LOGINNawala na ang mga sumusunod sa amin.
Hindi ko alam kung bakit ako sumama sa kanya.
Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako makatanggi.
Basta ang alam ko lang—
nakasunod ako kay Craig El Greco sa loob ng itim na sasakyan niya, habang ang buong mundo ko ay unti-unting nagiging mas magulo.
Tahimik ang biyahe.
Nakatingin siya sa labas ng bintana.
At ako sa kabila ng nangyari, pilit inaayos ang paghinga ko.
“Relax,” bigla niyang sabi.
Napalingon ako.
“Hindi naman kita kakainin.”
Hindi ko napigilang mapakunot ng noo.
“Hindi ako kinakabahan,” sagot ko agad.
Tumango siya, pero may bahagyang ngiti sa labi niya.
“Liar.”
Napahinto ako.
Parang… tama siya.
Pero hindi ko aaminin.
Pagdating namin sa isang high-rise building, halos hindi ako makapaniwala.
El Greco Holdings Tower.
Lahat ng tao sa lobby ay yumuyuko habang dumadaan siya.
At ako—
parang hindi kabilang.
“Stay close,” sabi niya.
“Ano?”
Hindi siya lumingon.
“Stay. Close.”
Iyon lang.
At bago pa ako makareklamo—
hinawakan niya ang kamay ko.
Na parang natural lang.
Parang hindi niya iniisip na nakakagulat iyon.
Nanlaki ang mata ko.
“Craig—”
“Don’t get lost,” putol niya.
Pero hindi niya binitawan.
At doon nagsimula ang problema.
Habang naglalakad kami sa loob ng building, ramdam ko ang tingin ng lahat.
Mga babae, at lalaki, mga executive.
Lahat nakatingin sa kamay naming magkahawak.
May bulungan.
May tanong.
May inggit.
At ako—
hindi alam kung bakit hindi ko inaalis ang kamay ko.
“Sir Craig,” isang babae ang lumapit, naka-formal suit, maganda at matalim ang tingin.
“Your meeting is ready.”
Tumango si Craig.
Pero hindi niya ako binitawan.
“Cancel it,” bigla niyang sabi.
Nanlaki ang mata ng babae.
“Sir?”
“Reschedule,” malamig niyang dagdag.
“Right now, I’m busy.”
Busy?
Ako.
Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko.
Sa loob ng elevator, kami lang dalawa.
Tahimik.
Masyadong tahimik.
Ramdam ko ang lamig ng glass walls, pero mas ramdam ko ang init ng kamay niya sa kamay ko.
Hindi pa rin niya ako binitawan.
“Hindi niyo pa rin ba ako pwedeng bitawan?” mahina kong tanong.
“Bakit?” sagot niya agad.
Napatigil ako.
“Sanay ka bang may humahawak sa’yo?”
Nanlaki ang mata ko.
“Ano?”
Lumingon siya sa akin.
At sa unang pagkakataon—
may kakaibang lambot sa tingin niya.
“Hindi mo kailangang matakot dito,” sabi niya.
Napasinghap ako.
“Hindi ako natatakot.”
“Good,” bulong niya.
Pero mas lumapit siya.
Masyadong malapit.
Ramdam ko ang hininga niya.
“At ayokong matakot ka… sa akin.”
Tumigil ang mundo ko.
Biglang tumunog ang elevator—malapit na kami sa floor niya.
Pero hindi pa rin siya bumibitaw.
Sa halip—
hinila niya ako palapit sa kanya.
Nanigas ako.
“Craig…” mahina kong tawag.
Pero hindi siya sumagot agad.
Sa halip, inabot niya ang isang hibla ng buhok ko na nalaglag sa mukha ko.
Dahan-dahan niya itong inayos.
Parang…
parang sobrang normal lang ng ginagawa niya.
Pero para sa akin—
hindi.
“Ang gulo mo,” mahinang sabi niya.
Napatingin ako sa kanya.
“Ano?”
Pero ngumiti siya.
Sa totoo lang—
unang beses ko siyang nakitang ngumiti na hindi malamig.
“Good,” dagdag niya.
“Mas totoo ka kapag magulo ka.”
