로그인Matapos ang insidente sa charity gala ay hindi na mapakali si Alia. Ang mabilis na sulyap ng concern na nakita niya sa mga mata ni Elias ay parang isang crack sa yelo, isang glimmer ng isang tao at hindi isang robot. Ang kanyang artistic curiosity ay nagising. Ang kailangan niya ngayon ay hindi ang financial freedom, kundi ang lihim na itinatago ng bilyonaryo.
Nagsimulang maging mapagmasid si Alia sa loob ng Valiente mansion. Ang bahay na ito ay kasing-lamig ni Elias ngunit may mga unwritten rules dito. Maging ang kanyang mga staff ay gumagalaw nang tahimik. Nakakainis kasi para silang mga multo. Walang pakiramdam na gaya ng kanilang amo at hindi mo din makausap.
Napansin ni Alia na may isang bahagi ng bahay sa north wing ang laging tahimik at off-limits. Ni minsan ay hindi niya nakitang pumasok si Elias dito. Tanging ang head housekeeper lamang ang nagpupunta rito upang maglinis ahit pa wala naman gumagamit ng silid na iyon.
Isang hapon, habang abala si Elias sa isang emergency conference call sa kanyang opisina ay naglakas-loob si Alia na pumunta sa forbidden wing ng mansion. Ang pasilyo ay mahaba at napakalabo ng mga ilaw. Ang hangin ay may bahagyang amoy ng matamis na lavender at amoy ng mga bagay na matagal nang hindi ginagalaw.
Sa dulo ng pasilyo ay agad niyang nakita ang isang pintuan. Hindi ito isang ordinaryong pintuan. Ito ay plain, walang dekorasyon, at painted over upang maging bahagi ng pader. Gayunpaman ay napansin niya ang isang maliit na lamat doon.
Agad niyang nilapitan ang pintuan ang marahan na ipinihit ang kandado nito na hindi naka-lock. Maaaring nagmamadali si Elias o sadyang hindi niya naisip na may magtatangkang pasukin ang kanyang pinakatagong sanctuary kaya hindi iyon naka-lock.
Kadiliman ng paligid ang bumungad kay Alia. Kinapa nya ang switch ng ilaw at tumambad sa kanyang mga mata ang hindi niya inaasahan. Ang nasa loob ng silid ay hindi storage room o lumang silid-tulugan. Ito ay isang perpektong nursery room, ngunit walang buhay. Ang hangin ay mabigat na tila nagdadamdam.
Ang mga dingding ay pininturahan ng soft pastel colors. Sa isang sulok ay mayroong isang maliit na crib na vintage ang design at may nakasabit na mobile na hindi gumagalaw. Sa tabi nito ay may isang worn rocking chair na may indentation sa cushion simbolo na tila may madalas umupo rito noon.
Lumapit si Alia sa isang small table. Naroon ang isang lumang sketch pad. Binuklat niya ito at nakita ang isang hindi pa tapos na guhit ng isang dalawang-taong gulang na batang babae. Ang mga linya ay soft at loving. Makikita na ang nagpinta ay isang artist na nagmamahal. Nakita niya ang isang signature sa ibaba:
'L.V. short for Laura Valiente.
Nauunawaan na ni Alia ang lahat. Hindi lang isang bata ang nawala kay Elias dahil nawala din ang kanyang asawa. Batid ni Alia na ang silid na ito ay hindi lang basta nursery room. Ito ang kanyang breathing room na tinatawag. Ang tanging lugar kung saan pinapayagan ni Elias ang sarili niyang huminga at makaramdam ng pagmamahal na malayo sa negosyo at kapangyarihan.
Sa ibabaw ng dresser ay mayroong isang framed photo nina Elias at Laura. Si Laura ay maganda at may infectious na ngiti. May hawak siyang isang paint brush habang nakahawak ang isang kamay kay Elias. Si Elias naman sa larawang ito ay nakangiti nang totoo. Hindi iyon pilit at kalkuladong ngiti na madalas nakikita ni Alia. Siya ay mas relaxed, mas human, at punong-puno ng pag-asa sa litrato.
