Share

Chapter 19:

Penulis: Kulalaiii
last update Tanggal publikasi: 2026-06-03 17:00:07

Nagising ako dahil sa tindi ng gutom. Pagtingin ko sa labas, madilim na pala ang paligid at tanging mga ilaw na lang ng siyudad ang natatanaw mula sa malaking bintana ng aking kwarto.

Naalala ko ang huling utos ni Carter nang sumagi sa isip ko nang maayos na wala ako sa apartment namin nina Auntie—na bumaba ako para kumain pagkagising ko.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan habang hawak-hawak ang aking kumakalam na tiyan. Akala ko ay wala nang tao—wala na akong madadatnan sa aking pagbaba, n
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 19:

    Nagising ako dahil sa tindi ng gutom. Pagtingin ko sa labas, madilim na pala ang paligid at tanging mga ilaw na lang ng siyudad ang natatanaw mula sa malaking bintana ng aking kwarto. Naalala ko ang huling utos ni Carter nang sumagi sa isip ko nang maayos na wala ako sa apartment namin nina Auntie—na bumaba ako para kumain pagkagising ko. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan habang hawak-hawak ang aking kumakalam na tiyan. Akala ko ay wala nang tao—wala na akong madadatnan sa aking pagbaba, ngunit nadatnan ko si Carter sa kusina. Nakasandal siya sa counter, may hawak na tasa ng kape habang seryosong nakatitig sa kanyang laptop. Wala na ang kanyang mga kaibigan, at wala rin si Fatima. Pero bakit narito pa rin siya? Hindi ba at sabi nilang mag-asawa na ako ang titira sa condominium na ito? Kasama ko rin ba sila? Hindi na ba sila uuwi sa mansyon nila?Napatigil ako sa paglalakad—sa mismong bungad ng kusina, nagdadalawang-isip kung itutuloy ko ba ang paghakbang. Ngunit bago pa ako mak

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 18:

    Pagkatapos bitawan ni Carter ang mga nakapanlalamig na salitang iyon, iniwan niya akong nakatayo sa gitna ng sala at nagtungo siya sa kusina kung nasaan ang kanyang mga kaibigan. Samantalang ako, muling naupo sa sofa at doon lang tuluyang nanghina ang aking mga tuhod. Sumandal ako sa sofa at niyakap ang aking sarili. Ang malamig na boses ni Carter na may kalakip na pagbabanta ay talagang nanuot sa aking katawan, maging sa aking kalamnan. Iginala ko ang aking mga mata sa loob ng napakalaking condominium para kahit papaano ay maalis sa utak ko ang huling sinabi ni Carter. Napakalawak ng condominium na ito. Doble pa sa apartment na tinitirhan namin ni Auntie. Ngunit kahit gaano ito kalaki, para sa akin, isa itong marangyang kulungan.Dito ako titira habang ginagamit ni Carter ang katawan ko. Dito ako maglalagi habang binubuo sa sinapupunan ko ang bata na magiging tagapagmana ng pamilya nila. Hinawakan ko ang aking tiyan na patag pa rin hanggang ngayon. Kahit wala pang laman ito, t

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 17:

    “Kargador?”Bago pa man ako tuluyang mailubog ng sarili kong kahihiyan, naramdaman ko ang biglang pagbaba ng temperatura sa tabi ko.Humakbang si Kaito sa gitna ng sala, hinarap ang kanyang pinsan nang may matigas at malamig na mukha. Nawala ang lahat ng bakas ng pagiging bakla niya; ngayon ay mukha siyang isang galit na leon na handang pumatay. “Ulitin mo nga ang sinabi mo, Fatima?” mariing hamon ni Kaito. Bawat salita ay may kalakip na banta. Natahimik ang mga kaibigan ni Carter. Si Lucian ay napaayos ng upo, habang si Locke naman ay dahan-dahang ibinaba ang kanyang baso ng alak, mukhang naramdaman ang biglang tensyon sa silid. “Bakit, Kaito? Totoo naman, ah?” depensa ni Fatima, pilit na tumatawa pero bakas ang kaba sa kanyang mga mata nang sulyapan ang mga nananahimik na kaibigan ni Carter. “Siya ang magdadala ng anak namin. Binabayaran namin siya—” “Binabayaran niyo siya para sa isang sakripisyo na ikaw, na asawa, ay masyadong duwag at makasarili para gawin!” putol ni Kaito

