Santana Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin iyong sinabi ng lalaki. Nang makumpirma ko sa nurse ang tungkol doon, hindi pa rin ako makapaniwala. Ayokong magkautang ng loob, pero sa totoo lang. Gusto kong magpasalamat dahil sa wakas ay kahit papaano nawalan ako ng tinik sa aking dibdib. "Salamat po," pasasalamat ko sa nurse na nag-aalaga sa akin. Hinanap ko ang doktor, nagbabakasakali na makita siya upang makapagpasalamat man lang ako sa kabutihan ng pamilya niya, pero mukhang wala siya hanggang sa ma-discharge na ako. Hindi ko na siya muling makikita. Someday, I will repay their kindness towards me. Sa ngayon, kailangan kong maghanap ng matitirhan at ng trabaho para mabuhay. Lumuwas ako sa Manila. Nagpunta ako sa Norte kung saan alam kong hindi ko makikita si Apollo. Mabilis ang mga pangyayari, parang hindi pa ako nakapagpahinga nang maayos nang makarating ako sa Norte at doon nagsimula ang bagong buhay. Walang nakakakilala sa akin sa Norte, pero kailanga
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-11-25 อ่านเพิ่มเติม