Share

The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney
The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney
Author: Sapphire Dyace

Chapter 1

last update Huling Na-update: 2025-03-19 20:40:57

"MAGHIWALAY NA TAYO, Calvin."

Iyon lang ang tanging nasabi ni Chantal sa lalaki. "Wala ka nang dapat alalahanin sa anak natin. Puntahan mo siya kung nais mo, hindi kita pipigilan."

Malamig ang tingin ni Calvin sa kanya, tila sinusukat kung gaano siya kaseryoso. Ngunit sa kabila nito, walang bahid ng pagsisisi sa mukha ni Chantal. Matatag ang kanyang tingin, walang mabasang emosyon sa kanyang ekspresyon.

"Babasahin ko muna. Ipapadala ko na lang sa’yo kapag napirmahan ko na," sagot ni Calvin, walang halong emosyon. Para bang handa na rin siyang bitiwan siya.

Kahit siya ang nagpasimuno ng paghihiwalay, lihim pa rin siyang umaasa na tatanggi ito—na magmamakaawa, hihingi ng tawad, o kahit papaano’y ipaglaban siya. Ngunit hindi iyon nangyari. Sa halip, para pa siyang itinataboy ng lalaki.

Wala talagang pagmamahal si Calvin para sa kanya.

Ngunit hindi niya maaaring ipakita ang sakit at pait na nadarama, kaya agad siyang tumalikod at iniwan ito.

Pagkarating sa kanyang sasakyan, doon niya tuluyang pinakawalan ang kanyang emosyon. Malakas siyang humagulgol, hindi mapatid ang kanyang luha.

Hindi niya akalaing sa ganito kasakit na paraan magtatapos ang kanyang pangarap na pag-ibig.

Pero kailangan niya itong tanggapin.

Kailangan niyang sanayin ang sarili na silang mag-ina na lang ang magkasama.

Bigla siyang tumawa—isang mapait na pagtanggap sa kanyang kabiguan.

Akala niya, walang hanggan ang kanilang pagsasama. Akala niya, may happy ending sila.

Ngunit hindi totoo ang fairytale.

Walang happy ending sa totoong buhay.

Isang gabing pagkalimot ang nagbigay sa kanya ng pangarap—isang masayang pamilya.

Ngunit ngayon, lahat ng iyon ay nabura na. Natakpan ng pagkasuklam, ng poot, at ng galit.

Ang gabing ipinagpasalamat niya kay Calvin, ngayo’y isang masakit na bangungot.

"CALVIN..."

Iyak ni Chantal habang pagewang-gewang na naglalakad. Nakasuot pa siya ng magandang damit—ang suot niya sa engagement party kanina. Ngunit ngayon, hilam ng luha ang kanyang mga mata. Lasing siya.

"Bakit?" nag-aalalang tanong ni Calvin. "Bakit ka nandito? Tapos na ba ang engagement mo?"

"Niloko niya ako! Niloloko niya ako!" umiiyak na sumbong ni Chantal, tila isang batang inagawan ng laruan. "Bakit niya ako niloko?"

"Niloko ka ni Joaquin?" kunot-noong tanong ni Calvin.

"Oo... niloko niya ako."

"Paano mo nalaman?"

"Nakita ko siya... ng dalawang mata ko mismo."

Napangisi si Calvin saka ipinasok ang mga kamay sa kanyang bulsa. "Sabi ko na."

"Anong ibig mong sabihin?" natigilan si Chantal at tinitigan siya.

"Akin na nga ‘yan," kinuha ni Calvin ang dala nitong alak at siya ang tumungga. "Ikaw naman, ikwento mo na ang nangyari." Saka niya ito inalalayan papunta sa elevator.

Alas-siyete pa dapat magsisimula ang engagement party ni Chantal, pero alas-sais pa lang, lasing na siya.

Mabuti na lang at imbitado rin si Calvin ni Joaquin. Kung hindi, sino ang mag-aalaga kay Chantal ngayon?

"Nakita ko siyang kaulayaw ang half-sister ko..." bumagsak ang balikat ni Chantal habang pilit na pinipigil ang kanyang mga luha. "Sa dami ng babae, kapatid ko pa talaga ang napili niya!"

"Tapos?" tanong ni Calvin habang umiinom ng alak.

"Sabi niya, ang boring ko daw. Hindi ko man lang daw siya mapahalik sa labi kahit tatlong taon na kami. Hindi ko alam... pero nais kong i-reserve ang aking sarili sa kanya. Lalo na at ikakasal naman na kami... hindi ba siya makapaghintay?"

"Hmm... pinagdamutan mo siya?"

"Hindi, no! Iba ang pagdadamot sa pag-iingat!" inis na sagot ni Chantal.

Tumunog ang elevator—nasa tamang palapag na sila.

