Share

Chapter 2

Author: Neko Kuroha
last update publish date: 2026-04-13 18:15:35

Ilang hakbang lang ang inilayo ni Caelum mula sa mesa ni Althea nang mapahinto siya. Hawak pa rin niya ang notepad, pero hindi na siya nakatingin dito. Sa halip, napabuntong-hininga siya at bahagyang napakamot sa batok

Hindi niya alam kung matatawa siya o maiinis.

“Ang gulo,” bulong niya sa sarili bago sumulyap muli kay Althea.

Nandoon pa rin si Althea, prenteng nakaupo sa parehong pwesto habang hawak nito ang tasa ng kape saka dahan-dahang sumimsim. Masyado itong kalmado na parang isang laro lamang ang mag-aya ng lakaki.

Hindi ito normal. Alam niyang hindi.

Pero hindi rin siya makaalis.

Maya-maya ay may lumapit na kasamahan niyang waiter na nakangisi. “Hoy, ayos ka lang? Kanina ka pa lutang.”

Napalingon si Caelum at pilit na ngumiti. “Okay lang. May iniisip lang.”

“Siguraduhin mo lang na hindi mo makalimutan yung table mo,” biro nito bago umalis.

Napailing si Caelum, pero hindi pa rin nawawala ang bigat sa dibdib niya. Hindi siya sanay sa ganitong sitwasyon. Hindi rin siya yung tipo na basta pumapasok sa ganito.

Pero kahit anong pilit niyang lumayo, bumabalik pa rin ang tingin niya kay Althea—tahimik, composed, parang kontrolado ang lahat.

Ibang klase.

Hindi niya alam kung curiosity ‘yon o mali lang talaga siya ng iniisip, pero sa huli, bumalik siya sa mesa nito.

Napatingin si Althea sa direksyon niya nang maramdaman nito ang presensya niya. Hindi na ito nagulat. Parang inaasahan siya nito na lumapit.

“May nakalimutan ka?” kalmadong tanong nito.

Umupo si Caelum sa harap ng babae. This time mas diretso na ang tingin niya.

“Gusto ko lang maging malinaw,” sabi niya.

Ibinaba ni Althea ang tasa at hinarap siya nang buo. “Go.”

Huminga siya ng malalim bago nagsalita. “Anong klaseng ‘stay’ ba ‘to?”

Hindi agad sumagot si Althea. Pinagmasdan lang siya nito sandali bago sumandal ng bahagya sa upuan. “You’ll spend time with me. Outside work. Walang ibang kailangan.”

Napakunot ang noo ni Caelum. “Hindi gano’n kasimple ‘yon.”

“Mas magiging komplikado kung lalagyan mo ng ibang ibig sabihin,” sagot ni Althea.

Mariing napatingin si Caelum sa kausap, parang sinusubukang hulihin kung may tinatago itong kakaiba sa pananalita nito.

“So parang… kasama lang kita?” tanong niya.

“Yes.”

“Walang iba?”

Tinitigan siya ni Althea. “Wala.”

Natahimik siya sandali bago muling nagsalita. “Bakit?”

Hindi agad sumagot si Althea. Kinuha nito ulit ang tasa ng kape, pero hindi ito uminom—sa halip ay hinawakan lang nito ang tasa, parang binibigyan nito ang sarili ng ilang segundo bago sumagot.

“I don’t want anything serious. Ayoko ng komplikasyon,” sambit nito.

Napailing si Caelum. “Hindi naman normal ‘yan.”

“I’m not asking for normal.”

Natigilan siya doon. Napabuga siya ng hangin at sumandal sa upuan.

“Okay… kung sakali,” sabi niya, mas maingat na ngayon ang tono, “ano’ng rules mo?”

Bahagyang umangat ang kilay ni Althea. “You’re negotiating now?”

“Kailangan,” sagot niya. “Hindi pwedeng basta lang.”

Tumango si Althea. “No attachment. No questions about my personal life unless I bring it up. And when I say stop, everything stops.”

Mas lalong nangunot ang noo ni Caelum. “Ganun lang?”

“Ganun lang.”

“Parang hindi.”

“Mas madali ‘pag simple.”

Napabuntong-hininga siya at napailing, pero hindi na siya kumontra pa.

“Okay. Ako naman,” sabi niya.

Bahagyang tumango si Althea, hinihintay ang sasabihin niya.

“Ayoko ng gulo,” aniya. “Hindi ako lalabas sa kahit anong sitwasyon na mapapahiya ako.”

“Fair enough,” sagot nito.

“At kapag ayaw ko na, tapos na. Walang habol.”

“Same,” walang pag-aalinlangan na ganti ni Althea.

Saglit na namagitan sa kanila ang katahimikan. Caelum gulped, as if he’s taking all the air in the place. Ito ang unang pagkakataon na mag nag-alok sa kanya ng ganito.

