POV: AudreyIto na ang pinakahihintay niya.. Ang araw na magpopropose na sa kanya si Harvy. Ang pakiramdam niya nakalutang siya sa ulap. Nagbihis siya ng sexy, yung tipong iuuwi na siya ni Harvy at doon na patitirahin sa bahay ng mga ito.Nagpabango siya, kulang na lang pati panty niya lagyan niya ng perfume. Makakaalis na rin siya sa bahay ng mga magulang. Gusto na niyang bumukod dahil nasasakal na siya sa mga ginagawa ng mga ito sa kanya.Hindi siya susunduin ng lalaki dahil may ginagawa pa daw ito. Palagay niya naghahanda ito para sa proposal. Kilig na kilig siyang isipin na magiging Misis Austria na siya. Sinusubok man siya ng pagkakataon, nasa kanya pa rin ang huling baraha.Hirap na hirap na siyang maging mabait sa harapan ng pamilya ni Harvy. Kating kati na siyang maging siya talaga. Ang kanyang pulang gown na may slit sa gilid ang nagpatingkad sa ganda niya. Nakita siya ng ama pagbaba niya ng hagdan."Anak, isuot mo ito" iniabot sa kanya ang isang kahetang pahaba. Pagbukas ni
POV: HarvyAwang awa siya kay Audrey. Nakakahiya dahil hindi man lang niya ito kayang ipaglaban. Mahal niya ang nobya, ngunit kailangan niya munang isecure ang future nila."Pero bakit?" umiiyak na tanong ni Audrey."Honey, makinig ka.. Nag iwan ng last will si Lolo, pero may kondisyon. Pakakasalan ko si... si Dahlia at magsasama kami ng tatlong taon. Kapag hindi kami naging okay, maghihiwalay kami. Pero pag hindi k9 siya pinakasalan, sa kanya mapupunta ang kalahati ng kayamanan, kay Dahlia.""At yung kalahati?" "Sa charity.."Napatda ang babae sa sinabi niya."You mean.. wala kang mamanahin?""Yes.. yan ang nakalagay sa kasunduan na gusto ni lolo. But please, wait for me, three years lang. Babalikan kita, kukunin ko lang kung ano yung sakin."Nagpunas ng luha si Audrey saka hinawakan ang kanyang mga kamay."Honey, magtitiis ako, alam kong ako talaga ang mahal mo. Para sa perang pinaghihirapan mo, at sa bubuuin nating pamilya.""Maraming salamat Mahal.. alam kong uunawain mo ang sitw
POV: Dahlia"Alam mo ga, nakita daw nung friend ko si Harvy at Audrey sa isang resto, kaso parang close ang resto na yun, sila laang daw dalwa ang tao." kwento ni Ami sa kanya."Ano daw ginagawa?" itinigil niya ang oagtatrabaho at hinarap ang kaibigan."Ay nangalngal daw yung karibal mo. Baka hiniwalayan na ni Harvy. Oi wagi ka dun ha""Hindi pa tayo sure" saka hinarap niya ulit ang ginagawa niya "baka mamaya nag aarte artehan na naman sila.""Hoy, ano ka ga, napaka nega mo. Member ka ga ng transformer?""Bakit?""Si Negatron ka eh.""Negatron ka dyan. Megatron yun no.""Ang hina mo sa joke friend.. snail ka ga?""Oh, bakit na naman?""Slow ka;""Ikaw Amihan, inaatake ka na naman ng nga korni mong jokes.""At least wala akong karibal.""Kanino? kay Arvin?""Aba.. ay hindi na ano! ayaw ko nga sa pisting yun. Hindi ko makakalimutan ang mga ginawa niya sa akin.""Patawarin mo na kasi.""Anong patawaren? hello? ilang beses niya akong tinarantado, anong palagay niya sa sarili niya? gold?""
