Share

KABANATA 27

Author: marimonyika
last update Huling Na-update: 2025-07-15 19:27:51

Nakatayo si Dalton sa may bandang pintuan at nakahalukipkip. Kahit sino ang tumingin ay mapapansin na may kung anong namamagitan sa dalawa. Umusbong ang pagkainis sa sistema ni Dalton.

Nang tumingin siya sa mukha ng lalaki ay dumaan ang pagkagulat sa kan'yang mukha ngunit agad naman niya 'yung tinago.

Hindi niya kilala ang lalaki, ngunit may awra itong nakakatakot kaya hindi niya mapigilan na magdalawang-isip.

Ngunit sino ba si Dalton? Wala siyang inaatrasan at sa oras na ito nangingibabaw ang pagka-inis niya kay Amelia.

Biglang naglaho ang saya na bumabalot sa silid nang dumating si Dalton. Nang makita ni Amelia ang mukha nito ay agad siyang napasimangot.

"Bakit ka nandito?" Monotong tanong ni Amelia sa dating asawa.

Ilang ulit rin niyang inisip kung ano ang magiging reaksyon ni Dalton 'pag nalaman niya na totoo na ngang wala si Monica.

Magugulat ba ito? Magsisisi? Magluluksa kahit kaunti man lang?

Ngunit hindi nga siya binigo ng akala niya. Para kasing wala lang kay Dalton na
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
marimonyika
salamat po sa pagbabasa 🫶
goodnovel comment avatar
marimonyika
will do today po, please stay tune ...️
goodnovel comment avatar
Aviana
Hahaha Akala mo lang Dalton. Go Amelia wag ka matakot dyan kay Dalton sobrang walang kwentang lalaki
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 98- She doesn't deserve you, Luther.

    Bago pa maidikit ni Shaira ang kamay nito sa kan'yang dibdib ay agad na umaatras papalayo si Luther. Dumilim ang kan'yang mukha at matalim na tinignan si Shaira. Ngayon ay naaalala na niya kung saan niya ito nakita. Isa ito sa umapi kay Amelia noon sa Ikarus Haven. Iyon pa lang ay uminit bigla ang kan'yang ulo sa babaeng kaharap. "Yeah. I remembered," matigas at mabigat niyang usal. Tinapunan niya ito ng masamang tingin ngunit ang babaeng kaharap ay tila ba'y bulag sa mga tingin niya at mas namula pa ito at nagpa-cute. "You're one of those people who bullied Amelia right?" Tumawa si Shaira. "Oh come on, we didn't bully her. Nagsasabi lang kami ng totoo. Hindi mo kilala si Amelia, we were her classmates kaya alam namin ang totoong kulay ng babaeng 'yon.""Kung ako sa'yo iwasan mo na ang babaeng 'yon. Matter of fact h'wag kang magpadala sa pang-aakit nun. She's nothing but a seducer and a whore. Kita naman sa nangyari sakanila ng naging asawa niya. Mang-aagaw siya, she seduced Dalt

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 97- So hindi ka curious?

    Hindi pa nga siya nakapagsalita nang marinig niya ang baritonong boses ni Luther sa kabilang linya. "Why didn't you pick up the call?"Hindi nagsalita si Amelia. Binagsak niya ang katawan sa malambot niyang kutson at nilaro ang iilang hibla ng kan'yang buhok. "Baby? Why aren't you saying anything?" Untag nitong muli at mahihimigan sa boses nito ang banayad ay nagsusumamong tono. Lumambot naman puso ni Amelia sa narinig. Hindi niya alam ngunit biglang uminit ang sulok ng kan'yang mga mata at kumibot ang kan'yang labi. "Akala ko kasi busy ka dahil 'Mm' lang ang sagot mo saakin kanina," nanghihimutok na saad ni Amelia kay Luther at narinig ni Luther ang dismayadong tono sa boses ng dalaga.Nawala ang pagkakunot ng noo ni Luther at napangiti sa inasal ng kasintahan. Mas lalo lang lumaki ang pagka-miss niya kay Amelia sa mga sandaling iyon. "One of my business partners wanted a drink with me, it wasn't too convenient," paliwanag ni Luther. Niyakap ni Amelia ang unan at hindi nagsalit

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 96- 'Mm'

