LOGINHindi naging maayos ang tulog ni Caelum ng gabing iyon. Paikot-ikot lang siya sa kama, nakatitig sa kisame ng maliit niyang kwarto habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang usapan nila ni Althea.
Kahit anong pilit niyang iwasan, bumabalik pa rin ang lahat—yung diretsahang paraan nito ng pag-alok sa kanya, yung kalmadong boses na parang siguradong-sigurado sa bawat sinasabi, at yung offer na hanggang ngayon hindi pa rin niya alam kung paano tatanggapin. Napabuntong-hininga siya at tumagilid, sinubukang ipikit ang mga mata, pero ilang segundo lang, muling dumilat. “Ang gulo,” marahas niyang bulong habang napapahilamos sa mukha. Alam niyang hindi siya ganitong klase ng tao. Hindi siya basta pumapasok sa mga bagay na hindi niya kontrolado. Pero ngayon, parang hindi niya hawak ang sarili niyang desisyon. Kinabukasan, maaga siyang nagising kahit kulang sa tulog. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at dumiretso sa kusina. Tahimik ang bahay, pero may ilaw na sa sala. Naroon ang Tita Sandra niya na nakaupo sa lumang sofa. May hawak itong calculator at mga resibo na halatang paulit-ulit ng tinitingnan. Nakakunot ang noo nito, parang kahit ilang ulit nitong i-compute ang mga hawak na papel ay hindi pa rin nagbabago ang resulta. “Late ka na naman umuwi,” sabi nito ng hindi tumitingin. “Trabaho,” maikling sagot ni Caelum habang naglalagay ng tubig sa takure. Sandaling katahimikan ang sumunod bago muling nagsalita ang tita niya. “May due na naman tayo next week,” dagdag nito. “Kuryente pa lang, ang laki na.” Huminto sandali si Caelum sa ginagawa niya. Hindi siya agad sumagot. Sanay na siya sa ganitong usapan—na paulit-ulit na lang sa araw-araw. Kung hindi kuryente, tubig. Kung darating man ang araw na bigla siyang yumaman. Walang araw at gabi na hindi hiniling ni Caelum ang bagay na iyon. “May extra ka ba?” tanong ng babae, ngayon ay nakatingin na sa kanya. Dahan-dahan siyang umiling. “Wala pa. Kakabayad ko lang din para sa group project namin.” Napabuntong-hininga ang ginang at napasandal sa sofa, hawak pa rin ang mga papel. “Okay lang. Titingnan ko kung paano ko ito aayusin.” Tumango lang si Caelum, pero hindi na siya nagsalita. Habang hinahawakan niya ang tasa ng kape, hindi niya maiwasang maalala ang offer ni Althea—yung tipong isang gabi lang, kaya ng solusyunan ang ilang linggong problema niya. Napapikit siya sandali, napahigpit ang hawak sa mug. Hindi siya ganun. Pero hindi rin niya maikakaila na kailangan niya ng pera. Pagdating niya sa university, sinalubong siya ng ingay ng normal na araw—mga estudyanteng nag-uusap, nagtatawanan, nagrereklamo sa assignments. Umupo siya sa pwesto niya sa bandang hulihan at sinubukang makinig sa lecture, pero hindi siya maka-focus. Parang hati ang isip niya—kalahati ay nasa harap ng professor, ang kalahati naman ay nasa café kahapon. “Caelum,” tawag ng katabi niyang si Jiro, bahagyang tinatapik ang braso niya. “Kanina pa kita tinatawag.” Napalingon siya at bahagyang natigilan. “Ha? Sorry. Lutang lang.” Napakunot ang noo ni Jiro. “Mukha nga. May problema ba?” Saglit siyang tumingin sa notebook niya bago umiling. “Wala. Kulang lang sa tulog.” Tinitigan siya ni Jiro, parang sinusukat kung nagsasabi ba siya ng totoo. “Kung may kailangan ka, sabihin mo lang.” Tumango si Caelum, pero hindi na siya nagpaluwanag pa. Hindi rin niya alam kung paano sasabihin ang gumugulo sa utak