The Outcast Billionaire

The Outcast Billionaire

By:  sweetjelly  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings
8Chapters
669views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Namulat sa karangyaan pero itinakwil ng basta na lang. Bumaliktad ang mundo ni Nelson nang itinakwil ng mga magulang. Ang masakit, hindi niya alam ang tunay na dahilan. Ngunit sa isang iglap, hinahatak na naman siya sa mundo ng pamilyang nagtakwil sa kaniya, na hindi pa rin alam ang dahilan. Babalik pa kaya siya sa buhay ng mga taaong nagtakwil sa kaniya o tuluyan niya na itong tatalikuran? Paano kung sa muling pagbaliktad ng mundo niya ay siyang pag-cross ng landas nila ng babaeng dating minahal? Malalaman pa kaya niya ang mga kasagutan sa likod ng pagtakwil ng pamilya sa kaniya? May pag-asa pa ba kaya sila ng babaeng minahal o muli lamang mawawasak ang puso niya?

View More
The Outcast Billionaire Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
user avatar
CristineMay💖
highly recommended story
2023-04-12 10:19:35
1
user avatar
sweetjelly
Sa mga nakabasa ng nilimot na alaala at naghahanap sa story ni Nelson. Ito na 'yon. Sana mabasa n'yo rin ang kwento n'ya...
2023-01-23 23:15:58
3
8 Chapters
Simula
I received a series of messages after not answering a call from an unregistered number. It's been a month since I decided to walk away from the people I considered family, which they are not. Ginago nila akong lahat. Pinagmukha nila akong tanga.Gusto ko na ngang bugbugin ang sarili ko, matauhan lang ako. Binigyan lang ako noon ng papel na may sulat na pangalan. Akala ko, sila na ang tunay kong mga magulang. Pero kahit sino naman siguro, iyon ang iisipin. Matapos ka ba namang itakwil. Syempre lahat ng posibilidad ay paniniwalaan. Pero kahit niloko nila ako at ginago. Thankful pa rin naman ako dahil hindi nila ako tinuring na iba. Sa apat na taon na pamamalagi ko sa isla, kasama sila ay hindi ko naisip na hindi ko sila kadugo dahil mas naging pamilya pa ang turing nila sa akin, kay sa mga taong nakasama ko sa loob ng dalawampung-taon na walang pag-aatubili na itakwil ako. Wala man lang kahit isa na umawat. Ang saya pa nga nila na makitang ipinagtatabuyan ako ng magulang ko. Mali, hind
Read more
Kabanata 1
I'm staring at the vast ocean without blinking, as if in deep thought, but my mind is empty. Napangiti ako. Hindi ko akalain na kakainin ko rin pala ang mga sinabi ko. Darating din pala ako sa puntong susuko na lang at tuluyang mapagod. Talagang nakakapagod.I'm sick of knowing the real reasons why I was rejected. I'm done asking questions and wallowing in self-pity. I'm sick of running and hiding, dahil kahit saan ako magpunta at kahit anong gawin ko ay masusundan at masusundan pa rin nila ako. "Sir Nelson," untag sa akin ni Jac. "Balik na tayo sa trabaho, sir. Tapos na ang oras ng pahinga." Pinatay nito ang sigarilyo kasabay ng pagsasalita niya.Bahagya akong ngumiti, pero nanatili pa ring nakasandal sa pader ng rooftop. "Tara na po, sir, bago na naman tayo mapagalitan ng mataray nating manager." "Mamaya na, Jac," tugon ko at muling hinarap ang malawak na karagatan. Narinig ko na lang ang pagbuntong hininga niya at hindi na nagsalita. Humarap na rin ito sa malawak na karagatan.
Read more
Kabanata 2
Natawa ako sa sarili. Ano ngayon, if she's really that girl I saw earlier? Should I be happy? Kailangan pa ba na mag-usap kami, despite the fact that she has left na hindi pa rin malinaw ang lahat? Hindi na oy!Nangako na ako noon, ayokong ipagsiksikan ang sarili sa mga taong ayaw naman sa akin. Ang babaeng 'yon, she's the same as my family shunning me from their lives.Hindi matigil ang pag-iling ko habang pabalik ng elevator. May pagkatanga rin talaga ako ng k'unti. Lumabas pa ako ng elevator, para saan? Para habulin sana at siguraduhin kung siya nga ang nakita ko. Kung siya nga 'yon, e 'di walang humpay na pang-aasar ang inabot ko. Siguradong pagtatawanan pa ako ng babaeng 'yon. Mabagal ang mga hakbang ko papunta sa lobby ng hotel. Hawak ko pa ang batok ko na medyo sumakit dahil sa nakita kong hindi naman sigurado kung siya nga ba 'yon. Mabuti pang puntahan ko na lang si Jac at mag-enjoy. Alam ko, kanina pa ako hinihintay no'n at sigurado ako na may handa na 'yong pampakalma.Na
Read more
Kabanata 3
