MasukAng gabing iyon ay hindi tungkol sa pag-ibig, kundi sa kapangyarihan at pag-angkin. Ang bawat haplos ni Elias sa kanya ay tila isang check box na nasa isang kontrata, ngunit ang intensity at demand ng kanyang pagkilos ay nagpaparamdam kay Alia ng isang bagay na mas komplikado. Ang kanyang halik ay hindi matamis, kundi matindi ay tila naghahanap ng isang bagay na matagal na niyang nawala. Dama din niya ang tila pagtatangkang takasan ang isang masakit na nakaraan.
Sa gitna ng passion at init na kanilang pinagsasaluhan ay napansin ni Alia ang isang lihim na sugat sa likod ng matitigas na mata ni Elias. Sa isang sandali ng pagsuko at habang magkalapit ang kanilang mga mukha ay tila may luha ng desperasyon na nag-flash sa mga mata ng bilyonaryo. Ginagamit niya ang passion bilang kasangkapan sa kung anong nangyayari ngayon. Sa init ng sandali ay may flicker ng vulnerability na nagpapahiwatig na hindi lang si Alia ang nasasaktan sa transaction na ito.
Nang matapos ang gabi na iyon ay humiga si Alia at ramdam niya ang kirot hindi lang sa katawan kundi pati sa kanyang kaluluwa. Nagawa niya ang kanyang tungkulin ngunit sa unang pagkakataon ay nagtanong siya sa kanyang sarili. Kaya ba niyang panindigan ang role ng walang-pusong asawa, lalo na kung ang kanyang asawa ay puno ng misteryo? Ang kanyang puso ay nagsimulang mag-alinlangan dahil sa kanyang tanong.
Sinubukan ni Alia na umayon sa buhay niya bilang 'Maybahay ni Valiente.' Ito ay isang full-time job na mas nakakapagod pa kaysa sa pagpipinta nang labindalawang oras sa isang araw.
Araw-araw ay nag-aaral siya ng etiquette sa ilalim ng isang matandang consultant. Sinasanay niya ang kanyang tamang pagngiti. Ang tinatawag nilang professional na ngiti. Ang ngiting hindi aabot sa kanyang mga mata. Bawat salita niya ay kontrolado at bawat hakbang ay may grace at purpose. Ang mansion ay naging rehearsal stage niya. Ang kanyang tungkulin ngayon ay maging perpekto. Ang ideal trophy wife na magpapakita ng stability at class para sa Valiente Empire.
Sa tuwing nakikita niya si Elias na laging nakakabit ang atensyon sa kanyang tablet at spreadsheets ay nararamdaman niya ang malamig na katotohanan. Isa lang siyang magaling na actress sa isang one-year play na idinisenyo nito para sa profit.
Ang pinakamalaking pagsubok sa kanilang pagpapangap ngayon ay ang Charity Gala ng taon. Ito ay isang event na titingnan ang lahat ng kasosyo sa negosyo at media. Nasa loob ng silid si Alia ngayon at kasalukuyan siyang inaayusan para sa gala na kanilang dadaluhan.
Pinili ni Alia ang isang simple ngunit eleganteng midnight blue gown. Humarap siya sa salamin at nanibago sa kanyang itsura ngayon. Nakakapagsuot naman siya ng mga gantong kasuotan nuon ngunit ibang klase ang kalidad ng kanyang suot ngayon. Dama niya na napakamahal ng halaga nitong gown.
Isa pa ay makikita na sa kanya ang mga natutunang niyang etiquette. Hindi na siya basta artist ngayon ngunit isa ng Mrs.Valiente. Matapos pagsawain ang kanyang mata sa napakagandang itsura niya ay nagpasya na siyang lumabas ng silid.
Bumaba siya sa hagdan at nakita niya si Elias na naghihintay sa baba. Nakasuot siya ng impeccable tuxedo at sobrang gwapo niya sa suot na iyon. Ngayon nya lang nakita si Elias na ganun ang kasuotan dahil madalas at naka-business suit lamang ang lalaki.
Sa unang pagkakataon ay hindi siya nakita ni Elias bilang isang asset lamang. May mabilis na pag-scan ang kanyang mga mata. Hindi nakaligtas kay Alia ang isang sulyap ng paghanga, bago niya ito muling tinakpan ng kanyang karaniwang kawalang-emosyon na pagmumukha.
“Maganda,” tipid niyang sabi. Walang flirtation at walang kwentang compliment. Tanging magandang salita lamang na lumabas sa kanyang bibig.
