LOGINMaaga akong nagising kinabukasan. Sunod-sunod kasi ang ring ng cellphone ko. Pagtingin ko ay si Cheska pala iyon.
It was four in the morning! Ano naman ang kailangan niya? Eight pa ang schedule ng shooting ko kaya sobrang aga pa.
Pinilit kong maupo at sinagot ang tawag ni Cheska.
“What is it?” I asked. Paos pa ang boses ko dahil kagigising ko pa nga lang.
“Y-You need to come to Love Talent now! Please!”
Nangunot ang noo ko.
“Huh? Bakit? Nasa baba ka na ba?”
“Wala, Ellaine. Nandito nga ako sa company.”
“What? Bakit nandiyan ka? Paano ako pupunta diyan? Andito ba si Manong?”
“Yes. Sinabihan ko na siyang sunduin ka ngayon. Just come here now,” mariing sabi nito.
I want to dismiss her. Pero hindi ko maitanggi ang pagmamadali sa kaniyang boses. She was almost begging me to go there.
“May problema ba si Ms. Cheng?” tanong ko.
Tumayo na ako mula sa kama at nagpunta sa walk-in wardrobe ko.
Hindi sumagot si Cheska. Bagkus ay pinatay lang nito agad ang tawag.
Nakakunot ang noo na tiningnan ko ang cellphone ko. She really ended the call.
Doon na ako biglang nakaramdam ng kaba.
What was going on there?
Napailing na lang ako. Nagmamadaling nagbihis lang ako ng fitted jeans at white T-shirt. Pinatungan ko iyon ng oversized hoodie at black cap. Nagsuot na rin ako ng face mask para matakpan ang mukha ko. Then I went out of my unit.
Paglabas ko ay may nakasalubong akong isang babae. Usually ay hindi ako namamansin ng mga kapit-bahay ko. But there was something different about this woman. Pumasok siya sa unit 1007. She looked in a hurry but still managed to look elegant.
Nagkibit na lang ako ng balikat at pumasok ng elevator. Ang mga nakatira sa penthouse dito sa building ay may sariling elevator. Kaya hindi ako nag-aalala na maari akong makasalamuha ng ibang tao. Kung mayroon man, for sure na wala ring pakealam sa akin.
I went to the garage. Nakita ko na roon si Mang Ben, ang driver ko. Nasa labas na siya ng kotse at naghihintay sa akin. Agad nitong binuksan ang pinto ng van, kaya pumasok na ako.
Hindi na rin nagtagal ay umandar na kami at nagbiyahe papunta sa company.
Madilim pa rin ang paligid. Papasikat pa lang kasi ang araw. Hindi ko pa nga ito matanaw sa langit. Minabuti ko na matulog pa saglit dahil hindi pa talaga gising ang diwa ko.
Pagkarating ko sa company ay madilim iyon. Nagtaka pa ako dahil akala ko ay narito sila Cheska.
Tatawagan ko na sana siya noong biglang may lumabas na text sa akin.
“Come to Ms. Cheng’s office.”
Unknown number. May hinala ako na si Cheska. Pero bakit ibang number ang gagamitin niya?
Nagpaalam na ako kay Mang Ben at mag-isa na lang ako na pumasok sa loob ng building. Kahit naman na madilim na ang paligid ay may guard pa rin doon. Kaya kahit gabi na ay working pa rin ang mga elevator.
I arrived at the top floor. Kita ko sa siwang ng pinto ng opisina ni Ms. Cheng ang liwanag mula sa loob. Huminga muna ako nang malalim bago tuluyan nang pumasok sa loob.
Natigilan pa ako sa nakita ko pagkapasok ko sa loob.
Hindi lang si Ms. Cheng ang naroon sa loob. There were at least ten people inside.
Nakaupo si Ms. Cheng sa mahabang sofa. Katabi niya si Cheska na nakatungo lang at halatang kabado. She was not on her usual spot. Sa pang isahang sofa na nagsisilbing trono niya sa loob ng opisinang iyon.
Someone else was there.
A man wearing a suit was there. His sharp eyes instantly caught mine. Napalunok ako noong magkatitigan kami. Those green eyes were like seeing my soul. I could see from his sharp jaw that his teeth were gnashing. Nakaupo siya na para bang siya ang may-ari ng mundo. Nakapatong pa nga ang kanang siko niya sa armrest ng sofa. At hindi ko maitatanggi ang kakaiba niyang awtoridad.
