หน้าหลัก / Romance / The Boss CEO's Contract Lover / Chapter 5 — Ang Unang Araw sa Bahay ni Adrian

แชร์

Chapter 5 — Ang Unang Araw sa Bahay ni Adrian

ผู้เขียน: Judith
last update วันที่เผยแพร่: 2026-10-08 08:11:04

Elena's POV

Alas-sais ng umaga nang magmadali akong ayusin ang ilang gamit na dadalhin ko sa bahay ni Sir Adrian. Ito kasi ang unang araw na makikilala ko ang pamilya niya, at dito rin magsisimula ang buhay na pinasok ko dahil sa kontratang pinirmahan ko.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang inaayos ang mga gamit ko. Excited ba ako? O natatakot? Hindi ko rin alam.

Paulit-ulit kong tinitingnan ang mga damit na inilalagay ko sa maleta. Ilang beses kong iniisip kung tama ba talaga ang desisyong ginawa ko. Hindi naman ako pinilit ni Sir Adrian. Ako mismo ang pumirma sa kontrata.

Pero iba pala ang pakiramdam kapag oras na para gawin na ang lahat ng nakasulat doon.

Huminga ako nang malalim bago isinara ang maleta.

“Okay, Elena. Kaya mo ’to.”

Saktong bubuksan ko pa lamang ang pintuan ng inuupahan kong bahay nang may dumating na sasakyan. Pinasundo ako ni Sir Adrian sa isa sa kanyang mga bodyguard.

Napakaganda ng sasakyan at tila napakamahal nito. Hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid habang inilalagay ng bodyguard ang mga gamit ko sa likod.

“Ma’am Elena, ihahatid ko po kayo sa bahay ni Sir Adrian,” magalang niyang sabi.

“Salamat.”

Tahimik lamang ako sa buong biyahe. Habang papalayo kami sa lugar na nakasanayan ko, lalo kong nararamdaman ang bigat ng desisyong ginawa ko.

Dati, ang iniisip ko lamang ay kung paano ko mapapanatili ang trabaho ko at kung paano ko matutulungan ang sarili ko. Ngayon, kailangan ko nang manirahan sa bahay ng boss ko at gampanan ang papel na asawa nito.

Dumating kami sa bahay ng boss ko nang alas-otso ng umaga. Hindi naman masyadong malayo ang biyahe mula sa bahay ko papunta sa bahay niya.

Laking gulat ko nang bumaba ako sa sasakyan.

Isang napakalaking bahay ang bumungad sa akin, na tila isang palasyo. Napakaaliwalas ng bahay ni Sir Adrian. Malinis at maayos ang bawat sulok, at hindi ko lubos maisip na silang dalawa ni Lucas lamang ang nakatira rito.

May malawak na hardin sa harap, malalaking bintana at isang eleganteng pintuan na agad nagbigay sa akin ng ideya kung gaano kayaman ang pamilya ni Adrian.

Labis ang paghanga ko sa aking mga nakita. Gayunpaman, hindi rin maalis ang kaba sa dibdib ko.

Ngayong araw ang pagkikita namin ng pamilya ni Sir Adrian.

Ano kaya ang mangyayari?

Matatanggap kaya nila ako?

Bigla akong napatingin sa pintuan ng bahay nang tawagin ako ni Sir Adrian at pinapasok sa loob.

“Halika.”

Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko.

Sa sandaling iyon, tila mas naging totoo ang lahat ng nangyayari.

Kung may ibang taong makakakita sa amin, iisipin nilang isa talaga kaming mag-asawa.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang hawakan niya ang kamay ko.

Habang papasok kami sa loob ng bahay ni Sir Adrian, may isang maliit na yabag na mabilis na tumatakbo papalapit sa amin. Tila excited ito habang sinisigaw ang mga katagang:

“Uncle! Si Mommy ko na ba ang kasama mo?”

Nagulat ako sa narinig ko.

Kahit alam kong kasama ito sa kontrata, tila hindi pa rin handa ang isip ko sa mga naririnig ko.

Biglang yumakap sa akin si Lucas at pilit na nagpapabuhat.

