เข้าสู่ระบบApollo
"Where is Santana?" tanong ko kay Celine na nakahiga sa higaan namin ni Santana. She wore her red lingerie, but my attention wasn't there. "Why are you looking at her when I am here, Apollo?" malandi niyang sinabi. I gritted my teeth and harshly loosened my necktie because I might explode if I felt like everything was too tight. "I said where the fvck is my wife?!" sigaw ko. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata pero wala akong pakialam doon. Ang lintik na babae na 'yon. Nasaan na siya? Bakit walang nakahanda na mga kakailanganin ko pagkarating ko? And the house feels like fvcking empty? Naglakad ako patungo sa walk-in closet namin, but no one's there. Pero nandoon naman ang mga gamit niya, lahat. Walang nawala. Kaya nasaan siya? Tumayo si Celine, lumapit sa akin upang sana paklamahin ako. Pero dumako ang tingin ko sa suot niyang roba na gamit ni Santana, kaya biglang nandilim ang paningin ko. "Why are you fvcking wearing that?" I screamed in her face and almost ripped the robe. Mabilis niyang hinibad iyon, nanginginig ang kanyang katawan. "Don't fvcking touch anything that my wife owns, woman!" I hissed and walked out of the room, then slammed the door shut. Where the hell is she? Don't tell me she's starting to act like one of the girls that I hate? Huwag mo akong susubukan, Santana. Bumaba ako sa hagdan, nagtungo sa maid quarter kung saan siya madalas. Halos lahat ng nandoon ay nagkukumahog na magtago sa oras na tumapak ako sa quarter nila. Binuksan ko ang kwarto ni Manang Beth. Natagpuan ko siyang inaayos ang mga gamit niya. "Where is Santana?" Tumingin siya sa akin, kalmado lang. Walang takot na makikita sa kanyang mga mata. "Hindi ba sinabi ng babae mo ang ginawa niya?" Kumunot ang noo ko. "Just get to the fvcking point." Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko. "Si Madam Santana ay pumirma ng divorce agreement na ibinigay ng babae mo dahil utos mo raw at umalis na." "What?!" umalingawngaw sa buong lugar ang aking boses sa sobrang lakas. What the heck? Umalis siya? Who the hell gave her permission to fvcking get out of my life? My buckles tightened as I clenched my jaw. "Babalik rin siya," malakas ang tiwala ko na babalik rin siya. She's just dramatic. 'Sige,' tipid niyang sagot. I shook my head. Sampung taon na siyang nanatili sa tabi ko, kaya imposible talaga na ngayon niya pa ako tuluyang iiwan. Malaki ang utang niya sa akin at sa pamilya ko, kaya wala siyang karapatan na umalis na lang kung kailan niya gusto. I know. Babalik siya. Babalik siya sa piling ko. "Sir, hindi basta-basta umaalis si Santana. Pero kapag umalis na siya, dapat alam mong hindi ka na niya babalikan." *** "Manang Beth!" tawag ko sa matanda. Naglakad siya patungo sa akin nang nakataang-a**o habang nasa dining area ako at kakain na sana. Katulong siya sa bahay ni Santana; nag-aalaga na ito sa bata simula pa lang. Kung umalis man ang babae, alam kong dadalhin niya ang matandang ito. At dahil nandito pa siya. Sigurado ako na babalik si Santana at hindi niya ako iiwan. "Si Santana, pauwiin mo na bago pa ako magalit sa kanya." "Pero hindi ko po alam kung nasaan siya, Sir." I slammed the table hard. She flinched but still held her ground. "Anong hindi mo alam?!" pinandilatan ko siya ng mga mata, "nag-iinarte lang siya dahil pinatuloy ko si Celine sa bahay!" Yumuko lang siya, hindi sumagot. "Sabihin mo sa kanya na kapag hindi pa siya bumalik ay malilintikan siya sa akin, naiintindihan mo ba?!" I said, and got up. Nawalan tuloy ako ng ganang kumain. Distracted ako buong araw, hinihintay ang pagbalik ng asawa ko habang nasa opisina ako sa aking bahay. I wandered my eyes around the corner. Maraming aklat ang nakapila sa bawat shelf na nakikita ko. Madalas ay pumapasok dito si Santana para maglinis ng mga aklat— Kaagad kong ipinilig ang aking ulo. Why do I keep thinking about her? I shouldn't care less about her because she was nothing to me. She's just my wife on paper. Iyon lang ang halaga niya sa akin. Pero bakit pakiramdam