Muli niyang sinulyapan si Althea. Mukhang hindi ito basta-basta. Tingin pa lang, mabango na.

Mabango sa pera.

So he must ask her fair and square.

“Magkano?”

Hindi agad sumagot si Althea. Tinitigan lang siya nito sandali bago nagsalita. “You tell me.”

Napailing siya. “Hindi ako sanay sa ganito.”

“I know.”

“Hindi ko alam kung magkano ‘yon.”

“Then think of something that makes it worth your time.”

Napabuga siya ng hangin, napatingin sa gilid, saka bumalik ang tingin sa kausap.

“Hindi lang oras ‘to,” sabi niya. “Alam mo ‘yon, ‘di ba?”

“Yes.”

“At okay lang sa’yo ‘yon?”

“Yes.”

Doon siya natahimik ng tuluyan. Parang doon lang talaga tumama sa kanya kung gaano kaseryoso itong kausap niya.

“Hindi pa rin ako sigurado,” sabi niya sa huli.

“I’m not asking you to be,” sagot ni Althea.

“Iniisip ko pa.”

“Then think.”

Hindi nakapagsalita si Caelum. Wala siyang mahagilap na tamang salita para sumagot pa.

Dahan-dahang tumayo si Caelum at kinuha ang notepad niya, na parang bumabalik na siya sa reyalidad.

“Kailangan ko na bumalik,” sabi niya.

Tumango si Althea. “Of course.”

Pero bago siya tuluyang umalis, napahinto siya at napatingin ulit sa babae.

“Althea...”

“Yes?”

Sandali siyang nag-isip bago nagsalita. “Kung sakali… hindi ‘to magiging magulo?”

Hindi agad sumagot si Althea. Tinitigan lang siya nito ng diretso bago nagsalita.

“I won’t let it.”

Hindi siya ngumiti. Hindi rin siya mukhang kumbinsido. Pero tipid siyang napatango.

“Sige.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The CEO’s Paid Lover   Chapter 10

    Hindi agad nawala sa isip ni Caelum iyong lalaking nagpunta sa café. Kahit tapos na ang shift niya at naglilinis na lang siya ng counter, bumabalik pa rin sa kanya ang kakaibang pakikipag,-usap nito. “Hoy! Out ka na!” sabi ng katrabaho niyang sumisilip sa orasan. Napatingin si Caelum at napangiti ng bahagya. “Ah—oo nga.” “Pahinga ka na. Mukha kang lutang.” “Ganun ba halata?” biro niya. Ngunit hindi niya maikaila na totoo ang sinabi nito. Pakiwari niya ay buong araw siyang wala sa sarili niya.“Medyo. Ingat ka pauwi.” “Ikaw din.” Nagpalit siya ng damit at lumabas ng café, mas tahimik na ang paligid pero hindi rin siya mapakali. Ilang beses niyang sinubukang kumbinsihin ang sarili na nag-ooverthink lang siya, pero hindi rin siya lubos na naniniwala.Pagdating niya sa bahay, nadatnan niya ang tita niya sa kusina habang nagsusulat sa maliit nitong notebook. “Nandiyan ka na pala,” sambit nito na saglit lamang siyang tiningnan. “Opo,” sagot niya habang hinuhubad ang sapatos. “Kakau

  • The CEO’s Paid Lover   Chapter 9

    Hindi agad naka-adjust si Caelum paglabas niya ng building. Huminto siya sandali sa gilid ng kalsada saka inayos ang strap ng bag niya at naglakad papunta sa sakayan. May dumaan na jeep na punuan kaya pinabayaan niya muna, hanggang sa may sumunod at doon na siya sumakay. “Bayad po,” sabi niya saka inabot ang barya. “Isa?” tanong ng driver. “Opo.” Tahimik siya buong biyahe. Paulit-ulit lang bumabalik sa isip niya yung umaga—yung kape, yung simpleng usapan, at yung “We agreed.” Napabuga siya ng hangin at bahagyang napailing. ‘Tama na ‘yon.’Pagdating niya sa café ay agad siyang dumiretso siya sa loob. “Late ka ng konti,” bati ng manager. “Sorry po, traffic,” sagot niya habang papunta sa locker. “Ikaw muna sa orders, sabay-sabay na naman,” dagdag nito. “Opo.” Isinuot niya ang apron at pumwesto sa counter. May karamihan ang customer para sa araw na iyon. Ayos na rin, aniya sa isipan. Baka dito ay saglit niyang makalimutan ang isang gabing nangyari sa kaniya. Sa kanila...“Uy,

