LOGINBAHAGYANG natigilan si Adrian. Sa unang pagkakataon simula nang itanong iyon ni Yumi, may malinaw na pagtataka na dumaan sa kanyang mga mata.Tahimik silang nakatayo sa tabi ng sasakyan habang umiihip ang malamig na hangin ng gabi.Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita. Pagkatapos ay marahan niyang tinanong,"Bakit mo naisip 'yan?"Umiwas naman ng tingin si Yumi bago nagsalita. "Last night."Napakunot ang noo ni Adrian.n"Last night?"Tumango si Yumi. "May nabanggit ka habang natutulog."Nanigas nang bahagya ang ekspresyon ng lalaki, at napansin iyon agad ni Yumi. Parang may kung anong dumaan sa kanyang mga mata bago niya mabilis na itinago iyon."Ano'ng sinabi ko?" tanong ni Adrian.Mahinang bumuntong-hininga si Yumi. "Tinawag mo ang pangalan niya."Agad na bumigat ang katahimikan sa pagitan nila. Napakuyom ang kamao ni Adrian hanggang sa bumaon ang kuko siya sa kanyang palad.At dahil naman sa liwanag ng poste, napansin ni Yumi ang maliliit na gasgas sa gilid ng palad nito. Parang
MATINDING katahimikan ang bumalot sa corridor.Nakatayo si Adrian sa dulo ng hallway, nakasuot ng maitim na overcoat. Dahil sa maputlang ilaw ng lounge, mas lalo lamang naging malamig ang kanyang presensya.Sa tabi niya ay nakasunod si Axel. Napaatras ang ilang tao nang kusa upang bigyang-daan siya. Samantalang si Heather naman ay bahagyang napasinghap.Ngayon lamang niya lubos na naunawaan kung bakit maraming tao ang natatakot kay Adrian Villareal. Hindi ito kailangang magtaas ng boses. Hindi rin nito kailangang magalit. Sapat na ang isang tingin nito upang maramdaman ng iba ang pressure.Diretso ang mga mata ni Adrian kay Clyde, malamig, at walang emosyon, gunit sa ilalim ng katahimikang iyon ay may nakatagong panganib.Humakbang ito palapit nang dahan-dahan, hanggang sa tuluyan siyang huminto sa tabi ni Yumi.Agad niyang hinawakan ang balikat ng asawa at marahang inilapit sa kanyang tabi. Parang isang simpleng kilos lamang, pero malinaw ang mensahe.Asawa niya si Yumi. At walang si
NANIGAS ang panga ni Clyde. Ramdam pa rin niya ang hapdi ng pagkakasampal sa kanya, ngunit sa pagkakataong iyon ay tila wala na iyong halaga.Mas masakit pa rin ang malamig na tingin ni Yumi. Mas masakit pa rin ang paraan ng pagtingin nito sa kanya na para bang isa na lamang siyang estranghero."You can hit me all you want," paos niyang saad. Namula na ang kanyang mga mata. "Pero please, pakinggan mo muna ako."Bahagyang kumunot ang noo ni Yumi. "Wala akong obligasyong makinig sa'yo."Matalim ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. At sa unang pagkakataon, walang pagtatago sa galit niya."Clyde, seryoso ka ba talaga?"Natigilan ang lalaki.Samantalang si Yumi ay diretsong tumingin sa mga mata nito."Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo, bakit iniisip mong may gusto pa akong simulan sa pagitan natin?"Bahagyang namutla si Clyde. Ngunit bago pa siya makapagsalita ay nagpatuloy si Yumi."Listen carefully,” malamig niyang sabi. "Matagal nang tapos ang lahat."Hindi namalayan ni Clyde na
SA GABING iyon, ang plano ni Yumi na isang inumin lamang ay tuluyang nasira. Dahil sa mahabang usapan nila ni Heather, hindi niya namalayang nakaubos na rin siya ng ilang baso. Hindi naman ganoon kalakas ang mga inorder nila. Ngunit sapat na iyon upang bahagyang mabigatan ang kanyang ulo. Nang mapansin niyang palalim na nang palalim ang gabi, agad siyang kumuha ng cellphone. "Time to go home." Bahagyang tumango si Heather. Nauna nang nag-book si Yumi ng driver para sa kanilang pag-uwi kaya wala na silang dapat ipag-alala. Ilang sandali pa ay tumayo si Yumi mula sa kanyang upuan. "Pupunta lang ako sa restroom." "Okay." Naiwan si Heather sa mesa. Bahagya na rin itong nahihilo dahil sa alak. Nakasandal ito sa upuan habang walang gaanong ekspresyong nag-scroll sa mga contact sa cellphone nito. Hindi niya namalayang napunta siya sa pangalan ni Gabriel. Sandali siyang natigilan. Tahimik niyang pinagmasdan ang pangalan nito sa screen. Ngunit bago pa siya makapag-isip nang mas malalim
