Home / Romance / The Boss CEO's Contract Lover / Chapter 4 — Ang Sikretong Hindi Ko Alam

Share

Chapter 4 — Ang Sikretong Hindi Ko Alam

Author: Judith
last update publish date: 2026-10-08 08:10:30

Elena's POV

Seryoso ang tono ng pananalita ni Sir Adrian, na tila may mahalaga siyang ipinaliliwanag sa akin.

“Kailangan ni Lucas ng isang ina. Isang ina na magpapabago ng buhay niya. Kailangan niya ng makakasama hanggang sa kanyang paglaki.”

Labis ang aking pagkagulat kaya nabitawan ko ang ballpen na hawak ko.

“Sir, bakit kailangan ako? Bakit kailangan ako ang maging mommy ni Lucas?”

Hindi agad sumagot si Sir Adrian. Ilang segundo siyang nanatiling tahimik bago siya marahang naupo sa kanyang upuan.

“Dahil ikaw ang taong pinagkakatiwalaan ko, Elena.”

“Pero Sir, secretary ninyo lang po ako.”

“Hindi lang secretary ang tingin ko sa iyo.”

Napatingin ako sa kanya.

“Sa lahat ng taon na nagtatrabaho ka sa kompanya, hindi kita nakitang nagsinungaling, nang-abuso ng tiwala o gumawa ng bagay na maaaring makasira sa kompanya. Alam kong responsable ka.”

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o lalo lamang kakabahan sa sinabi niya.

“Pero hindi ibig sabihin noon ay kaya ko nang maging ina ni Lucas.”

“Hindi ko hinihingi na maging perpekto kang ina.”

“Kung ganoon, ano po ang gusto ninyo sa akin?”

“Gusto kong maramdaman ni Lucas na may taong nandiyan para sa kanya.”

Napayuko ako.

Muli kong naalala ang batang unang tumakbo papunta sa akin. Hindi ko malilimutan ang saya sa mukha niya nang tawagin niya akong mommy.

Hindi ko pa man siya lubusang kilala, tila may bahagi na sa akin na naaawa sa kanya.

“Alam mo ba kung bakit ako pumayag sa ganitong kasunduan?” tanong ni Adrian.

Umiling ako.

“Dahil gusto kong magkaroon ng pagkakataon si Lucas na magkaroon ng normal na pamilya. Hindi ko kayang ibigay sa kanya ang lahat habang palagi akong abala sa trabaho.”

Tahimik akong nakinig.

“Hindi ko rin gustong lumaki siyang pakiramdam niya ay mag-isa siya.”

Bigla akong napaisip sa mga bagay na maaaring mangyari.

Paano ang trabaho ko? Paano ang pangarap kong magkaroon ng sariling pamilya? Paano kung kailangan kong tanggapin si Lucas na parang sarili ko nang anak?

“Hindi ko nakikita ang sarili ko na magkaroon ng batang makakasama. Hindi pa ito kasama sa plano ko.”

“Kung mangyayari iyon, tila magiging malaking pagbabago ito sa mga pinaplano ko.”

Tumayo si Sir Adrian at lumapit sa malaking bintana ng kanyang opisina.

“Hindi kita pipilitin, Elena. Kung sa tingin mong hindi mo kaya, maaari nating itigil ang usapan ngayon.”

Napatingin ako sa kanya.

“Pero kung tatanggapin mo ito, gusto kong malaman mong hindi kita pababayaan.”

Hindi ko alam kung bakit tila gumaan nang kaunti ang pakiramdam ko sa sinabi niya.

Gayunpaman, hindi pa rin mawala ang pag-aalinlangan ko.

Kung hindi ko pipirmahan ang kontrata, malaking bagay rin ang mawawala sa akin—tulad ng stable na trabaho na matagal ko nang pinapangarap at ang pagkakaroon ng magandang kinabukasan.

Ilang minuto akong tahimik na nakatingin sa kontrata.

Tatlong taon.