Binuksan ni Calvin ang pinto ng suite, saka pinaupo si Chantal. Kumuha siya ng baso at sinalinan ito ng alak.

Walang alinlangan itong tinanggap ng babae.

"Sabihin mo nga, Calvin..." bumaling sa kanya si Chantal matapos lagukin ang alak. "Mali ba ako? Mali bang ingatan ko ang sarili ko?"

"Nature na ni Joaquin ‘yan," umiling si Calvin. "Masyado kang slow, kaya hindi mo nahalata."

"Anong ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong ni Chantal.

"Bago pa lang kayo, sinabihan na kita na kilalanin mo muna siya. Masyado kang nagmamadali. Hindi mo ba napansin? Mahilig talaga siyang makipagflirt sa iba, pero masyado kang nagtiwala."

Hindi makapaniwala si Chantal. Maginoo si Joaquin. Paano siya makikipaglandian sa iba?

"Nasaan ka ba nitong mga nakaraan? Sino ba ang madalas mong kasama? Siya ba?"

Naging abala siya sa negosyo nilang dalawa ng kanyang matalik na kaibigang si Skye. Alam niyang abala rin si Joaquin sa pagpapalawak ng negosyo nito at sa pag-abot ng kanyang mga pangarap.

Ibig sabihin... habang nagtatrabaho siya, patuloy siyang niloloko ni Joaquin nang hindi niya alam?

Nalasing silang dalawa, at naging matabil ang dila ni Chantal.

"Hoy, Calvin, ipatikim mo nga sa akin kung paano ang mahalikan sa labi."

"Ha?" tila nagulat ito sa kanyang sinabi.

"Ang sabi ko, halikan mo ako, para maramdaman ko—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin.

Dahil bigla na lang siyang siniil ng halik ni Calvin.

At doon... doon sila tuluyang nakalimot.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney   Chapter 42

    Napangiti si Calvin sa dulo ng linya, kahit hindi iyon nakikita ni Chantal.“Baka pagsisihan mo ‘yan,” biro niya. “Ako pa naman, mahilig sa steak at imported wine.”“Hindi ako nagbibiro,” sagot ni Chantal, bahagyang napatawa rin. Pero agad ding bumalik ang seryoso niyang tono. “Calvin… sigurado akong may nangyayaring masama sa site na 'yon. At hindi lang ako ang nasa panganib. Pati si Skye.”“Anong ibig mong sabihin?” mabilis na tanong ni Calvin.“Napapansin ko na rin—para bang sinusubukan siyang kumbinsihin ni Roberto na maging silent partner sa expansion na 'to. Pero may mga dokumento na hindi niya pinapakita, mga detalye na hindi malinaw. At ngayong nakita ko pa ‘yung kahon na may hazard mark… Calvin, natatakot ako.”“Okay,” sagot ni Calvin. “Magsisimula akong mag-imbestiga bukas. Pero Chantal, huwag kang babalik sa site nang mag-isa. Magpaalam ka muna. At hangga’t maaari, huwag mong papansinin si Roberto.”Napabuntong-hininga si Chantal. “Mahirap ‘yon. Kliyente siya. At kung bigla

  • The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney   Chapter 41

    Habang paakyat sila mula sa basement, naramdaman ni Chantal ang bigat ng sitwasyon. Mula sa mga babala ni Calvin, sa kahina-hinalang kilos ni Roberto, at ngayon—ang amoy ng kemikal at ang misteryosong kahon. Lahat ng ito ay hindi na niya kayang balewalain.Pagkarating nila sa ground floor, nagkunwari si Chantal na tumanggap ng tawag. "Skye, mauna ka na kay Mr. Fontanilla. Kailangan ko lang sagutin 'to."Tumango si Skye at sumama kay Roberto palabas ng construction site. Samantala, mabilis na bumalik si Chantal sa basement, sinigurong walang nakakakita. Lumapit siya sa kahon, at dahan-dahang tinanggal ang tarpaulin. Nakaselyo ito at may marka ng isang kompanyang hindi niya pamilyar—walang label, walang logo, ngunit may hazard symbol.Nagpantig ang tenga ni Chantal. Hindi iyon karaniwang gamit sa konstruksyon.Bago pa niya ito masiyasat ng lubusan, may narinig siyang kaluskos mula sa itaas. Agad siyang umalis, ibinalik ang takip at umakyat na tila walang nangyari.Pagbalik niya sa labas

