Share

Chapter 10

Author: annerie15
last update publish date: 2026-05-01 08:51:34

Hindi ko kinausap si Leo buong byahe. Naiinis kasi ako. Gawin ba naman daw akong baliw? Sa ganda kong ‘to? Pero ang loko, para din namang walang pakealam sa akin. Nakatitig lang ito sa may entrance. 

Hindi ko mapigilang mahiwagaan sa kaniya. Matipid siyang magsalita at kung sumagot man ay babarahin pa ako. Hindi ko pa rin alam kung sino talaga siya. O kung totoo ang binigay niyang pangalan sa akin. Pero a

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Penthouse Secrets: Ellaine's Heart   Chapter 12

    Ang tagal kong inisip ang sinabi ni Leo.Hindi ko siya kilala. Iyon ang pagkakaalam ko. Ito ang unang beses na nakita ko siya. Pero bakit niya ako tinatanong kung hindi ko siya maalala?Oo nga’t palagi akong nakakasalamuha ng mga half-pinoy or pure foreigner. Pero wala ni isa roon si Leo.I’m sure of it.Hindi na rin naman ako ulit tinanong ni Leo o nagsalita manlang tungkol doon. Kumain kami ng tahimik at nagpahinga.Kinabukasan ay maaga pa noong ginisin niya ako ulit at pinaghanda dahil babyahe raw kami ulit.Akala ko ang Tacloban na ang huli naming pupuntahan pero hindi pa pala.

  • The Penthouse Secrets: Ellaine's Heart   Chapter 11

    Dahil sa sobrang pagod ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako na naririnig ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Malapit kasi ang kama ko sa banyo kaya rinig na rinig ko iyon.Dahan-dahan akong naupo. Napansin ko agad ang supot ng pagkain sa lamesa. Agad na kumalam ang tiyan ko noong maamoy ko ang pritong manok.Tumayo na ako at lumapit doon. Lalong nagwala ang mga bulate ko sa tiyan noong sumambulat ang amoy mula sa plastic.Gosh! Ngayon lang ako ulit nagutom ng ganito!Inilabas ko na ang pritong manok mula sa isang fast food chain. Nakakatuwa dahil ini-endorse ko rin ito.Mayroon na ring plato at kutsara na nabili si Leo. Wala sa sarili na inayos ko ang pagkakalagay ni

  • The Penthouse Secrets: Ellaine's Heart   Chapter 10

    Hindi ko kinausap si Leo buong byahe. Naiinis kasi ako. Gawin ba naman daw akong baliw? Sa ganda kong ‘to? Pero ang loko, para din namang walang pakealam sa akin. Nakatitig lang ito sa may entrance.Hindi ko mapigilang mahiwagaan sa kaniya. Matipid siyang magsalita at kung sumagot man ay babarahin pa ako. Hindi ko pa rin alam kung sino talaga siya. O kung totoo ang binigay niyang pangalan sa akin. Pero at least mayroon akong mapagkakatiwalaan.Umandar na rin ang pier sa wakas. Mabilis lamang iyon dahil tumawid lang ng dagat mula sa Cebu pa-Leyte. Sa Ormoc.Pagdating namin doon ay sumakay din kami agad ng van papunta naman sa Tacloban City.Pagod na pagod na ako. Hindi ko na alam kung ilang oras na kaming nagbyahe. Gusto ko na lang ihig

  • The Penthouse Secrets: Ellaine's Heart   Chapter 9

    Hindi ko alam kung gaano kami katagal nagbyahe. Nagising na lang kasi ako na tinatapik na ako ni Leo.“We’re at the pier,” he said.Nangunot ang noo ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Bahagya akong sumilid sa bintana.He was right. Nasa isang pier na kami.“Is it safe?” tanong ko.Marahang tumango si Leo.“Come on.”Tumayo na kami. Kami na lang din pala ang hindi pa nababa sa bus. Kinabahan na naman ako dahil ang daming tao. Dumikit ako kay Leo at bahagyang kumapit sa jacket niya. Para akong batang nagtatago sa mga tao. Mabuti na lang din at m

  • The Penthouse Secrets: Ellaine's Heart   Chapter 8

    Siguro ay isang malaking kahibangan itong ginagawa ko. Pero wala na akong ibang masasandalan. I trusted a stranger. Hindi ako sumunod sa mga habilin sa akin ni Cheska. I trusted a man na wala pang isang oras kong nakilala. Pero ano nga ba ang magagawa ko? He was telling the truth. Pumasok ang mga lalake kanina sa bus. Doon na niya ako hinila palabas ng terminal at pinara ang kalalabas pa lang na bus. Doon kami sumakay. Mabuti na lang at hindi puno ang bus at hinayaan lang kaming sumakay ng driver. Nakita ko pa kasi ang pagbaba ng mga lalake mula sa bus at pumasok sa kasunod na bus. Mukhang iniisa-isa nila ang bawat bus na nasa terminal. Nanlumo ako lalo. Ganito na ba ang magiging buhay ko ngayon? Of all people, bakit ako pa? Sigurado naman ako na may ibang mga babae dito sa mundo na mas maganda sa akin at sexy. Kung kaya nila akong bilhin, sigurado ako na kaya din nilang bilhin ang iba. Pero bakit ako pa? Dahil ba sa dati akong pokpok? Gano’n na ba kababa ang tingin nila sa a

  • The Penthouse Secrets: Ellaine's Heart   Chapter 7

    Hindi ko pa rin maproseso ang mga sinabi ni Cheska sa akin. I tried to remember it as much as I could. Pero dahil nga sa halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko ay hindi ko na alam kung maalala ko ba ang lahat ng bilin niya. Umalis ako ng walang paalam sa set kanina. Ngayon ay narito na ako sa bus terminal, papunta na sa probinsya na sinasabi ni Cheska. Mayroon na akong ticket at hinihintay ko na lang na dumating ang bus ko. Pumwesto ako sa pinakasulok ng waiting area. Sa may dulo malapit sa pader. Doon ay kita ko ang lahat ng papasok at lalabas sa gate ng terminal. Kabado pa rin ako dahil alam ko na sa oras na iyon ay pinaghahanap na ako ng mga tauhan ni Mr. Ricci. Sa dami ng habilin ni Cheska sa akin ay ang sinabi niya lang na h’wag basta-basta magtitiwala sa mga nakakausap ko ang naalala ko at siguraduhing walang makakakilala sa akin. E paano ko iyon gagawin? I am Ellaine Sandoval! Halos lahat ata ng tao sa Pinas ay kilala ako. Kahit nga dito sa terminal ay nakita kong nakak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status