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 16:

    Maingay ang naging pagbiyahe namin papunta sa apartment dahil sa walang katapusan na kakadaldal ni Kaito. Pagkarating namin, bigla naman itong nanahimik na tila ba doon lang nag-sink-in sa kanya ang bigat ng sitwasyon.Agad akong kumuha ng malaking bag at nagsimulang mag-ayos ng mga damit na dadalhin ko sa bago kong tirahan. Si Kaito naman ay nakasandal sa hamba ng pinto ng kwarto ko, nakahalukipkip at mataman akong pinapanood. Wala siyang balak na tulungan ako, marahil ay bilang pagpapakita rin ng tahimik niyang pagprotesta sa desisyon ko.“Sigurado ka na ba talaga rito, Adelina?” basag ni Kaito sa katahimikan. Ang tono niya ay wala nang bakas ng biro. “I mean, pwede naman nating gawan ng paraan. Maghahanap ako ng maaari mong mapagkakakitaan. Hindi mo kailangang ibaba ang sarili mo sa pinsan ko at sa asawa niya.”Bumuntonghininga ako habang itinutupi ang isang lumang blusa. “Kaito, ilang beses ko ba itong sasabihin sa iyo? Kailangan ko ng mabilisang pera para kay Eliana. At saka, nan

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 15:

    Kumuyom ang aking kamao habang nakatitig sa screen ng aking cellphone.Incubator.Paulit-ulit na umalingawngaw ang salitang iyon sa aking isipan, tila isang malakas na sampal na nagpaalala sa akin kung gaano kalupit ang tadhana sa akin.Ngunit kahit gaano kasakit ang mga salitang nabasa ko sa mensahe ni Carter, alam kong bawal akong manghina. Walang puwang ang sakit. Kailangan ako ng anak ko—kailangan kong lumaban para mabuhay si Eliana at makasama pa namin siya nang matagal.“Saan ka pupunta, Adelina?” mahinang tanong ni Auntie Lottie, ngunit sapat na upang basagin ang namumuong pananahimik sa silid.Muli kong hinalikan sa noo si Eliana bago ako naglakad patungo kay Auntie Lottie. Umupo ako sa sofa sa tabi niya, nilunok ang bara sa aking lalamunan bago sinabi ang huling baraha na mayroon ako para madagdagan ang perang pampagamot ng aking anak.“Gusto ng mag-asawa na lumipat ako ng tirahan habang nagbubuntis ako, Auntie,” panimula ko.“Ano? Kaya ko naman alagaan ka habang nagbubuntis

  • The Contract: Beginning of His Obsession    Chapter 14:

    Bitbit ang mabigat na pasanin sa aking dibdib, halos hindi ko na maramdaman ang bawat hakbang ng aking mga paa habang naglalakad sa mahabang koridor ng ospital. Ang suot kong long-sleeved polo na pagmamay-ari ni Carter ay tila isang permanenteng paalala sa naganap kagabi—isang markang nagsasabing ibinenta ko na ang sinapupunan ko.“Adelina,” salubong sa akin ni Auntie Lottie.Umupo kaming dalawa sa labas ng kwarto ni Eliana. Tahimik ang koridor kaya halos pabulong ang boses ni Auntie Lottie upang hindi makaabala.“Kumusta? Dumating kahapon dito si Kaito at ang pinsan niyang si Fatima. Binayaran nila ang bill ni Eliana, Adelina!” masayang balita sa akin ni Auntie Lottie, bakas ang labis na kaluwagan sa kaniyang mukha.Huminga ako nang malalim bago ko binalingan si Auntie Lottie. Ngumiti ako sa kanya kahit na matamlay ang kalalabasan ng ngiti ko. Kunot-noo naman akong tinignan ni Auntie dahil doon.“Ibinalik na ba ng mga magulang ni Kaito ang kompanya nila sa pamamahala niya?”“Auntie,

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status