  • The CEO’s Paid Lover   Chapter 8

    Caelum woke up with a heavy feeling. Hindi agad siya bumangon, bagkus mas lalo lamang niyang binalot ang sarili ng malambot na comforter. Nakatitig lamang siya sa kisame habang dahan-dahang bumabalik sa kanya ang pakiramdam ng nangyari sa kanila ni Althea—yung init ng katawan nito na hindi pa tuluyang nawawala sa balat niya, yung pagod na hindi lang galing sa katawan, kundi sa desisyong ginawa niya.Huminga siya ng malalim. At doon nagsimulang pumasok ang mga alaala. Ang pagitan nila ni Althea na unti-unting nawala. Ang pakiramdam na hindi siya pinilit—pero hindi rin siya umatras. Kung paano siya hinayaan nito na sumabay at magdesisyon sa sarili niyang bilis.Mariin siyang napapikit. Hindi siya nagmadali. Iyon ang malinaw.At marahil iyon ang dahilan kung bakit mas mabigat sa dibdib niya ang lahat. Wala siyang masisisi.Wala siyang pwedeng sabihing hindi niya ginusto ang lahat.Bahagya siyang gumalaw sa kama, saka napahinto. May bakas pa ng init sa mga kumot. May amoy pa ang naiwan

  • The CEO’s Paid Lover   Chapter 7

    Caelum stopped kissing her. Agad siyang umalis sa ibabaw nito at walang pasubaling binuhat niya si Althea. Nangunyapit ang babae sa kang leeg.“Saan ang kwarto mo?” paos niyang bulong habang inaayos niya ang pagbuhat. “Just go straight.”Sinunod niya ang sinabi nito. Habang naglalakad papunta sa kwarto nito ay hindi niya maiwasang magbaba ng tingin para makita ang mukha nito. Althea is just staring at him. Muntikan pa siyang matapilok. “Are you afraid?” tanong bigla nito. Inipon ni Caelum ang natitirang hangin sa paligid niya saka huminga ng malalim. Ngayon pa ba siya matatakot? Kung kailan nasimulan na niya?“Hindi ako takot.”Pagkarating sa tapat ng kwarto ay sinipa niya lang ang pinto. Hindi naka-lock kaya agad silang nakapasok.Agad na nahagip ng mga mata niya ang malaki nitong kama na pulos pula ang kulay. Kahit ang motif ng kwarto ay pula din. Mula sa dingding, sa carpet, at maging sa mga kurtina. Mas lalong nagliyab ang nasa loob ni Caelum. Pagkarating sa kama ay maingat n

  • The CEO’s Paid Lover   Chapter 6

    Tahimik si Caelum sa buong biyahe. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana, pinapanood ang mga ilaw ng lungsod na nagiging pahaba habang umaandar ang sasakyan. Hindi niya alam kung ano ang mas mabilis—yung takbo ng kotse o yung tibok ng puso niya. Pakiramdam niya ay lalabas ang puso niya sa bilis ng tibok niyon.Ramdam niya ang presensya ni Althea sa tabi niya kahit hindi siya tumitingin. Nakatutok ang paningin nito sa daan habang nagmamaneho. Masyadong malapit. Masyadong tahimik.‘Ganito ba talaga ‘to?’Hindi siya sanay sa ganitong klase ng katahimikan—yung may kasamang tensyon na parang may hinihintay na pumutok.Huminto ang pulang sasakyan nito sa tapat ng malaking pent house. Hindi pa sila nakakalabas ng sasakyan ay halos malulua si Caelum. Sa T.V. lang niya nakikita ang ganitong klase ng mga lugar. Pagpasok nila sa pent house, mas lalo siyang natahimik. Malinis ang buong paligid, na kahit sa sahig siya matulog ay ayos lang. Halos lumubog ang suot nyang sapatos sa malambot na ca

  • The CEO’s Paid Lover   Chapter 5

    Hindi agad nakabalik sa trabaho si Caelum matapos ang usapan nila ni Althea. Naiwan lang siya sa mesa, nakatitig sa tasa ng kape na iniwan nito—halos kaunti lang ang nabawasan. Manipis na usok na lang ang natitira, unti-unting nawawala. Hindi niya maiwasang isipin kung gaano kadali para kay Althea ang umalis na parang wala lang, samantalang siya, parang naiwan sa gitna ng isang bagay na hindi niya pa kayang galawin.“Caelum, orders!”Napakurap siya at saka bumalik sa reyalidad. “Ah—opo!” sagot niya, sabay tayo at halos nagmamadaling bumalik sa counter. Pilit niyang ibinalik ang sarili sa trabaho, paulit-ulit na sinasabihan ang sarili na mag-focus lang, na trabaho lang ‘to. Pero kahit anong pilit niya, hindi niya mahanap ang ritmo niya ng mga sandaling iyon. Minsan mali ang naiaabot niyang order, minsan napapatigil siya sa gitna ng ginagawa, parang nawawala sa huwisyo.“Okay ka lang?” tanong ng katrabaho niya habang inaabot nito sa kanya ang tray.“Yeah,” sagot niya agad, pero hindi n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status