“Mommy!”

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Napakalambing niyang bata at tila sabik na sabik sa pagmamahal ng isang ina.

Naantig ang aking puso.

Binuhat ko si Lucas. Hinalikan niya ang pisngi ko bago nagsalita.

“Mommy, dito ka na ba talaga titira? Palagi na ba tayong magkasama, Mommy?”

Hindi ako makapagsalita.

Tanging ngiti na lamang ang naibigay ko kay Lucas.

“Oo. Dito muna ako titira,” mahina kong sagot.

“Yehey!”

Masayang-masaya si Lucas at mahigpit na yumakap sa akin.

Napatingin ako kay Adrian. Tahimik lamang siya habang pinagmamasdan kami.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.

“Lucas, bumaba ka muna. Ipapakita ko muna sa Mommy mo ang magiging silid natin.”

Agad namang bumaba si Lucas at tumakbo sa loob ng bahay.

Sumunod ako kay Adrian hanggang sa ikalawang palapag.

Napatingin ako sa bawat sulok ng kuwarto. Napakalaki nito, mas malaki pa kaysa sa bahay na inuupahan ko.

“Elena, ito ang magiging kuwarto natin. Hinati ko ang kuwartong ito para magkaroon ka ng sariling privacy. Dito ka sa kama, at ako naman sa kabilang bahagi ng kuwarto. Malaya kang gawin ang mga bagay na gusto mo kahit nasa iisang silid tayo.”

Tumango ako.

Maayos ang pagkakahati ng kuwarto. May sapat na espasyo para hindi kami mag-abala sa isa't isa.

“Salamat,” sabi ko.

“Hindi mo kailangang magpasalamat. Bahagi iyon ng napagkasunduan natin.”

Muli akong napaisip tungkol sa kontrata.

Isang kontrata.

Iyon ang paulit-ulit kong ipinapaalala sa sarili ko.

“Isang bagay lang ang kailangan mong tandaan,” pagpapatuloy ni Adrian. “Kailangan nating magpanggap na totoo ang relasyon natin, lalo na sa harap ng pamilya ko at kay Lucas. Siyempre, pati na rin sa mga kasambahay.”

“Maiintindihan ko.”

“Kung may hindi ka komportable, sabihin mo agad sa akin.”

Tumango na lamang ako habang iniisip ang mga sinabi niya.

Sa araw na iyon, ipinakita niya sa akin ang iba't ibang bahagi ng bahay. May malaking sala, dining area, library at isang malawak na hardin sa likod.

Lahat ay tila perpekto.

Pero sa likod ng lahat ng iyon, alam kong may isang bagay na hindi ko pa lubos na nauunawaan—ang magiging buhay ko sa loob ng bahay na ito.

Kinabukasan, huli na akong nagising.

Pagmulat ko ng mga mata, napatingin agad ako sa orasan.

“Diyos ko! Alas-nuwebe na!”

Mabilis akong bumangon.

Nakalimutan kong wala na pala ako sa dati kong bahay at hindi na ako kailangang pumasok sa opisina nang ganoong oras.

Ngunit bago pa ako makapag-isip nang maayos, narinig ko ang isang batang tumatawag mula sa labas.

“Mommy!”

Napabuntong-hininga ako.

Mukhang wala nang tahimik na umaga sa buhay ko.

Paglabas ko ng kuwarto, wala na si Sir Adrian. Bumaba ako upang malaman kung nasaan siya at kung ano ang nangyayari sa ibaba.

Nakita ko si Sir Adrian na nakaupo sa isang sofa malapit sa kusina. May hawak siyang ilang dokumento at tila abala sa pagbabasa.

Samantala, si Lucas naman ay agad na tumakbo papunta sa akin.

“Mommy! Gutom na ako.”

Napangiti ako.

“Halika. Kakain na tayo.”

Dinala ko siya sa isang mesa. Nakahain ang napakaraming pagkain.

Sinubuan ko si Lucas, ngunit ayaw niyang kumain ng gulay.

“Lucas, kahit kaunti lang.”

“Hindi ko gusto ’yan.”

“Pero kailangan mong kumain ng gulay para lumakas ka.”

