เข้าสู่ระบบSantana
Narinig ko ang kaluskos sa paligid, dahilan kung bakit ako nagising mula sa mahabang pagkatulog. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at unang bumungad sa akin ang itim na ceiling. Nasaan ako? Anong nangyari? Nilibot ko ang aking mga mata sa paligid. May nakita akong dextrose at tunog ng makina sa tabi ko. Doon ko nakumpirmang nasa ospital pala ako. Ipinikit ko ang aking mga mata, pilit na inaalala ang nangyari. Pinapirma ako ni Celine ng divorce paper dahil sinabi ni Apollo. Pinagamit niya ako ng kotse tapos... nagkaaberya at tumilapon ako sa ilog. Iyon lang ang huli kong naalala. "Hey, Miss, are you okay?" nilingon ko ang nagsalita. Kumunot ang noo ko. Pamilyar siya sa akin pero hindi ko matandaan kung saan at kailan. Matikas siyang nakatayo sa unahan, matalim ang tingin sa akin at animo'y wala siyang sinasanto na kahit sino sa tingin niya pa lang. Napalunok ako nang dalawang beses. At ako na ang naunang nag-iwas ng tingin. Para akong mauubusan ng hangin sa presensiya niya. Kahit wala siyang sabihin, para na niya akong hinihigop. "I'm your doctor, Rafael Dela Cruz." Rafael? Bakit tila pamilyar ang pangalan niya? Bago ko pa tuluyang halukayin ang kanyang pangalan ay muling pumintig ang ugat sa utak ko. Lumapit siya sa akin nang mapansing napadaing ako. Kinabig niya ang balikat ko, "Are you okay, Miss?" Hindi ako nagsalita. "Miss," tawag niya muli sa akin pero nakapikit lang ako, parang ayaw magsalita ang aking bibig dahil ayaw niyang bumuka. Hindi ko na halos marinig ang nasa paligid ko, parang humina ang kanyang boses at halos wala na akong naramdaman. Ano bang nangyayari? *** Pagmulat ko ng mata, walang tao sa paligid. Pinilit kong bumangon pero bumagsak lang muli ang aking katawan sa kama. Pumasok ang isang na sa tingin ko ay nurse. Dinaluhan niya ako. "Wala bang bumisita sa akin, nurse?" Hindi ko alam kung bakit iyon ang unang tinanong ko sa babae. Umiling siya. "Wala po, ma'am. Hindi ka po kasi namin ma-identify dahil wala kang dala na kahit ano para malaman namin kung sino ka." Kumunot ang noo ko. "Kung ganoon, paano ako napunta dito?" Tumikhim siya, tumingin sa paligid saka lalong lumapit sa akin. "Si Doc po ang nagdala sa'yo rito." Tumingin ako sa mga mata niya. "Iyon bang si Doc Rafael Dela Cruz?" Tumango siya nang mahina. Naalerto lang siya nang maramdaman naming may papalapit sa aking kuwarto, kaya umayos siya ng tayo at nagtanong ng ilang mga bagay. Pumasok iyong sinabi niyang doktor na nagdala sa akin sa ospital. Hindi ko masyadong natuon ang atensyon ko sa kanya noong unang bumukas ang mga mata ko dahil may iba akong inaalala, pero ngayong nasa harapan ko na siya... Sandali kong naramdaman na parang tumigil kami ng nurse sa paghinga at bumaba ang temperatura ng silid. He looks so intimidating. Kahit simpleng tingin lang niya sa akin, pakiramdam ko ay hinihigop na niya ang kaluluwa ko o baka naman ay guni-guni ko lang iyon. At sa hindi ko malamang dahilan, bumilis ang tibok ng puso ko na parang may nagkakarera. "D-doc," mukhang pati ang nurse ay ramdam ang bigat ng aura ng lalaki. "Nag-check lang ako ng vital signs niya, at normal naman po ang lahat." Hindi siya nagsalita, pero tumango siya at nauna na ring umalis. Doon lang ata kaming dalawa ng nurse nakahinga nang maluwag. Nagkatinginan kami. "Nakakatakot talaga si Doc Rafael, masyado siyang seryoso at anak siya ng may-ari ng ospital, pero hindi gaya ng ibang mga spoiled brat na anak ay nagsimula siya sa pinakamababa bago niya naabot kung nasaan siya ngayon." Hindi naman ako interesado sa buhay ng iba, pero ewan ko ba kung bakit pagdating sa lalaking iyon. Parang may kung ano sa akin ang nag-udyok na gusto ko siyang makilala. Marahil ay dahil isa siyang napaka-mysterious na tao. Ipinilig ko ang aking ulo. Pagkatapos nito, aalis na ako, kaya wala dapat akong malaman tungkol sa lalaking iyon dahil wala lang naman siya. Umalis na rin ang nurse kaya ako na naman ang mag-isa sa silid. Nakalimutan ko man lang tanungin kung paano ako nakita ng