Tatlong taon lamang ang kailangan kong harapin.

Hindi ko kailangang isipin ang buong buhay ko. Kailangan ko lamang isipin kung kaya kong harapin ang susunod na tatlong taon.

Napatingin ako kay Sir Adrian.

“Kung sakaling pumayag ako, Sir Adrian, sigurado po ba kayong susundin ninyo ang lahat ng nasa kontrata?”

“Oo.”

“Walang ibang kondisyon na hindi ninyo sinabi sa akin?”

“Wala.”

“At pagkatapos ng tatlong taon?”

“Malaya ka na.”

Muli akong napatingin sa kontrata.

Marahil tama siya.

Hindi naman magiging hadlang si Lucas kung magiging bahagi siya ng buhay ko sa loob ng tatlong taon. Mabilis lamang ang tatlong taon.

Huminga ako nang malalim.

“Tama! Hindi naman magiging hadlang si Lucas kung magiging bahagi siya ng buhay ko sa loob ng tatlong taon. Mabilis lamang ang tatlong taon.”

Hinawakan ko ang ballpen at tuluyan ko nang pinirmahan ang kontrata.

Sa sandaling matapos ang aking pirma, tila may malaking pagbabago sa buhay ko.

Ibinaba ko ang ballpen at matagal na tinitigan ang aking pirma.

Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko.

Pero tapos na.

“Simula ngayon, kailangan na nating ayusin ang lahat,” sabi ni Adrian.

Tumango ako.

“Sa mga darating na araw, pag-uusapan naman natin kung paano ang pagkikita mo sa aking pamilya at kay Lucas. Aayusin natin ang lahat ng kailangan at sisiguraduhin kong hindi ka mahihirapang magpanggap.”

“Paano po ang pamilya ninyo?”

“Hindi magiging madali.”

Napatigil ako.

“Bakit po?”

“Dahil hindi lahat sa kanila ay matutuwa na bigla akong magpapakilala ng asawa.”

Mas lalo akong kinabahan.

“May problema po ba sila sa akin?”

“Hindi ikaw ang problema, Elena. Ang problema ay baka may mga taong magtanong kung bakit biglaan ang lahat.”

Napabuntong-hininga ako.

Hindi ko alam kung anong klaseng pamilya ang papasukin ko.

Hindi ko rin alam kung paano nila ako tatanggapin.

At higit sa lahat, hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang kasinungalingang ginawa namin para lamang matupad ang kontrata.

“Elena.”

Napatingin ako kay Adrian.

“May isa pa akong kailangang sabihin sa iyo.”

“Ano po iyon?”

“Sa pagkikita mo sa pamilya ko, kailangan mong maging handa.”

“Handa saan?”

“Dahil hindi lamang sila ang makikilala mo.”

Nagtataka akong tumingin sa kanya.

“Makikilala mo rin ang mga taong bahagi ng buhay ko bago pa tayo nagkaroon ng ganitong kasunduan.”

Hindi ko na alam kung ano ang ibig niyang sabihin.

Matapos ang lahat ng usapan namin ni Sir Adrian at ang pagpirma ko sa kontrata, may sinabi siya na nagbigay muli ng kaba sa aking dibdib.

“Elena, sa pagkikita mo sa aking pamilya, iyon din ang araw na magsisimula kang tumira sa aking bahay. Ito ang simula ng lahat ng nasa kontrata natin.”

Wala akong nasambit na salita.

Napatitig na lamang ako sa kanya nang matagal habang malakas ang tibok ng aking dibdib.

