Share

Chapter 41

Author: R.Y.E.
last update Last Updated: 2025-06-24 19:25:53
Colleen's POV

"Gusto ko sanang sabihin na agad lahat sa iyo, pero gaya ng sinabi ko, ang sobra ay hindi rin maganda. Sa ngayon, gusto ko lang malaman mong ayos na lahat ng vital signs mo, bumalik na sa normal. Pero hindi ibig sabihin noon ay okay ka na. Kailangan mo pa ring manatili rito. Nalampasan mo na ang pinakamapanganib na yugto, pero... ikinalulungkot kong sabihin, hindi pa rin pwede ang operasyon hangga’t hindi pa natin naistabilize nang tuluyan ang kondisyon mo at matapos ang sunod-sunod na mga pagsusuri."

Paliwanag ni Dr. Gerard habang marahang inilagay ang clipboard sa gilid ng kama.

May kutob na ako simula ng magising ako. Alam kong hindi magiging madali ang lahat. Kilala ko si Dr. Gerard, hindi siya ‘yung tipong magpapaligoy-ligoy kapag may kailangang sabihin. At ngayong parang pinipigilan niya ang sarili niyang magsalita nang direkta… doon ako natakot.

Hindi ako natatakot mamatay. Ang kinatatakutan ko ay ang masaktan ang lahat ng nasa kwartong ito ngayon. Mahal ko na sila
R.Y.E.

Kayo ba, ipapa-abort niyo o hindi?

| 1
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Love That Passed (Tagalog)   Chapter 44

    Jared's POVNoong unang gabi ni Colleen sa ospital, nag-usap kami tungkol sa amin. Ramdam kong may hindi siya sinasabi, parang may tinatago siya sa akin. Pero alam kong sa tamang panahon, malalaman ko rin ang totoo. Umaasa akong magiging maayos ang lahat pagkatapos ng operasyon niya, kahit pa sinabi ni Dr. Gerard na sa ngayon ay imposibleng mangyari iyon.Habang mas nakikilala ko si Colleen at nalalaman ang pinagdaanan niya, pakiramdam ko’y isa akong hangal. Ang tanga ko, at kung anu-anong masama ang iniisip ko tungkol sa kanya. Pero mali pala ako. Napakabuti niya. Napakamaunawain.Ang dami na niyang pinagdaanan, pero nananatili siyang positibo sa buhay. Samantalang ako, kahit wala sa katiting ng dinanas niya ay nakadama pa rin na hindi patas ang mundo ng sabihin ako n i Mommy na pakasalan siya two years ago.Sinabi ko na sa kanya ang totoo, na nagseselos ako kay Dr. Gerard. Na mas madalas siyang ngumiti rito kaysa sa akin. At inamin kong... mahal ko na siya. Kaya ko siya tinanong kun

  • The Love That Passed (Tagalog)   Chapter 43b

    Stacey's POVHanggang ito ngang huli kong tawag sa kanya. Sinabi niyang babayaran niya ako. Pero hanggang ngayon, ni isang kusing, wala pa rin akong natanggap. Sinabi ko pa ngang tumatawag si Colleen habang kausap ko siya sa telepono, pero pinutol ko ‘yung tawag para lang makausap siya nang maayos. Kailangan kong malaman kung ano na talaga ang nangyayari, kaya sinundan ko siya… at doon ko sila nakita ni Colleen sa mall.Nag-abang ako. Naghintay ako hanggang sa nag-iisa na lang si Colleen. Suwerte kong pumasok siya sa restroom. Sinundan ko siya roon, at nagkunwari akong nagulat na lang ako nang makita siya. Pero tiningnan lang niya ako, hindi man lang ako pinansin. Ang kapal!Hindi ko ‘yun pinalampas. Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siyang makaalis.Naalala ko na nasa labas na kami ng restroom noon. Sinabi ko sa kanya ang totoo… tungkol sa kalagayan niya. Pero ang tapang talaga niya. Parang hindi siya natatakot mamatay.Wala akong pakialam kung mamatay man siya kinabukasan. Hi

