เข้าสู่ระบบSantana
Pinilit kong magpakatatag, kahit nanginginig na ang buong katawan ko habang nakatingin sa mga rosas na inihanda ko para sa kanila. Wala na akong nararamdaman. Parang namanhid na ang buong katawan ko at hindi ko na halos maramdaman ang tibok ng puso ko. Alam ko naman na may ibang mga babae si Apollo. Sinabi niya sa akin. Pero ang dalhin niya sa bahay at halos kamukha pa ng ate... parang ilang beses na sinasaksak ng matalim na punyal ang puso ko. "Bakit?" bulong ko sa hangin. "Hindi ka pa ba tapos diyan?!" sigaw niya sa kuwarto. "Darling, don't be too excited." Saway sa kanya sa babae, sa malamding tono. "Hindi mo ba alam na mas exciting kapag matagal?" Parang may bumara na maliit na bukol sa aking lalamunan habang pinapakinggan silang dalawa na nag-uusap sa kuwarto namin. Nanginginig akong mahigpit na nakahawak sa bathtub, pilit na pinapaalala sa sarili ko na hahayaan ko na lang siya. The moment he disrespected me as his wife was the moment he finally lost me. Dahil kung natitiis ko ang pag-abandona niya sa akin. Ang bagay na ito? Hindi ko matitiis. Alam ko na nagkamali ako. Alam ko rin na malaki ang utang namin sa pamilya nila. Pero kung kapalit nito ang hindi niya pagrespeto sa akin bilang asawa niya. Tapos na ako. Huminga ako nang malalim at tumayo nang matapos na. Tahimik akong lumabas at diretso lang ang lakad dahil ayokong makita kung anuman ang ginagawa nila sa kama. Pero bago pa man ako makalabas, tinawag niya ako. "Let's get a divorce, Santana." Mas lalong sumikip ang dibdib ko. Kahit kailan. Hindi niya nagawang sabihin sa akin ang mga katagang iyon, kahit pa alam naman naming dalawa na napipilitan lang siya sa relasyon namin. Pilit akong ngumiti, nakataas ang baba at nilingon silang dalawa. Nalaglag ang puso ko nang makita kung paano niya hawak ang kamay ng babae na para bang handa niyang protektahan ito kung sakaling mag-eskandalo ako. For a decade. He knew me as an obedient wife. Lahat ng gusto niya, ginagawa ko. Lahat ng utos niya sa akin, sinusunod ko nang hindi iniisip kung anong kapalit no'n para sa akin. Kahit masaktan pa ako. Kahit pa mapahiya ako. Siguro, may kung ano sa akin ang nagsasabi na kailangan ko pa munang subukan. Kailangan kong isalba ang relasyon namin ni Apollo. Ipinikit ko ang aking mga mata, habang nakakuyom ang aking mga kamao sa gilid ko. Isang pagkakataon na lang. Pinilit kong maging kalmado, kahit nanginginig na ang katawan ko sa galit. "Kailangan ba talagang umabot sa ganito ang lahat, Apollo?" Kalmado kong tanong. He gritted his teeth. "I said, sign the divorce and leave!" Tiningnan ko siya. Sa pagkakataong ito, nakangisi siya habang mahigpit na nakahawak sa kamay ng babaeng kamukha ni Ate Selina. Napalunok ako ng sarili kong laway. Akala ba niya na hindi ko pipirmahan ang divorce paper? Akala niya ba na magmamakaawa ako sa kanya? Akala niya ba ay ako pa rin ang asawa niyang gagawin ang kahit ano basta huwag niya lang akong hiwalayan. Ngumiti ako, ngiti na hindi abot sa mga mata. "Sige, maghiwalay na tayo." Sandali siyang natahimik, tila hindi inaasahan ang sinabi ko. Pero agad ding tumawa ng malakas. Humupa iyon, at madilim ang tingin sa akin. Iniwan niya ang kanyang babae at naglakad patungo sa akin. Ang bawat paglakad niya ay parang sumisigaw ng pangingibabaw sa akin, na tila ba pilit ipinapaalala kung sino lang ako sa buhay niya. Huminto siya sa harap ko. Hindi na maayos ang necktie niya; may kiss mark din sa kwelyo niya na hinuha ko ay galing sa babaeng nasa likod niya. "Bakit? Kaya mo bang mawala ako, Santana?" I stared at him for a long time. Iyan ang lagi niyang sinasabi sa akin sa tuwing nag-aaway kaming dalawa. Dahil alam niya na kahit anong gawin niya, gagapang ako sa putik pabalik sa kanya. Hindi ako sumagot. Hinayaan