Umiling siya.

Napatingin ako kay Adrian na tahimik lamang na nakamasid.

“Bakit parang sanay siyang hindi pinipilit?” tanong ko.

“Dahil madalas siyang nasusunod,” sagot ni Adrian.

Napatingin ako sa kanya.

“Then kailangan nating baguhin iyon.”

Bahagyang ngumiti si Adrian.

“Good luck.”

Napakunot-noo ako.

Parang alam niyang mahihirapan ako.

At tama nga siya.

Matapos ang pagkain, gusto ni Lucas na maglaro kami. Naglaro kami sa sala, pagkatapos ay nagpunta sa hardin.

Hindi ko namalayan na lumipas na pala ang oras.

Nang tanghali, sinubukan ko siyang patulugin.

Pero napakahirap pala niyang patulugin.

“Lucas, matulog ka muna.”

“Hindi pa ako inaantok.”

“Pero kailangan mong magpahinga.”

“Mommy, laro muna tayo.”

“Bukas na lang.”

“Ngayon na!”

Napahawak ako sa noo ko.

“Grabe ka rin, ano?”

Tumawa si Lucas.

Sa huli, napagod siya sa kakalaro at unti-unti ring nakatulog.

Umupo ako sa tabi niya at ilang sandali ko siyang pinanood.

Doon ko napagtanto na hindi lamang pala kontrata ang hawak ko.

May isang batang umaasa sa akin—isang batang nangangailangan ng kalinga at pagmamahal.

Hindi ko alam kung kaya ko ba ang responsibilidad na iyon.

Pero ayokong biguin si Lucas.

Dumating ang gabi at oras na ng pagtulog.

Matapos kong makapagbihis, inayos ko ang ilang gamit ko sa kuwarto. Tahimik ang buong bahay.

Akala ko ay magiging payapa na ang gabi.

Ngunit ilang minuto lamang ang lumipas nang bumukas ang p***o.

Tumakbo si Lucas papasok sa silid namin ni Sir Adrian.

“Mommy!”

“Bakit, Lucas?”

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

“Dito ka na ba talaga titira?”

“Oo.”

“Palagi na ba tayong magkasama?”

Napangiti ako.

“Siguro.”

“Mommy, gusto ko lagi kitang katabi tuwing matutulog ako. Pwede ba akong matulog dito sa kama mo?”

Napatingin ako kay Adrian.

Tahimik lamang siya at tila hinihintay ang magiging sagot ko.

Napangiti ako kay Lucas.

“Oo naman. Puwedeng-puwede.”

Masayang humiga si Lucas sa tabi ko.

Makalipas ang ilang sandali, nakatulog siya sa aking mga bisig habang mahigpit na nakayakap sa akin.

Tinitigan ko siya at nakaramdam ng awa at pagmamahal para sa batang ito.

Hindi ko alam kung bakit napakabilis niyang nakapasok sa puso ko.

Maya-maya ay napatingin ako kay Adrian.

Nakatayo lamang siya sa kabilang bahagi ng kuwarto habang pinagmamasdan kami.

“Salamat,” bigla niyang sabi.

Nagulat ako.

“Para saan?”

“Dahil hindi mo siya tinanggihan.”

Hindi ako agad nakasagot.

“Hindi ko naman kayang tanggihan ang isang batang naghahanap lang ng pagmamahal.”

Tahimik siyang tumingin sa akin.

Sa unang pagkakataon, nakita kong tila nawala nang kaunti ang malamig na ekspresyon sa mukha niya.

“Good night, Elena.”

“Good night, Sir Adrian.”

Pagkaalis niya sa aking harapan, muli kong tiningnan si Lucas.

Napaisip ako.

Hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin ng kontratang ito.

Pero sa unang pagkakataon, naramdaman kong baka hindi lamang trabaho at pera ang dahilan kung bakit ako napasok sa pamilyang ito.

Hindi lamang ito isang kontrata at isang kondisyon.

May isang batang unti-unting umaasa sa akin.

At may isang pamilyang kailangan kong harapin.

Marahil, ito ang simula ng isang bagong buhay.