Doon nag-umpisang umagos ang luha ni Alia. Hindi dahil sa kanyang sariling pighati kundi dahil sa sakit na nararamdaman ni Elias sa tuwing mag-isa sa silid na iyon. Napagtanto niya na ang tagapagmana na kailangan niyang ibigay kay Elias ay hindi lang para sa merger; ito ay para punan na din ang puwang na iniwan ng isang batang hindi na nabubuhay. Ang kanyang contractual duty ay literal na magiging kapalit ng isang buhay na matagal nang naglaho.
Naramdaman ni Alia ang isang presensiya sa kanyang likuran dahilan upang punasan ang mga luha na umaagos sa kanyang mukha.
“Ano ang ginagawa mo rito?”
Ang boses ni Elias ay tila kulog sa kanyang pandinig. Malalim iyon at punong-puno ng galit ang makikita sa kanyang mga mata. Hindi siya galit dahil sa paglabag sa kanyang privacy. Siya ay galit dahil nahuli siya sa kanyang pinakatatagong vulnerability.
Binitawan agad ni Alia ang photo frame na hawak at humarap kay Elias. Ang kanyang mukha ay basang-basa pa din ng luha, ngunit ang kanyang tingin ay tila nagpaparamdam kay Elias na nauunawaan niya ang lalaki.
“Elias…”
“Lumabas ka,” mariin nitong utos at ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakakuyom.
“Walang karapatan ang sinuman na pumasok dito kaya lumabas ka, ngayon din!”
Lumapit si Elias sa kanya at mararamdaman ang bigat sa bawat hakbang. Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Alia si Elias na walang kontrol. Ang icy persona ng lalaki ay parang bula na ngayon ay naglalaho. Ang tanging makikita sa kanya ngayon ay isang lalaking nasasaktan, galit, at duwag na harapin ang kanyang nakaraan.
“Bakit mo itinago ito, Elias?” tanong ni Alia. Ang boses niya ay pabulong.
“Bakit mo tinatago ang lahat ng pagmamahal na ito sa likod ng galit at negosyo?”
“Wala kang alam,” giit ni Elias, ang kanyang tinig ay nanginginig.
“Ang kontrata natin ay may panuntunan. Bawal ang damdamin o kahit anong emosyon, hindi ba? Ang lugar na ito ay ang hangganan ng aking buhay. Hindi mo ito pwedeng tapakan!”
Tiningnan ni Alia ang sketch ni Laura.
“Hindi ko ito tinatapakan, Elias. Ito ang nagbibigay-hininga sa iyo. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit kailangan mo ng tagapagmana. Hindi dahil sa stability at kundi dahil sa pag-asa na mayroon ka pa ring pagkakataong bumuo ng pamilya. Hindi ko papalitan si Laura, Elias. Hindi ko papalitan ang anak mo. Pero naiintindihan ko ang bigat ng pasan mo.”
Ang kanyang mga salita ay tumama nang husto kay Elias. Tila nanghina ang kanyang tuhod. Ang galit ay napalitan ng isang sobrang pighati. Lumabas sa kanyang bibig ang mga salitang hindi niya dapat sinabi.
“Si Laura ang naging kabayaran sa aksidenteng ako dapat ang kailangang mawala. Iniwan niya ako na may responsibilidad. Namatay ang anak namin na kasama niya,” bulong ni Elias.
Tuluyan ng nabuwag ang napakatigas na pader sa pagkatao ni Elias. Ang walang emosyon niyang mukha ay nalunod na ngayon sa luha.
“Huwag mo akong kaawaan, Alia. Hindi mo alam ang sakit na aking naramdaman. Ginagawa ko ito dahil kailangan ko ng second chance, at iyon ang papel na ginagampanan mo ngayon.”
Ang pangungumpisal na ito ay nagpabago sa lahat. Hindi na lang siya basta isang asset nito. Tiyak niya na naging isang kasangkapan na siya ngayon para sa redemption ni Elias. Ang kontrata na kanyang pinirmahan ay hindi na lang basta transaksyon. Ito ay life-saving operation para sa kaluluwang durog ng bilyonaryo.