ko ay mas malalim pang dahilan ang galit kong ito na pilit kong iniiwasan na malaman at hindi ko alam kung bakit. Abala ako sa opisina nang may tumawag sa akin. Nag-angat ako ng tingin at ngumisi. For sure, it is Santana begging me to love her back. Sinagot ko iyon, pero bago pa man ako magsalita. "Hello? Si Mr. Apollo Dela Torre ba ito?" tanong ng lalaki sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko. "Yes, speaking." "Sir, natagpuan po ang isa sa mga sasakyan ninyo na nakalutang sa may tabing-ilog malapit sa village ninyo—" agad kong binaba ang tawag at malalaking hakbang na naglakad patungo sa sinabi niyang lugar. And there... I found the BMW car I bought for my wife, and there was blood inside. Maputik ang daan pero minabuti ko pa ring puntahan ang kotse. What the heck? Pumasok ako kahit may warning sign sa may gilid kung saan ay halos nabiyak na ang bintana ng kotse. "Nakumpirma pong dugo ng asawa ninyo ang mga dugong nandito, sir." Balita nila sa akin. I gave them a deadpan look; I could feel them shivering. "And where is my wife?" Kahit kalmado ang boses ko, ramdam ko ang takot nila. Yumuko sila. "I'm sorry, sir, pero wala nang tao nang madat—" Mabilis kong hinila ang kwelyo niya. Pinigilan ako ng ilang pusil na kasama niya, pero ang mga mata ko ay matalim ang tingin sa kanya at halos bumibigat ang aking paghinga. "Where the hell is my wife?!" Tahimik lamang sila. Tanging ang tunog lang ng ilog at ilang mga chatters ng camera ang maririnig sa paligid habang nakatingin silang lahat sa akin. Hinihintay ang susunod kong hakbang. "Hanapin niyo siya, I don't care how much it costs! Just find my wife." I growled. "Y-yes, sir," sagot nila sa nanginginig na boses. I looked at the damaged vehicle, then to the blood. I swallowed hard. "Check the hospitals. The nearby towns. Every possible location." "Sir, what if—" Kumuyom ang panga ko. "Huwag mong itutuloy kung gusto mo pang mabuhay." Banta ko sa kanya kaya itinikom niya ang kanyang bibig. That Santana's dead? No, she couldn't be dead. Hindi niya ako puwedeng iwan nang ganoon na lang. Marami pa siyang utang na babayaran, at kailangan ko pa siyang parusahan sa ginawa niya.Santi ~Entrance of the DC Corporation ~ Huminga ako nang malalim. Here I am, DC Company. Sisiguraduhin ko na kukunin ninyo ako kahit na anong mangyari. Bago ako pumasok sa loob, pinagmasdan ko muna ang mataas at matayog na gusali, tapos ay lumipat ang tingin ko sa pangalan nito. Kumunot ang noo ko. Parang... pamilyar sa akin ang DC. Hindi ko lang talaga matandaan kung kailan ko siya minsan na nakita. Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi iyan ang oras para sa bagay na iyan. Kailangan kong magtrabaho. Ito ang pinakamalaking kumpanya sa Norte, kaya kailangan kong makapasok kahit anong mangyari. Pagpasok ko, maraming aplikante ang nakapila. Gusto kong umurong, pero kailangan kong subukan dahil ano ang kakainin ko kung hindi ako magtatrabaho? Pagkaupo ko pa lang sa upuan, agad nang may lumabas at umiyak. Lahat kami ay napatingin sa kanya; halos nakalimutan ang paghinga. Pero walang nagtangkang magtanong. Ang sumunod din ay nawala sa mood, para siyang gali
Santana Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin iyong sinabi ng lalaki. Nang makumpirma ko sa nurse ang tungkol doon, hindi pa rin ako makapaniwala. Ayokong magkautang ng loob, pero sa totoo lang. Gusto kong magpasalamat dahil sa wakas ay kahit papaano nawalan ako ng tinik sa aking dibdib. "Salamat po," pasasalamat ko sa nurse na nag-aalaga sa akin. Hinanap ko ang doktor, nagbabakasakali na makita siya upang makapagpasalamat man lang ako sa kabutihan ng pamilya niya, pero mukhang wala siya hanggang sa ma-discharge na ako. Hindi ko na siya muling makikita. Someday, I will repay their kindness towards me. Sa ngayon, kailangan kong maghanap ng matitirhan at ng trabaho para mabuhay. Lumuwas ako sa Manila. Nagpunta ako sa Norte kung saan alam kong hindi ko makikita si Apollo. Mabilis ang mga pangyayari, parang hindi pa ako nakapagpahinga nang maayos nang makarating ako sa Norte at doon nagsimula ang bagong buhay. Walang nakakakilala sa akin sa Norte, pero kailanga
