LOGIN"Malalim yata ang iniisip mo, hija?" Napalingon si Rain sa tinig ni Viola. Nasa loob siya ng unit ng ginang. Pagdating nito mula sa business trip, ito kaagad ang pinuntahan niya. Napabuntong-hininga siya. Paano ba niya sasabihin dito na walang ibang laman ang isip niya kundi si Sean? "Hindi ko na po alam ang gagawin ko." Ramdam niya ang pagtabi ni Viola sa kanyang tabi. "Ano bang problema?" Tumingin siya sa ginang. At nang makita niyang handa itong makinig, tuluyan na niyang ipinagtapat ang lahat ng nararamdaman niya. "Sana hindi ko na lang hinayaan ang sarili kong mahalin siya." Unti-unting nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata. "Kahit alam kong ganoon talaga ang ugali niya. Hindi sana ako maaapektuhan ngayon. Kasalanan ko rin." Napayuko siya. "Nabighani ako sa naging pagbabago niya nitong mga nakaraang araw. Yung kabaitan niya... Yung mga pag-aalala niya sa akin." Nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata. "Hindi ko napigilang mahalin siya dahil doon.
Nagising si Rain nang umagang iyon na nasa silid na siya ng unit ni Sean. Bahagyang kumirot ang kanyang ulo nang bumangon siya mula sa kama.Bakit ako nahihilo?Napakunot-noo siya habang pilit na inaalala ang nangyari kagabi. Hindi man lang niya namalayan kung paano sila nakauwi. Ang huling malinaw na naaalala niya ay ang pag-uusap nila ni Sean habang tumitikim siya ng red wine.Ah, siguro mabilis na umepekto sa kanya ang wine. Marahil ay mabilis din siyang inantok at nakatulog.Darn! Nakakahiya kay Sean. Baka nakatulog talaga siya kagabi habang magkausap sila ng binata. Tumayo siya at dumiretso sa banyo. Saglit siyang nagbabad sa bathtub upang kahit papaano ay mawala ang nararamdamang hangover.Nang gumaan na ang kanyang pakiramdam, lumabas siya ng banyo habang tinutuyo ang basang buhok gamit ang tuwalya.Ngunit pagkabukas niya ng pinto, muntik na siyang mabunggo kay Sean na papasok naman sa banyo."Good morning, Master!" nakangiting bati niya.Bahagya itong natigilan at ilang segund
Halatang ayaw siyang painumin ni Sean, ngunit nagpumilit si Rain hanggang sa wala na itong nagawa kundi salinan din ang kopitang hawak niya. Minsan lamang siyang makatikim ng red wine kaya nasarapan siya sa matamis na lasa nito. Hindi niya namalayan na nakailang baso na pala siya. Unti-unti nang umiinit ang kanyang katawan at bumibigat ang kanyang mga talukap. Hindi rin niya napansin na unti-unti nang umaapekto sa kanya ang alak. "Sean..." Nagtatakang sinulyapan siya nito. "Hmmm?" Namumungay na ang mga mata niya, ngunit hindi niya iyon alintana. Ngumiti siya bago nagsalita. "Paano kung ma-in love ka?" tanong niya. Naiiling itong tumingin sa kanya. "Tinanong mo na sa akin ang bagay na yan." "Oo nga, pero hindi mo naman sinagot." Nakalabi siyang tumingin dito. Hindi ito sumagot. Sa halip, sumimsim lamang ito ng wine. "Natatakot kang ma-in love, no?" tukso niya. Hindi niya namamalayan na mas nagiging madaldal na siya sa harap nito. "Natatakot ka kasi hindi mo
Ilang minuto lamang ang lumipas nang tuluyang mapabagsak ni Sean ang baka. Hangang-hanga si Rain habang tahimik na pinapanood ang mga ito. Hindi niya maiwasang mapangiti sa tuwing naririnig ang tawanan ng magkakaibigan. They were so comfortable with one another, and their friendship was clearly unbreakable, nothing could easily tear them apart. Sa kabilang bahagi ng rancho, ilang beses pa ring tinatangkang pabagsakin ni Zander ang baka. "Hawakan mong mabuti, Zander! Iikot mo lang yung ulo, tapos daganan mo!" sigaw ni Ellis na nakaupo sa bakod habang tawa nang tawa. "Ikaw kaya ang bumaba rito!" yamot na sagot ni Zander. "Huwag mo kasing halikan ang baka! Hindi yan mga babae mo!" tukso ni Theodore na lalo pang humagalpak sa tawa. "Shut up!" pikong sigaw ni Zander. "Paano ba yan? Humanda ka nang magsuot ng gown at makeup, Zander," sabad naman ni Hideo na ngiting-ngiti. "Tch! Bakit ba sineseryoso ninyo lahat ng sinasabi ko kanina?" angal nito. "Guwapo ka kasi!" halos sab
