LOGINPagbukas ng pinto ng kanyang penthouse unit ay sinalubong si Althea ng katahimikan. Dahan-dahan siyang pumasok, at agad hinubad ang heels niya habang naglalakad. Iniwan niya iyon sa may entrance, hindi na inayos. Sumunod ang blazer na basta na lang niyang isinabit sa sandalan ng sofa.
Everything was in place. Malinis. Organized. Expensive. Pero walang buhay. Huminto siya sa gitna ng sala at dahan-dahang iginala ang tingin sa paligid. Dati, ginhawa para sa kanya ang ganitong katahimikan. Ngayon, parang selda na walang ibang nakakulong kundi siya lamang. “Sanay ka naman dito,” bulong niya sa sarili, pero hindi sigurado kung paniniwala pa niya ‘yon o pang-aliw lang. Lumapit siya sa mini bar, kumuha ng wine glass, at nagbuhos ng red wine. Hindi siya nauuhaw. Hindi rin niya kailangan na maglasing. Pero mas madali minsan magkunwari na may ginagawa ka kaysa makinig sa sinasabi ng utak. Bitbit ang wine glass ay pumunta siya sa glass wall at tumingin sa labas. Tanging ang ilaw ng siyudad lamang ang maliwanag sa gabing iyon. She exhaled as she took a sip. Biglang nag-vibrate ang phone niya. Alam na niya kung sino ang tumatawag kahit na hindi niya iyon tingnan. Si Darius. Saglit siyang nakatitig lang sa screen bago iyon sinagot. “What?” bungad niya sa kabilang linya. “Wow,” mapang-asar na sambit ni Darius. “Ganyan ka na ba lagi? Wala man lang ‘hello’?” “Say what you need,” malamig niyang sagot. “Concern lang ako,” sabi nito. “Hindi ka sumasagot kanina.” “Don’t start,” pagputol niya sinasabi nito. “Hindi mo na kailangan gawin ‘yan.” “Talaga?” medyo humina ang boses nito. “Ganun lang kadali para sa’yo?” She closed her eyes briefly. “Yes.” “Althea—” “May iba ka na,” aniya sa malamig na boses. “Doon ka na lang.” Saglit na natahimik si Darius sa kabilang linya. Kapagdaka’y nagsalita ito. “She’s not you.” Hindi agad siya sumagot. Hindi dahil nawalan siya ng sasabihin. Kundi dahil alam niyang kahit anong sagot niya, mauulit lang ang pangyayari na ‘to. “That’s not my problem anymore,” aniya saka sumimsim sa hawak na wine glass. “You’re still my wife.” “Ex-wife,” pagtatama niya. “Get used to it.” “Hindi pa tapos ‘to,” halos pabulong na sambit ni Darius. Hindi na siya sumagot. Pinatay niya na ang tawag. Ibinaba niya ang phone sa mesa at ilang segundo lang siyang nakatitig doon. Nakakainis. Kahit tapos na, parang hindi pa rin siya malaya. She finished her wine in one go, saka inilapag ang baso sa mesa. Her night that moment, she can’t bear the loneliness. Masyadong tahimik, iyong tipong walang maingay, pero pakiramdam niya ay mabibingi siya. Hindi na niya tinapos ang gabi sa loob ng penthouse niya. Kinuha niya ang sling bag niya, sinuot ang flats, at lumabas. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Ang alam lang niya, ayaw niyang manatili roon. Nasa kotse na siya, nagmamaneho ng walang destinasyon. Ayaw niya ng tahimik, ganunpaman ay hindi niya binuksan ang music. Itong klase ng katahimikan ang gusto niya—yung hindi nakakasakal. Hindi na namalayan ni Althea ang oras. Ang dami na niyang nadaanan na kalsada, mga taong palakad lakad, at mga building. Hanggang sa mapansin niya ang isang café sa gilid ng kalsada, malapit sa university. Hindi ito matao. Hindi rin masyadong maliwanag. Napahinga siya ng