Tumigil ang puso ko.
Hindi ako makapagsalita.
Hindi ako makagalaw.
At bago pa bumukas ang elevator—
dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko.
Pero bago iyon tuluyang mawala—
pinisil niya ito nang bahagya.
Parang ayaw niyang pakawalan.
Bumukas ang elevator.
Agad bumalik ang malamig niyang aura.
Parang walang nangyari.
Parang hindi niya ako hinawakan kanina.
“Come,” sabi niya.
Pero ako—
hindi pa rin makaget over.
Dahil kahit nakalayo siya ng konti—
ramdam ko pa rin ang init ng kamay niya.
At ang isang bagay na hindi ko maipaliwanag—
parang ayaw ko rin pala siyang bumitaw.
Pagkabukas ng elevator, akala ko babalik na sa normal ang lahat.
Pero hindi.
Dahil hindi pa rin maalis sa isip ko ang kamay niyang humawak sa akin kanina.
At mas lalo na ang tingin niya.
“Follow me,” malamig niyang sabi.
Sumunod ako.
Tahimik ang hallway papunta sa kanyang office.
Malawak. Mamahalin. Nakaka-intimidate.
Pagpasok namin, sarado agad ang pinto.
CLICK.
Napahinto ako.
Kami lang dalawa.
Dito sa loob.
“Um… anong gagawin ko?” tanong ko, pilit normal ang boses.
Hindi siya agad sumagot.
Tinanggal niya ang coat niya, saka marahang isinabit.
Pagkatapos, lumingon siya sa akin.
At doon—
bumalik ang bigat ng tingin niya.
“Sit.”
Isang salita lang.
Pero parang utos na hindi mo kayang suwayin.
Umupo ako sa sofa.
Hindi pa rin siya lumalapit.
Pinagmamasdan niya lang ako.
Parang may iniisip.
Parang may kinakalaban sa loob niya.
“Mariel,” bigla niyang tawag.
Napatigil ako.
Unang beses na hindi niya sinabi ang pangalan ko na malamig.
May… ibang tono.
“Bakit?” mahina kong sagot.
Lumapit siya.
Isang hakbang.
Hanggang sa nasa harap ko na siya.
Masyadong malapit.
Masyadong nakakakaba.
“Do you trust me?” tanong niya.
Napatigil ako.
“Ano?”
“Simple lang ang tanong.”
Natahimik ako sa sinabi niya.
Hindi ko alam ang isasagot.
“Hindi pa kita ganun kakilala,” sagot ko sa kanya.
Tumango siya.
Parang inaasahan niya iyon.
Pero hindi siya umatras.
Sa halip—
umupo siya sa mesa sa harap ko, nakaharap sa akin.
“Good,” sabi niya.
Napakunot noo ako.
“Good?”
“Hindi ka madaling magtiwala,” dagdag niya.
“Mas ligtas ka.”
Napatingin ako sa kanya.
“Ligtas?” ulit ko.
Tumigil siya.
Saglit.
Tapos—
bigla siyang tumingin diretso sa mga mata ko.
At sa pagkakataong iyon—
parang humina ang mundo.
“Hindi ka ligtas sa labas ng lugar na ‘to,” mahina niyang sabi.
Nanlamig ako.
“May nagtatangkang saktan ka.”
“Ano—?”
Bago ko pa matapos—
bigla niyang hinawakan ang kamay ko ulit.
Mas mahigpit.
Mas totoo.
“Pero hindi ko hahayaang mangyari ‘yon.”
Ramdam ko ang tibok ng puso ko.
“Bakit niyo ako pinoprotektahan?” bulong ko sa kanya.
Sandaling katahimikan.
Tapos—
lumapit siya.
Unti-unti.
Hanggang sa halos wala nang pagitan ng mukha namin.
Huminto ako sa paghinga.
“Dahil…” mahina niyang sabi,
“…ikaw ang unang taong hindi ko kayang i-ignore.”
Tumigil ang mundo ko.
Mas lumapit pa siya.
Ramdam ko na ang init ng hininga niya.
“Craig…” bulong ko, hindi ko alam kung babala o tawag.
Hindi siya umatras.