“Hawakan mo ang braso ko, Alia. Tandaan mo na ang ating ganap ay isang masayang bagong kasal.” may diin na bilin nito sa kanya.
Umalis na din agad sila ng mansion nito dahil ang isang Elias Valiente ay mahigpit sa kanyang oras. Pagdating sa venue ay agad na sumalubong sa kanila ang flash ng mga camera na halos nakapalibot sa buong entrance ng venue.
Ginampanan agad ni Alia ang kanyang role nang walang bahid ng pagkukunwari. Ang kanyang tawa ay matinis at ang kanyang mga mata ay nagniningning. Sa lahat ng titingin sa kanila ay hindi magagawang magduda dahil perpekto nilang naipapakita na sila ay mag-asawa na madly in love. Hindi naman nahirapan si Alia na makihalubilo dahil sa mga training na kanyang ginawa.
Habang nasa cocktail hour sila ay may biglang lumapit. Siya ay si Doña Elena Velez, isang veteran socialite at kilalang board member sa maraming corporation. Mas lalong nag-ingat si Alia dahil isang kritiko ang donya na matalas ang dila at mapanghusga ang mata.
"Elias, darling," bati ni Doña Elena, ngunit ang kanyang tingin ay matalim na tumama kay Alia.
“Kahanga-hanga ang mabilis mong pagpapakasal. Ang ganda ng asawa mo pero sayang dahil mukhang bago siya sa sirkulo natin. A bit too young, a bit too… simplistic.”
Ang lamig ng aircon ay tila nawala sa buong silid dahil sa pagpaparinig ng donya. Naramdaman ni Alia ang pag-init ng kanyang pisngi. Ang mga salita ni Doña Elena ay parang dagger na direktang tumusok sa kanyang pagkatao. Tila ba ipinapahayad nito na isa siyang gold digger na walang class.
Gayunpaman ay kumalma siya at di nagpahalata sa tunay na nararamdaman. Sinubukan ni Alia na tumugon nang may dangal.
“May iba-ibang paraan po ng pagiging classy, Doña Elena. Ang pagpapakita ng respeto…”
Ngunit bago pa man niya matapos ang kanyang pangungusap ay humakbang si Elias at dumikit sa kanya. Ang kanyang kamay ay inilapat sa baywang ni Alia at humigpit. Ang kanyang ekspresyon ay nanatiling nakamamatay na kalmado. Pakiwari ni Alia ay hudyat iyon ni Elias upang hindi na siya magsalita pa sa bastos na kaharap.
“Ang asawa ko Doña Elena ay hindi bagay na pag-usapan ninyo sa likod ng kanyang likuran, o sa harap ng kanyang mukha,” ang malinaw at controlled na banta ni Elias. Ang kanyang boses ay hindi tumaas, ngunit ang authority nito ay nagpatigil sa lahat ng mga nagmamasid sa kanilang paligid.
“Ang bawat investment na ginagawa ko ay kalkulado. At si Alia Valiente,” mariin niyang idinagdag at sinadyang bigyan diin ang kanyang apelyido.
“Ay ang pinakamahusay na asset na kailanman ay kinuha ko. Kung mayroon kayong alinlangan sa aking desisyon, maaari nating pag-usapan iyon sa board meeting sa susunod na linggo.” may diin na dugtong niya.
Ang banta ni Elias ay hindi lamang tungkol kay Alia. Ito ay tungkol sa negosyo, tungkol sa kapangyarihan, at tungkol sa image na pilit niyang pinoprotektahan. Ngunit ang paraan ng pagbigkas niya ng 'asawa ko' ay nagbigay ng isang kakaibang jolt kay Alia. Ang kanyang depensa ay tila naging masyadong personal para maging purely business lamang.
Natahimik naman agad si Doña Elena. Ang kanyang ngiti at ang mapagmataas na tingin ay tuluyan nang nawala.
“Naiintindihan ko, Elias. Wala akong intensyon na…”
“Mabuti,” putol ni Elias sa sasabihin ni Doña Elena. Hindi siya nagbigay ng espasyo para sa paghingi ng tawad ng babae.
“Halika, Alia. Kailangan nating magpaalam sa Senator.”
Ang kamay na nasa bewang ay inilipat ni Elias sa mga palad ni Alia upang magkahawak kamay silang umalis sa harap ng mga taong nagmamata sa kanyang asawa.
Pauwi galing sa gala ay sumakay na sila sa limousine na pag-aari ni Elias. Nanatiling tahimik si Alia at bahagyang naguguluhan. Ang air conditioning sa sasakyan ay tila hindi sapat upang palamigin ang tensyon na kanyang nararamdaman.