Sa araw na iyon, hindi ko pa alam na ang paglipat ko sa bahay ni Adrian ang magiging simula ng mga bagay na tuluyang magbabago sa buhay naming lahat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Boss CEO's Contract Lover   Chapter 7 — Ang Lihim na Hindi Dapat Malaman

    Elena’s POVAgad kong napansin ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon ni Sir Adrian. Tila bigla siyang nanlamig at nabahala sa mga narinig niya mula sa kabilang linya.Lumayo pa siya sa akin upang ipagpatuloy ang kanilang pag-uusap.Napakunot-noo ako.Bakit hindi ko puwedeng marinig ang usapan nila? Sino ba ang kausap niya? At bakit ganoon na lamang ang tila pagpapaalala nito kay Sir Adrian?Makalipas ang ilang sandali, ibinaba na ni Adrian ang kanyang cellphone.Hindi ko na napigilang magtanong.“A-ahm… Sir Adrian, sino po iyon? Ano po ang ibig niyang sabihin tungkol sa pagpapakasal? At bakit alam na alam niya ang tungkol sa kontratang pinirmahan ko?”Tumingin siya sa akin nang ilang segundo bago sumagot.“Wala iyon, Elena. Hindi mo muna kailangang malaman kung sino ang kausap ko at kung ano ang alam niya tungkol sa kasal.”“P-pero, Sir Adrian…” Naglakas-loob akong magsalita. “Bahagi ako ng plano mo. Pumirma ako sa napag-usapan natin. Hindi ba dapat alam ko rin ang totoo?”Hindi agad

  • The Boss CEO's Contract Lover   Chapter 6 — Ang Unang Pagsubok ni Elena Bilang “Asawa” at “Mommy”

    Elena’s POVNagising ako sa tunog ng aking alarm clock.Napapikit muna ako at ilang segundo lamang akong nakahiga bago ko tuluyang naalala kung nasaan ako.Grabe… hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na ako sa bahay ng boss ko.At hindi lang iyon.Pagmulat ko ng mga mata, isang bata ang katabi ko.Si Lucas.Dati, kahit anong oras ako gumising kapag wala akong trabaho. Minsan ay gusto ko pang matulog nang matagal at magpahinga buong araw. Pero ngayon, mukhang hindi ko na yata magagawa ang lahat ng iyon.Napabalikwas ako nang bigla kong marinig ang isang pamilyar na tinig.“Mommy!”Napatingin ako kay Lucas. Gising na pala siya.Tila natural na lamang para sa kanya ang pagtawag sa akin ng “Mommy.” Hindi ko rin nakikita na nahihiya siya sa pagyakap sa akin o sa pagtawag niya sa akin ng ganoon.Biglang may narinig akong bahagyang pag-ubo.“Hmm.”Napalingon ako.Si Sir Adrian.Nakatayo siya sa may pintuan at seryosong nakatingin sa amin ni Lucas. Wala siyang imik. Tila nagmamasid lamang

  • The Boss CEO's Contract Lover   Chapter 5 — Ang Unang Araw sa Bahay ni Adrian

    Elena's POVAlas-sais ng umaga nang magmadali akong ayusin ang ilang gamit na dadalhin ko sa bahay ni Sir Adrian. Ito kasi ang unang araw na makikilala ko ang pamilya niya, at dito rin magsisimula ang buhay na pinasok ko dahil sa kontratang pinirmahan ko.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang inaayos ang mga gamit ko. Excited ba ako? O natatakot? Hindi ko rin alam.Paulit-ulit kong tinitingnan ang mga damit na inilalagay ko sa maleta. Ilang beses kong iniisip kung tama ba talaga ang desisyong ginawa ko. Hindi naman ako pinilit ni Sir Adrian. Ako mismo ang pumirma sa kontrata.Pero iba pala ang pakiramdam kapag oras na para gawin na ang lahat ng nakasulat doon.Huminga ako nang malalim bago isinara ang maleta.“Okay, Elena. Kaya mo ’to.”Saktong bubuksan ko pa lamang ang pintuan ng inuupahan kong bahay nang may dumating na sasakyan. Pinasundo ako ni Sir Adrian sa isa sa kanyang mga bodyguard.Napakaganda ng sasakyan at tila napakamahal nito. Hindi ko maiwasang mapatingin sa