niya. Pagkatapos ng klase, dumiretso siya sa café. Agad niyang pinalitan ang suot na uniporme ng puting polo shirt at pinatungan ng plain brown na apron. Pareho lang ang paligid—parehong ilaw, parehong amoy ng kape, parehong mga tao. Pero iba ang pakiramdam niya. Habang nag-aayos siya ng mga tasa sa counter, napapatingin siya sa pinto tuwing may pumapasok. Hindi niya alam kung bakit. Pero kanina pa siya hindi mapakali. “Hoy, focus!” sita ng manager nila mula sa likod. “Nagkakamali ka na.” “Sorry po,” sagot niya agad saka inayos ang ginagawa. Pero kahit anong pilit niyang ibalik sa normal ang sarili niya, hindi nawawala yung pakiramdam na parang may hinihintay siya. Hanggang sa bumukas ulit ang pinto. Napatingin siya, at doon siya natigilan. Si Althea. Nakatayo ito sa may entrance, kalmado ang dating tulad ng nauna nilang pagkikita. Parang walang kahit anong nagbago. Simple lang ang suot nito, isang sedan na red spaghetti strap dress. Pero halatang hindi ito isang ordinaryo lamang na mamamayan. Hindi siya agad gumalaw. Hindi rin siya agad lumapit. Pero nagtagpo ang mga mata nila, at parang doon na lang ulit bumalik ang lahat ng iniisip niya. Sa huli, siya rin ang unang kumilos. “Ma’am,” awtomatiko niyang sambit pagkalapit sa kinatatayuan nito. Bahagyang umangat ang kilay ni Althea. “Back to ‘ma’am’?” Napabuga siya ng hangin. “Pasensya na, nakasanayan lang po.” Umupo si Althea sa parehong mesa. Agad naman siyang sumunod. “Coffee. Same as yesterday.” Tumango si Caelum at umalis para ihanda ang order nito. Habang ginagawa niya iyon, ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso niya—hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa presensya nito. Pagbalik niya, inilapag niya ang tasa sa harap nito. “Here.” “Thank you,” sabi ni Althea, saka tumingin sa kanya. Hindi siya agad nagsalita, pero sapat na ang tingin nito para malaman niya kung ano ang susunod. “Have you decided?” Hindi agad sumagot si Caelum. Nakatayo lang siya roon, parang may hinahanap na tamang sagot. “Hindi pa,” sabi niya sa huli. “Then why are you still thinking about it?” pang-uusig ni Althea. Napakunot ang noo niya. “Kasi hindi naman maliit yung hinihingi mo.” “Hindi rin maliit yung kapalit,” sagot nito. Natahimik siya sandali, saka hinila ang upuan at umupo sa harap nito kahit na naka-duty. Bahala na kung pagalitan siya. “Hindi lang ‘to tungkol sa pera,” sabi niya, mas mababa na ang boses. “Alam mo ‘yon, ‘di ba?” Tinitigan siya ni Althea. “Alam ko.” “Pero bakit parang ang dali lang para sa’yo?” Saglit na tumahimik si Althea bago sumagot. “Hindi siya madali. Pinili ko lang na gawing simple.” Napabuga siya ng hangin. “Magkaiba ‘yon.” “Hindi.” Biglang natigilan si Caelum. Lahat bago sa kanya. Ni hindi pa nga siya nagkaka-girlfriend. Tapos ganito pa yata ang magiging una niya. “Bakit ako?” diretsong tanong niya. “Ang dami mong pwedeng piliin.” Hindi agad sumagot si Althea. Pinagmasdan siya nito, parang tinitimbang kung gaano siya dapat maging totoo. “Because you hesitated,” sambit nito. “Hindi ka agad pumayag.” Napakunot ang noo ni Caelum. “So?” “So you’re not desperate,” sagot nito. “At least, hindi ka nagpapakita ng motibo.” Hindi napigilan ni Caelum ang matawa. Hindi pa siya desperado sa lagay niyang iyon. Kung alam lamang ng babaeng ito ang kalagayan niya sa lipunan. Halos hatiin niya ang katawan niya maging maginhawa lamang ang buhay nila ng Tita Sandra