เข้าสู่ระบบ
Santana
"You're such a disgrace to me, Santana." Akala ko, katulad ng mga nababasa kong libro ang magiging buhay ko kapag ikinasal ako. Kasi iyon na ang ikinamulatan namin ng kapatid ko na si Selina. Na mamumuhay kami nang maligaya at puno ng pagmamahal katulad ng mga magulang namin dahil sa aming prince charming. Pero hindi pala. Kabaliktaran ang naging buhay ko nang ikasal ako kay Apollo. "Kaya ayaw kong makita ka ng media." Tiningnan niya ang kanyang sarili sa malaking salamin ng aming kuwarto. "Huwag ka nang sumama sa akin sa event, ako na ang bahala na mag-explain sa mga magulang natin kung bakit wala ka." Malamig pa sa yelo ang sinabi niya. Dapat ay sanay na ako sa ganoong trato niya sa akin. Malamig ang pakikitungo, at para akong hangin kung ituring niya. Sampung taon. Isipin mo 'yon, sampung taon na kami pero kahit kailan ay hindi ko maalala kung kailan niya ako huling tiningnan nang walang galit sa kanyang mga mata. Palagi niya rin akong iniiwasan na para bang may nakakahawa akong sakit. At sa tuwing kakausapin niya ako, parang laging utos. Wala man lang lambing. Inayos niya ang kanyang suot na army suit at ako naman ay nasa kama, nakahiga kung saan kami magkatabi, pero kahit kailan ay hindi ko naramdaman na may katabi ako. Dahil noon pa man, hindi pinaramdam ni Apollo sa akin na may asawa ako. "Don't expect me to be here tonight," dagdag niya. Mahigpit ang pagkakapit ko sa bedsheet habang pinagmamasdan siya. Gusto kong magtanong, 'Bakit? Dahil kasama mo ang mga babae mo? Na mas kaya mo pang hawakan kaysa sa sarili mong asawa?' Pero itinikom ko lang ang aking bibig, dahil alam ko naman kung ano lang ako sa buhay ni Apollo. Isang babaeng pumatay sa minamahal niya. "Sige," iyon lang ang sagot na lumabas sa bibig ko. Wala na siyang sinabi. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin nang umalis na siya sa harapan ko. Diretso lang ang lakad niya paalis sa kwarto namin. Sumisikip ang dibdib ko. Palaging ganito ang sitwasyon na nakamulatan ko. Aalis siya. Iiwan niya akong mag-isa habang nagpapakasaya siya sa piling ng iba upang makalimutan ang babaeng minahal niya at mahal pa rin niya. Ang ate ko. Hindi naman talaga ako ang nakatakdang ikasal sa kanya, dahil nakatakda na rin akong ikasal sa iba. Ngunit dahil sa isang aksidente, kaya kaming dalawa ikinasal. At mukhang hanggang ngayon ay ako pa rin ang sinisisi ni Apollo. Huminga ako nang malalim at bumangon na sa kama. Hindi ako puwedeng magmukmok na lang. Sampung taon na rin naman akong nagtiis sa ganitong sitwasyon, kaya ipagpapatuloy ko na lang ito. Kahit na ano pa ang itawag nila sa akin ay wala akong pakialam. Nagbabaka sakali ako na baka isang araw... matutunan din akong mahalin ni Apollo. Naglakad ako sa may bakuran upang lumanghap ng sariwang hangin. Pinagmasdan ko ang mga nagtataasang gusali. Hindi ako makaalis. Para akong bilanggo sa mamahaling lugar na ito at kahit anong gawin ko... hindi na ako makakawala pa dahil malaki ang utang ng pamilya ko sa pamilya ni Apollo. Nilibot ko ang aking paningin sa malawak at malaking bahay na nakatayo sa harap ko. Sumisigaw iyon ng karangyaan, pero sa loob ng bahay na iyan—isang babae na sampung taon nang nakakulong bilang asawa ni Apollo. Ni wala akong pangalan para sa sarili ko; alam lang nila na asawa ako ni Apollo na ipinagkanulo ng mga magulang ko dahil sa malaking utang. At pinagbabayaran ko rin ang pagkamatay ng ate ko. Ako ba ang pumatay sa ate ko para ako lang ang magdusa? Hindi ba at nasaktan rin ako sa pagkawala niya? Bakit kailangang ako lang ang nakakulong sa sitwasyong ito? Kahit ano namang sabihin ko, balewala lang iyon sa kanila. Wala silang pake sa akin o sa kung anumang sasabihin ko. "Madam," tawag sa akin ng aking nanny mula nang bata pa kami ni Ate. "Manag Beth," iniabot niya sa akin ang tasa na may lamang kape. "Salamat po," nakangiti kong sinabi. "Dapat ay umalis ka na noon pa, Santana." Ang kanyang mga mata ay puno ng simpatya para sa akin. Humigpit ang pagkakahawak ko sa tasa, pilit akong ngumiti. "Asawa ako ni Apollo, manang." "Pero tingnan mo sarili mo, Santana?" Tanong niya sa akin, "hindi ka naman ganyan dati. Isa kang masiyahin na dalawa at puno ng pangarap sa buhay, pero ngayon..." hindi niya tinuloy ang kanyang sasabihin at napailing. Tama si Manang Beth. Puno ako ng pangarap sa buhay noon. Nag-iba na nga siguro ang lahat. Pilit akong ngumiti sa kanya. "May mga bagay na kailangan lang talagang unahin, manang." "Pero hindi mo dapat pinagbabayaran ang mga utang na hindi naman ikaw ang nakikinabang." Marahan niyang sinabi, pilit akong kinukumbinsi. Inabit niya ang kamay kong hindi nakahawak sa tasa. "umalis ka na sa impyernong ito, Santana, bago pa mahuli ang lahat." Noon pa man, iyan na ang palagi niyang sinasabi sa akin. Ang umalis ako sa lugar na ito at hanapin ang kalayaan. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko magawang hanapin ang kalayaan kung iiwan ko lang din si Apollo. Minahal ko na siya, at hindi ko kayang iwan si Apollo kahit pa saktan niya ako nang ilang beses. Paulit-ulit kong tatanggapin iyon, dahil alam ko na tama lang sa akin ang bagay na iyon. Pero may mga bagay talaga na susubukin ka na lang ng tadhana. Na kahit iyong katiting na pinanghahawakan mo ay babaliin niya dahil hindi mo alam kung naaawa na siya sa'yo o dahil... gusto ka niyang magising sa katotohanan. Kinabukasan, bandang alas otso ng umaga. Ang araw na nagbibigay liwanag sa matayog na gusali ng mansyon ni Apollo ay unti-unting dumilim. Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang pagbukas ng pintuan sa bukana. Dinig na dinig sa buong mansyon ang halakhak ni Apollo na kailanman ay hindi ko pa narinig sa tanang buhay ko. Tumawa siya nang malakas, kasabay ng hagikhik ng isang babae. Mabilis akong naglakad pababa ng hagdan, gumawa ng ingay ang aking takong na tumatapak sa marmol na hagdan. Hanggang sa nasa pinakadalawang-huling baitang na ako. Nakita ko si Apollo na nakalingkis ang kamay sa baywang ng isang babae na tumatawa kasabay niya. Sobrang lapit nila sa isa't isa. At hindi ko maipaliwanag kung bakit nakatuon ang tingin ko sa babae. Sobrang pamilyar ng ngiti niya. Ng kanyang mukha. Maging ang pagkiling niya habang nakikinig kay Apollo. Parang may malamig na tubig ang bumuhos sa katawan ko. Hindi. Hindi maaari. Halos paatras akong napahakbang. "Selina..." Halos pabulong kong sambit. Dahilan upang lingunin ako ni Apollo na may galit ang kanyang mga mata. "What did you just say?" Hindi ako makasagot. Hindi maalis ang tingin ko sa babae na nasa tabi niya. "A-Apollo," nanginginig ang aking mga labi. "B-bakit kamukha ni—" Umigting ang kanyang panga, at agad na pinutol ang sasabihin ko. "Stop with your nonsense, Santana, and prepare our bath in the main room." Napatingin ako sa kanya. At doon ko naramdaman ang muling pagkirot ng sugat na sampung taon kong kinikimkim.Santi ~Entrance of the DC Corporation ~ Huminga ako nang malalim. Here I am, DC Company. Sisiguraduhin ko na kukunin ninyo ako kahit na anong mangyari. Bago ako pumasok sa loob, pinagmasdan ko muna ang mataas at matayog na gusali, tapos ay lumipat ang tingin ko sa pangalan nito. Kumunot ang noo ko. Parang... pamilyar sa akin ang DC. Hindi ko lang talaga matandaan kung kailan ko siya minsan na nakita. Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi iyan ang oras para sa bagay na iyan. Kailangan kong magtrabaho. Ito ang pinakamalaking kumpanya sa Norte, kaya kailangan kong makapasok kahit anong mangyari. Pagpasok ko, maraming aplikante ang nakapila. Gusto kong umurong, pero kailangan kong subukan dahil ano ang kakainin ko kung hindi ako magtatrabaho? Pagkaupo ko pa lang sa upuan, agad nang may lumabas at umiyak. Lahat kami ay napatingin sa kanya; halos nakalimutan ang paghinga. Pero walang nagtangkang magtanong. Ang sumunod din ay nawala sa mood, para siyang gali
Santana Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin iyong sinabi ng lalaki. Nang makumpirma ko sa nurse ang tungkol doon, hindi pa rin ako makapaniwala. Ayokong magkautang ng loob, pero sa totoo lang. Gusto kong magpasalamat dahil sa wakas ay kahit papaano nawalan ako ng tinik sa aking dibdib. "Salamat po," pasasalamat ko sa nurse na nag-aalaga sa akin. Hinanap ko ang doktor, nagbabakasakali na makita siya upang makapagpasalamat man lang ako sa kabutihan ng pamilya niya, pero mukhang wala siya hanggang sa ma-discharge na ako. Hindi ko na siya muling makikita. Someday, I will repay their kindness towards me. Sa ngayon, kailangan kong maghanap ng matitirhan at ng trabaho para mabuhay. Lumuwas ako sa Manila. Nagpunta ako sa Norte kung saan alam kong hindi ko makikita si Apollo. Mabilis ang mga pangyayari, parang hindi pa ako nakapagpahinga nang maayos nang makarating ako sa Norte at doon nagsimula ang bagong buhay. Walang nakakakilala sa akin sa Norte, pero kailanga