malalim. Then she turned the car around. Ilang minuto lang, naka-park na siya sa harap ng café. Hindi niya alam kung bakit doon siya huminto. Pero pinili pa rin niyang pumasok sa loob. Pagpasok niya, sinalubong siya ng amoy ng kape at mahinang mga usapan. May ilang estudyante sa sulok, may dalawang taong nag-uusap sa gitna, at may tahimik na musika sa background na bumagay sa minimalisy style ng café Umupo siya malapit sa bintana at umorder ng kape. Habang naghihintay, nakatingin lang siya sa labas. Nasa malayo ang isipan niya. Siguro, kung pinatawad niya ulit si Darius, magiging ganito kaya katahimik ang gabi niya? Malamang, sa mga oras na iyon, umiiyak na naman siya sa kama nila. Habang si Darius ay nagpapakasasa sa ibang kama kasama ang kerida nito. Matagal na palang tulala si Althea. Marahil hindi siya titigil sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan niya kung hindi pa dumating ang kape niya. Mainit. Mapait. Sakto sa nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Hawak niya ang tasa ng kape, pero hindi niya agad ininom. Sa halip, pinaglaro niya ang mga daliri sa bibig ng tasa. Then she saw him. Isang waiter. Kakaiba sa mga waiter ng café na iyon. Tan ang balat, matangkad, at mukhang nasa mid-thirties, halos kaedaran niya. Maging ang makapal nitong mga kilay ay halos bumagay sa mukha nitong animo’y may lahing dayuhan. Para itong lumabas sa libro ng isang romance pocket book. Althea jumped from her seat when the waiter looked at him. Mukhang napansin nito na kanina pa niya ito tinititigan. Lumapit ito sa table niya. “Ma’am, may kailangan pa po kayo?” mahinahong tanong nito. Ngunit hindi no’n maitatago ang pagkabrusko ng boses nito. She looked up at him. “I’m fine.” Tumango ang waiter. “Sige po.” Aalis na sana ito ngunit pinigilan iyon ni Althea. “Wait.” Huminto ang waiter at nakangiti siyang hinarap. “Umupo ka.” Sa pagkakataong iyon ay nawala ang mga ngiti nito. Napakunot ang noo ito at nagtataka siyang tiningnan. “Ha?” “Sit,” pag-uulit niya sa kalmadong boses. Saglit na inilibot ng waiter ang tingin sa buong paligid, halatang naguguluhan sa trip niya. “Hindi po pwede, ma’am. Naka-duty po ako.” “I’ll pay you.” Natigilan ang waiter. “Sandali lang,” dagdag ni Althea. Ilang segudo itong nakatayo lang. Then he sighed. Hinila nito ang upuan na katapat niya at mabilis na umupo. “Mabilis lang,” halos pabulong na sambit nito. Althea nodded. “How much do you earn here?” tanong niya. Kunot noo siya nitong tiningnan. “Bakit?” “Answer me.” “…Minimum.” “I’ll pay you triple.” Napakagat-labi ang waiter. And Althea find it so hot. Hindi niya alam, ngunit pursigido siyang mapapayag ito. Animo’y bigla niyang nakalimutan na kagagaling lamang niya sa hiwalayan. “Para saan?” maingat na tanong nito. “For your time,” sagot niya. Natahimik ito saglit. Kapagdaka’y nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga. “Mukhang labas na ‘yan sa trabaho ko, ma’am,” magalang na sambit nito. “I’m not asking you as a waiter. I’m asking you as a man.” “Anong gusto mo?” Althea didn’t look away. “No strings. No expectations.” She leaned slightly forward. “Just stay with me.” Mas matagal siyang tinitigan ng waiter. Parang sinusukat kung anong klaseng tao ang kaharap nito “Hindi mo ako kilala,” sabi