Tatlong linggo na ang lumipas mula nang opisyal na ipakilala si Cassian Alcott bilang bagong President at CEO ng creative studio. At sa bawat araw na lumilipas, para itong isang patibong na hindi niya matakasan.
Sinusubukan din niyang iwasan ang mga tanong ng mga katrabaho, kung bakit daw siya nilapitan ng boss nila at paano sila nagkakilala. Sinabi na lamang niya'y nagkilala sila noong nagbakasyon siya sa Santorini at wala nang iba pa. Humupa rin naman ang mga tanong na siyang kinatuwa niya.
Evelyn kept her head down. Sa meetings, pinipilit niyang manatiling propesyonal. Isang maikling pagtango, matipid ang mga sagot, at halos walang eye contact. Sa emails, halos kasinglamig ng kape sa pantry ang tono niya. Pero kahit anong effort ang gawin niyang iwasan ito, nararamdaman pa rin niya ang presensya ni Cassian. Kahit hindi siya nakatingin, kahit nasa kabilang sulok ito ng silid, alam niya.
May isang uri ng bigat sa paligid kapag naroon siya. Isang tensyon na hindi maipaliwanag pero ramdam hanggang buto. Isang uri ng enerhiya na parang sinasakal siya kahit hindi naman nagsasalita ang lalaki.
What he didn’t know—what no one in that entire building knew—was that that morning, Evelyn had taken a test. Dalawa, sa totoo lang.
Dahil na rin sa kakaibang mga nararamdaman niya nitong mga nagdaang araw na nagtulak sa kan’ya na bumili ng pregnancy tests.
At parehong may dalawang linya.
Positibo.
Nanginginig ang mga kamay niya habang nakaupo siya sa cubicle ng banyo kanina. Ang lalim ng paghinga niya, parang may bagyong binabalanse sa dibdib. Sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya, pakiramdam niya'y dinig ito ng mga tao sa labas.
She covered her mouth as silent tears fell. Hindi niya alam kung dahil sa takot, sa gulat, o sa hindi matanggap na sa isang gabing akala niya’y walang kahihinatnan—narito siya ngayon, may dinadalang lihim na hindi niya alam kung paano haharapin.
Of course she knew how it happened. Pero hindi niya inakalang magiging ganito kabigat ang kapalit ng isang gabing iyon. Isang gabing halos ayaw na niyang balikan, pero paulit-ulit na gumugulo sa kan’ya, lalo na tuwing tahimik na ang mundo at mag-isa siyang nakahiga.
Ilang linggo na ang nakalipas simula nang may mangyari sa kanila ni Cassian, pero ramdam pa rin niya ang bawat halik at bawat haplos ng mga kamay nito. Na para bang ayaw siya nitong hayaang makalimot sa gabing kanilang pinagsaluhan.
That same afternoon, nag-book siya ng appointment sa OB. Walang nakakaalam. Hindi niya sinabi kahit sa best friend niya. Evelyn understood how the industry worked—isang maling hakbang, isang chismis, and you’re out. You’re done. Lalo na kung babae ka.
At higit sa lahat, hindi niya alam kung anong gagawin niya kapag nalaman ni Cassian.
Hindi niya ito kailangan sa buhay niya. Hindi niya kailangan ng gulo, ng atensyong ayaw niyang pangarapin. At lalong hindi niya kailangan ang isang lalaking may kapangyarihan sa kanya—lalo pa’t siya rin ang ama ng batang dinadala niya.
Pero gaya ng lahat ng lihim na pilit itinatago, the truth always has a way of forcing itself out. At kadalasan, sa mga sandaling hindi ka handa.
TWO WEEKS LATER
Nagmamadaling naglalakd si Evelyn sa hallway, may dalang tablet, ilang folders, at hindi pa nakakain ng lunch. Iniiwasan niyang magtagal kahit saan. Ayaw niyang makasalubong si Cassian. Pero habang papunta siya sa editing bay, may pamilyar na boses ang tumawag mula sa likod niya.
“Miss Ramirez.”
She immediately froze. Dahan-dahan siyang lumingon dito.
Nakatayo si Cassian ilang hakbang mula sa kan’ya. Maayos ang bihis nito gaya ng dati—navy blue suit na plantsadong-plantsado. May tahimik itong awtoridad ng isang taong hindi kailangang magsalita nang malakas para sundin.