doktor, at kung ilang araw na akong walang malay. Huminga ako nang malalim. Saan ako ngayon kukuha ng pambayad sa bills ko sa ospital? Puwede kayang bayaran ko na lamang kapag nalalabas na ako at nakahanap ng trabaho? Kinagat ko ang aking ibabang labi. Mag-isip ka, Santana. Sa huli, wala akong naisip kundi si Apollo. I shook my head violently. Hindi. Hindi ko puwedeng kainin ang pride ko para lang sa pera. May iba pang paraan. I'd been thinking about it for days, and I'm still thinking about it. I'll pay in installments; hindi naman ako tatakas. I was deep in thought when a familiar presence entered my room. Agad akong nag-angat ng tingin at nakita iyong doktor na lalaking sinasabi nila na nakakatakot. Si Doktor Rafael Dela Cruz. Naglakad siya patungo sa akin, slow and deliberate. "May problema po ba dok?" Hindi agad siya nagsalita. Itinagilid niya ang kanyang ulo saka umigting ang kanyang panga. "Your medical bill is almost a million." Nalaglag ang aking panga. Shit! Napakurap ako at napakunot ng sariling laway. Habang siya ay kalmado lang, suot ang kanyang plantsadong white coat. "Totoo?" bulalas ko. Tinaasan niya ako ng kilay. Umayos ako ng upo; pinanood niya ako. "Pero bakit?" He looked like he was pissed but tried to be professional. "You're already one and a half months staying here, miss." Pakiramdam ko ay nalaglag na sa lupa ang baba ko sa sobrang gulat. Isang buwan at kalahati na ako nanatili dito? Tangina! "But don't worry, your hospital expenses will be taken care of." Napatingin ako sa kanya, punong-puno ng kalituhan ang aking mukha. "Ha?" "My tita abroad donated a billion for patients here, so it will cover your expenses. Hindi lang naman ikaw." Paliwanag niya. Natawa ako. "I'm sorry, Doc, but I'll refuse to accept that." "I don't need your approval; it's already covered until you discharge." Kumuyom ang panga ko. Alam ko naman na malaking halata ang halos isang milyo at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ibabayad pero hindi ko maatim na magkaroon ng utang na loob. "I don't need your charity, doctor." Tumango siya. "Good, because I wasn't offering." Pagkatapos ay umalis siya, iniwan ako doon na nakatunganga.Santi ~Entrance of the DC Corporation ~ Huminga ako nang malalim. Here I am, DC Company. Sisiguraduhin ko na kukunin ninyo ako kahit na anong mangyari. Bago ako pumasok sa loob, pinagmasdan ko muna ang mataas at matayog na gusali, tapos ay lumipat ang tingin ko sa pangalan nito. Kumunot ang noo ko. Parang... pamilyar sa akin ang DC. Hindi ko lang talaga matandaan kung kailan ko siya minsan na nakita. Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi iyan ang oras para sa bagay na iyan. Kailangan kong magtrabaho. Ito ang pinakamalaking kumpanya sa Norte, kaya kailangan kong makapasok kahit anong mangyari. Pagpasok ko, maraming aplikante ang nakapila. Gusto kong umurong, pero kailangan kong subukan dahil ano ang kakainin ko kung hindi ako magtatrabaho? Pagkaupo ko pa lang sa upuan, agad nang may lumabas at umiyak. Lahat kami ay napatingin sa kanya; halos nakalimutan ang paghinga. Pero walang nagtangkang magtanong. Ang sumunod din ay nawala sa mood, para siyang gali
Santana Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin iyong sinabi ng lalaki. Nang makumpirma ko sa nurse ang tungkol doon, hindi pa rin ako makapaniwala. Ayokong magkautang ng loob, pero sa totoo lang. Gusto kong magpasalamat dahil sa wakas ay kahit papaano nawalan ako ng tinik sa aking dibdib. "Salamat po," pasasalamat ko sa nurse na nag-aalaga sa akin. Hinanap ko ang doktor, nagbabakasakali na makita siya upang makapagpasalamat man lang ako sa kabutihan ng pamilya niya, pero mukhang wala siya hanggang sa ma-discharge na ako. Hindi ko na siya muling makikita. Someday, I will repay their kindness towards me. Sa ngayon, kailangan kong maghanap ng matitirhan at ng trabaho para mabuhay. Lumuwas ako sa Manila. Nagpunta ako sa Norte kung saan alam kong hindi ko makikita si Apollo. Mabilis ang mga pangyayari, parang hindi pa ako nakapagpahinga nang maayos nang makarating ako sa Norte at doon nagsimula ang bagong buhay. Walang nakakakilala sa akin sa Norte, pero kailanga