    Iniisa-isang tinignan ni Luther ang mga nakuhang litrato ni Brent at nang may nagustuhan ay isinend niya iyon kay Amelia. Biglang nakatanggap ng notification si Amelia galing kay Brent. Kakatapos lang niya magsipilyo at manghilamos nang maisipan niyang tignang muli ang kan'yang selpon. Nagtataka niyang binuksan iyon at bumungad sakan'ya ang larawan ni Luther sa isang lugar na parang club. Sa litrato ay nakita niyang nakaupo ito sa sulok habang naninigarilyo. Sa ekspresyon nito ay makikita ang matinding pagkabagot at tila ba'y hindi ito makapaghintay umalis sa lugar na iyon.Sa kan'yang paligid, nakita ni Amelia ang maraming babaeng nagnanakaw-tingin sa lalaki, at tila ba'y sabik na naghihintay ng pagkakataong makausap ito at malandi. Imbes na mapangiti sa nakita ay napasimangot na lamang siya. Inis ang bumalot sa kan'yang sistema. Naging mahigpit ang pagkakahawak niya sa kan'yang cellphone. Muling lumipat ang tingin niya kay Luther. Ang malamig na ekspresyon nito at ang kawalan

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 95 - The tables have turned.

    Napukaw sa pagkatulala si Dalton nang mapansin niya ang paglagay ng tasa sa kan'yang harapan. Tumaas ang tingin niya at bumungad sa kan'ya ang nakangiti at maaliwalas na mukha ni Grace."Pinagtimpla kita ng tsaa. Napapansin ko kasing pagod ka at wala sa focus. May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Grace. Hindi nagsalita si Dalton bagkos ay sumandal siya sa kan'yang swivel chair. Inabot niya ang tasa at wala sa sariling simimsim ng tsaa.Ilang araw rin ang nakaraan matapos ang huling pag-uusap nila ni Amelia. Hindi na niya ito nakaharap pang muli dahil natuon ang atensyon niya kay Grace lalo na't ngayon ay palagi siya nitong hinahanap at hindi na siya nito nilulubayan. Na-guilty naman siya dahil alam niya at ramdam niya ang pangungulila nito sakan'ya kaya mas pinili niyang ipokus ang atensyon sa babae. Inaamin niyang may parte sakan'ya na gustong makita si Amelia ngunit dahil abala siya sa pag-aasikaso kay Grace ay nawawala rin iyon sa kan'yang isipan. Napikit siya nang biglang

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 94- She's not answering my calls!

    Ito na naman ang kakaibang damdamin niya sa tuwing nagkakalapit silang dalawa. 'Di niya alam kung dahil ba iyon sa pagtakbo niyo o dahil sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Walang emosyon na tumingin lang sakan'ya si Amelia. Walang gulat, walang saya, galit o 'di kaya'y pananabik man lang na palagi niyang nakikita sa mga mata nito noon. Wala, wala siyang nakuha ni isang emosyon kundi isang malamig at blanko lang na ekpresyon. Para namang namanhid ang sistema ni Dalton sa nakitang iyon."Sa loob tayo mag-usap," saad ni Amelia at agad na binuksan ang pinto. Hindi siya nito pinagtabuyan, nakaramdam naman ng konting tuwa roon si Dalton kahit papaano. Walang imik na sumunod si Dalton kay Amelia. Akmang hahawakan na sana niya ang kamay ng dalaga ngunit naiwan sa ere ang kamay niya nang bigla itong humarap. "Kung ang pakay mo rito ay tungkol kay Kevin, pwes wala ka nang dapat ipagalala pa. I've made up my mind at tinatanggap ko ang alok mo. I just talked to my lawyer para asikasuhin a

  • The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife   KABANATA 93- Pananabik?

    Agad na isinugod ni Dalton si Grace sa hospital, pagkarating nila roon ay agad itong nirekomenda sa emergency treatment at makalapas ng ilang minuto lang ay naging ligtas na ang kalagayan nito. Namumula at namamasa ang mga mata ni Grace nang tignan niya si Dalton sa mga mata, tila ba'y nagsusumamo at nanghihingi ng pasensya. Lunapit ang attending physician kay Dalton at nagsalita. "Hindi maganda ang kalagayan ni Grace Mr. Williams. Her condition is getting worse at kung magpapatuloy ito ay hindi malabong magkaroon siya ng suicidal tendencies. Please, take my advice seriously, baka sa susunod ay malagay na nga sa panganib ang buhay niya," anito. Napasimangot naman doon si Dalton. Naramdaman niya ang paghawak ni Grace sa kamay niya kaya napatingin siya rito. Nagsalubong ang kanilang mga mata at doon nakita niya ang repleksyon niya sa mga mata nito. Na tila ba'y siya lang ang nakikita nito at kailangan sa mga sandaling iyon. Bigla namang may kumirot sa kan'yang ulo at kapagkuwan ay

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status