“Can we talk?” tanong nito sa kalmadong tono.
“Sir?” tanong niya, pilit pinananatiling magalang ang tono.
“In my office.”
Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod sa boss niya. Tahimik silang pumasok sa executive office nitong may glass walls. Pagkapasok na pagkapasok nila, isinara ni Cassian ang pinto at tiningnan siya nito nang tahimik at matagal.
“You’ve been avoiding me,” aniya.
Hindi siya sumagot. Pinaglaruan niya lamang ang folder sa kamay niya, pinilit iwasan ang titig nito.
“Evelyn.” Mas malambot na ang boses nito ngayon. “Did I… do something wrong?”
“Wala po, sir,” mahina niyang sagot. “We had one night. It’s over. That’s all.”
“You don’t believe that.”
Umangat ang kan’yang paningin. Ang mga mata niya’y nagtagpo na rin sa wakas sa mga mata ng lalaki.
“Does it matter?” bulong niya.
And then, she saw it.
May kung anong nabasag sa paningin niya. Something raw. Something trembling.
“What is it?” tanong ni Cassian, dahan-dahang lumalapit. “Tell me.”
Umiling siya, halos pabulong ang sagot. “This is none of your business.”
Tumigil ito sa kan’yang harap, at ilang sandali, pikit-mata itog huminga nang malalim na tila may napagtanto. “You’re pregnant.”
Hindi iyon tanong. Isa iyong pahayag na alam na nito ang dalawang linggo na niyang tinatago.
Parang nahulog ang buong mundo niya sa isang iglap. Napaurong si Evelyn. Hindi niya alam kung paano nito nalaman.
Nakita ba siya nito o narinig na sumusuka sa banyo?
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Cassian. Lumayo ito nang bahagya at hinaplos ang sariling batok, parang biglang nabunutan ng hangin.
“Evelyn…”
“I was going to resign,” mahinang wika niya, halos hindi marinig. “I’m not asking you for anything. I don’t need money. I don’t need support. I just need to disappear.”
“No,” mariing turan ni Cassian. “No, you don’t.”
“You don’t get to tell me what I need!” singhal niya, halos mapasigaw sa pwersa ng damdamin. “You’re my boss. This was a mistake. Hindi mo alam kung gaano kahirap ito para sa akin!”
“I may not know everything,” sagot nito, mas mahinahon, “but I know I don’t want to be a stranger to my own child.”
Napatingin siya sa lalaki. Wala roon ang galit na inasahan niya. Walang paninisi. Tanging paningin na puno ng pagkalito—at isang uri ng determinasyon na hindi niya alam kung paano sasalubungin.
“You don’t have to marry me,” may pait sa boses niya nang sabihin iyon. “Hindi ‘to fairytale.”
“I know. That’s why I’m not offering a fantasy,” mahinang sagot ni Cassian habang unti-unting nilalapit ang sarili sa kan’ya. “I’m offering something real. Responsibility. Protection. Stability. I want to marry you, Evelyn.”
Tumigil ang mundo ni Evelyn nang ilang segundo sa naring.
Napasinghap siya. “What?”
“You can’t just carry this alone. And I can’t let you walk away, not now. Not after this.” Huminga ito. “We’ll figure it out—together. I don’t care what it looks like to the rest of the world.”
Saglit na natigilan sa paghinga si Evelyn.
“And what if I say no?” tanong niya, halos wala sa sariling boses.
Mataman siyang tiningnan ni Cassian. “Then I’ll still be here. But I will ask again. Every day, if I have to.”
Tumingin siya sa lalaki. Sa lalaking minsang naging estranghero, at ngayon ay tila isa nang bahagi ng isang k’wento na ayaw niyang panindigan—pero hindi rin niya kayang takbuhan.
At sa kabila ng lahat ng takot, ng galit, ng ingay sa utak niya… may isang maliit na tinig sa puso niya na gustong maniwala.
"I can’t promise you love right away," bulong ni Cassian, halos hindi marinig. "But I can promise honesty. Effort. Respect. If that’s enough for now…"
Hindi gumalaw si Evelyn. Tinitigan lang niya ang binata, malumanay ang mga mata.
"Marry me," bulong ni Cassian at marahang inabot ang mga kamay niya. "Not because I have to… but because I won’t let you go through this alone."