niya. “Mas madali kang pagkatiwalaan,” dagdag ni Althea. “Hindi mo pa nga ako kilala,” sagot niya. “Hindi mo rin ako kilala,” balik nito. Napangiti siya ng bahagya, pero agad din iyong nawala. “Patas lang.” Hindi ito nagsalita. Nakatitig lamang si Caelum kay Althea habang sumimsim ito sa tasa ng kape. “Kung pumayag ako,” aniya. “malaki ba talaga?” Hindi nagdalawang-isip si Althea ng sagot. “Yes.” At doon siya natigilan. Naalala niya ang tita niya, yung mga resibo, yung tono ng boses nito kanina—pagod na pagod, pero pinipilit pa rin maging matatag. “Hindi pa rin ako sigurado,” halos pabulong niyang sambit. “I’m not asking you to be sure,” sagot ni Althea. “I’m asking if you’re willing.” Napatingin siya sa babae. Hindi siya sumagot. Pero sa paraan ng pagtingin niya—hindi na rin siya kasing layo sa sagot na iniwasan niya kagabi.Hindi agad nawala sa isip ni Caelum iyong lalaking nagpunta sa café. Kahit tapos na ang shift niya at naglilinis na lang siya ng counter, bumabalik pa rin sa kanya ang kakaibang pakikipag,-usap nito. “Hoy! Out ka na!” sabi ng katrabaho niyang sumisilip sa orasan. Napatingin si Caelum at napangiti ng bahagya. “Ah—oo nga.” “Pahinga ka na. Mukha kang lutang.” “Ganun ba halata?” biro niya. Ngunit hindi niya maikaila na totoo ang sinabi nito. Pakiwari niya ay buong araw siyang wala sa sarili niya.“Medyo. Ingat ka pauwi.” “Ikaw din.” Nagpalit siya ng damit at lumabas ng café, mas tahimik na ang paligid pero hindi rin siya mapakali. Ilang beses niyang sinubukang kumbinsihin ang sarili na nag-ooverthink lang siya, pero hindi rin siya lubos na naniniwala.Pagdating niya sa bahay, nadatnan niya ang tita niya sa kusina habang nagsusulat sa maliit nitong notebook. “Nandiyan ka na pala,” sambit nito na saglit lamang siyang tiningnan. “Opo,” sagot niya habang hinuhubad ang sapatos. “Kakau
Hindi agad naka-adjust si Caelum paglabas niya ng building. Huminto siya sandali sa gilid ng kalsada saka inayos ang strap ng bag niya at naglakad papunta sa sakayan. May dumaan na jeep na punuan kaya pinabayaan niya muna, hanggang sa may sumunod at doon na siya sumakay. “Bayad po,” sabi niya saka inabot ang barya. “Isa?” tanong ng driver. “Opo.” Tahimik siya buong biyahe. Paulit-ulit lang bumabalik sa isip niya yung umaga—yung kape, yung simpleng usapan, at yung “We agreed.” Napabuga siya ng hangin at bahagyang napailing. ‘Tama na ‘yon.’Pagdating niya sa café ay agad siyang dumiretso siya sa loob. “Late ka ng konti,” bati ng manager. “Sorry po, traffic,” sagot niya habang papunta sa locker. “Ikaw muna sa orders, sabay-sabay na naman,” dagdag nito. “Opo.” Isinuot niya ang apron at pumwesto sa counter. May karamihan ang customer para sa araw na iyon. Ayos na rin, aniya sa isipan. Baka dito ay saglit niyang makalimutan ang isang gabing nangyari sa kaniya. Sa kanila...“Uy,
Caelum woke up with a heavy feeling. Hindi agad siya bumangon, bagkus mas lalo lamang niyang binalot ang sarili ng malambot na comforter. Nakatitig lamang siya sa kisame habang dahan-dahang bumabalik sa kanya ang pakiramdam ng nangyari sa kanila ni Althea—yung init ng katawan nito na hindi pa tuluyang nawawala sa balat niya, yung pagod na hindi lang galing sa katawan, kundi sa desisyong ginawa niya.Huminga siya ng malalim. At doon nagsimulang pumasok ang mga alaala. Ang pagitan nila ni Althea na unti-unting nawala. Ang pakiramdam na hindi siya pinilit—pero hindi rin siya umatras. Kung paano siya hinayaan nito na sumabay at magdesisyon sa sarili niyang bilis.Mariin siyang napapikit. Hindi siya nagmadali. Iyon ang malinaw.At marahil iyon ang dahilan kung bakit mas mabigat sa dibdib niya ang lahat. Wala siyang masisisi.Wala siyang pwedeng sabihing hindi niya ginusto ang lahat.Bahagya siyang gumalaw sa kama, saka napahinto. May bakas pa ng init sa mga kumot. May amoy pa ang naiwan