ko siyang isipin na hanggang ngayon, hindi ko pa rin kaya na wala siya. At umalis sa kwarto, pero pagsarado ko, narinig ko ang mga linyang hindi ko akalain na pinaghuhugutan ko ng lakas. "Let her, gagapang pa rin siya pabalik sa akin dahil sino ba siya kung wala ako?" mahina niyang sinabi sa babae. Nagngitngit ang aking mga ngipin, at halos manginig na ang katawan sa galit, pero kahit ganoon ay hindi ko siya sinugod o nagsalita ng bagay na alam ko naman na mag-aaksaya lang ako ng oras. *** Nagising ako dahil sa boses ni Apollo. Tiningnan ko siya; nasa tabi niya pa rin ang babae at halos para nang linta kung makadikit sa asawa ko. Itinagilid ni Apollo ang kanyang ulo at matagumpay na ngumiti sa babae. "See? I told you, she won't leave me." "Oo nga eh, how desperate." Tumikhim si Apollo, inayos ang kanyang necktie at tumingin sa akin. "Dito na muna si Celine mananatili. Huwag ka nang magreklamo dahil wala ka namang karapatan." Mabilis niyang sinabi. "Sige." Napakurap-kurap si Apollo; hindi inaasahan ang malamig kong sagot. Umigting ang kanyang panga. "Huwag kang magdrama, Santana!" Wala pa rin akong emosyon na ipinakita. "Kung anong gusto mo, Apollo, iyon ang masusunod." Kumunot ang kanyang noo; hahakbang sana siya palapit sa akin nang bigla siyang pigilan ni Celine. "Masakit ang ulo ko, Apollo. Gusto ko nang kumain nang makapagpahinga na tayo." Apollo shot a look at me, then to Celine. "I'll ask the cook to prepare the food." Malambing niyang sinabi, malayo sa kung paano siya magsalita sa akin. Sige lang. Gumawa ka pa ng mga bagay na tuluyang makakapagpalayo sa akin, Apollo. Dahil sisiguraduhin ko na sa oras na mawala na ako, hindi lang ikaw ang gagapang sa putik para lang bumalik ako sa buhay mo. Abala ako sa pagkikipag-usap kay Manang Beth nang bigla na lang dumating si Celine na nakahalukipkip, at nakataas ang kilay sa akin na para bang siya na ang may-ari ng lugar na ito. May dala siyang dokumento para sa akin, at agad kong nabasa iyon. Inilahad niya sa akin ang divorce agreement na pilit na pinapirma sa akin ni Apollo. "Apollo told me that you sign this and leave this house for good." Ramdam kong may kakaiba sa kilos niya, pero binabalewala ko iyon at tinapunan ng tingin ang divorce agreement. Nandoon na ang pirma ni Apollo. Inabot ko iyon at pinirmahan. May inabot siyang susi sa akin. "Iyan ang gamitin mo para sa pag-alis mo." "Hindi ko kailanga—" Umiling siya. "Iyan ang kabayaran ni Apollo sa pagsisilbi mo sa kanya nang ilang dekada, kaya tanggapin mo na lang." Pagpupumilit niya, at inilagay sa palad ko ang susi saka kinuyom ang aking kamao. My jaw tightened. Isang kotse lang ang kapalit ng pang-iinsulto, pampapahiya niya sa akin? Hindi ko sana tatanggapin iyon, pero parang may pumitik na ugat sa utak ko kaya tinanggap ko iyon nang may galit. Ganoon na ba talaga ako kababa sa pajingin ni Apollo? I chuckled. Tinatanong ba 'yan, Santana? Wala ka lang sa kanya. Nilingon ko si Celine, palihim siyang ngumisi. Mabilis akong lumabas ng mansyon. Hindi na ako pinigilan ni Manang Beth. Marahil ay nakita niya sa mukha ko kung gaano ako kagustong makalayo sa lugar na iyon. Agad akong sumakay sa kotse at pinaharurot iyon palayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang tanging gusto ko lang ay makalayo muna sa lalaking sampung taon kong minahal. Maayos naman ang takbo ng sasakyan sa unang ilang minuto. Tahimik ang paligid, maliban sa mahinang tunog ng ulan na nagsisimula nang tumama sa windshield. Hanggang sa may napansin akong malaking sasakyan sa likuran ko. Noong una, hindi ko iyon pinansin. Pero nang mapansin kong patuloy itong bumibilis at tila sinasadyang habulin ang kotse ko, nagsimula akong kabahan. Lalo akong napahawak nang mahigpit sa manibela nang bigla itong sumingit sa gilid ko. "What the hell?" Sinubukan kong bilisan ang takbo, pero mas lalo akong hinabol ng malaking sasakyan. Nang ilang metro na lamang ang pagitan namin, agad kong inapakan ang preno. Pero walang nangyari. Muli kong inapakan iyon. Mas malakas. Mas madiin. Nothing. "Shit!" Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong hindi gumagana ang preno. Mabilis kong iniwas ang manibela nang biglang sumalpok sa gilid ng kotse ko ang malaking sasakyan. Umalingawngaw ang malakas na kalabog, kasabay ng pagkabali ng kung anong bahagi ng sasakyan. Nawalan ako ng kontrol sa manibela. "Please! Please, no!" Paulit-ulit kong inapakan ang preno habang pilit na inaayos ang direksiyon ng kotse. Pero wala na akong magawa. Patuloy itong humaharurot sa basang kalsada. At nang tumingin ako sa unahan, saka ko lamang napagtanto kung saan ako papunta. Isang ilog. Napasinghap ako at mabilis na pinilipit ang manibela sa kabilang direksiyon. Ngunit huli na. Wala nang sapat na distansiya para pigilan ang sasakyan. Sa loob ng ilang segundo, tuluyan na akong nawalan ng kontrol. Malakas na tumama ang kotse sa harang bago tuluyang bumulusok pababa. Napapikit ako nang maramdaman ang matinding pagyanig ng buong sasakyan. Then came the impact. Isang napakalakas na pagsabog ng tubig ang bumalot sa paligid ko. Unti-unting pumasok ang malamig na tubig sa loob ng kotse habang naririnig ko ang sunod-sunod na pagbasag ng salamin. Hindi ako marunong lumangoy. At sa pagkakataong iyon, wala nang ibang pumasok sa isip ko kundi ang katotohanang baka dito na talaga magtatapos ang buhay ko. I tried to scream. But the water swallowed my voice.Santi ~Entrance of the DC Corporation ~ Huminga ako nang malalim. Here I am, DC Company. Sisiguraduhin ko na kukunin ninyo ako kahit na anong mangyari. Bago ako pumasok sa loob, pinagmasdan ko muna ang mataas at matayog na gusali, tapos ay lumipat ang tingin ko sa pangalan nito. Kumunot ang noo ko. Parang... pamilyar sa akin ang DC. Hindi ko lang talaga matandaan kung kailan ko siya minsan na nakita. Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi iyan ang oras para sa bagay na iyan. Kailangan kong magtrabaho. Ito ang pinakamalaking kumpanya sa Norte, kaya kailangan kong makapasok kahit anong mangyari. Pagpasok ko, maraming aplikante ang nakapila. Gusto kong umurong, pero kailangan kong subukan dahil ano ang kakainin ko kung hindi ako magtatrabaho? Pagkaupo ko pa lang sa upuan, agad nang may lumabas at umiyak. Lahat kami ay napatingin sa kanya; halos nakalimutan ang paghinga. Pero walang nagtangkang magtanong. Ang sumunod din ay nawala sa mood, para siyang gali
Santana Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin iyong sinabi ng lalaki. Nang makumpirma ko sa nurse ang tungkol doon, hindi pa rin ako makapaniwala. Ayokong magkautang ng loob, pero sa totoo lang. Gusto kong magpasalamat dahil sa wakas ay kahit papaano nawalan ako ng tinik sa aking dibdib. "Salamat po," pasasalamat ko sa nurse na nag-aalaga sa akin. Hinanap ko ang doktor, nagbabakasakali na makita siya upang makapagpasalamat man lang ako sa kabutihan ng pamilya niya, pero mukhang wala siya hanggang sa ma-discharge na ako. Hindi ko na siya muling makikita. Someday, I will repay their kindness towards me. Sa ngayon, kailangan kong maghanap ng matitirhan at ng trabaho para mabuhay. Lumuwas ako sa Manila. Nagpunta ako sa Norte kung saan alam kong hindi ko makikita si Apollo. Mabilis ang mga pangyayari, parang hindi pa ako nakapagpahinga nang maayos nang makarating ako sa Norte at doon nagsimula ang bagong buhay. Walang nakakakilala sa akin sa Norte, pero kailanga
