로그인
Nakakabinging katahimikan ang lumulukob sa loob ng conference room—na tanging ang tunog ng air conditioner lamang ang pumapailanlang sa paligid.
Prenteng nakaupo si Althea Virelle Montemayor sa kabisera ng mahabang mesa habang mahigpit ang pagkakahawak sa ballpen na parang doon niya ibinubuhos ang lahat ng hindi niya sinasabi. Nasa harap niya ang isang puting folder na may nakasulat sa cover nito. Divorce Papers. Huminga siya ng malalim bago binuklat ang folder. Inilapit niya ang dulo ng pen sa papel, bahagyang tumigil—hindi dahil nagdadalawang-isip, kundi dahil gusto niyang siguraduhin na kapag ginawa niya ito, wala na siyang babalikan pa. Sa kabilang dulo ng mesa, nakasandal sa kinauupuan si Darius Kade Villanueva, kumportableng nakaupo na parang nasa casual meeting lang at hindi sa pagtatapos ng kasal nila. Nginisihan siya nito na ikinairap niya. “Ganun na lang?” Darius broke the silence between them. “That easy?” Hindi agad sumagot si Althea. Pinirmahan niya muna ang unang pahina, pati ang ikalawa, na kahit mabigat para sa kanya ay kinakailangan niyang gawin. Kung noon ay umiiyak siya kapag hinahamon siya nito ng hiwalayan. Pwes, ngayon, tototohanin niya ang kahilingan nito. Saka niya isinara ang folder at bahagyang itinulak iyon palapit sa gitna ng mesa. “Hindi naman naging madali,” aniya sa kalmadong boses. “Matagal ko ng pinag-isipan ‘to.” Napangiti si Darius, isang pilit na ngiti. “Talaga? Kasi parang ang bilis mong sumuko.” Doon siya napatingin ng matalim sa lalaki. This man. This man was her first in everything. Ngunit dahil sa kapusukan nito sa ibang babae ay tuluyang nasira ang kanilang limang taon na pagsasama. “Sumuko?” inulit niya ang sinabi nito. Hindi niya naiwasang pagtaasan ito ng kilay. “You cheated, Darius. Ilang beses pa nga, hindi ko na binilang. Ano pa bang hinihintay mo—na magpanggap pa ako na okay lang?” Muli na namang natahimik ang silid. Tumuwid si Darius at bahagyang yumuko, nakapatong ang mga siko sa mesa habang pinag-aaralan ang mukha niya. “You’re making it sound worse than it is,” sambit nito, na parang simpleng bagay lang ang pinag-uusapan nila. Pagak na natawa si Althea. “Pinapasok mo sa buhay natin yung ibang babae,” aniya sa halos pabulong ngunit matalim na tono. “Sa tingin mo ay hindi pa ‘yon sapat?” Hindi siya agad sinagot ni Darius. Tinitigan lang siya nito, saka bahagyang ngumiti. “And yet, you stayed.” Animo’y may parte ng kaniyang dibdib ang biglang kumirot, pero hindi na niya iyon pinagtuunan pa ng pansin. Kung siya pa iyong dating Althea, malamang ay halos lumuhod na siya hindi lamang siya iwan ni Darius. She’s really head over heels in love to him. But now, everything has to change. “Not anymore,” mahinahon niyang sabi, saka itinuro ang folder na nasa mesa. “Your turn.” Kinuha ni Darius ang pen, pinaikot-ikot ito sa pagitan ng mga daliri na parang wala itong pakialam. “Alam mo? Hindi ko lubos maisip ang magiging kalagayan mo kapag wala na ako.” Hindi na siya nag-abala pang sumagot. Bahagya siyang sumandal sa kinauupuan at pinakatitigan ang dating asawa. “Try harder.” She arched her brow when Darius started signing the papers. Napangisi siya nang makita ang multo ng ngiti sa mga labi nito. “Tuwang-tuwa pa ang kumag na naghiwalay na kami,” bulong niya sa sarili. Matapos magpirmahan ay tumayo na si Althea, inayos ang laylayan ng blazer niya, at kinuha ang bag. “That’s it,” aniya na parang nakatapos ng isang major conference. She stood up and was about to walk away. Ngunit bigla siyang napahinto nang tawagin siya nito. “Yeah?” Narinig niya ang paggalaw ng upuan at ang marahang paghakbang ni Darius palapit. Nang lumingon siya ay nasa harapan na niya ito. “Do you really think this ends here?” mahinang sambit nito. “It should,” aniya at diretso niya itong tinitigan sa mata. Bahagyang ngumiti si Darius, pero may kung anong mabigat sa ekspresyon ng mukha nito. “You don’t walk away from me that easily.” Hindi umatras si Althea. Taas noo niyang pinakatitigan ang dating asawa. “I just did.” Muling namagitan ang katahimikan sa kanila. Sinamantala ni Darius ang pagkakataon na mas lumapit pa. At halos isang hakbang na lang ang pagitan