  • The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney   Chapter 40

    Sinabi ko na sayo na iwasan mo ang Roberto Fontanilla na yun," sabi ni Calvin kay Chantal, "hindi siya mabuting tao.""Pero nagpapagawa siya ng bahay sa firm namin ni Skye," sagot ni Chantal, "hindi ko siya maaaring balewalain dahil isa siyang kliyente.""Sinabi ko na sayo.. gumagawa ng ilegal ang taong iyon. Kapag hindi mo yan iniwasan, baka madamay ka pa.""Calvin, sa pagkakaalam ko, ang dahilan lang kaya tayo nag uusap ay dahil ama ka ng anak ko, at hindi na bilang asawa ko," matiim ang tingin ni Chantal sa dating asawa.Nagtagis ang bagang ng lalaki, bago siya sagutin, " kung madadamay ka sa ginagawa niya, hindi kita dadamayan. Siguraduhin mo lang, na hindi mapapahamak ang aking anak.." iyon lang, at lumabas na si Calvin at nagtungo na sa kanyang sariling unit.Pagkasara ng pinto ay nanatiling tahimik si Chantal, pinipilit pigilan ang pagbagsak ng luha. Ang tono ng boses ni Calvin, ang malamig at mabigat na tingin nito, tila baga hindi na siya ang babaeng minsang minahal niya. Mul

  • The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney   Chapter 40

    “Si Robert Fontanilla?” tanong ni Calvin, mariin ang tono.Tumango si Chantal habang sinisimot ang sabaw ng kare-kare. “Oo. Bakit?”Hindi agad sumagot si Calvin. Nangingitim ang ulap sa kanyang noo, halatang may bumabagabag. Napayuko siya, saka dahan-dahang umiling. “Alam mo bang may history kayo ni Robert? Na minsan kayong naging malapit?”Natigilan si Chantal. “Alam ko kung saan ‘to papunta, Calvin. Hindi mo kailangang—”“Hindi ito tungkol sa selos,” giit ni Calvin. “Ito’y tungkol sa totoo. Sa mga bagay na hindi ko alam noon pero ngayon, pilit kong hinaharap.”“Walang nangyari sa amin ni Robert. Oo, nagkaroon kami ng ugnayang malapit noong college. Pero tapos na ‘yon. Matagal na. Hindi siya naging ako, at hinding-hindi rin ako naging kanya.”Nagtagal ang katahimikan. Si Calvin ay nakatingin lamang sa kanya, tila sinusukat kung hanggang saan ang totoo.“Pero bakit hindi mo sinabi noon?” tanong nito sa wakas.“Dahil wala naman akong dapat itago,” sagot ni Chantal, tuwid ang likod, mal

  • The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney   Chapter 39

    Nanlaki ang mata ni Chantal. Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon—direkta, puno ng pananabik, ngunit may halong pait. Alam niyang hindi ito simpleng selos. Ito'y pagkasukat, pag-uusig, at marahil… pag-amin ng hindi pa kayang sambitin.Hindi siya agad sumagot. Umiling siya nang marahan. “Hindi tungkol sa ibang lalaki, Calvin. Tungkol ito sa akin. Sa kung anong kaya ko… at sa kung anong hindi ko na kayang balikan. Kung maaari lang sana, ang usapan na lang natin ay tungkol sa ating anak.”Nanatiling nakatitig si Calvin. “Kaya mong i-welcome ako sa bahay mo para sa anak natin, pero hindi mo kayang harapin ang sarili mong damdamin. Hindi mo ba nararamdaman, Chantal? Sa bawat hapunan, sa bawat tingin natin sa mga lumang litrato, sa bawat gabing nagkakasalubong tayo sa hallway—nandoon pa rin tayo. Pero ikaw lang ang ayaw tumingin. Hindi mo ba nais subukang muli?”“Ikaw ang nagkulang, Calvin,” mahina ngunit mariing sagot niya. “Hindi ko ‘yan kinalimutan. Kung mayroon mang nagdulot ng prob

  • The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney   Chapter 38

    Napabuntong-hininga si Chantal habang pinagmamasdan ang anak na tuwang-tuwa sa pagdating ng ama. Sa likod ng masayang ngiti ni Gab ay ang katotohanang pinakailag siya—ang unti-unting pagbabalik ni Calvin sa kanilang buhay, sa paraang hindi niya inaasahan, hindi niya hiniling, at higit sa lahat… hindi pa niya handang harapin. Ang nais lang niya ay ang pag aaruga nito sa kanilang anak."Ano, Mommy? Okay lang ba talaga sayong kumain si Daddy dito?" tanong muli ni Gab, habang halos talunan ang excitement. Para bang ito na ang pinakamasayang araw ng batang paslit.Tiningnan niya si Calvin na hindi rin maikakaila ang inaasam na sagot mula sa kanya. Nakatayo ito sa may pintuan, tangan ang basong iniabot niya, habang nagpapakumbaba sa kanyang tindig.Hindi siya sumagot agad. Dumiretso siya sa kusina, kung saan abala si Lucinda sa paglalagay ng sinigang sa malaking mangkok.Naramdaman nito ang presensya niya, maingat na bumulong, "Ma'am, para sa bata, hayaan niyo na muna."Napapikit siya ng ma

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status