Share

Chapter 325

last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-22 14:08:36

Chapter 325

Pagkarinig sa sinabi ni Julia, nagngitngit si Yssavel.

Tinitigan niya nang masama si Julia, tapos mariing sinabi, “Ayos. Ang tapang mo.”

Pagkatapos, kumaway siya bilang senyas at naupo sa upuan sa tapat ni Julia. May alilang nag-abot ng hand warmer sa kanya.

Lumapit naman ang isang matabang lalaki na may hawak na latigo. Halata ang bangis sa mukha nito.

Hindi natakot si Julia. Tinitigan niya si Yssavel na parang walang nangyayari. Nakaupo lang ito nang kampante. Napangiti si Julia at malamig na sinabi, “Tita, you will regret this.”

Simple lang ang sinabi niya, pero para bang tumigas ang hangin sa paligid. Napakunot-noo si Yssavel habang pinagmamasdan siya. May nararamdaman siyang kakaiba kay Julia, pero hindi niya matukoy kung ano. Yung ngiti nito ang pinaka nakakainis.

Tumalikod si Yssavel at malamig na utos ang binitawan: “Huwag niyong kaawaan ‘yang demonyong ‘yan. Bugbugin niyo hanggang mamatay. Kung patuloy siyang makakapinsala sa mga plano ko, ako ang magsisisi.”

Itin
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Forced Wife of the Ruthless Billionaire   Chapter 325

    Chapter 325Pagkarinig sa sinabi ni Julia, nagngitngit si Yssavel.Tinitigan niya nang masama si Julia, tapos mariing sinabi, “Ayos. Ang tapang mo.”Pagkatapos, kumaway siya bilang senyas at naupo sa upuan sa tapat ni Julia. May alilang nag-abot ng hand warmer sa kanya.Lumapit naman ang isang matabang lalaki na may hawak na latigo. Halata ang bangis sa mukha nito.Hindi natakot si Julia. Tinitigan niya si Yssavel na parang walang nangyayari. Nakaupo lang ito nang kampante. Napangiti si Julia at malamig na sinabi, “Tita, you will regret this.”Simple lang ang sinabi niya, pero para bang tumigas ang hangin sa paligid. Napakunot-noo si Yssavel habang pinagmamasdan siya. May nararamdaman siyang kakaiba kay Julia, pero hindi niya matukoy kung ano. Yung ngiti nito ang pinaka nakakainis.Tumalikod si Yssavel at malamig na utos ang binitawan: “Huwag niyong kaawaan ‘yang demonyong ‘yan. Bugbugin niyo hanggang mamatay. Kung patuloy siyang makakapinsala sa mga plano ko, ako ang magsisisi.”Itin

  • The Forced Wife of the Ruthless Billionaire   Chapter 324

    Chapter 324Si Skylar ay umiiyak habang nakikiusap kay Jaxon. Matapos niyang mawalan ng anak, si Terra at ang ama niyang si Lito, hindi na niya kayang mawalan pa ng isa, si Julia.Hindi lang basta kamag-anak si Julia sa kanya, kundi parang gabay sa buhay. Bago pa man niya makilala si Julia, simple lang ang pangarap niya, makapag-asawa ng lalaking mahal niya, magtrabaho ng gusto niya, magkaanak, at mamuhay nang tahimik.Pero si Julia ang nagpamulat sa kanya na ang lalaking pinili niya ay hindi simpleng tao. Ang mundo nito ay punong-puno ng panlilinlang. Kung magpapaka-inosente lang siya, siya rin mismo ang magiging dahilan ng pagbagsak nito. Sa tulong ni Julia, pinili niyang maging matatag, makipagsabayan kay Jaxon, kahit pa malayo pa rin ang agwat ng kanilang kakayahan.Mahal niya si Julia, hindi lang bilang kamag-anak, kundi bilang tunay na kaibigan at teacher. Tahimik si Julia sa pagpapakita ng damdamin, pero laging naroon sa mga panahong kailangan siya ni Skylar. Tapat, mapag-alala