Santana Narinig ko ang kaluskos sa paligid, dahilan kung bakit ako nagising mula sa mahabang pagkatulog. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at unang bumungad sa akin ang itim na ceiling. Nasaan ako? Anong nangyari? Nilibot ko ang aking mga mata sa paligid. May nakita akong dextrose at tunog ng makina sa tabi ko. Doon ko nakumpirmang nasa ospital pala ako. Ipinikit ko ang aking mga mata, pilit na inaalala ang nangyari. Pinapirma ako ni Celine ng divorce paper dahil sinabi ni Apollo. Pinagamit niya ako ng kotse tapos... nagkaaberya at tumilapon ako sa ilog. Iyon lang ang huli kong naalala. "Hey, Miss, are you okay?" nilingon ko ang nagsalita. Kumunot ang noo ko. Pamilyar siya sa akin pero hindi ko matandaan kung saan at kailan. Matikas siyang nakatayo sa unahan, matalim ang tingin sa akin at animo'y wala siyang sinasanto na kahit sino sa tingin niya pa lang. Napalunok ako nang dalawang beses. At ako na ang naunang nag-iwas ng tingin. P
Apollo "Where is Santana?" tanong ko kay Celine na nakahiga sa higaan namin ni Santana. She wore her red lingerie, but my attention wasn't there. "Why are you looking at her when I am here, Apollo?" malandi niyang sinabi. I gritted my teeth and harshly loosened my necktie because I might explode if I felt like everything was too tight. "I said where the fvck is my wife?!" sigaw ko. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata pero wala akong pakialam doon. Ang lintik na babae na 'yon. Nasaan na siya? Bakit walang nakahanda na mga kakailanganin ko pagkarating ko? And the house feels like fvcking empty? Naglakad ako patungo sa walk-in closet namin, but no one's there. Pero nandoon naman ang mga gamit niya, lahat. Walang nawala. Kaya nasaan siya? Tumayo si Celine, lumapit sa akin upang sana paklamahin ako. Pero dumako ang tingin ko sa suot niyang roba na gamit ni Santana, kaya biglang nandilim ang paningin ko. "Why are you fvcking wearing that?" I s
Santana Pinilit kong magpakatatag, kahit nanginginig na ang buong katawan ko habang nakatingin sa mga rosas na inihanda ko para sa kanila. Wala na akong nararamdaman. Parang namanhid na ang buong katawan ko at hindi ko na halos maramdaman ang tibok ng puso ko. Alam ko naman na may ibang mga babae si Apollo. Sinabi niya sa akin. Pero ang dalhin niya sa bahay at halos kamukha pa ng ate... parang ilang beses na sinasaksak ng matalim na punyal ang puso ko. "Bakit?" bulong ko sa hangin. "Hindi ka pa ba tapos diyan?!" sigaw niya sa kuwarto. "Darling, don't be too excited." Saway sa kanya sa babae, sa malamding tono. "Hindi mo ba alam na mas exciting kapag matagal?" Parang may bumara na maliit na bukol sa aking lalamunan habang pinapakinggan silang dalawa na nag-uusap sa kuwarto namin. Nanginginig akong mahigpit na nakahawak sa bathtub, pilit na pinapaalala sa sarili ko na hahayaan ko na lang siya. The moment he disrespected me as his wife was the moment he final
Santana "You're such a disgrace to me, Santana." Akala ko, katulad ng mga nababasa kong libro ang magiging buhay ko kapag ikinasal ako. Kasi iyon na ang ikinamulatan namin ng kapatid ko na si Selina. Na mamumuhay kami nang maligaya at puno ng pagmamahal katulad ng mga magulang namin dahil sa aming prince charming. Pero hindi pala. Kabaliktaran ang naging buhay ko nang ikasal ako kay Apollo. "Kaya ayaw kong makita ka ng media." Tiningnan niya ang kanyang sarili sa malaking salamin ng aming kuwarto. "Huwag ka nang sumama sa akin sa event, ako na ang bahala na mag-explain sa mga magulang natin kung bakit wala ka." Malamig pa sa yelo ang sinabi niya. Dapat ay sanay na ako sa ganoong trato niya sa akin. Malamig ang pakikitungo, at para akong hangin kung ituring niya. Sampung taon. Isipin mo 'yon, sampung taon na kami pero kahit kailan ay hindi ko maalala kung kailan niya ako huling tiningnan nang walang galit sa kanyang mga mata. Palagi niya rin akong iniiwasan na