Hinila ni Elias si Alia palabas ng silid. Mabilis niyang isinara at ini-lock ang pinto hudyat na tila muli niyang ikinadena ang kanyang puso.
"Huwag na huwag kang babalik dito," huling banta niya. Ang kanyang tingin ay puno ng sakit at babala.
"Huwag mong subukang alamin pa ang tungkol sa akin, dahil yun ang magiging katapusan mo..at ng ating kontrata."
Ngunit huli na ang lahat. Nakita na ni Alia ang tunay na kalikasan ng kanyang asawa. Iisang lalaking wasak ang pagkatao. Hindi cold na gaya ng madalas niyang nakikita sa kanya.
Matapos ang matagumpay na media campaign na inilunsad ni Alia gamit ang kanyang masterpiece na "The Burden of Honor," ay pansamantalang naghari ang katahimikan sa Valiente Mansion. Ang portrait ay naging pambansang usapin dahil binago nito ang image ni Elias mula sa isang walang-pusong tycoon tungo sa isang nagsisising lalaki na nalunod sa guilt ng pag-ibig. Ang art ay naging isang sumpa at isang panalangin. Isang sumpa dahil ibinunyag nito ang vulnerability ni Elias, ngunit isang panalangin dahil ito ang nagligtas sa Valiente Corporation mula sa imminent collapse.Si Elias ay hindi na bumalik sa kanyang dating cold na persona. Ang kanyang pag-amin kay Alia tungkol sa pagkamatay ni Laura ay tila isang malaking bato na inalis sa kanyang balikat, ngunit ang bigat ng pagiging responsible sa trahedya ay nanatili. Sa tuwing nagkikita sila ni Alia sa dining table ay wala na ang mga maskara na matagalk na nagtago sa kanilang dalawa. Sa ngayon ay magkasanib na guilt at kakaibang partnership
Ang art studio sa Valiente Mansion ay naging kanilang kulungan at sanctuary sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi. Ang kontrata na kanilang nilagdaan ay pansamantalang nawala dito at ang tanging nag-uugnay sa kanila ngayon ay ang puting canvas na nakatayo sa gitna. Tinanggal ni Elias ang kanyang armor ng pagiging CEO at isinuot ang mask ng isang lalaking sinira ng guilt.Si Elias ay kasalukuyang nakaupo sa isang matanda at lumang leather armchair. Tila siya ay isang nasirang monumento na pilit pa ring nagtatayo ng kanyang sarili. Sa loob ng maraming oras ay nanatili siyang tahimik at ang kanyang katawan ay kalmado, ngunit ang kanyang mga mata ay parang dalawang malalim na balon na puno ng pighati. Ang perpektong muse para sa isang masterpiece ng pagdurusa na nais iguhit ni Alia.Si Alia naman ay ganap na focused at walang-takot ay nagtatrabaho ng walang-tigil. Ang kanyang mga kamay ay gumagalaw ng may awtoridad at bilis. Ang charcoal ay naglalabas ng mga anino ng kasalanan sa canvas
Ang library ng Valiente mansion ay nanatiling tahimik dahil sa mga kasalukuyang nangyayari. Ang bigat ng katotohanan ay mas mabigat pa sa mga mamahaling aklat na nakahanay sa mga shelves na nakadikit sa dingding. Sa isang malaking mahogany table ay nakasalansan ang mga conflicting evidence: Ang lihim na journal ni Laura, ang detalyadong financial reports ng fraud, at ang opisyal na Police Report na nagsasabing ang pagkamatay ay isang solitary vehicular accident. Sa pagitan ng mga documents na ito ay nagkatinginan sina Alia at Elias. Ang kanilang bargain ay naselyuhan ng katotohanan para sa pag-asa.Si Elias ay nakatayo pa at ang kanyang posture ay matigas pa rin, ngunit ang kanyang mga mata ay parang dalawang sugatang animal na nakulong. Si Alia naman ay nakaupo at ang journal ay mahigpit niyang hawak. Sa ngayon ay hindi na siya ang babaeng may utang dahil siya na ang Judge at ang Confessor.“Umupo ka, Elias,” utos ni Alia. Gamit ang kanyang pangalan ng may isang finality na nagpapah
