共有

Chapter 74

作者: Olivia Thrive
last update 公開日: 2026-06-25 21:31:12

Nakatitig lamang si Leila kay Dylan.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga salitang narinig niya.

Mahal kita.

Simple lamang ang pagkakasabi nito.

Walang drama.

Walang pilit.

Walang pangakong hindi kayang tuparin.

Ngunit marahil iyon ang dahilan kung bakit mas tumama iyon sa kanyang puso.

Dahil totoo.

Kitang-kita niya iyon sa mga mata ni Dylan.

At iyon ang lalong nagpapahirap sa kanya.

Dahil kung puso lamang niya ang masusunod, matagal na sana siyang sumagot.

Matagal na sana n
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 78

    Namasa ang mga mata ni Leila. Ngunit ngumiti rin ito. Hindi dahil masaya siya sa sinabi ni Dylan. Kundi dahil alam niyang iyon ang tamang gawin. Sa totoo lang, kung puso lamang niya ang masusunod, matagal na sana niyang tinanggap ang damdamin nito. Matagal na sana niyang sinabi na hindi lamang pagkakaibigan ang nararamdaman niya. Matagal na sana niyang inamin na sa bawat araw na magkasama sila, mas lalo rin siyang nahuhulog. Ngunit hindi puwedeng puso lamang ang pairalin. May mga bagay na kailangan munang maunawaan. May mga sugat na kailangan munang gumaling. At may mga tanong na kailangan munang masagot. "Kaya mo ba talagang gawin iyon?" Mahina niyang tanong. Napatingin si Dylan sa kanya. "Ang alin?" "Ang hanapin ang lahat." Napabuntong-hininga ito. "Tatakot ako kung sasabihin kong hindi." Napangiti si Leila. At sa unang pagkakataon ay nakita niya ang bahagyang pagod sa mga mata nito. Hindi lamang pala siya ang nahihirapan. Hindi lamang siya ang natatakot. Si Dy

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 77

    Nagising si Leila nang marinig ang mahinang paggalaw mula sa kama.Kanina pa siya nakaupo sa tabi ni Dylan.Hindi niya namalayang nakatulog na rin pala siya habang nakasandal sa upuan.Mabilis siyang napamulat.At agad na bumaling ang tingin sa pasyente.“Sir!”Mabilis siyang tumayo.Agad namang napangiti si Dylan kahit halatang pagod pa rin.“Good morning.”Napasinghap si Leila.Para bang ngayon lamang siya nakahinga nang maayos.Hindi niya namalayang buong magdamag pala siyang kinakabahan.“Alam mo bang pinag-alala mo kami?”Napakamot si Dylan sa batok.“Sorry.”“Sorry lang?”Napataas ang kilay ni Leila.“Tatlong beses kang sinuri ng doktor kagabi.”Napatawa si Dylan.“Parang galit ka.”“Galit ako.”Agad niyang sagot.Ngunit kahit anong pilit niya, hindi niya maitago ang ginhawang nararamdaman.Mabuti na lamang at gising na ito.Mabuti na lamang at mukhang maayos na ang lagay nito.Napailing si Dylan.At sa sandaling iyon ay hindi niya maiwasang pagmasdan si Leila.Mukhang hindi ito

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 76

    Madilim.Iyon ang unang bagay na naramdaman ni Dylan.Wala siyang makita.Wala siyang marinig.Parang lumulutang siya sa isang lugar na walang simula at walang wakas.Unti-unting lumitaw ang paligid.Malamlam.Malabo.Parang isang lumang pelikulang pilit binubuo ng kanyang isip.At pagkatapos ay bumuhos ang ulan.Malakas.Malamig.Walang tigil.Napakurap siya.Nasa gitna siya ng isang makitid na kalsada.Hindi niya alam kung nasaan siya.Hindi niya alam kung paano siya nakarating doon.Ngunit may isang bagay siyang sigurado.May hinahanap siya.May taong kailangan niyang mahanap.May taong mahalaga.Napahawak siya sa kanyang dibdib.Masikip.Parang may kung anong kumakabog doon na hindi niya maintindihan.“Dylan.”Napalingon siya.Kasabay noon ay bumilis ang tibok ng kanyang puso.May babaeng nakatayo sa kabilang dulo ng kalsada.Nababalot ito ng ulan.Nakatitig sa kanya.At nakangiti.Hindi iyon masayang ngiti.Hindi rin malungkot.Parang isang ngiting puno ng pang-unawa.Parang isan