Sa halip—
hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang hinlalaki niya.
Marahan.
Parang takot masira ako.
At doon—
nang tuluyan niyang inilapit ang mukha niya—
napapikit ako.
Halos magkadikit na ang labi namin.
Isang hininga na lang.
Isang sandali na lang.
Pero—
biglang tumunog ang phone niya.
RING. RING. RING.
Napatigil siya sa ginagawa niya.
Nanigas.
Dahan-dahan siyang umatras.
Pero ang kamay niya sa pisngi ko—
hindi agad bumitaw.
Nagkatinginan pa rin kami.
Parehong hingal.
Parehong hindi makapaniwala.
“Fuck…” mahina niyang bulong.
Tapos binitawan niya ako.
Sinagot niya ang tawag.
Malamig na ulit ang boses niya.
Pero ako—
nakaupo pa rin.
Hindi makagalaw.
Dahil sa loob ng ilang segundo—
hindi na ako si Mariel na assistant.
At siya…
hindi na lang basta CEO.
Napatigil ang mundo ko. Lahat ng sakit, lahat ng luha, lahat ng katotohanang kakabagsak lang sa dibdib ko— biglang mas lalong bumigat sa isang pangungusap mula sa lalaking nasa itaas ng hagdan. Mabagal siyang bumaba. CLACK. Tunog ng baston niya sa marmol na sahig. CLACK. Bawat hakbang— parang may dalang lumang galit. Tumigas ang panga ni Craig. “Papa.” Malamig. Babala. Pero hindi natinag ang matanda. Paglapit niya sa liwanag, mas nakita ko ang mukha niya. Matalim ang mga mata. Halos kapareho ni Craig. Pero walang bakas ng awa. “You should’ve told her sooner,” sabi nito habang nakatingin sa akin. “Para alam niyang hindi aksidente kung bakit siya napunta rito.” Nanlamig ako. “Craig…” bulong ko. “Ano’ng ibig niyang sabihin?” Tahimik si Craig. At muli— sinusubok ako ng katahimikan niya. “Answer her,” malamig na utos ng ama niya. Humigpit ang kamao ni Craig. “Enough.” “No.” Bumaling sa akin ang matanda. “Your father ru
Hindi ako makahinga. Parang unti-unting lumiit ang buong silid habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang mga salita nila. Your family. The downfall of mine. The key to everything. “Hindi…” mahina kong sabi, umatras ng isang hakbang. “Hindi totoo ’yan.” Pero walang sumagot agad. At minsan— ang katahimikan ang pinaka-brutal na pag-amin. Tumingin ako kay Craig. Sa unang pagkakataon mula nang makilala ko siya— wala akong nakitang kontrol sa mukha niya. Hindi galit. Hindi lamig. Kundi isang lalaking matagal nang pagod dalhin ang nakaraan. “Mariel—” “Sinungaling ka ba sa’kin?” Naputol siya. Tumama ang tanong ko sa pagitan naming parang basag na salamin. Hindi siya agad sumagot. At iyon ang mas masakit. Napailing ako habang unti-unting namumuo ang luha sa mata ko. “Lahat ba ng ’to…” nanginginig kong tanong, “planado?” “No.” Mabilis ang sagot niya. Masyadong mabilis. Lumapit siya pero umatras ako agad. Nanigas siya. Para
Hindi ako nakapagsalita buong biyahe.Mula sa El Greco Tower hanggang sa kung saan niya ako dadalhin—parang hindi ako makahinga nang maayos.Tahimik lang si Craig.Pero hindi iyon normal na katahimikan.May bigat.May kontrol.At ang kamay niya—hindi pa rin bumibitaw sa kamay ko.“Hindi niyo pa rin ba ako pwedeng bitawan?” mahina kong tanong.Hindi siya lumingon.“Pwede,” sagot niya.“Pero ayokong bitawan.”Tumigil ang puso ko.Pagdating namin, nanlaki ang mata ko.Isang malaking gate ang bumukas.At sa likod noon—isang mansion.Hindi lang basta mansion.Isang buong mundo.Malawak na garden. Malalaking ilaw. Modern ngunit malamig ang disenyo.Parang walang taong basta-basta nakakapunta rito.“Welcome home,” sabi niya.Napatingin ako sa kanya.“Hindi ako dito nakatira.”Ngumiti siya ng bahagya.“Hindi pa.”Napakurap ako.“Ano?”Hindi siya sumagot.Bumaba siya ng sasakyan.At hinila niya ako “Craig, sandali lang—”“Stay close,” putol niya agad.At gay