Hanggang ngayon kasi ay hawak pa din siya ni Elias. Ramdam niya ang init ng kamay ni Elias na nakahawak sa kanyang hita. Kahit tapos na ang show nila ay hindi pa rin siya nito binitawan.
"Salamat," mahina niyang sabi habang nakatingin sa mga ilaw ng siyudad na kanilang nadadaanan. Ang paghingi ng pasasalamat ay tila isang obligasyon na kailangan niyang gawin dahilan upang bumigat muli ang kanyang pakiramdam.
“Ginagawa ko lang ang dapat kong gawin,” tugon ni Elias. Gaya ng nakasanayan ay walang emosyon iyon habang tinitingnan niya ang updates sa kanyang phone.
“Ang anumang atake sa iyo ay isang atake sa Valiente brand. Obligasyon kong protektahan ang image na binayaran ko.” dugtong pa nito na hindi na nais pa marinig ni Alia.
Ngunit bago pa niya itaas ang glass divider sa pagitan nila at ng driver ay nagtagpo ang kanilang mata sa rearview mirror ng sasakyan. Sa maikling sandaling iyon ay muling nakita ni Alia ang isang lamat. Isang mabilis na glimpse ng tunay na concern ni Elias bago nito muling tinabunan ng kanyang icy persona.
Ang tingin na iyon ay hindi basta kalkulado. Hindi iyon tungkol sa brand o shareholders na meron siya. Sa kanyang nakita ay batid niyang ito ay pagdaramdam na tinatawag na pag-aalala.
Mabilis siyang bumaling sa bintana, at ang kanyang pader ay muling itinayo. Ngunit ang flicker na iyon ay sapat na upang makita ni Alia ang posibilidad ng ibang pagkatao sa loob ng bakod nito. Tiyak niya na ito ang unang crack sa perpektong armor ni Elias na kanyang nakita.
Bahagyang napapalunok ng laway si Alia dahil kasalukuyang nasa harapan niya ang bilyonarong asawa sa papel. Ang art session nilang dalawa ni Elias ay kanilang ginagawa ngayon. Ang serye ng art sessions na iyon ay nagbigay ng kakaibang experience para kay Alia. Para sa kanya ang art session nila ay naging isang pormalisadong arena para sa kanilang psychological warfare. Tatlong beses sa isang linggo nila ginagawa ang session. Tanging ang tunog lamang ng paghampas ng brush ni Alia sa canvas at ang maingat na paghinga ni Elias ang pumupuno sa dating art gallery ni Laura. Si Alia ay gumagamit ng kulay at texture upang magtanong samantalang si Elias naman ay gumagamit ng kanyang kapangyarihan at katahimikan upang magtago.Sa loob ng maraming oras ay tinititigan ni Alia ang bawat detalye ng mukha ni Elias. Hinahanap niya ang tunay na pagkatao nito sa likod ng perpektong maskara. Ngayon lamang niya napansin na may peklat sa gilid ng kaliwang mata si Elias. Hindi iyon kasing-haba ng daliri
Matapos ang komprontasyon sa abandonadong silid, ang hangin sa Valiente mansion ay naging mas mabigat kaysa sa ginto. Hindi na magawang tumingin sa mata ng isa’t-isa kapag nagkakasalubong silang dalawa. Si Elias ay lalong naging reclusive at laging nagtatago sa kanyang opisina. Marahil ay nagtatayo siya ng mas makapal na pader sa pagitan nilang dalawa.Alam na ngayon ni Alia ang pinakamalaking sugat ni Elias, at alam ni Elias na si Alia ay vulnerable sa kanyang emosyon. Gayunpaman, ang impormasyong ito ay nagbigay ng isang unspoken power kay Alia.Isang hapon, habang nag-iisa si Alia sa grand sala ay inabutan siya ni Gino, ang trusted personal assistant ni Elias.“Ms. Alia,” magalang na sabi ni Gino. “May ipinabibigay po si Mr. Valiente.”Inabot ni Gino ang isang heavy velvet key na may antique design. Kasama nito ang isang small leather folder na may lamang mga titulo ng lupa.“Ang susi po ay access sa dating art gallery ni Mrs. Laura. Matatagpuan po iyon sa ground floor sa gilid ng
