ANMELDENNapatigil ang mundo ko. Lahat ng sakit, lahat ng luha, lahat ng katotohanang kakabagsak lang sa dibdib ko— biglang mas lalong bumigat sa isang pangungusap mula sa lalaking nasa itaas ng hagdan. Mabagal siyang bumaba. CLACK. Tunog ng baston niya sa marmol na sahig. CLACK. Bawat hakbang— parang may dalang lumang galit. Tumigas ang panga ni Craig. “Papa.” Malamig. Babala. Pero hindi natinag ang matanda. Paglapit niya sa liwanag, mas nakita ko ang mukha niya. Matalim ang mga mata. Halos kapareho ni Craig. Pero walang bakas ng awa. “You should’ve told her sooner,” sabi nito habang nakatingin sa akin. “Para alam niyang hindi aksidente kung bakit siya napunta rito.” Nanlamig ako. “Craig…” bulong ko. “Ano’ng ibig niyang sabihin?” Tahimik si Craig. At muli— sinusubok ako ng katahimikan niya. “Answer her,” malamig na utos ng ama niya. Humigpit ang kamao ni Craig. “Enough.” “No.” Bumaling sa akin ang matanda. “Your father ru
Hindi ako makahinga. Parang unti-unting lumiit ang buong silid habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang mga salita nila. Your family. The downfall of mine. The key to everything. “Hindi…” mahina kong sabi, umatras ng isang hakbang. “Hindi totoo ’yan.” Pero walang sumagot agad. At minsan— ang katahimikan ang pinaka-brutal na pag-amin. Tumingin ako kay Craig. Sa unang pagkakataon mula nang makilala ko siya— wala akong nakitang kontrol sa mukha niya. Hindi galit. Hindi lamig. Kundi isang lalaking matagal nang pagod dalhin ang nakaraan. “Mariel—” “Sinungaling ka ba sa’kin?” Naputol siya. Tumama ang tanong ko sa pagitan naming parang basag na salamin. Hindi siya agad sumagot. At iyon ang mas masakit. Napailing ako habang unti-unting namumuo ang luha sa mata ko. “Lahat ba ng ’to…” nanginginig kong tanong, “planado?” “No.” Mabilis ang sagot niya. Masyadong mabilis. Lumapit siya pero umatras ako agad. Nanigas siya. Para
Hindi ako nakapagsalita buong biyahe.Mula sa El Greco Tower hanggang sa kung saan niya ako dadalhin—parang hindi ako makahinga nang maayos.Tahimik lang si Craig.Pero hindi iyon normal na katahimikan.May bigat.May kontrol.At ang kamay niya—hindi pa rin bumibitaw sa kamay ko.“Hindi niyo pa rin ba ako pwedeng bitawan?” mahina kong tanong.Hindi siya lumingon.“Pwede,” sagot niya.“Pero ayokong bitawan.”Tumigil ang puso ko.Pagdating namin, nanlaki ang mata ko.Isang malaking gate ang bumukas.At sa likod noon—isang mansion.Hindi lang basta mansion.Isang buong mundo.Malawak na garden. Malalaking ilaw. Modern ngunit malamig ang disenyo.Parang walang taong basta-basta nakakapunta rito.“Welcome home,” sabi niya.Napatingin ako sa kanya.“Hindi ako dito nakatira.”Ngumiti siya ng bahagya.“Hindi pa.”Napakurap ako.“Ano?”Hindi siya sumagot.Bumaba siya ng sasakyan.At hinila niya ako “Craig, sandali lang—”“Stay close,” putol niya agad.At gay
Tahimik pa rin ang loob ng office.Pero ang katahimikan ngayon… iba.Mas mabigat.Mas nakaka-ilang.Nakaupo ako sa sofa habang si Craig ay nasa kabilang side, nakatayo malapit sa bintana, kausap pa rin ang kung sino sa phone niya.“Handle it,” malamig niyang utos.“I don’t care who’s involved.”Pinatay niya ang tawag.Sandaling katahimikan ulit.Pero hindi pa rin bumabalik sa normal ang paghinga ko.Halos… nangyari na kanina.Napahawak ako sa labi ko nang hindi ko namamalayan.Napatingin ako sa kanya.At parang nararamdaman niya.Lumingon siya sa akin.Tumigil ang tingin niya sa kamay ko.“Don’t do that,” sabi niya agad.“Ano?” naguguluhan ako.“Touching your lips.”Nanlaki ang mata ko.“Ano bang—”“Stop thinking about it,” putol niya, mas malamig.Pero kabaliktaran ng boses niya ang mata niya.Dahil nakatingin siya sa akin… matagal.Parang siya mismo hindi maka-move on.Biglang may kumatok sa pinto.KNOCK. KNOCK.“Sir Craig,” boses ng assistant mula sa laba
Nawala na ang mga sumusunod sa amin.Hindi ko alam kung bakit ako sumama sa kanya.Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako makatanggi.Basta ang alam ko lang—nakasunod ako kay Craig El Greco sa loob ng itim na sasakyan niya, habang ang buong mundo ko ay unti-unting nagiging mas magulo.Tahimik ang biyahe.Nakatingin siya sa labas ng bintana.At ako sa kabila ng nangyari, pilit inaayos ang paghinga ko.“Relax,” bigla niyang sabi.Napalingon ako.“Hindi naman kita kakainin.”Hindi ko napigilang mapakunot ng noo.“Hindi ako kinakabahan,” sagot ko agad.Tumango siya, pero may bahagyang ngiti sa labi niya.“Liar.”Napahinto ako.Parang… tama siya.Pero hindi ko aaminin.Pagdating namin sa isang high-rise building, halos hindi ako makapaniwala.El Greco Holdings Tower.Lahat ng tao sa lobby ay yumuyuko habang dumadaan siya.At ako—parang hindi kabilang.“Stay close,” sabi niya.“Ano?”Hindi siya lumingon.“Stay. Close.”Iyon lang.At bago pa ako makareklamo—hi
Nanlamig ako sa sinabi niya.“Dela Cruz.”Isang pangalan lang… pero para bang may binuksan siyang pinto sa nakaraan na hindi ko alam na umiiral.“Anong kinalaman ng pamilya ko sa’yo?” mahina kong tanong.Hindi agad sumagot si Craig.Sa halip, tinitigan niya ako—matagal.Parang sinusukat kung hanggang saan ang kaya kong tiisin.“More than you think,” malamig niyang sagot.Napaatras ako ng kaunti.Pero hindi niya ako pinakawalan sa paningin niya.Sa halip, mas lumapit pa siya.“Your last name…” mahinang sabi niya,“is not just a name in my world.”Tumibok nang mabilis ang dibdib ko.Hindi ko maintindihan.“Hindi ko alam ang sinasabi niyo,” sagot ko sa kanya, nanginginig na ang boses ko kahit pilit ko itong pinatatatag.Saglit siyang natahimik.Pagkatapos—tumalikod siya.Parang biglang isinara ang emosyon niya.“Then you will,” sabi niya.Naglakad siya papalayo.Pero bago pa siya tuluyang makalayo—“Craig…” tawag ko sa kanya, hindi ko alam kung bakit.Huminto siy