  • The Forced Wife of the Ruthless Billionaire   Chapter 323

    Chapter 323Pagkarinig sa sinabi ni Audrey, galit na galit si Skylar. Agad siyang lumapit at hinablot ang kwelyo ni Audrey. “Pinatay mo ang pamilya ko, tapos gusto mong palampasin ko ang pamilya mo? Saan bang mundo may ganyang kababawan?!”Punong-puno ng galit ang boses niya. Habang iniisip ang lahat ng nangyari, lalo siyang nagngingitngit. Lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kwelyo ni Audrey, habang nanlilisik ang mga mata niya.“Makinig ka, Audrey. Hindi ko kayo palalampasin. Lahat kayo! Yung sakit na binigay mo sa akin, ibabalik ko ‘yan, doble pa!”Nagkatitigan sila. Tumulo ang luha ni Skylar habang nag-aapoy pa rin sa galit ang tingin niya. Sobrang sakit sa dibdib niya, hindi na niya alam kung dahil ba ito sa pagkamatay ng ama niyang si Lito o dahil sa pagkasira ng pagkakaibigan nila ni Audrey.Hindi siya nag-abalang punasan ang luha. Tahimik lang siyang umiiyak habang nakatitig kay Audrey. Si Audrey naman, tahimik lang ding nakatingin sa kanya habang patuloy ang pagbagsak ng luha

  • The Forced Wife of the Ruthless Billionaire   Chapter 322

    Chapter 322Narinig agad ni Jaxon ang putok ng baril at mabilis siyang tumakbo papasok sa madilim na eskinita. Hindi na siya nagbukas ng flashlight sa cellphone, sanay ang mga mata niyang parang lawin, at agad niyang nakita ang eksaktong kinaroroonan ni Lito.Huminto siya nang bahagya nang makita ang duguang katawan nito. Nanlalamig ang ekspresyon niya, at ang mabigat na pakiramdam sa dibdib niya ay tuluyang sumabog. Totoo ang kutob niya, nakahandusay si Lito sa sariling dugo.Galit na galit siya. Sa ilalim ng ilong niya, may nangahas pumatay kay Lito. Noon si Terra, ngayon ang ama nito. Akala ba nila ay isa lang siyang taong hindi marunong gumanti? "Uncle Lito... sorry... hindi ko sinasadya... gusto ko lang ipagtanggol ang sarili ko..."Biglang may lumabas mula sa likod ng basurahan. Si Audrey. Walang sabi-sabing dinampot siya ni Jaxon at isinandal sa pader, mariing hinawakan sa leeg. Nanginginig ang boses niyang puno ng galit."Audrey, anong gusto mong mangyari? Una, anak namin ni

  • The Forced Wife of the Ruthless Billionaire   Chapter 321

    Chapter 321Malapit lang si Lito at hindi maalis ang tingin kay Audrey. Wala siyang nagawa kundi sumakay sa passenger seat ng kotse ni Winona. Pagkaupo ni Winona, agad siyang kumuha ng baseball cap mula sa compartment at isinuot ito. Pero parang hindi siya kuntento, kaya inalis ang cap at sinuotan ng mahabang wig.Napatingin si Audrey sa kanya, medyo nabigla. Ngayon lang niya nakita si Winona na may buhok hanggang bewang. Sa haba ng pilikmata, sa kilos at postura, mukha itong isang mahinhing dalaga mula sa isang kilalang pamilya, malayo sa dati nitong neutral at masculine na ayos.Hindi maiwasan ni Audrey ang mapaisip, kung nakita kaya ni Jeandric si Winona na ganito, magbabago kaya ang nararamdaman nito sa fiancee? Pero wala siyang kasiguraduhan sa magiging sagot.Pakiramdam niya, simula nang mawalan siya ng kinang at ganda, mas lalo siyang naging maliit sa paningin ng iba. Hindi niya na rin sigurado kung karapat-dapat pa siya sa tulad ni Jeandric.Biglang inihagis ni Winona sa kanya

  • The Forced Wife of the Ruthless Billionaire   Chapter 320

    Chapter 320Sa night news, biglang lumabas ang isang breaking news, isang opisyal na ang apelyido ay Alba ang naaresto dahil sa katiwalian, panunuhol, at imoral na pamumuhay. Nang mapanood ito ni Skylar, halos hindi siya makapaniwala.Kung nalaman lang niya na lahat ng ebidensya laban kay Alba ay nakuha ni Jaxon sa pamamagitan ng pag-eavesdrop sa banquet kagabi, baka mas lalo siyang nabigla."Julia, tingnan mong mabuti. Siya ba yung matandang manyak na gusto mangharass kay Audrey kagabi?" tanong ni Skylar habang tinuturo ang screen ng TV."Parang siya nga," sagot ni Julia, halatang hindi mapakali habang tumitingin-tingin sa relo. Palapit na ang oras ng tagpuan nila ni Yssavel, pero hindi pa niya nasasabi kay Skylar.Kabado siya. Hindi naman kilala si Yssavel sa mabubuting motibo, pero kung sasabihin niya kay Skylar, baka sumama ito at malagay pa sa panganib. Sa huli, nagdesisyon siyang pumunta mag-isa."Skylar, kailangan na raw bumalik ni Jetter sa kampo bukas ng maaga, kaya gusto ko

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status