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 75

    Natapos ang company celebration na puno ng tawanan, kantahan, at masasayang alaala.Isa-isang nagsimula nang mag-empake ang mga empleyado para sa kanilang pag-uwi kinabukasan.Ang iba ay excited nang makabalik sa kani-kanilang pamilya.Ang iba nama’y nagkukuwentuhan pa tungkol sa mga nangyari sa outreach program at team-building activities.Sa gitna ng lahat ng iyon, tila magaan ang pakiramdam ni Dylan.Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, hindi niya gaanong inisip ang mga pira-pirasong alaalang patuloy na gumugulo sa kanyang isip.Marahil ay dahil sa pag-uusap nila ni Leila noong nakaraang gabi.Marahil ay dahil alam niyang may taong handang umunawa sa kanya.Ngunit habang papalapit ang oras ng pag-alis, unti-unti niyang naramdaman ang pamilyar na kirot sa kanyang sentido.Noong una ay binale-wala niya iyon.Pagod lamang siguro.Masyado silang naging abala sa nakaraang mga araw.Kaya ipinagpatuloy niya ang pakikipag-usap sa mga kasamahan.Ngunit habang tumatagal, lalong

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 74

    Nakatitig lamang si Leila kay Dylan.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga salitang narinig niya.Mahal kita.Simple lamang ang pagkakasabi nito.Walang drama.Walang pilit.Walang pangakong hindi kayang tuparin.Ngunit marahil iyon ang dahilan kung bakit mas tumama iyon sa kanyang puso.Dahil totoo.Kitang-kita niya iyon sa mga mata ni Dylan.At iyon ang lalong nagpapahirap sa kanya.Dahil kung puso lamang niya ang masusunod, matagal na sana siyang sumagot.Matagal na sana niyang inamin na masaya rin siya tuwing nakikita ito.Na hinihintay rin niya ang mga pagkakataong magkausap sila sa opisina.Na kapag may magandang nangyayari sa buhay niya, si Dylan din ang isa sa mga unang taong gusto niyang pagsabihan.At sa mga nakalipas na buwan, hindi namalayang muli siyang nahulig ditoNapakabait ni Dylan.Mapagbigay.Mapagmalasakit.At higit sa lahat, tinanggap siya nito nang buo.Hindi bilang isang babae lamang.Kundi bilang si Leila.Kasama ang lahat ng responsibilidad

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 73

    Lumalim na ang gabi.Isa-isang nagsialisan ang mga empleyado mula sa function hall matapos ang matagumpay na celebration.Kanina lamang ay puno ng tawanan ang buong lugar.May karaoke.May sayawan.May walang katapusang kuwentuhan.Ngunit ngayon ay tahimik na ang paligid.Ilan sa mga katrabaho nila ay bumalik na sa kanilang mga kuwarto.Ang iba nama’y pagod na nakatulog sa biyahe pa lamang pabalik sa resort.Ngunit si Dylan ay hindi pa inaantok.Nakatayo siya sa balkonahe ng ikalawang palapag habang nakatanaw sa madilim na paligid.Malamig ang hangin.Tahimik ang gabi.At sa unang pagkakataon buong araw, wala siyang ibang naririnig kundi ang sarili niyang mga iniisip.Dapat sana ay ang mga alaala na naman ang bumabagabag sa kanya.Ang lumang bahay.Ang misteryosong lugar.Ang mga pira-pirasong imaheng patuloy na sumusulpot sa kanyang isip.Ngunit kakaiba.Ngayong gabi, hindi iyon ang laman ng isip niya.Si Leila.Mula umaga hanggang gabi, paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 36

    Matigas nga ang ulo ni Leila. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ng ina niya habang naghahanda siya para pumasok. At sa pagkakataong iyon, wala siyang maipagtatanggol sa sarili. Dahil totoo naman. Kahit mabigat ang katawan niya. Kahit makirot ang ulo niya. Kahit pakiramdam niya ay kaya ni

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 33

    Kung may isang taong mahilig gumawa ng problema kahit wala namang problema, iyon ay si Marco. At iyon ang eksaktong nasa isip ni Leila habang nakaupo sila sa conference room para sa lingguhang management meeting. Nasa unahan si Dylan. Katulad ng dati. Kalma. Propesyonal. At seryosong nak

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 35

    Hindi pa man tuluyang natatapos ang araw sa opisina, alam na ni Leila na may mali.Hindi niya lang alam kung ano.Hanggang sa tumunog ang cellphone niya.“Mama”Sandali siyang natigilan bago sinagot ang tawag.“Ma?”Sa kabilang linya, may katahimikan muna.Yung klase ng katahimikan na hindi komport

  • The Ex I Could Never Forget   Chapter 34

    Katatapos lamang ng conference meeting nang isa-isang magsitayuan ang mga tao sa loob ng silid.May mga abalang nag-uusap pa tungkol sa mga napagkasunduan.May mga nagmamadaling bumalik sa kani-kanilang departamento.At mayroon ding mga tulad ni Leila na gusto na lamang makabalik sa mesa at magkunw

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status