Tahimik pa rin ang loob ng office.Pero ang katahimikan ngayon… iba.Mas mabigat.Mas nakaka-ilang.Nakaupo ako sa sofa habang si Craig ay nasa kabilang side, nakatayo malapit sa bintana, kausap pa rin ang kung sino sa phone niya.“Handle it,” malamig niyang utos.“I don’t care who’s involved.”Pinatay niya ang tawag.Sandaling katahimikan ulit.Pero hindi pa rin bumabalik sa normal ang paghinga ko.Halos… nangyari na kanina.Napahawak ako sa labi ko nang hindi ko namamalayan.Napatingin ako sa kanya.At parang nararamdaman niya.Lumingon siya sa akin.Tumigil ang tingin niya sa kamay ko.“Don’t do that,” sabi niya agad.“Ano?” naguguluhan ako.“Touching your lips.”Nanlaki ang mata ko.“Ano bang—”“Stop thinking about it,” putol niya, mas malamig.Pero kabaliktaran ng boses niya ang mata niya.Dahil nakatingin siya sa akin… matagal.Parang siya mismo hindi maka-move on.Biglang may kumatok sa pinto.KNOCK. KNOCK.“Sir Craig,” boses ng assistant mula sa laba
Nawala na ang mga sumusunod sa amin.Hindi ko alam kung bakit ako sumama sa kanya.Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako makatanggi.Basta ang alam ko lang—nakasunod ako kay Craig El Greco sa loob ng itim na sasakyan niya, habang ang buong mundo ko ay unti-unting nagiging mas magulo.Tahimik ang biyahe.Nakatingin siya sa labas ng bintana.At ako sa kabila ng nangyari, pilit inaayos ang paghinga ko.“Relax,” bigla niyang sabi.Napalingon ako.“Hindi naman kita kakainin.”Hindi ko napigilang mapakunot ng noo.“Hindi ako kinakabahan,” sagot ko agad.Tumango siya, pero may bahagyang ngiti sa labi niya.“Liar.”Napahinto ako.Parang… tama siya.Pero hindi ko aaminin.Pagdating namin sa isang high-rise building, halos hindi ako makapaniwala.El Greco Holdings Tower.Lahat ng tao sa lobby ay yumuyuko habang dumadaan siya.At ako—parang hindi kabilang.“Stay close,” sabi niya.“Ano?”Hindi siya lumingon.“Stay. Close.”Iyon lang.At bago pa ako makareklamo—hi
Nanlamig ako sa sinabi niya.“Dela Cruz.”Isang pangalan lang… pero para bang may binuksan siyang pinto sa nakaraan na hindi ko alam na umiiral.“Anong kinalaman ng pamilya ko sa’yo?” mahina kong tanong.Hindi agad sumagot si Craig.Sa halip, tinitigan niya ako—matagal.Parang sinusukat kung hanggang saan ang kaya kong tiisin.“More than you think,” malamig niyang sagot.Napaatras ako ng kaunti.Pero hindi niya ako pinakawalan sa paningin niya.Sa halip, mas lumapit pa siya.“Your last name…” mahinang sabi niya,“is not just a name in my world.”Tumibok nang mabilis ang dibdib ko.Hindi ko maintindihan.“Hindi ko alam ang sinasabi niyo,” sagot ko sa kanya, nanginginig na ang boses ko kahit pilit ko itong pinatatatag.Saglit siyang natahimik.Pagkatapos—tumalikod siya.Parang biglang isinara ang emosyon niya.“Then you will,” sabi niya.Naglakad siya papalayo.Pero bago pa siya tuluyang makalayo—“Craig…” tawag ko sa kanya, hindi ko alam kung bakit.Huminto siy