Sa likod nito nakapwesto ang ilan pang kalalakehan na seryoso rin kung makatingin.
“Ellaine! Mabuti naman at narito ka na!” Ms. Cheng said noong mapansin niya ako.
Naglakad ako palapit kay Ms. Cheng.
“Ms. Cheng… pinapunta mo raw ako rito?”
Tumayo si Ms. Cheng at lumapit sa akin. “Yes. Come on. Sit here.”
Tumayo agad si Cheska at pumwesto sa may likod ng sofa. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin kahit na sigurado ako na alam niyang narito na ako.
Naupo ako roon at tinanggal ang suot kong face mask at sumbrelo.
“Hindi ko alam na may bisita ka pala, Ms. Cheng.”
Ngumiti sa akin si Ms. Cheng. “Yes. Biglaan lang kasi, Ellaine. I hope hindi ka namin na istorbo.”
Nag-alinlangan akong sagutin siya. Naistorbo naman talaga nila ako.
“Who is he?” tanong ko.
Tumingin ako ulit sa lalake. Nakatitig pa rin ito sa akin. Na para bang makawawala ako bigla kapag inalis niya kahit isang tingin lang sa akin.
“Ahm… this is… This is Mr. Ricci, Ellaine. He is here to see you.”
Natigilan ako sa sinabi ni Ms. Cheng.
“Ricci?”
I stared at the man. His jaws tightened. Then he finally smirked. He showed his perfectly lined white teeth.
“I finally meet you, Ellaine.”
Lumipas pa ulit ang mga araw na magkasama kami ni Leo sa basement. Habang tumatagal na kasama ko siya ay unti-unti kong nakikita kung gaano siya ka-sweet and gentle na tao. Ngayon lamang ako nakakilala ng lalakeng ganito. Mostly kasi ay may dahilan. Kung hindi gusto ang katawan ko, ay dahil naman sa kapareha ko sa isang project. Isa rin ito sa dahilan kung bakit hindi ako nagkaroon ng karelasyon habang nasa industriya ako. I’m so done with men’s shit. Pero si Leo? Si Leo ang unti-unting nagpabago ng pananaw ko sa mga lalaki. “Alam mo, feeling ko talaga in-stalk mo ako noon. Halos lahat ng movie ko ay narito sa TV e,” ani ko. Nasa sala kami at nagmo-movie marathon. Hawak ko ang remote at namimili sa pwede naming mapanood. Habang siya ay may hawak na beer can na panaka-naka nitong iniinom. “I downloaded almost every movie in the world. Of course, it will include yours.” Inirapan ko siya. “Ito naman,” bulong ko. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang palabas. Sabi niya lang ka
Present timeTiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. “Ikaw talaga ‘yon?” hindi makapaniwalang tanong ko. Eleven years na ang nakalipas matapos kong makilala iyong misteryosong lalaking iyon. Akala ko nga katapusan ko na noong makita ko siya dahil tinutukan niya ako ng baril. Pero mabuti na lang at nawalan ito ng malay. Akala ko nga ito ang mawawala. Pero ang loko, matibay. Masamang damo ata. Paggising ko kinabukasan ay wala na sa boarding house ko. Sisingilin ko nga sana siya dahil hindi ako kumita noong gabing ‘yon sa pag-aasikaso sa kaniya. Tsk! But it was all in the past already. Iba na ako ngayon. Nakagugulat lang dahil si Leo pala ang lalaking iniligtas ko noon. Tumango si Leo. “Yes.” “Why didn’t you tell me? At ano ang nangyari sa ‘yo? Bakit ka biglang umalis no’ng gabing ‘yon?” sunod-sunod na tanong ko. “Higit sa lahat. Bakit ka balak patayin no’ng taong iyon?” Leo looked away. “You’ll be in danger kung nagtagal pa ako sa ‘yo noon. Malaing bagay na iniligtas mo ako no
