took care of everything at ang sabi niya, marami ang nagconfirm na pupunta kaya naman lalo akong na-excite.I know na may pupuntahang maganda ang anumang halaga na malilikom namin para sa event.Nauna na ako sa event at twenty- five paintings ang nakadisplay ngayon sa hall. Hindi nga ako makapaniwala na nagawa ko ang mga ito sa pagstay ko sa isla. Siguro dahil broken hearted ako kaya natapos ko ang mga obrang ito at sure ako na worth it ang lahat dahil sa mga deserving na tao mapupunta ang kikitain ng exhibit.Nagsimula ng mapuno ang hall at nakita ko na nandito na ang parents ko pati na ang mga elders. Lahat sila ay present para suportahan ako at ang kagustuhan kong makatulong sa mga gaya ni Carlo.I approached my elders at lahat sila ay masaya sa nakikita nila dito sa hall. Tita Maxine also commended my paintings dahil she is a painter herself. “Ang gaganda, Ma
MaeganIt took me six months more para magkaroon na ako ng lakas ng loob na bumalik sa Manila. ALam ko, marami akong tanong na daratnan doon lalo pa at nalaman na ng mga magulang ko na nandito ako sa resthouse ng pamilya at wala ako sa ibang bansa.My Mom read an article about me kaya naman tinawagan agaad ng Mommy ko si Mitchell at tinanong kung totoo ang tungkol dito. Sinabi kasi sa article na iyon that Lander ditched me at pinagpalit sa iba kaya ako nawala and I was nowhere to be found.Noong mga nakaraang buwan, walang kahit anong issue ang nakalabas dahil na din sa paggamit ni Mitchell sa kanyang mga koneksyon. Napigilan ang pagkalat ng mga balita noon at tanging ang nabasang article ni Mommy ang nakalusot.Hindi ko naman magawang sisihin si Mitchell dahil sobra sobra na ang nagawa ng kambal ko para sa akin. May sarili din siyang buhay at naiintindihan ko kung bakit nakalagpas ito sa radar niya. Lalo na ngayon na mukhang may lovelife na din siya, finally, ayon kay Hya. I heard
MaeganSinamahan ako ni Mitchell sa kumpanya ni Lander at umakyat ako agad sa opisina niya dahil desido akong makausap siya ngayong araw na ito.“Nandyan ba si Lander?” tanong ko sa sekretarya niya na kinakitaan ng gulat nung makita ako sa kanyang harapan“Ms. Maegan, hindi po muna tatanggap ng bisita si Mr. Vegafracia!” sagot nito sa akin pero hindi ko na siya pinansin at naglakad na ako papunta sa office niya“Ms. Maegan, sandali lang po!” pigil niya pa sa akin pero hindi ko siya pinansin lalo na at nandyan naman si Mitchell“Hayaan mo ng makapasok ang kapatid ko! Pag tinanggal ka ni Vegafracia, pumunta ka sa Thompson Group, bibigyan kita ng trabaho!” narinig ko pang sabi ng kambal koBinuksan ko agad ang pinto at nakita ko na nga si Lander na nakaupo sa mesa at may binabasang mga papel. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata pero agad din itong nakabawi and I saw that cold face once more, gaya nung unang beses ko siyang makita.“So totoo pala! Nakabalik ka na!” sabi ko sa kanya nu