Santana Narinig ko ang kaluskos sa paligid, dahilan kung bakit ako nagising mula sa mahabang pagkatulog. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at unang bumungad sa akin ang itim na ceiling. Nasaan ako? Anong nangyari? Nilibot ko ang aking mga mata sa paligid. May nakita akong dextrose at tunog ng makina sa tabi ko. Doon ko nakumpirmang nasa ospital pala ako. Ipinikit ko ang aking mga mata, pilit na inaalala ang nangyari. Pinapirma ako ni Celine ng divorce paper dahil sinabi ni Apollo. Pinagamit niya ako ng kotse tapos... nagkaaberya at tumilapon ako sa ilog. Iyon lang ang huli kong naalala. "Hey, Miss, are you okay?" nilingon ko ang nagsalita. Kumunot ang noo ko. Pamilyar siya sa akin pero hindi ko matandaan kung saan at kailan. Matikas siyang nakatayo sa unahan, matalim ang tingin sa akin at animo'y wala siyang sinasanto na kahit sino sa tingin niya pa lang. Napalunok ako nang dalawang beses. At ako na ang naunang nag-iwas ng tingin. P
Apollo "Where is Santana?" tanong ko kay Celine na nakahiga sa higaan namin ni Santana. She wore her red lingerie, but my attention wasn't there. "Why are you looking at her when I am here, Apollo?" malandi niyang sinabi. I gritted my teeth and harshly loosened my necktie because I might explode if I felt like everything was too tight. "I said where the fvck is my wife?!" sigaw ko. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata pero wala akong pakialam doon. Ang lintik na babae na 'yon. Nasaan na siya? Bakit walang nakahanda na mga kakailanganin ko pagkarating ko? And the house feels like fvcking empty? Naglakad ako patungo sa walk-in closet namin, but no one's there. Pero nandoon naman ang mga gamit niya, lahat. Walang nawala. Kaya nasaan siya? Tumayo si Celine, lumapit sa akin upang sana paklamahin ako. Pero dumako ang tingin ko sa suot niyang roba na gamit ni Santana, kaya biglang nandilim ang paningin ko. "Why are you fvcking wearing that?" I s
Santana Pinilit kong magpakatatag, kahit nanginginig na ang buong katawan ko habang nakatingin sa mga rosas na inihanda ko para sa kanila. Wala na akong nararamdaman. Parang namanhid na ang buong katawan ko at hindi ko na halos maramdaman ang tibok ng puso ko. Alam ko naman na may ibang mga babae si Apollo. Sinabi niya sa akin. Pero ang dalhin niya sa bahay at halos kamukha pa ng ate... parang ilang beses na sinasaksak ng matalim na punyal ang puso ko. "Bakit?" bulong ko sa hangin. "Hindi ka pa ba tapos diyan?!" sigaw niya sa kuwarto. "Darling, don't be too excited." Saway sa kanya sa babae, sa malamding tono. "Hindi mo ba alam na mas exciting kapag matagal?" Parang may bumara na maliit na bukol sa aking lalamunan habang pinapakinggan silang dalawa na nag-uusap sa kuwarto namin. Nanginginig akong mahigpit na nakahawak sa bathtub, pilit na pinapaalala sa sarili ko na hahayaan ko na lang siya. The moment he disrespected me as his wife was the moment he final
Santana "You're such a disgrace to me, Santana." Akala ko, katulad ng mga nababasa kong libro ang magiging buhay ko kapag ikinasal ako. Kasi iyon na ang ikinamulatan namin ng kapatid ko na si Selina. Na mamumuhay kami nang maligaya at puno ng pagmamahal katulad ng mga magulang namin dahil sa aming prince charming. Pero hindi pala. Kabaliktaran ang naging buhay ko nang ikasal ako kay Apollo. "Kaya ayaw kong makita ka ng media." Tiningnan niya ang kanyang sarili sa malaking salamin ng aming kuwarto. "Huwag ka nang sumama sa akin sa event, ako na ang bahala na mag-explain sa mga magulang natin kung bakit wala ka." Malamig pa sa yelo ang sinabi niya. Dapat ay sanay na ako sa ganoong trato niya sa akin. Malamig ang pakikitungo, at para akong hangin kung ituring niya. Sampung taon. Isipin mo 'yon, sampung taon na kami pero kahit kailan ay hindi ko maalala kung kailan niya ako huling tiningnan nang walang galit sa kanyang mga mata. Palagi niya rin akong iniiwasan na