Eleven years agoPanay ang hithit ko sa sigarilyong hawak ko habang nakatanaw sa ‘di kalayuan. Hindi ko pinapansin ang mga lalakeng dumadaan sa tabi ko at napapatingin sa akin. May iba na sumisipol pa habang pinapasadahan ako ng tingin. Sino nga ba ang hindi mapapatingin sa akin? Suot ko na ang uniporme ko, kung uniporme man iyon na matatawag para sa mga kagaya ko. Isang skirt na itim na sa sobrang iksi ay kita na ang pisngi ng pang upo ko. Para din akong walang suot na underwear dahil suot kong thong. Nakakabit doon ang itim din na leg stockings ko. Ang pang itaas ko ay tanging ang itim na bra na halos lumuwa na rin ang dibdib ko. Hindi ko alintana ang lamig na dala ng pang gabing hangin. Dahil mas nangingibabaw ang kalam ng aking tiyan. Oo, isa akong bayarang babae. Pokpok kung tawagin diyan sa kanto. Mababa ang lipad para sa iba. Madumi. Nakakadiri. Pero dahil sa hirap ng buhay ay wala akong ibang naisip na paraan kundi ang gamitin ang natural kong ganda at katawan. Hindi ko
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na kaming nagbabyahe. Dapit hapon na kaya malamig na ang hangin na humahampas sa balat ko, kaysa kanina na medyo mainit pa. Iba rin talaga ang klima dito sa probinsya. Nakasuot naman kami ng helmet. Kaya kahit na marami akong tao na nakikita ay walang nakakikilala sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko habang nagbabyahe kami at marami akong nakikita. Living inside the basement for weeks ay parang naging bago ang lahat sa akin. Gusto ko na nga bumaba at batiin isa-isa ang mga nakakasalubong naming mga tao. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim noong tumigil si Leo sa pagda-drive. Nalito pa ako dahil wala akong makitang mga bahay. Para kaming nasa tuktok ng bundok pero nasa gilid kami ng kalsada. Wala na rin dumadaan na sasakyan sa parte na iyon. Medyo creepy dahil nga madilim ang paligid at tanging ang ilaw lang sa motor ni Leo ang liwanag namin. “Where are we?” tanong ko. Nagdalawang-isip pa akong bumaba ng motor niya. “Don’t worry. You’ll
Tulala pa rin ako habang pinoproseso ang nangyari kanina. Hinihingal pa rin ako habang nakaupo sa sofa at titig na titig kay Leo na nakaluhod pa rin sa harapan ko. He was already wiping his lips dahil namasa iyon dahil sa ginawa niya sa akin. Sa ilang taon na pagiging bayaran kong babae ay ngayon ko lamang naramdaman ang pakiramdam na ‘yon. Iniisip ko nga noon na siguro ay hindi ko kayang makaramdam nang ganoon. Well, different men already got me. They did everything to me. Masasabi ko na ang iba ay magaling. Mayroon namang iba na wala talagang alam, o kaya ay gusto lang talaga makaraos. But none of them made me feel what Leo made me feel. Tapos na siya sa ginawa niya sa akin pero ramdam ko pa rin ang sarap. Para pa rin akong lumulutang sa langit dahil sa sarap. Tumayo na siya at naglakad palayo sa akin. Hindi ako umimik. Pinanood ko lang siya na kumuha ng tissue sa kitchen saka bumalik sa akin para punasan ako. Kahit ang bagay na iyon ay bago sa akin. He was cleaning me up.
Ilang sandali akong natigilan dahil sa ginawa niya. I was confused and furious at the same time. Noong naramdaman kong gumalaw ang kaniyang labi ay doon pa lang ako natauhan. Namilog ang mga mata ko at pilit siyang itinulak. Ngunit mas hinapit lang niya ako palapit sa kaniya. I couldn’t breathe anymore. Bumibilis na rin kasi ang pagtibok ng puso ko dahil sa pagkalito.A lot of men have kissed me. Sa trabaho ko pa lang ay hindi na bago ang may hahalikan akong lalake. But Leo? This one felt different. Ilang beses ko pang sinubukan na kumawala mula sa pagkakayakap niya. Sa mga halik niya. Pero habang tumatagal kami sa ganoong sitwasyon ay para akong kandila na unti-unting nauupos. I slowly stopped resisting. Kasabay nang malalim na paghinga ko ay ang pagtigil ko sa pagkilos. Unti-unti ay lumuluwag na rin ang yakap ni Leo. Pero nararamdaman ko na ang paghaplos niya sa aking likod. I should stop him. Kailan ba ang huling beses na nagkaroon ako ng kasipin? Hindi ko na maalala. Magmula







![Escaping from the OBSESSED MAFIA SON [MADRIGAL SERIES 2]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)