At sa kaibuturan ng puso ko, alam kong maaaring hindi na ganoon kadali ang pag-alis ko kapag natapos na ang tatlong taon.

Dahil habang hawak ko sa aking mga bisig si Lucas, unti-unti kong nararamdaman na may bahagi ng puso ko na nagsisimula nang maging bahagi ng mundong ito.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • The Boss CEO's Contract Lover   Chapter 46 Ang Sagot na Hindi Masabi

    Elena's POV Ilang beses kong sinubukang tawagan si Don Alejandro matapos maputol ang tawag niya, pero hindi na siya sumagot.Hindi ko alam kung nagkataon lang ba iyon o sadyang ayaw na niyang ituloy ang sasabihin niya. Pero ang mas nakapagtataka, ilang segundo lang ang pagitan ng tawag niya at ng mensaheng natanggap ko mula sa hindi kilalang numero.Parang may taong nakamasid sa bawat kilos namin.“Anong iniisip mo?”Napalingon ako kay Adrian. Kanina pa pala niya ako tinitingnan.“Yung sinabi ng lolo mo,” sagot ko. “Bakit niya sinabi na alam niya kung sino ang may hawak ng liham kung may nagsasabing matagal na raw itong wala sa kaniya?”“Hindi ko rin alam.”“Adrian, hindi ba dapat tanungin natin siya ulit?”“Susubukan ko siyang tawagan mamaya. Baka may dahilan kung bakit naputol ang usapan namin.”Umupo ako sa sofa at inilapag ang cellphone sa mesa.“Parang hindi na matatapos ang mga tanong na ito.”Umupo siya sa tabi ko.“Alam ko.”“May mga pagkakataong naiisip kong sana hindi ko na

  • The Boss CEO's Contract Lover   Chapter 45: Ang Taong May Hawak ng Lihim

    Elena's POV Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon ni Tito Ricardo nang banggitin ko ang ikalawang liham.Mas lalo akong nagtaka nang sabihin niyang kailangan niya akong makausap nang kami lamang.Alam kong may dahilan siya, pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niyang ilihim iyon kay Adrian.Alas-tres ng hapon nang makarating ako sa café na napagkasunduan namin. Pinili ko ang isang mesa sa sulok kung saan hindi kami gaanong mapapansin ng ibang tao.Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating si Tito Ricardo.“Elena.”Tumayo ako upang batiin siya.“Magandang hapon po.”“Pasensiya ka na at pinaghintay kita.”Umupo siya sa tapat ko. Hindi siya agad nagsalita. Inayos muna niya ang kaniyang salamin at tumingin sa paligid na para bang tinitiyak na walang ibang nakikinig sa amin.“May nalaman ka na ba tungkol sa ikalawang liham?” tanong ko.Dahan-dahan siyang tumango.“May nakita akong tala sa lumang dokumento ng pamilya. Nakasulat doon na may dalawang kop

  • The Boss CEO's Contract Lover   Chapter 44: Ang Ikalawang Liham

    Elena's POV Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa maliit na papel na hawak ko.Paulit-ulit kong binabasa ang mga salitang nakasulat doon.“Kung gusto mong malaman kung bakit napili ka ni Adrian, huwag kang basta maniwala sa lahat ng sasabihin sa iyo ng mga Monteverde.”Maikli lamang ang mensahe, pero sapat iyon para guluhin ang isip ko.Sino ang nagpadala nito? At bakit tila alam niya ang tungkol sa akin at kay Adrian?“Mommy?”Napatingin ako kay Lucas na nakatayo sa harap ng mesa. Hawak niya ang kaniyang kuwaderno at nakatingin sa akin.“Bakit po parang malungkot kayo?”Mabilis kong itinago ang papel sa loob ng drawer at ngumiti nang bahagya.“Wala naman, anak. May iniisip lang si Mommy.”Lumapit siya at inilapag ang kuwaderno sa mesa.“Tinapos ko na po ang assignment ko tungkol sa pamilya.”“Talaga? Patingin nga.”Binuksan ko ang kuwaderno niya. May larawan kaming tatlo roon—ako, si Adrian, at si Lucas. Medyo tabingi ang pagkakaguhit sa amin, pero hindi ko napigilan

