Share

XL - Kaizer's Confession

Elaine's Point of View

Nagising ako dahil sa naririnig kong ingay sa loob ng silid.

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Ang unang bumungad sa akin ay ang nag-aalalang mukha ni Ama. Bigla itong napalitan ng ngiti habang niyapos niya ako ng yakap na ikinagulat ko.

“I'm glad that you're awake, anak. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag pati ikaw ay nawala sa akin,” usal ni Ama. Ramdam ko ang sinseridad sa boses niya na ikinangiti ko.

“I'm sorry, Itay. Hindi na kita pag-aalahanin nang gano'n,” sambit ko upang makalma siya kahit kaunti. Alam kong hindi mapapanatag ang kanyang loob habang hindi ko sinasabi na ayos lamang ako.

“Dapat lang. Ang sabi ng doctor, dahil sa sobrang pagod kaya nahimatay ka. Huwag mong masyadong stress-in ang mga bagay,” payo ni Ama na ikinatango ko na lamang.

Nang bumitiw si Ama sa pagkakayakap sa akin ay agad naman akong pinuntahan ni Mommy Hacel. Wala siyang tigil sa pag-iyak.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status