Share

CHAPTER 13

Payapa namang nakarating sa isang mamahaling Five Star Hotel sina Angelo, Athena at Ram nang umagang iyon. Agad silang tumuloy sa kwartong nakalaan para sa kanila. Hiwa-hiwalay sila ng kwarto, magkatapat ng kwarto si Athena at Angelo samantalang sa gilid ng kwarto ni Athena ay doon naman ang tinutuluyang silid ni Ram.

ATHENA'S POV

Pagkapasok ko pa lamang ng aking mga paa sa mamahaling kwartong iyon ay mababakas na agad ang karangyaan sa bawat sulok niyon. Isang Queen size na kama na may puti at peach na kobre kama ang sumalubong sa akin, kulay peach din maging ang animo'y balahibong carpet na nakalatag sa sahig. Ang kurtina ay nababahiran din ng pinaghalong puti at peach na mas nagpaganda sa silid. Gayundin ang isang salaming lamesa na may lampshade na nakalagay sa kaliwa at kanang bahagi ng kama na mas nagpatingkad sa karangyaan ng kwartong iyon. Sa harap nito ay mayroong isang malaking salamin na isa palang cabinet na paglalagakan ng gamit ng sinumang ookupa sa silid. Sa pinakadu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status