Nakatitig siya sa malayo ng tawagin ni Harvy. Pumasok siya sa opisina saka nagtanong."Bakit?"."Naghiwalay na kami ni Audrey.""Balita ko nga.""Pero babalikan ko siya after 3 years""And so? bahala ka kung anong gusto mong gawin""Teka nga Dahlia, magkalinawan tayo, bakit ba parang galit na galit ka sakin ngayon? ano bang ginawa ko?""Wala""Yun naman pala eh, wala akong ginawang mali sayo..""Ooops.. mali,""Anong mali?""Wala kang ginawang tama sakin.""Abo bang naging problema? akala ko ba noon ako ang kuya mo?"'Matagal na yun, nung hindi mo pa jowa si Audrey at hindi pa kita type' sabi niya sa isipan."Gusto ko lang magbago. Kailangan kong magbago.""Pero Dahlia, kasama mo ako kahit noong bata ka pa. Noong unang pasok mo naman sa opisina okay ka. Bakit nagbago ka?""Nakilala ko ang totoong ikaw, that is why, nagbago ako.""Anong totoong ako? Mabuti naman ako ah,""Wag ka na ngang mag usisa. Naiinis ako lalo""Sabihin mo nga sakin, ano bang nagawa kong ikinagalit mo?""Wag mo ng
"Mahal ko si Harvy, Dahlia, kaya pinalaya ko muna siya" sabi ni Audrey sa kanya, na kung ipagdiinan ang salitang MUNA akala mo ay pagmamay ari niya ang tao."Kung mahal mo, bakit hahayaan mong makasal sakin?" taning niya."Three years lang naman yan Dahlia. Makuha niya lang ang kompanyang inagaw mo.""Wala akong inagaw kahit kelan. Ewan ko ba kung bakit may tiwala sakin si lolo, alam niya sigurong hindi ako nagwawaldas ng pera.""What do you mean?""Ikaw, wala kang trabaho pero afford mo ang magagandang bagay at pagtatravel, saan ka kumukuhang pera?""Wala kang pakialam!""Kasabay ng pagpapakasal namin ang pagsusurrender niya ng lahat ng assets niya sa akin na bahagi ng kasunduan namin.""Ano?""You heard me right Audrey, lahat, pati ang ATM na pinagpapasasaan mo, kukunin ko.""You can't di this to me!""Yes, i can..""Ba--bakit mo pakikiaalaman ang mga bagay na ibinigay niya sakin?""Ibinigay.. past tense. Meaning wala ng susunod.""Lahat gusto mong agawin? pati ang mga luho ko?""Pa
Magkakaroon pa pala sila ng engagement party. Ayaw sana niya subalit mapilit ang lolo ni Harvy. Para sa kanya, hindi na naman iyon kailangan.Nakalabas na kasi ito ng hospital. Medyo malakas na ang pangangatawan nito. Kaya kinausap sila nito ni Harvy."Ang target date ay sa sabado." sabi ng lolo ni Harvy."Sige po lolo, kayo ang bahala" nakangiting sagot ni Harvy. Akala mo talaga gusto ang ginagawa."Imbitahin natin ang mga kaibigan niyo. Kahit isang daang bisita lang." sabi pa ni lolo.'Lang? ang dami nun' sabi niya sa isip."Okay po kay Dahlia yun" sagot ng lalaki."Hija?" kinukuha ni lolo ang sagot niya."Hmmm okay po lolo, wala pong problema." sagot niya."May ipinabili nga pala akong damit para sa inyo. Ipapadala ko na lang sa inyong mga kwarto" nginitian aila ng matanda.Nagring ang telepono ni Harvy, kaya tumayo ito."Excuse po, sasagutin ko lang to" paalam mg lalaki. Lumabas ito ng kwarto."Kumusta nan ang apo ko, Dahlia?""Lolo, napakatigas ng ulo ni Harvy. Gusto kong putulin
"Ang ingay mo" sita niya kay Ami, "nakakahiya.""Nakakahiya yun kung hubad ako di ga? nakadamit ako eh," naupo ito sa tabi niya "aba, ay kalahati na laang areng iniinom mo. Bahala ka pag nagsuka ka, iiwanan kita," sabi nito sa kanya. "Ano bang meron at nagpapakalasing ka? si Harvy no?""Letseng yun, pinagbibintangan ako na ako daw ang nagpaputol ng ATM ni Audrey.""Hindi ba?""Hindi no! paano ko magagawa yun, hindi pa naman kami mag asawa.""Sa bagay.. tanga din talaga yung lalaming yun. Naturingang mayaman at gwapo, sa pokpoking si Audrey lang pumatol.""Sinabi mo pa.. speaking, kakaalis lang nila.""Nino?""Si Audrey and group. Balak akong bullyhin ng mga gaga.. mga duwag naman.""Naku, sayang.. sana nasampal ko ng isa si Audrey.""Mismo! ang tagal mo kasi.""Ang bilis ko nga loka! ang layo kaya ng bahay namin! Saka atat ka eh, gusto mo, gagala ngayon, dapat ngayon na talaga!""Iinom mo na nga lang yang sintemiyento mo sakin," iniabot niya dito ang shot glass."Wala man lang gwapo d
Paglabas nila ni Ami ng bar, nakaabang pala sa kanila ang pussy cat dolls. Babalik sana sila sa loob ng hilahin siya ni Audrey."Saan ka pupunta?" pigil nito sa kamay niya."Bitiwan mo ko! baka samain ka sakin," saway niya dito."Huh.. at sinong tinakot mong gaga ka?" mayabang nitong sabi sa kanya."Sige na, akin na yang bag mo," sulsol ni Ami sa kanya, sabay hila sa kanyang bag, "pagbigyan mo na friend ang babaeng yan.. hoy kayo, walang makikialam dito ha!""Oh, sige ba.." sabi ng tatlong kasamahan ni Audrey."Oh, pustahan na lang tayo, siyempre kay best friend ako, kayo ba?""Audrey kami," sabi ng mga walanghiya."Akong maghahawak, magkano?" tanong ni Ami sa mga kaibigan ni Audrey."Five hundred!" sagot ng babaeng maitim."Pucha, ano tayo, mga bata?" napailing si Ami, "10 thousand! maghati hati na kayo, pag natalo si Dahlia, dodoblehin ko pa yan. Akin na!"Nag abutan na ng pera ang mga ito kay Ami."Wag mo kaming oonsehin ha?" sabi ng isang kaibigan ni Audrey."Kayo nga mukhang estap