Mag-log inNanatiling nakataas ang kilay ni Carter habang nakatitig sa akin, tila ba naghihintay na pumalag ako sa mga huling salitang binitawan niya. Pero nanatili akong tahimik. Nilunok ko ang lahat ng dumi at sakit na ipinukol niya sa aking pagkatao. Wala akong pakialam kung anong sabihin niya sa akin. Wala akong pakialam kung gaano kasakit ang mga salitang ibabato niya sa akin. Hindi ko naman hawak ang utak niya para magpaliwanag sa kanya at pilitin na paniwalaan ako nito. Ang mahalaga ay bayaraan ako nito para sa pampagamot ni Eliana.“Prepare the bed in my room. Ililipat ko na sila,” malamig na utos niya bago lumapit kay Kaito upang buhatin ito. Agad akong sumunod nang walang kibo. Parang robot ang bawat galaw ng aking mga paa habang naglalakad patungo sa unang kwarto upang ihanda ang higaan ng magpinsan. Sa likod ko, nakasunod si Carter na akay si Kaito. Nang makarating kami sa kwarto ni Carter, ang pamilyar na amoy na madalas kong maamoy mula sa kanya sa tuwing malapit siya sa akin
Matapos ihatid ni Carter si Kaito sa sofa, naiwan akong nakatayo sa tabi ni Fatima na hanggang ngayon ay nakadapa pa rin sa malamig na sahig at mahinang dumadaing. Hindi ko kayang makita siyang ganoon. At kahit pa napakasakit ng mga sinabi niya sa akin kanina, tao pa rin siya. Dahan-dahan akong lumuhod sa tabi niya at hinawakan ang kanyang balikat. “Ma’am Fatima… okay lang po ba kayo? Tutulungan ko na po kayong makatayo.” “B-Bitawan mo ako…” pautos ngunit halatang walang lakas na sabi niya. Pilit niyang itinulak ang kamay ko pero dahil sa kalasingan, bumalik lang siya sa pagkaksadlak. Inakay ko ang kanyang braso at ipinatong sa aking balikat. Mabigat siya, lalo na’t wala siyang balanse, ngunit pinilit kong tumayo gamit ang buong lakas ko. Nang lumingon ako patungo sa sala, nakita kong nakatayo si Carter at nakakunot ang kanyang noo. Nakapamulsa siya habang seryosong nakatitig sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung kanina pa ba niya ako pinagmamasdan o ngayon lang. “I told you to g
Nagising ako dahil sa tindi ng gutom. Pagtingin ko sa labas, madilim na pala ang paligid at tanging mga ilaw na lang ng siyudad ang natatanaw mula sa malaking bintana ng aking kwarto. Naalala ko ang huling utos ni Carter nang sumagi sa isip ko nang maayos na wala ako sa apartment namin nina Auntie—na bumaba ako para kumain pagkagising ko. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan habang hawak-hawak ang aking kumakalam na tiyan. Akala ko ay wala nang tao—wala na akong madadatnan sa aking pagbaba, ngunit nadatnan ko si Carter sa kusina. Nakasandal siya sa counter, may hawak na tasa ng kape habang seryosong nakatitig sa kanyang laptop. Wala na ang kanyang mga kaibigan, at wala rin si Fatima. Pero bakit narito pa rin siya? Hindi ba at sabi nilang mag-asawa na ako ang titira sa condominium na ito? Kasama ko rin ba sila? Hindi na ba sila uuwi sa mansyon nila?Napatigil ako sa paglalakad—sa mismong bungad ng kusina, nagdadalawang-isip kung itutuloy ko ba ang paghakbang. Ngunit bago pa ako mak
Pagkatapos bitawan ni Carter ang mga nakapanlalamig na salitang iyon, iniwan niya akong nakatayo sa gitna ng sala at nagtungo siya sa kusina kung nasaan ang kanyang mga kaibigan. Samantalang ako, muling naupo sa sofa at doon lang tuluyang nanghina ang aking mga tuhod. Sumandal ako sa sofa at niyakap ang aking sarili. Ang malamig na boses ni Carter na may kalakip na pagbabanta ay talagang nanuot sa aking katawan, maging sa aking kalamnan. Iginala ko ang aking mga mata sa loob ng napakalaking condominium para kahit papaano ay maalis sa utak ko ang huling sinabi ni Carter. Napakalawak ng condominium na ito. Doble pa sa apartment na tinitirhan namin ni Auntie. Ngunit kahit gaano ito kalaki, para sa akin, isa itong marangyang kulungan.Dito ako titira habang ginagamit ni Carter ang katawan ko. Dito ako maglalagi habang binubuo sa sinapupunan ko ang bata na magiging tagapagmana ng pamilya nila. Hinawakan ko ang aking tiyan na patag pa rin hanggang ngayon. Kahit wala pang laman ito, t
“Kargador?”Bago pa man ako tuluyang mailubog ng sarili kong kahihiyan, naramdaman ko ang biglang pagbaba ng temperatura sa tabi ko.Humakbang si Kaito sa gitna ng sala, hinarap ang kanyang pinsan nang may matigas at malamig na mukha. Nawala ang lahat ng bakas ng pagiging bakla niya; ngayon ay mukha siyang isang galit na leon na handang pumatay. “Ulitin mo nga ang sinabi mo, Fatima?” mariing hamon ni Kaito. Bawat salita ay may kalakip na banta. Natahimik ang mga kaibigan ni Carter. Si Lucian ay napaayos ng upo, habang si Locke naman ay dahan-dahang ibinaba ang kanyang baso ng alak, mukhang naramdaman ang biglang tensyon sa silid. “Bakit, Kaito? Totoo naman, ah?” depensa ni Fatima, pilit na tumatawa pero bakas ang kaba sa kanyang mga mata nang sulyapan ang mga nananahimik na kaibigan ni Carter. “Siya ang magdadala ng anak namin. Binabayaran namin siya—” “Binabayaran niyo siya para sa isang sakripisyo na ikaw, na asawa, ay masyadong duwag at makasarili para gawin!” putol ni Kaito
Maingay ang naging pagbiyahe namin papunta sa apartment dahil sa walang katapusan na kakadaldal ni Kaito. Pagkarating namin, bigla naman itong nanahimik na tila ba doon lang nag-sink-in sa kanya ang bigat ng sitwasyon.Agad akong kumuha ng malaking bag at nagsimulang mag-ayos ng mga damit na dadalhin ko sa bago kong tirahan. Si Kaito naman ay nakasandal sa hamba ng pinto ng kwarto ko, nakahalukipkip at mataman akong pinapanood. Wala siyang balak na tulungan ako, marahil ay bilang pagpapakita rin ng tahimik niyang pagprotesta sa desisyon ko.“Sigurado ka na ba talaga rito, Adelina?” basag ni Kaito sa katahimikan. Ang tono niya ay wala nang bakas ng biro. “I mean, pwede naman nating gawan ng paraan. Maghahanap ako ng maaari mong mapagkakakitaan. Hindi mo kailangang ibaba ang sarili mo sa pinsan ko at sa asawa niya.”Bumuntonghininga ako habang itinutupi ang isang lumang blusa. “Kaito, ilang beses ko ba itong sasabihin sa iyo? Kailangan ko ng mabilisang pera para kay Eliana. At saka, nan