niya. Nagkibit-balikat siya. “I don’t need to.” “Bakit ako?” Saglit siyang tumingin rito bago sumagot. “You look simple,” aniya. “Looks easy to work with.” Napairap ng bahagya ang waiter, bagay na hindi niya inaasahan mula rito. “Pinupuri mo ba ako?” “Hindi iyon papuri.” Sa huli ay napabuga ito ng hangin at napakamot sa batok. “Ganito ba kayo, ma’am?” tanong niya. Umiling si Althea. “No. Ngayon lang.” Natahimik ang lalaki. Mukhang may alam na ito sa kung ano ang pinagdadaanan niya. “I’ll pay you,” dagdag niya. “Just name your price.”Hindi agad nawala sa isip ni Caelum iyong lalaking nagpunta sa café. Kahit tapos na ang shift niya at naglilinis na lang siya ng counter, bumabalik pa rin sa kanya ang kakaibang pakikipag,-usap nito. “Hoy! Out ka na!” sabi ng katrabaho niyang sumisilip sa orasan. Napatingin si Caelum at napangiti ng bahagya. “Ah—oo nga.” “Pahinga ka na. Mukha kang lutang.” “Ganun ba halata?” biro niya. Ngunit hindi niya maikaila na totoo ang sinabi nito. Pakiwari niya ay buong araw siyang wala sa sarili niya.“Medyo. Ingat ka pauwi.” “Ikaw din.” Nagpalit siya ng damit at lumabas ng café, mas tahimik na ang paligid pero hindi rin siya mapakali. Ilang beses niyang sinubukang kumbinsihin ang sarili na nag-ooverthink lang siya, pero hindi rin siya lubos na naniniwala.Pagdating niya sa bahay, nadatnan niya ang tita niya sa kusina habang nagsusulat sa maliit nitong notebook. “Nandiyan ka na pala,” sambit nito na saglit lamang siyang tiningnan. “Opo,” sagot niya habang hinuhubad ang sapatos. “Kakau
Hindi agad naka-adjust si Caelum paglabas niya ng building. Huminto siya sandali sa gilid ng kalsada saka inayos ang strap ng bag niya at naglakad papunta sa sakayan. May dumaan na jeep na punuan kaya pinabayaan niya muna, hanggang sa may sumunod at doon na siya sumakay. “Bayad po,” sabi niya saka inabot ang barya. “Isa?” tanong ng driver. “Opo.” Tahimik siya buong biyahe. Paulit-ulit lang bumabalik sa isip niya yung umaga—yung kape, yung simpleng usapan, at yung “We agreed.” Napabuga siya ng hangin at bahagyang napailing. ‘Tama na ‘yon.’Pagdating niya sa café ay agad siyang dumiretso siya sa loob. “Late ka ng konti,” bati ng manager. “Sorry po, traffic,” sagot niya habang papunta sa locker. “Ikaw muna sa orders, sabay-sabay na naman,” dagdag nito. “Opo.” Isinuot niya ang apron at pumwesto sa counter. May karamihan ang customer para sa araw na iyon. Ayos na rin, aniya sa isipan. Baka dito ay saglit niyang makalimutan ang isang gabing nangyari sa kaniya. Sa kanila...“Uy,
Caelum woke up with a heavy feeling. Hindi agad siya bumangon, bagkus mas lalo lamang niyang binalot ang sarili ng malambot na comforter. Nakatitig lamang siya sa kisame habang dahan-dahang bumabalik sa kanya ang pakiramdam ng nangyari sa kanila ni Althea—yung init ng katawan nito na hindi pa tuluyang nawawala sa balat niya, yung pagod na hindi lang galing sa katawan, kundi sa desisyong ginawa niya.Huminga siya ng malalim. At doon nagsimulang pumasok ang mga alaala. Ang pagitan nila ni Althea na unti-unting nawala. Ang pakiramdam na hindi siya pinilit—pero hindi rin siya umatras. Kung paano siya hinayaan nito na sumabay at magdesisyon sa sarili niyang bilis.Mariin siyang napapikit. Hindi siya nagmadali. Iyon ang malinaw.At marahil iyon ang dahilan kung bakit mas mabigat sa dibdib niya ang lahat. Wala siyang masisisi.Wala siyang pwedeng sabihing hindi niya ginusto ang lahat.Bahagya siyang gumalaw sa kama, saka napahinto. May bakas pa ng init sa mga kumot. May amoy pa ang naiwan