Pagkatapos ng pagtuklas ni Alia sa journal ni Laura ay nagbago ang kanyang pakikitungo kay Elias. Hindi na iyon nababalot ng takot kundi ng tunay na galit at matinding pagdududa. Hindi lamang isang simpleng journal ang hawak niya ngayon dahil tila isa itong bomba na inihagis sa gitna ng kanilang contractual marriage. Malaking tulong ang journal na ito sa kung ano ang nais niyang malaman tungkol kay Elias at Laura, maging ang dahilan sa pagbabalik ni Andrea.Bawat pahina ng journal ay nagpapahiwatig na si Elias ay hindi lamang nagtatago ng isang masakit na alaala, kundi isang posibleng krimen na ginagamit ang kanyang buhay at ang buhay ng kanyang magiging anak bilang shield sa publiko. Ang bawat haplos at halik ni Elias ay naging kasangkapan upang panatilihin siyang tahimik. Ito ay hindi upang ipahayag ang kanyang damdamin. Sa mata ni Alia, si Elias ay isang lalaking nag-aalab sa guilt at kapangyarihan at kailangan niyang makawala sa kahit na anong paraan.Ang bigat ng impormasyong dal
Hindi nagising si Alia dahil sa ingay, kundi dahil sa bigat ng alaala ng nakaraang gabi. Ang silid niya ay tahimik at naliligo sa sinag ng umaga ngunit ang kanyang isip ay maingay at tila naliligalig. Pakiramdam niya ay hindi pa nawawala sa kanyang balat ang init ng pagdikit ni Elias sa kanya habang nagsasayaw sa dance floor. Ang pagnanasa na hindi niya mapigilan nang oras na iyon at ang nag-aalab na banta ng mainit na hininga ni Elias sa kanyang tainga. Ngunit ang pinakamabigat sa lahat ng kanyang nararamdaman ngayon ay ang sulyap ng babaeng nakaitim, si Andrea na dumagdag sa bagabag ng kanyang puso.Batid ni Alia sa kanyang sarili na hindi siya nagkamali. Dama niya ang galit sa mga mata ni Andrea ay totoo. Madilim man ang kinaroroonan niya nung panahong iyon ngunit batid ni Alia na totoo ang kanyang nakita. Ang mabilis na pagkawala ni Andrea sa kanyang paningin ay tila nagpapatunay lamang sa kanyang matagal na hinala. Si Elias ay may itinatagong malaking lihim tungkol sa kanyang nak
Bahagyang napapalunok ng laway si Alia dahil kasalukuyang nasa harapan niya ang bilyonarong asawa sa papel. Ang art session nilang dalawa ni Elias ay kanilang ginagawa ngayon. Ang serye ng art sessions na iyon ay nagbigay ng kakaibang experience para kay Alia. Para sa kanya ang art session nila ay naging isang pormalisadong arena para sa kanilang psychological warfare. Tatlong beses sa isang linggo nila ginagawa ang session. Tanging ang tunog lamang ng paghampas ng brush ni Alia sa canvas at ang maingat na paghinga ni Elias ang pumupuno sa dating art gallery ni Laura. Si Alia ay gumagamit ng kulay at texture upang magtanong samantalang si Elias naman ay gumagamit ng kanyang kapangyarihan at katahimikan upang magtago.Sa loob ng maraming oras ay tinititigan ni Alia ang bawat detalye ng mukha ni Elias. Hinahanap niya ang tunay na pagkatao nito sa likod ng perpektong maskara. Ngayon lamang niya napansin na may peklat sa gilid ng kaliwang mata si Elias. Hindi iyon kasing-haba ng daliri