Nahagod ko ang buhok ko kasabay ang malakas na tawa. Lokong buhay naman 'to. Sa ganitong paraan pa talaga kami nagkita ulit?! Paulit-ulit akong napailing, hindi din matigil ang tawa ko. Kaya lang, hindi tawa ng tuwa, kun'di tawa ng pait! Pinahid ko ang labi ko. Dumikit kasi ang lasa ng lipstick niya sa labi ko. "Long time no see, Dorry," ngisi kong sabi. "Awww... sh¡t." Hindi ko na napigil ang magmura ang sakit na kasi. Siguradong maga na ang mukha ko. 'Tsaka hindi pa nga ako nakabawi sa sunod-sunod na sampal niya kanina. Heto at sampal na naman ang bati niya sa akin. "Sira-ulo ka talaga kahit kilan, Nelson!" nanggagalaiting sigaw niya. Pinahid niya na rin ang laway ko na dumikit sa labi niya. Ngumisi ako. Kilala niya pa pala ako, akala ko kasi hindi na. "Sira-ulo nga ako, noon pa hindi ba? Kaya hindi mo na kailangan ipagsigawan..." sarkastiko kong sabi."Oo nga naman noon ka pa sira-ulo pero ngayon nag-level up! Hindi ka na lang sira-ulo! Manyak ka pa gago ka, peste ka!" sigaw niy
Read more
Kabanata 4
Sinamantala ko ang pagkakataon na tumalon pababa ng pader nang sabay lumingon ang mga bodyguard ko kay Dorry. Kaagad akong kumaripas ng takbo. Mabuti na lang at hindi ako nagawang hawakan ni Alex—ang bagong body guard. Siya lang ang nakakilos kaagad at nagtangkang dakpin ako."Sir Nelson," sigaw nila. Dahil sa gulat ay sigaw na lang ang nagawa ng mga dati kong bodyguard. Si Alex lang talaga ang alertong nagawa pa akong habulin. Walang lingon na tinungo ko ang pinto, nang makalabas ay kaagad ko iyong sinara. "Nelson, buksan mo! Sira-ulo ka talaga, palabasin mo kami! Peste ka!" rinig kong sigaw ni Dorry. Galit na galit na kinalampag ang pinto. Pasensya na lang at pati sila ng kaibigan niya ay damay sa gulo ko. Bahala siyang umusok ang ilong. Bweset din kasi siya. Mabuti nga at kasama siyang na trap sa rooftop. Nang makaganti naman ako sa mga sampal niya.Kala mo kung sino. Siya na nga ang hinalikan nagmamaldita pa. "Nelson, ano ba?!" rinig ko pang sigaw ni Dorry na parang maiiyak n
Read more
Kabanata 5
Nagising ako na puting kisame ang bumungad sa akin. Alam ko na kaagad kung anong klaseng silid itong kinaroroonan ko. Talagang nadali ako.Ngayon lang ako minalas ng ganito. Ngayon lang nangyaring na aksidente ako habang tumatakas sa mga bodyguard na humahabol sa akin. Imbes na sa mansyon ako iuwi nila Lorence. Dito sa hospital ang bagsak ko.Kahit masakit ang katawan ay pinilit ko pa rin ang umupo. Kailangan kong mag-isip at gumawa ng paraan kung paano makaalis dito. Alam ko, anumang oras ay darating na ang mga magulang ko at siguradong ipipilit na naman nila ang gusto nila.Mag-isa lang ako rito sa loob, pero alam kong nasa labas lang ang mga bodyguard ko. Nagbabantay. Bumalik ako sa pagkakahiga nang makita ang paggalaw ng doorknob. Nagkunwari din akong tulog. Ayokong malaman ng kahit na sino na nagkamalay na ako. Lalo lang kasi akong mahihirapang tumakas."Halika nga muna rito, Dorry!" Boses ni Hector ang narinig ko. Kasunod no'n ang pagsara ng pinto."Bakit ba, Hector?" iritang ta
Read more
Kabanata 6
Huminto sa paghakbang ni Hector, at parang robot na dahan-dahang humarap sa akin. Napangisi ako nang makita ang nangangalit niyang mukha. Nakuyom n'ya rin ang kamao, na para bang gusto akong sapakin. Tingnan natin kung kaninong buhay ang magiging empyerno, ngayong babalik na ako sa mansyon. "Tara na, Hector," iritang tawag na naman sa kan'ya ni Dorry. Kahit anong pamimilit ang gawin niya ay hindi na nito magawang hilahin ang pinsan ko na nangagagalaiti pa rin na nakatingin sa akin. Kung nagkataon na wala rito ang mga magulang ko ay talagang sinugod na niya ako. Hindi na nga siya nahihiyang ipakita ang galit niya."Anong sabi mo?" tanong niya, matapos ang mahaba-habang pagtiim ng bibig. "Babalik ka sa mansyon?" Malakas na tawa ang tumapos sa tanong niya. "What's funny about him going home, Hector?" tanong ni Papa. Imbes na ako ang magalit. Si Papa ang nairita. Hinarap niya pa talaga si Hector. Awtomatikong nahinto ang pagtawa nito. Alam niya na galit na nga s Papa. "He's going ho
Read more
Kabanata 7
Napangiti ako. Ang gandang salubong naman kasi ang bumungad sa amin. Talak ni lola Corazon. Nakababatang kapatid ng lolo ko. Pero umasta akong walang nakikita. Sa lahat ng pagmamalupit niya sa akin noon, matagal ko siyang tinuring na multo, hindi paman siya patay. "Ang lakas naman ng loob mo na bumalik dito!" Duro niya ako. Tingin ko nga gusto na niyang itulak palabas ang wheelchair ko. Kinalikot ko ang tainga ko. "May nakikita ka ba Jac? May naririnig? " maang kong tanong. "Wala po, Sir," tugon ni Jac. Kaya gustong-gusto ko 'to si Jac dahil kaagad niyang nasasakyan ang mga trip ko, kahit walang senyas. "Bakit biglang bumukas ang pinto, wala namang tao?" sabi ko, sinabayan ko pa ng kamot sa ulo. "Ibang klase, pati multo ay naki-welcome talaga sa muling pagbabalik ko rito sa mansyon." Nagkusang tumabi si Lalo Cora. Umakto nga rin kasi si Jac na walang nakikita. Tinulak ba naman ang wheelchair, kahit nakaharang pa ang masukista kong lola. Malas niya, hindi na niya ako magawang sa
Read more
DMCA.com Protection Status