BIGLANG humigpit ang pagkakahawak ni Heather sa baso."Because I have to get married."Lumabas ang mga salitang iyon nang hindi niya namamalayan. Parang matagal na iyong nakabara sa kanyang dibdib at ngayon lamang nakahanap ng pagkakataong makawala.Natigilan si Yumi.Napansin din ni Heather ang sarili niyang sinabi kaya agad siyang natahimik. Ngunit huli na. Narinig na iyon ni Yumi.Tahimik na ibinaba ni Heather ang tingin. Paano niya ba ipapaliwanag ang isang bagay na kahit siya mismo ay nahihirapang tanggapin? Matagal na panahon niyang kinimkim ang lahat.Noong bata pa siya, hindi niya nauunawaan kung bakit tila may mga taong gustong magdesisyon para sa buong buhay niya.Ngunit habang tumatanda siya, mas lalo niyang nauunawaan ang katotohanan. Parang mula pa noong una ay nakaplano na ang direksiyon ng buhay niya. Na para bang hindi sapat na mabuhay siya para sa sarili.Kailangan niyang umasa sa iba. Kailangan niyang sumunod sa gusto ng iba. At kailangan niyang ipagkatiwala ang kina
BAHAGYANG napayuko si Heather. Hindi naman na siya nagulat sa naging reaksyon ni Yumi. Sa totoo lang, alam niyang hindi ito ang tipo ng taong makikialam sa buhay ng iba nang walang dahilan. At lalong hindi ito basta mag-aaksaya ng oras para sa isang taong halos hindi naman nito kilala. Tahimik siyang uminom sa hawak na baso. "Tinulungan niya ako noon. Pero parang ayaw niyang malaman ko." Bahagyang ngumiti si Yumi. "Dahil ganoon si Gabriel." Hindi na niya idinetalye pa. May mga bagay na mas mabuting ang mismong taong sangkot ang magsabi. Ilang sandali silang parehong natahimik. Mula sa maliit na entablado ng lounge ay maririnig ang mahinang tugtog ng live band. Humahalo iyon sa mahihinang usapan ng ibang customer sa paligid. Makalipas ang ilang segundo ay muling nagsalita si Yumi. "Actually, malaking risk ang ginawa niya para sa'yo." Napatingin si Heather. "Pero hindi niya kailanman ginamit iyon para pilitin kang suklian siya." Tumango si Heather. Alam niya iyon. Marahil iyon
“YOU'RE planning to move against the Villareal family?”Bahagyang kumunot ang noo ni Marco habang nakatingin sa dokumentong hawak niya. Ngunit nanatiling malamig ang ekspresyon ni Amara.“Don’t ask questions that don’t concern you,” direkta niyang sagot. “You only need to do what I told you.”Tahim
BAHAGYANG tumigas ang ekspresyon ni Victor. Sa pagkakataong iyon, tuluyan nang naubos ang kanyang pasensya. Ang dating kalmadong tindig ay napalitan ng malamig na presensya na tila kayang magpabigat ng buong paligid.Ngunit si Lexie ay nanatiling matatag.“Uncle Victor,” direkta niyang sabi, walang
SAMANTALA, kinabukasan ay maagang dumating ang balita kay Victor.Agad siyang tinawagan ng isa sa kanyang mga tao sa abroad. Ayon sa ulat, si Gabriel ay na-detain sa California bago pa man ito makabalik ng Pilipinas matapos ang isang business trip.Ang dahilan ay mabigat. Pinaghihinalaan umano iton
“I'M really happy...”Simpleng salita lamang iyon, ngunit hindi napigilan ni Yumi na ibahagi ang detalye kay Adrian. Para sa iba, maliit na bagay lang iyon. Ngunit para sa kanya, hindi. Hindi pa niya kailanman naranasan ang ganitong uri ng pagtanggap mula sa kanyang pamilya.Napagtanto niya na kahi