Caelum stopped kissing her. Agad siyang umalis sa ibabaw nito at walang pasubaling binuhat niya si Althea. Nangunyapit ang babae sa kang leeg.“Saan ang kwarto mo?” paos niyang bulong habang inaayos niya ang pagbuhat. “Just go straight.”Sinunod niya ang sinabi nito. Habang naglalakad papunta sa kwarto nito ay hindi niya maiwasang magbaba ng tingin para makita ang mukha nito. Althea is just staring at him. Muntikan pa siyang matapilok. “Are you afraid?” tanong bigla nito. Inipon ni Caelum ang natitirang hangin sa paligid niya saka huminga ng malalim. Ngayon pa ba siya matatakot? Kung kailan nasimulan na niya?“Hindi ako takot.”Pagkarating sa tapat ng kwarto ay sinipa niya lang ang pinto. Hindi naka-lock kaya agad silang nakapasok.Agad na nahagip ng mga mata niya ang malaki nitong kama na pulos pula ang kulay. Kahit ang motif ng kwarto ay pula din. Mula sa dingding, sa carpet, at maging sa mga kurtina. Mas lalong nagliyab ang nasa loob ni Caelum. Pagkarating sa kama ay maingat n
Tahimik si Caelum sa buong biyahe. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana, pinapanood ang mga ilaw ng lungsod na nagiging pahaba habang umaandar ang sasakyan. Hindi niya alam kung ano ang mas mabilis—yung takbo ng kotse o yung tibok ng puso niya. Pakiramdam niya ay lalabas ang puso niya sa bilis ng tibok niyon.Ramdam niya ang presensya ni Althea sa tabi niya kahit hindi siya tumitingin. Nakatutok ang paningin nito sa daan habang nagmamaneho. Masyadong malapit. Masyadong tahimik.‘Ganito ba talaga ‘to?’Hindi siya sanay sa ganitong klase ng katahimikan—yung may kasamang tensyon na parang may hinihintay na pumutok.Huminto ang pulang sasakyan nito sa tapat ng malaking pent house. Hindi pa sila nakakalabas ng sasakyan ay halos malulua si Caelum. Sa T.V. lang niya nakikita ang ganitong klase ng mga lugar. Pagpasok nila sa pent house, mas lalo siyang natahimik. Malinis ang buong paligid, na kahit sa sahig siya matulog ay ayos lang. Halos lumubog ang suot nyang sapatos sa malambot na ca
Hindi agad nakabalik sa trabaho si Caelum matapos ang usapan nila ni Althea. Naiwan lang siya sa mesa, nakatitig sa tasa ng kape na iniwan nito—halos kaunti lang ang nabawasan. Manipis na usok na lang ang natitira, unti-unting nawawala. Hindi niya maiwasang isipin kung gaano kadali para kay Althea ang umalis na parang wala lang, samantalang siya, parang naiwan sa gitna ng isang bagay na hindi niya pa kayang galawin.“Caelum, orders!”Napakurap siya at saka bumalik sa reyalidad. “Ah—opo!” sagot niya, sabay tayo at halos nagmamadaling bumalik sa counter. Pilit niyang ibinalik ang sarili sa trabaho, paulit-ulit na sinasabihan ang sarili na mag-focus lang, na trabaho lang ‘to. Pero kahit anong pilit niya, hindi niya mahanap ang ritmo niya ng mga sandaling iyon. Minsan mali ang naiaabot niyang order, minsan napapatigil siya sa gitna ng ginagawa, parang nawawala sa huwisyo.“Okay ka lang?” tanong ng katrabaho niya habang inaabot nito sa kanya ang tray.“Yeah,” sagot niya agad, pero hindi n