  • The Boss CEO's Contract Lover   Chapter 4 — Ang Sikretong Hindi Ko Alam

    Elena's POVSeryoso ang tono ng pananalita ni Sir Adrian, na tila may mahalaga siyang ipinaliliwanag sa akin.“Kailangan ni Lucas ng isang ina. Isang ina na magpapabago ng buhay niya. Kailangan niya ng makakasama hanggang sa kanyang paglaki.”Labis ang aking pagkagulat kaya nabitawan ko ang ballpen na hawak ko.“Sir, bakit kailangan ako? Bakit kailangan ako ang maging mommy ni Lucas?”Hindi agad sumagot si Sir Adrian. Ilang segundo siyang nanatiling tahimik bago siya marahang naupo sa kanyang upuan.“Dahil ikaw ang taong pinagkakatiwalaan ko, Elena.”“Pero Sir, secretary ninyo lang po ako.”“Hindi lang secretary ang tingin ko sa iyo.”Napatingin ako sa kanya.“Sa lahat ng taon na nagtatrabaho ka sa kompanya, hindi kita nakitang nagsinungaling, nang-abuso ng tiwala o gumawa ng bagay na maaaring makasira sa kompanya. Alam kong responsable ka.”Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o lalo lamang kakabahan sa sinabi niya.“Pero hindi ibig sabihin noon ay kaya ko nang maging ina ni Lucas.”“H

  • The Boss CEO's Contract Lover   Chapter 3 — Ang Kondisyong Hindi Ko Inaasahan

    Elena's POVPagbukas ko ng kontrata, binasa ko ang mga ordinaryong kondisyon. Ngunit may isang kondisyon dito na labis na nagpalito sa aking isipan—isang malaking responsibilidad na hindi ko inaasahan.Labis ang kaba ng dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa kondisyong nabasa ko.Tumingin ako kay Sir Adrian. Wala itong kibo at hinihintay lamang ang aking pasya.“Sir, bakit kasama po ito sa kontrata? Hindi po ba nagkamali lamang kayo?”Hindi agad sumagot si Sir Adrian. Sa halip, marahan siyang napabuntong-hininga at tumingin sa dokumentong hawak ko.“Hindi iyon pagkakamali, Elena.”Napatingin ako sa kanya.“Kung ganoon, bakit po kailangan itong isama? Hindi ko po yata kayang gawin ang nakasulat dito.”“Alam kong mahirap para sa iyo. Kaya hindi kita pipilitin.”Tahimik akong napatingin sa kontrata. Habang binabasa ko ang bawat salita, mas lalo kong nararamdaman ang bigat ng desisyong kailangan kong gawin.“Si Lucas ay isang matalino at mapagmahal na bata. Lumaki s

  • The Boss CEO's Contract Lover   Chapter 2 — Ang Kontrata

    Elena's POVNagulat ako sa narinig ko at tila hindi ko maunawaan ang mga nangyayari. Ano ba ang ibig sabihin ng batang iyon?Napatingin ako kay Sir Adrian, ngunit seryoso ang mukha nito. Kaya tuluyan na akong umalis, ngunit patuloy pa ring naguguluhan ang isip ko tungkol sa proposal na iyon ni Sir Adrian.Habang nasa elevator ako, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ng bata.“Uncle, siya na ba ang magiging mommy ko?”Bakit niya iyon sinabi?Hindi ko maiwasang mapaisip. Hindi naman maaaring basta na lamang magsabi ang isang bata ng ganoong bagay. Sigurado akong may dahilan kung bakit ganoon ang tawag niya sa akin.Pagdating ko sa opisina ko, umupo ako at napabuntong-hininga na lamang dahil sa mga nangyari. Iniisip ko pa rin ang proposal niya at ang batang lumapit kay Sir Adrian.Sino ba ang batang iyon? At bakit ganoon na lamang ang pagmamahal ni Sir Adrian sa kanya?Sinubukan kong magtrabaho upang mawala sa isip ko ang mga nangyari, ngunit hindi ko magawang magpokus.Sa tuw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status