nila. “You were my wife,” mariing paalala nito. “Hindi ‘yan basta nawawala dahil lang sa pirma.” “And you were my husband,” ganti niya na hindi inaalis ang tingin. “Hindi rin ‘yan nawawala dahil lang sa kabit mo.” Napasinghap ng bahagya si Darius, ngunit mabilis din itong nakabawi. Bumalik ang maliit na ngiti sa labi nito. “You’ll come back to me,” puno ng kumpiyansang sambit ni Darius. Umiling si Althea. “Not a chance.” Tinalikuran na niya ito ng tuluyan at naglakad palabas ng conference room. Hindi na siya lumingon pa, kahit nararamdaman niya ang tingin nito sa likod niya. Dire-diretso lang siya hanggang sa makalabas ng building, saka lang siya huminga ng malalim nang makasakay sa kotse. Animo’y doon lamang naramdaman ni Althea ang kaginhawaan. Finally! She’s free. Samantala, sa loob naman ng silid, naiwan si Darius, nakatayo at nakatingin sa pintong nilabasan ni Althea. Ilang segundo siyang hindi gumalaw, bago dahan-dahang napabuntong-hininga. “You really think you’re done with me…” pagkausap niya sa sarili. Umangat ang isang sulok ng labi niya sa isang maliit at mapanganib na ngiti. “Let’s see.”Hindi agad nawala sa isip ni Caelum iyong lalaking nagpunta sa café. Kahit tapos na ang shift niya at naglilinis na lang siya ng counter, bumabalik pa rin sa kanya ang kakaibang pakikipag,-usap nito. “Hoy! Out ka na!” sabi ng katrabaho niyang sumisilip sa orasan. Napatingin si Caelum at napangiti ng bahagya. “Ah—oo nga.” “Pahinga ka na. Mukha kang lutang.” “Ganun ba halata?” biro niya. Ngunit hindi niya maikaila na totoo ang sinabi nito. Pakiwari niya ay buong araw siyang wala sa sarili niya.“Medyo. Ingat ka pauwi.” “Ikaw din.” Nagpalit siya ng damit at lumabas ng café, mas tahimik na ang paligid pero hindi rin siya mapakali. Ilang beses niyang sinubukang kumbinsihin ang sarili na nag-ooverthink lang siya, pero hindi rin siya lubos na naniniwala.Pagdating niya sa bahay, nadatnan niya ang tita niya sa kusina habang nagsusulat sa maliit nitong notebook. “Nandiyan ka na pala,” sambit nito na saglit lamang siyang tiningnan. “Opo,” sagot niya habang hinuhubad ang sapatos. “Kakau
Hindi agad naka-adjust si Caelum paglabas niya ng building. Huminto siya sandali sa gilid ng kalsada saka inayos ang strap ng bag niya at naglakad papunta sa sakayan. May dumaan na jeep na punuan kaya pinabayaan niya muna, hanggang sa may sumunod at doon na siya sumakay. “Bayad po,” sabi niya saka inabot ang barya. “Isa?” tanong ng driver. “Opo.” Tahimik siya buong biyahe. Paulit-ulit lang bumabalik sa isip niya yung umaga—yung kape, yung simpleng usapan, at yung “We agreed.” Napabuga siya ng hangin at bahagyang napailing. ‘Tama na ‘yon.’Pagdating niya sa café ay agad siyang dumiretso siya sa loob. “Late ka ng konti,” bati ng manager. “Sorry po, traffic,” sagot niya habang papunta sa locker. “Ikaw muna sa orders, sabay-sabay na naman,” dagdag nito. “Opo.” Isinuot niya ang apron at pumwesto sa counter. May karamihan ang customer para sa araw na iyon. Ayos na rin, aniya sa isipan. Baka dito ay saglit niyang makalimutan ang isang gabing nangyari sa kaniya. Sa kanila...“Uy,
Caelum woke up with a heavy feeling. Hindi agad siya bumangon, bagkus mas lalo lamang niyang binalot ang sarili ng malambot na comforter. Nakatitig lamang siya sa kisame habang dahan-dahang bumabalik sa kanya ang pakiramdam ng nangyari sa kanila ni Althea—yung init ng katawan nito na hindi pa tuluyang nawawala sa balat niya, yung pagod na hindi lang galing sa katawan, kundi sa desisyong ginawa niya.Huminga siya ng malalim. At doon nagsimulang pumasok ang mga alaala. Ang pagitan nila ni Althea na unti-unting nawala. Ang pakiramdam na hindi siya pinilit—pero hindi rin siya umatras. Kung paano siya hinayaan nito na sumabay at magdesisyon sa sarili niyang bilis.Mariin siyang napapikit. Hindi siya nagmadali. Iyon ang malinaw.At marahil iyon ang dahilan kung bakit mas mabigat sa dibdib niya ang lahat. Wala siyang masisisi.Wala siyang pwedeng sabihing hindi niya ginusto ang lahat.Bahagya siyang gumalaw sa kama, saka napahinto. May bakas pa ng init sa mga kumot. May amoy pa ang naiwan