  • The Love That Passed (Tagalog)   Chapter 43a

    Stacey's POVIniwan ako ni Jared, at hindi ko matanggap 'yon. Sa akin siya. Sanay na akong ibinubuhos niya sa akin ang lahat. Pera, regalo, at atensyon. Ayokong mawala ang lahat ng ‘yon. Oo, magaling si Derrick sa kama, hindi ko itatanggi. Pero si Jared? Mayaman siya. Siya ang nagbibigay sa akin ng lahat ng gusto ko.Mali ba ako na ibuhos ang damdamin ko kay Derrick, kahit alam kong ginagamit lang din niya ako para makinabang kay Jared? Hindi. Mahal ko ang pakiramdam na binibigay niya sa akin sa tuwing magkasama kami. At inaamin ko, hinahanap-hanap ko rin 'yon. Pero kailangan kong makuha muli si Jared. O kung hindi man, dapat mapilitan siyang ibigay pa rin sa akin ang gusto ko.Madali lang namang alamin kung ano ang nangyayari sa pagitan nila ng asawa niya. Napag-alaman kong hindi sila nagkakausap, at parang hindi sila magkasundo. Palaging nasa trabaho si Jared, laging wala sa bahay. Pero bakit niya ako iniwan kung ni hindi man lang niya inaalagaan ang sarili niyang asawa? Sigurado ako

  • The Love That Passed (Tagalog)   Chapter 42

    Colleen's POV“Magiging ayos ka rin. Gagawin namin ang lahat para gumaling ka,” sabi ni Jared habang mahigpit niyang hinahawakan ang kamay ko. Napangiti ako kahit na ramdam ko ang bigat ng katawan ko. Nakatingin siya diretso sa mga mata ko at doon ko nakita ang pagkabahala niya. Ramdam ko. Totoo iyon.Kakagising ko lang matapos ang matinding pangyayari. Wala nang ibang tao sa paligid maliban sa kanya. Magkatabi kaming dalawa sa malamig na kama ng ospital. Sinabihan ko siyang pwede na siyang umuwi at magpahinga dahil alam kong may trabaho pa siya kinabukasan. Pero kahit sinabi ko iyon, sa totoo lang… ayoko pa siyang umalis.Nang idilat ko ang mga mata ko noong una, umaasa talaga akong siya agad ang unang makikita ko. Kahit pa anino lang niya, sana siya. Pero si Mommy Claire ang bumungad sa akin, at sinabi niyang umalis na raw ito. Sinundan daw ng tawag ni Ingrid. Medyo nalungkot ako. Pero nang bumalik siya, bitbit ang mga gamit ko ay parang may humugot ng tinik sa dibdib ko. Hindi ko na

  • The Love That Passed (Tagalog)   Chapter 41

    Colleen's POV"Gusto ko sanang sabihin na agad lahat sa iyo, pero gaya ng sinabi ko, ang sobra ay hindi rin maganda. Sa ngayon, gusto ko lang malaman mong ayos na lahat ng vital signs mo, bumalik na sa normal. Pero hindi ibig sabihin noon ay okay ka na. Kailangan mo pa ring manatili rito. Nalampasan mo na ang pinakamapanganib na yugto, pero... ikinalulungkot kong sabihin, hindi pa rin pwede ang operasyon hangga’t hindi pa natin naistabilize nang tuluyan ang kondisyon mo at matapos ang sunod-sunod na mga pagsusuri."Paliwanag ni Dr. Gerard habang marahang inilagay ang clipboard sa gilid ng kama.May kutob na ako simula ng magising ako. Alam kong hindi magiging madali ang lahat. Kilala ko si Dr. Gerard, hindi siya ‘yung tipong magpapaligoy-ligoy kapag may kailangang sabihin. At ngayong parang pinipigilan niya ang sarili niyang magsalita nang direkta… doon ako natakot.Hindi ako natatakot mamatay. Ang kinatatakutan ko ay ang masaktan ang lahat ng nasa kwartong ito ngayon. Mahal ko na sila

  • The Love That Passed (Tagalog)   Chapter 40b

    Hindi niya kayang tingnan si Jared. Masaya siyang nagdadalang-tao, pero sa puso’t isipan niya’y may matinding pangamba na para sa kanyang anak.“Dok... kamusta po ang anak ko?” mahinang tanong ni Colleen, halos pabulong. “Ligtas po ba siya kahit ganito kahina ang katawan ko?"“Ligtas ang sanggol,” sagot ng doktor na may kalmadong tinig, “hindi mo kailangang mag-alala sa kanya. Ang dapat mong pag-isipan ay kung itutuloy pa ba natin ang operasyon o hindi. Pero base sa itsura mo ngayon... parang alam ko na ang sagot.”Nanlaki ang mata ni Jared. “Anong ibig mong sabihin? Pagkapanganak niya, pwede pa rin naman siyang operahan, 'di ba?”Umiling si Dr. Gerard. “Hindi na. Masyado na siyang mahina kapag dumating ang panahong ‘yon. Ang tiyansa niyang mabuhay ay sobrang baba na. At kung sakaling mabuhay man siya, walang kasiguraduhan na tatagal ang bagong puso. Baka ni hindi niya ito magamit nang kahit isang taon man lang."Tumigil sandali ang doktor at tiningnan si Jared sa mata. “Isa pa, may d

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status