  • The Boss CEO's Contract Lover   Chapter 43: Ang Babala sa Gitna ng Katahimikan

    Elena's POV Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa maliit na papel na hawak ko.Paulit-ulit kong binabasa ang mga salitang nakasulat doon.“Kung gusto mong malaman kung bakit napili ka ni Adrian, huwag kang basta maniwala sa lahat ng sasabihin sa iyo ng mga Monteverde.”Maikli lamang ang mensahe, pero sapat iyon para guluhin ang isip ko.Sino ang nagpadala nito? At bakit tila alam niya ang tungkol sa akin at kay Adrian?“Mommy?”Napatingin ako kay Lucas na nakatayo sa harap ng mesa. Hawak niya ang kaniyang kuwaderno at nakatingin sa akin.“Bakit po parang malungkot kayo?”Mabilis kong itinago ang papel sa loob ng drawer at ngumiti nang bahagya.“Wala naman, anak. May iniisip lang si Mommy.”Lumapit siya at inilapag ang kuwaderno sa mesa.“Tinapos ko na po ang assignment ko tungkol sa pamilya.”“Talaga? Patingin nga.”Binuksan ko ang kuwaderno niya. May larawan kaming tatlo roon—ako, si Adrian, at si Lucas. Medyo tabingi ang pagkakaguhit sa amin, pero hindi ko napigilan

  • The Boss CEO's Contract Lover   Chapter 42 Ang Mensaheng Hindi Inaasahan

    ELENA'S POV Tahimik ang buong biyahe pauwi.Nasa kandungan ko ang lumang litrato nina Lola at Isabel, habang ang isip ko ay nananatili sa mga bagay na nakita namin sa silid na matagal nang nakasara.Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nakasulat ang pangalan ko sa isang papel na ginawa maraming taon bago pa ako nagsimulang magtrabaho sa Monteverde Group.Paano nila nalaman na darating ang araw na hahanapin ko ang katotohanan?At higit sa lahat, sino ang tinutukoy ni Don Alejandro nang sabihin niyang hindi lahat ng sagot ay nasa taong hinahanap ko?Napatingin ako kay Adrian.Kanina pa siya tahimik na nagmamaneho. Ilang beses ko siyang nahuling sumusulyap sa akin, pero hindi siya nagtatanong.“May gusto ka bang sabihin?” tanong ko.Bahagya siyang napatingin sa akin.“Wala. Iniisip ko lang kung maayos ka.”“Hindi ko alam.”“Masakit pa ba ang ulo mo?”Umiling ako.“Hindi naman. Mas marami lang talaga akong iniisip.”Sandali siyang natahimik.“Hindi mo kailangang sagutin ang lahat ng t

  • The Boss CEO's Contract Lover   Chapter 41 Ang Silid ng mga Lihim

    Elena's POV Walang gustong maunang kumilos.Nakatayo kami sa pasilyo, magkakaharap, habang ang lumang pinto ay nananatiling sarado sa aming harapan. Sa kabila ng katahimikan ng bahay, pakiramdam ko ay napakalakas ng tibok ng puso ko.Hindi ko alam kung ano ang makikita namin sa loob.Mga lumang gamit lamang ba? Mga dokumentong nakalimutan na ng panahon? O mga bagay na matagal nang pilit itinatago ng mga taong ayaw nang balikan ang nakaraan?“Lolo,” tawag ni Adrian. “Kailangan na nating gawin ito.”Hindi agad sumagot si Don Alejandro.Nakatitig lamang siya sa pinto, na para bang hindi niya nakikita ang lumang kahoy kundi ang isang alaalang matagal na niyang pilit kinakalimutan.“Hindi mo naiintindihan kung ano ang hinihingi mo,” mahina niyang sabi.“Kung gayon, ipaliwanag ninyo sa akin.”Napatingin si Don Alejandro sa apo niya.“Hindi lahat ng bagay ay kailangang buksan para malaman ang katotohanan.”“Pero hindi rin natin malalaman ang katotohanan kung palagi na lang nating isasara an

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status