Caelum stopped kissing her. Agad siyang umalis sa ibabaw nito at walang pasubaling binuhat niya si Althea. Nangunyapit ang babae sa kang leeg.“Saan ang kwarto mo?” paos niyang bulong habang inaayos niya ang pagbuhat. “Just go straight.”Sinunod niya ang sinabi nito. Habang naglalakad papunta sa kwarto nito ay hindi niya maiwasang magbaba ng tingin para makita ang mukha nito. Althea is just staring at him. Muntikan pa siyang matapilok. “Are you afraid?” tanong bigla nito. Inipon ni Caelum ang natitirang hangin sa paligid niya saka huminga ng malalim. Ngayon pa ba siya matatakot? Kung kailan nasimulan na niya?“Hindi ako takot.”Pagkarating sa tapat ng kwarto ay sinipa niya lang ang pinto. Hindi naka-lock kaya agad silang nakapasok.Agad na nahagip ng mga mata niya ang malaki nitong kama na pulos pula ang kulay. Kahit ang motif ng kwarto ay pula din. Mula sa dingding, sa carpet, at maging sa mga kurtina. Mas lalong nagliyab ang nasa loob ni Caelum. Pagkarating sa kama ay maingat n
Tahimik si Caelum sa buong biyahe. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana, pinapanood ang mga ilaw ng lungsod na nagiging pahaba habang umaandar ang sasakyan. Hindi niya alam kung ano ang mas mabilis—yung takbo ng kotse o yung tibok ng puso niya. Pakiramdam niya ay lalabas ang puso niya sa bilis ng tibok niyon.Ramdam niya ang presensya ni Althea sa tabi niya kahit hindi siya tumitingin. Nakatutok ang paningin nito sa daan habang nagmamaneho. Masyadong malapit. Masyadong tahimik.‘Ganito ba talaga ‘to?’Hindi siya sanay sa ganitong klase ng katahimikan—yung may kasamang tensyon na parang may hinihintay na pumutok.Huminto ang pulang sasakyan nito sa tapat ng malaking pent house. Hindi pa sila nakakalabas ng sasakyan ay halos malulua si Caelum. Sa T.V. lang niya nakikita ang ganitong klase ng mga lugar. Pagpasok nila sa pent house, mas lalo siyang natahimik. Malinis ang buong paligid, na kahit sa sahig siya matulog ay ayos lang. Halos lumubog ang suot nyang sapatos sa malambot na ca
Hindi agad nakabalik sa trabaho si Caelum matapos ang usapan nila ni Althea. Naiwan lang siya sa mesa, nakatitig sa tasa ng kape na iniwan nito—halos kaunti lang ang nabawasan. Manipis na usok na lang ang natitira, unti-unting nawawala. Hindi niya maiwasang isipin kung gaano kadali para kay Althea ang umalis na parang wala lang, samantalang siya, parang naiwan sa gitna ng isang bagay na hindi niya pa kayang galawin.“Caelum, orders!”Napakurap siya at saka bumalik sa reyalidad. “Ah—opo!” sagot niya, sabay tayo at halos nagmamadaling bumalik sa counter. Pilit niyang ibinalik ang sarili sa trabaho, paulit-ulit na sinasabihan ang sarili na mag-focus lang, na trabaho lang ‘to. Pero kahit anong pilit niya, hindi niya mahanap ang ritmo niya ng mga sandaling iyon. Minsan mali ang naiaabot niyang order, minsan napapatigil siya sa gitna ng ginagawa, parang nawawala sa huwisyo.“Okay ka lang?” tanong ng katrabaho niya habang inaabot nito sa kanya ang tray.“Yeah,” sagot niya agad, pero hindi n