Santana Narinig ko ang kaluskos sa paligid, dahilan kung bakit ako nagising mula sa mahabang pagkatulog. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at unang bumungad sa akin ang itim na ceiling. Nasaan ako? Anong nangyari? Nilibot ko ang aking mga mata sa paligid. May nakita akong dextrose at tunog ng makina sa tabi ko. Doon ko nakumpirmang nasa ospital pala ako. Ipinikit ko ang aking mga mata, pilit na inaalala ang nangyari. Pinapirma ako ni Celine ng divorce paper dahil sinabi ni Apollo. Pinagamit niya ako ng kotse tapos... nagkaaberya at tumilapon ako sa ilog. Iyon lang ang huli kong naalala. "Hey, Miss, are you okay?" nilingon ko ang nagsalita. Kumunot ang noo ko. Pamilyar siya sa akin pero hindi ko matandaan kung saan at kailan. Matikas siyang nakatayo sa unahan, matalim ang tingin sa akin at animo'y wala siyang sinasanto na kahit sino sa tingin niya pa lang. Napalunok ako nang dalawang beses. At ako na ang naunang nag-iwas ng tingin. P
Apollo "Where is Santana?" tanong ko kay Celine na nakahiga sa higaan namin ni Santana. She wore her red lingerie, but my attention wasn't there. "Why are you looking at her when I am here, Apollo?" malandi niyang sinabi. I gritted my teeth and harshly loosened my necktie because I might explode if I felt like everything was too tight. "I said where the fvck is my wife?!" sigaw ko. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata pero wala akong pakialam doon. Ang lintik na babae na 'yon. Nasaan na siya? Bakit walang nakahanda na mga kakailanganin ko pagkarating ko? And the house feels like fvcking empty? Naglakad ako patungo sa walk-in closet namin, but no one's there. Pero nandoon naman ang mga gamit niya, lahat. Walang nawala. Kaya nasaan siya? Tumayo si Celine, lumapit sa akin upang sana paklamahin ako. Pero dumako ang tingin ko sa suot niyang roba na gamit ni Santana, kaya biglang nandilim ang paningin ko. "Why are you fvcking wearing that?" I s
Santana Pinilit kong magpakatatag, kahit nanginginig na ang buong katawan ko habang nakatingin sa mga rosas na inihanda ko para sa kanila. Wala na akong nararamdaman. Parang namanhid na ang buong katawan ko at hindi ko na halos maramdaman ang tibok ng puso ko. Alam ko naman na may ibang mga babae si Apollo. Sinabi niya sa akin. Pero ang dalhin niya sa bahay at halos kamukha pa ng ate... parang ilang beses na sinasaksak ng matalim na punyal ang puso ko. "Bakit?" bulong ko sa hangin. "Hindi ka pa ba tapos diyan?!" sigaw niya sa kuwarto. "Darling, don't be too excited." Saway sa kanya sa babae, sa malamding tono. "Hindi mo ba alam na mas exciting kapag matagal?" Parang may bumara na maliit na bukol sa aking lalamunan habang pinapakinggan silang dalawa na nag-uusap sa kuwarto namin. Nanginginig akong mahigpit na nakahawak sa bathtub, pilit na pinapaalala sa sarili ko na hahayaan ko na lang siya. The moment he disrespected me as his wife was the moment he final
Santana "You're such a disgrace to me, Santana." Akala ko, katulad ng mga nababasa kong libro ang magiging buhay ko kapag ikinasal ako. Kasi iyon na ang ikinamulatan namin ng kapatid ko na si Selina. Na mamumuhay kami nang maligaya at puno ng pagmamahal katulad ng mga magulang namin dahil sa aming prince charming. Pero hindi pala. Kabaliktaran ang naging buhay ko nang ikasal ako kay Apollo. "Kaya ayaw kong makita ka ng media." Tiningnan niya ang kanyang sarili sa malaking salamin ng aming kuwarto. "Huwag ka nang sumama sa akin sa event, ako na ang bahala na mag-explain sa mga magulang natin kung bakit wala ka." Malamig pa sa yelo ang sinabi niya. Dapat ay sanay na ako sa ganoong trato niya sa akin. Malamig ang pakikitungo, at para akong hangin kung ituring niya. Sampung taon. Isipin mo 'yon, sampung taon na kami pero kahit kailan ay hindi ko maalala kung kailan niya ako huling tiningnan nang walang galit sa kanyang mga mata. Palagi niya rin akong iniiwasan na