Santana Narinig ko ang kaluskos sa paligid, dahilan kung bakit ako nagising mula sa mahabang pagkatulog. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at unang bumungad sa akin ang itim na ceiling. Nasaan ako? Anong nangyari? Nilibot ko ang aking mga mata sa paligid. May nakita akong dextrose at tunog ng makina sa tabi ko. Doon ko nakumpirmang nasa ospital pala ako. Ipinikit ko ang aking mga mata, pilit na inaalala ang nangyari. Pinapirma ako ni Celine ng divorce paper dahil sinabi ni Apollo. Pinagamit niya ako ng kotse tapos... nagkaaberya at tumilapon ako sa ilog. Iyon lang ang huli kong naalala. "Hey, Miss, are you okay?" nilingon ko ang nagsalita. Kumunot ang noo ko. Pamilyar siya sa akin pero hindi ko matandaan kung saan at kailan. Matikas siyang nakatayo sa unahan, matalim ang tingin sa akin at animo'y wala siyang sinasanto na kahit sino sa tingin niya pa lang. Napalunok ako nang dalawang beses. At ako na ang naunang nag-iwas ng tingin. P
Apollo "Where is Santana?" tanong ko kay Celine na nakahiga sa higaan namin ni Santana. She wore her red lingerie, but my attention wasn't there. "Why are you looking at her when I am here, Apollo?" malandi niyang sinabi. I gritted my teeth and harshly loosened my necktie because I might explode if I felt like everything was too tight. "I said where the fvck is my wife?!" sigaw ko. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata pero wala akong pakialam doon. Ang lintik na babae na 'yon. Nasaan na siya? Bakit walang nakahanda na mga kakailanganin ko pagkarating ko? And the house feels like fvcking empty? Naglakad ako patungo sa walk-in closet namin, but no one's there. Pero nandoon naman ang mga gamit niya, lahat. Walang nawala. Kaya nasaan siya? Tumayo si Celine, lumapit sa akin upang sana paklamahin ako. Pero dumako ang tingin ko sa suot niyang roba na gamit ni Santana, kaya biglang nandilim ang paningin ko. "Why are you fvcking wearing that?" I s
Santana Pinilit kong magpakatatag, kahit nanginginig na ang buong katawan ko habang nakatingin sa mga rosas na inihanda ko para sa kanila. Wala na akong nararamdaman. Parang namanhid na ang buong katawan ko at hindi ko na halos maramdaman ang tibok ng puso ko. Alam ko naman na may ibang mga babae si Apollo. Sinabi niya sa akin. Pero ang dalhin niya sa bahay at halos kamukha pa ng ate... parang ilang beses na sinasaksak ng matalim na punyal ang puso ko. "Bakit?" bulong ko sa hangin. "Hindi ka pa ba tapos diyan?!" sigaw niya sa kuwarto. "Darling, don't be too excited." Saway sa kanya sa babae, sa malamding tono. "Hindi mo ba alam na mas exciting kapag matagal?" Parang may bumara na maliit na bukol sa aking lalamunan habang pinapakinggan silang dalawa na nag-uusap sa kuwarto namin. Nanginginig akong mahigpit na nakahawak sa bathtub, pilit na pinapaalala sa sarili ko na hahayaan ko na lang siya. The moment he disrespected me as his wife was the moment he final
Santana "You're such a disgrace to me, Santana." Akala ko, katulad ng mga nababasa kong libro ang magiging buhay ko kapag ikinasal ako. Kasi iyon na ang ikinamulatan namin ng kapatid ko na si Selina. Na mamumuhay kami nang maligaya at puno ng pagmamahal katulad ng mga magulang namin dahil sa aming prince charming. Pero hindi pala. Kabaliktaran ang naging buhay ko nang ikasal ako kay Apollo. "Kaya ayaw kong makita ka ng media." Tiningnan niya ang kanyang sarili sa malaking salamin ng aming kuwarto. "Huwag ka nang sumama sa akin sa event, ako na ang bahala na mag-explain sa mga magulang natin kung bakit wala ka." Malamig pa sa yelo ang sinabi niya. Dapat ay sanay na ako sa ganoong trato niya sa akin. Malamig ang pakikitungo, at para akong hangin kung ituring niya. Sampung taon. Isipin mo 'yon, sampung taon na kami pero kahit kailan ay hindi ko maalala kung kailan niya ako huling tiningnan nang walang galit sa kanyang mga mata. Palagi niya rin akong iniiwasan na