Matapos ang insidente sa charity gala ay hindi na mapakali si Alia. Ang mabilis na sulyap ng concern na nakita niya sa mga mata ni Elias ay parang isang crack sa yelo, isang glimmer ng isang tao at hindi isang robot. Ang kanyang artistic curiosity ay nagising. Ang kailangan niya ngayon ay hindi ang financial freedom, kundi ang lihim na itinatago ng bilyonaryo.Nagsimulang maging mapagmasid si Alia sa loob ng Valiente mansion. Ang bahay na ito ay kasing-lamig ni Elias ngunit may mga unwritten rules dito. Maging ang kanyang mga staff ay gumagalaw nang tahimik. Nakakainis kasi para silang mga multo. Walang pakiramdam na gaya ng kanilang amo at hindi mo din makausap.Napansin ni Alia na may isang bahagi ng bahay sa north wing ang laging tahimik at off-limits. Ni minsan ay hindi niya nakitang pumasok si Elias dito. Tanging ang head housekeeper lamang ang nagpupunta rito upang maglinis ahit pa wala naman gumagamit ng silid na iyon. Isang hapon, habang abala si Elias sa isang emergency conf
Ang gabing iyon ay hindi tungkol sa pag-ibig, kundi sa kapangyarihan at pag-angkin. Ang bawat haplos ni Elias sa kanya ay tila isang check box na nasa isang kontrata, ngunit ang intensity at demand ng kanyang pagkilos ay nagpaparamdam kay Alia ng isang bagay na mas komplikado. Ang kanyang halik ay hindi matamis, kundi matindi ay tila naghahanap ng isang bagay na matagal na niyang nawala. Dama din niya ang tila pagtatangkang takasan ang isang masakit na nakaraan.Sa gitna ng passion at init na kanilang pinagsasaluhan ay napansin ni Alia ang isang lihim na sugat sa likod ng matitigas na mata ni Elias. Sa isang sandali ng pagsuko at habang magkalapit ang kanilang mga mukha ay tila may luha ng desperasyon na nag-flash sa mga mata ng bilyonaryo. Ginagamit niya ang passion bilang kasangkapan sa kung anong nangyayari ngayon. Sa init ng sandali ay may flicker ng vulnerability na nagpapahiwatig na hindi lang si Alia ang nasasaktan sa transaction na ito.Nang matapos ang gabi na iyon ay humiga
Ngayon ang unang araw ni Alia sa buhay ni Elias Valiente. Ngayon din ang araw na lilipat siya sa mansion nito. Hindi siya excited na makarating sa palasyo nito dahil alam niya kung ano ang kanyang magiging tungkulin. Ang mansion ni Elias Valiente ay isang higanteng palasyo para sa taong sanay mag-isa. Walang kahit anong ingay na maririnig. Walang warmth dahil parang isang museyo lamang ito kung saan lahat ng bagay ay mahalaga ngunit walang buhay. Pagsapit ng gabi, ang tahimik na karangyaan ay nagpabigat lalo sa dibdib ni Alia.Ang kanyang maleta, na naglalaman lamang ng ilang simpleng damit, ay naiwan sa paanan ng master suite. Isang silid iyon na mas malaki pa sa kanyang buong art studio. Ang higaan na may canopy at silk sheets ay tila disenyo para sa isang hari at hindi para sa isang contractual couple.Hindi nagtagal ay pumasok si Elias. Nagpalit siya mula sa kanyang business suit patungo sa isang silk robe na naglantad sa matitigas na outline ng kanyang katawan. Walang salita, wa
Sa sobrang laki ng utang ng kanyang pamilya ay hindi na niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Kung anu-anong trabaho na ang kanyang pinasok bukod sa pagiging freelance artist ngunit kulang pa din. Ang totoo ay hindi nya na maalala kung paano siya nakarating sa kanyang kinaroroonan ngayon. Tinititigan ni Alia ang itim at gintong kontrata na nakalatag sa malaking mahogany table. Sa tapat niya ay nakaupo si Elias Valiente na tila gawa sa yelo at marmol ang buong pagkatao. Isang bilyonaryong hindi nagpapakita ng anumang emosyon. Ang kanyang opisina ay isang pormal at malamig na templo ng kapangyarihan.Ang opisina ni Elias ay matatagpuan sa pinakamataas na palapag ng Valiente Tower sa Makati, isang tanggapan na tila simbolo ng kanyang kalakasan at kapangyarihan. Mula sa bintanang salamin ay makikita ang paglubog ng araw sa siyudad, ngunit ang loob ay nananatiling madilim. Tanging ang mga soft lights ng table lamps ang nagbibigay-liwanag sa buong opisina. Bawat silya at bawat dekorasyon