Ilang sandaling nakatitig si Rain sa mga litratong nakadisplay sa ibabaw ng narra divider. Habang pinagmamasdan niya ang masasayang mukha ng buong pamilya ni Granny, hindi niya maiwasang maalala ang sarili niyang pamilya. May lungkot sa mga mata niya habang marahan siyang napabuntong-hininga. Iyon na naman siya. Nararamdaman na naman niya ang pag-iisa. "Did you miss your family?" Napakislot siya nang biglang may boses na nanggaling sa likuran niya. Mabilis siyang napalingon. "S-Sean..." anas niya nang makita ang binata. Nakapamulsa ang binata habang kaswal na lumalapit sa narra divider. Saglit nitong pinagmasdan ang mga litrato bago muling ibinaling ang atensyon sa kanya. "Nakikita ko ang kalungkutan sa mga mata mo," komento nito. Muli siyang napabuntong-hininga. "Namimiss ko sila sa tuwing naiisip kong nag-iisa na talaga ako," malungkot niyang sabi. "Hindi ka naman nag-iisa ngayon." Biglang tumahip ang puso niya sa narinig. Naging seryoso ang pagtitig ni Sean sa
May kakaibang ngiti sa mga labi ni Kianna nang makasabay ni Rain sa pagbaba ng hagdan upang magtungo sa komedor. Kahit puyat ay maaga siyang nagising, subalit mas nauna pa ring bumangon si Sean. Nang magising siya, wala na ito sa kama. Siniko siya ng kaibigan. “Saan ka natulog kagabi?” tanong nito. “Sa tingin ko, gusto ka rin ni Sean, Best.” “Tumigil ka nga,” aniya, subalit may pumagkit na ngiti sa kanyang mga labi. “Uy! Napapangiti siya!” Patuloy pa rin ang pang-aasar nito. Nakangiting inirapan niya ang kaibigan. “Nakakatawa ka kasi. Ang aga-aga mong mang-asar.” “Ihh! Kunwari ka pa. Kinikilig ka naman.” Siniko lamang niya ito at hindi na pinatulan ang pangbubuska ng kaibigan. Ngunit hindi niya maikakaila ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi. Kahit ayaw niyang aminin, may bahagi sa kanyang umaasa sa mga sinabi nito. Baka nga gusto rin ako ni Sean? Napailing siya sa sarili. Huwag kang umasa, Rain. Papasok na sila sa loob ng komedor nang marinig nila ang boses
Natagpuan ni Kianna ang sarili na naglalakad sa gilid ng kalsada nang walang tiyak na direksyon. Malamig ang hangin ng gabi ngunit hindi niya iyon maramdaman dahil mas nangingibabaw ang sakit na bumabalot sa dibdib niya ng mga sandaling iyon. Ayaw pa nga sana niyang umalis sa restaurant kung hind
“Oy, grabe ka naman. Baka kung ano na naman ang iniisip mo,” natatawang sabi ni Gigi. Sinansala kaagad ang namumuong ideya sa isipan niya. “Pinagpanggap ko lang naman siyang nobyo ko para pagselosin si Calvin.” dagdag nito. "Puwede iyon?" manghang tanong niya. Bahagya itong tumawa sa reaksyo
“Miss!” Agad na napalingon si Kianna sa lalaking tumawag sa kanya. “Ano?!” matalim niyang sagot. Bahagyang napaatras ang lalaki, tila nagulat sa taas ng boses niya, parang handa siyang manakmal ng kahit sino. Pero wala siyang pakialam. Sira na nga ang araw niya, nadagdagan pa ng kayabangan
Samantala, pagkapasok ni Drake sa loob ng sasakyan ay agad niyang hinubad ang suot na mamahaling polo at pinalitan ng nakasabit na long sleeves. Binuksan niya ang bintana at akmang ihahagis sa basurahan ang nasirang polo nang pigilan siya ng driver niya. “Boss, sayang naman! Akin na lang po. Ta