Caelum stopped kissing her. Agad siyang umalis sa ibabaw nito at walang pasubaling binuhat niya si Althea. Nangunyapit ang babae sa kang leeg.“Saan ang kwarto mo?” paos niyang bulong habang inaayos niya ang pagbuhat. “Just go straight.”Sinunod niya ang sinabi nito. Habang naglalakad papunta sa kwarto nito ay hindi niya maiwasang magbaba ng tingin para makita ang mukha nito. Althea is just staring at him. Muntikan pa siyang matapilok. “Are you afraid?” tanong bigla nito. Inipon ni Caelum ang natitirang hangin sa paligid niya saka huminga ng malalim. Ngayon pa ba siya matatakot? Kung kailan nasimulan na niya?“Hindi ako takot.”Pagkarating sa tapat ng kwarto ay sinipa niya lang ang pinto. Hindi naka-lock kaya agad silang nakapasok.Agad na nahagip ng mga mata niya ang malaki nitong kama na pulos pula ang kulay. Kahit ang motif ng kwarto ay pula din. Mula sa dingding, sa carpet, at maging sa mga kurtina. Mas lalong nagliyab ang nasa loob ni Caelum. Pagkarating sa kama ay maingat n
Tahimik si Caelum sa buong biyahe. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana, pinapanood ang mga ilaw ng lungsod na nagiging pahaba habang umaandar ang sasakyan. Hindi niya alam kung ano ang mas mabilis—yung takbo ng kotse o yung tibok ng puso niya. Pakiramdam niya ay lalabas ang puso niya sa bilis ng tibok niyon.Ramdam niya ang presensya ni Althea sa tabi niya kahit hindi siya tumitingin. Nakatutok ang paningin nito sa daan habang nagmamaneho. Masyadong malapit. Masyadong tahimik.‘Ganito ba talaga ‘to?’Hindi siya sanay sa ganitong klase ng katahimikan—yung may kasamang tensyon na parang may hinihintay na pumutok.Huminto ang pulang sasakyan nito sa tapat ng malaking pent house. Hindi pa sila nakakalabas ng sasakyan ay halos malulua si Caelum. Sa T.V. lang niya nakikita ang ganitong klase ng mga lugar. Pagpasok nila sa pent house, mas lalo siyang natahimik. Malinis ang buong paligid, na kahit sa sahig siya matulog ay ayos lang. Halos lumubog ang suot nyang sapatos sa malambot na ca
Hindi agad nakabalik sa trabaho si Caelum matapos ang usapan nila ni Althea. Naiwan lang siya sa mesa, nakatitig sa tasa ng kape na iniwan nito—halos kaunti lang ang nabawasan. Manipis na usok na lang ang natitira, unti-unting nawawala. Hindi niya maiwasang isipin kung gaano kadali para kay Althea ang umalis na parang wala lang, samantalang siya, parang naiwan sa gitna ng isang bagay na hindi niya pa kayang galawin.“Caelum, orders!”Napakurap siya at saka bumalik sa reyalidad. “Ah—opo!” sagot niya, sabay tayo at halos nagmamadaling bumalik sa counter. Pilit niyang ibinalik ang sarili sa trabaho, paulit-ulit na sinasabihan ang sarili na mag-focus lang, na trabaho lang ‘to. Pero kahit anong pilit niya, hindi niya mahanap ang ritmo niya ng mga sandaling iyon. Minsan mali ang naiaabot niyang order, minsan napapatigil siya sa gitna ng ginagawa, parang nawawala sa huwisyo.“Okay ka lang?” tanong ng katrabaho niya habang inaabot nito sa kanya ang tray.“Yeah,” sagot niya agad, pero hindi n
Hindi na nawala sa isip ni Caelum ang usapan nila ni Althea kahit natapos na ang shift niya. Pag-uwi niya, tahimik na ang bahay. Patay na ang ilaw sa sala, pero nakapatong pa rin sa mesa ang mga resibo—parang iniwan lang saglit pero hindi na binalikan. Dumaan siya roon at saglit na tumigil, kinuha
Hindi naging maayos ang tulog ni Caelum ng gabing iyon. Paikot-ikot lang siya sa kama, nakatitig sa kisame ng maliit niyang kwarto habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang usapan nila ni Althea. Kahit anong pilit niyang iwasan, bumabalik pa rin ang lahat—yung diretsahang paraan nito ng pag
Ilang hakbang lang ang inilayo ni Caelum mula sa mesa ni Althea nang mapahinto siya. Hawak pa rin niya ang notepad, pero hindi na siya nakatingin dito. Sa halip, napabuntong-hininga siya at bahagyang napakamot sa batok Hindi niya alam kung matatawa siya o maiinis.“Ang gulo,” bulong niya sa sarili
Pagbukas ng pinto ng kanyang penthouse unit ay sinalubong si Althea ng katahimikan. Dahan-dahan siyang pumasok, at agad hinubad ang heels niya habang naglalakad. Iniwan niya iyon sa may entrance, hindi na inayos. Sumunod ang blazer na basta na lang niyang isinabit sa sandalan ng sofa.Everything wa