Nanginginig si Evelyn, hati ang loob at unti-unting nauupos sa mga sulok ng damdaming hindi maabot ng mata. Ngunit makaraan ang ilang sandali, dahan-dahan siyang tumango rito.
"Yes,” pigil-hininga niyang sagot.
Malalim na ang gabi nang makarating sila sa bahay ni Cassian. Tahimik lang si Evelyn sa buong biyahe, pinapanood ang mga ilaw sa labas ng kotse habang dumaraan sila sa mga main road. Malamig ang hangin sa loob ng sasakyan, pero mas malamig pa rin ang bigat na bumabalot sa dibdib niya. Hindi dahil ayaw niya, kundi dahil hindi pa rin niya alam kung paano haharapin ang lahat.Nang huminto ang sasakyan sa harap ng isang modernong two-storey house na gawa sa glass at dark stone, sandaling hindi naka-imik si Evelyn. Hindi niya inakalang ganito kaganda ang bahay ni Cassian. Akala niya'y isang condo lang sa business district. Well, bilyonaryo nga pala ito. Muntik na niyang makalimutan.“I had it renovated a year ago,” sabi ni Cassian habang binubuksan ang passenger door. “Didn’t really think someone else would be living here.”Tumango lang siya at lumabas ng kotse, dala ang maliit na overnight bag na pinilit niyang pagkasyahin ang ilang mga damit at mga gamit niya.Pagpasok nila, agad na tum
Halos mag aalas nuwebe na ng gabi nang makauwi si Evelyn. Mabigat ang bawat hakbang niya habang binabaybay ang malamlam na hallway. Tumutunog ang takong ng flats niya sa tiles, pero mas maingay pa rin sa isip niya ang mga tanong na hindi niya masagot-sagot.Pagkapasok sa unit, agad niyang hinubad ang suot na flats at isinabit ang cardigan sa hook sa tabi ng pinto. Gusto lang sana niyang mahiga, magpahinga, at kalimutan kahit sandali ang mga pangyayaring bumalot sa kan’yang araw.Pero bago pa man siya makalakad papunta sa k’warto, may biglang kumatok. Tatlong sunod-sunod na katok.Napatigil si Evelyn at sandaling nagduda kung may narinig ba talaga siyang katok o kung guni-guni lang niya iyon dahil sa pagod. Pero nang may kumatok ulit nang mas malakas, nilapitan na niya ang pinto.Pagbukas niya ng pinto, halos mapaatras siya sa gulat dahil sa taong bumungad sa kan’ya.Nakatayo sa harap ng pinto si Cassian. Suot ang charcoal gray suit na bahagyang nakabukas ang kwelyo. May makikitang pag
Kinaumagahan, habang abala ang buong studio sa paghahanda para sa isang editorial shoot, tahimik lamang si Evelyn sa kan’yang workstation. Nakaupo siya sa editing corner, pa-check na sana ng mga raw shots mula sa isang bridal session kahapon, pero ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin niya magawang tumutok.Ang kamay niya, nakapatong sa mouse, pero hindi gumagalaw. Sa screen, naka-freeze ang larawan ng bride na nakangiti habang hawak ang bouquet—isang kuhang sana’y magaan lang i-edit. Pero ngayon, para bang ang bawat larawan ay isang tanong: kaya ko pa ba ’to? Kaya ko bang magpatuloy, habang may buhay na umuusbong sa tiyan ko?Sa paligid, abala ang lahat. Si Mark, ang videographer, ay nasa kabilang dulo ng studio, kausap ang isang kliyente tungkol sa prenup shoot nila sa Tagaytay. Si Lorie, ang production assistant, ay abalang tinatahi ang veil ng bride para sa styling board. At si Ava na palaging pulido at palaging composed ay pabalik-balik habang kinukumpirma ang wardrobe pieces
Kung puwede lang tumakas, matagal na sanang wala si Evelyn doon.Nakatayo siya ngayon sa harap ng isang antigong pintuan na gawa sa dark wood, ukit-ukit ang disenyo at mukhang mas mahal pa sa buong apartment na inuupahan niya sa Makati. Mula pa lang sa gate ng Alcott Family Estate, alam na niyang ibang mundo ito—tahimik, malawak, at nakababalot ng uri ng karangyaan na hindi mo basta-basta makikita. Lalo na kung galing ka sa pamilya na mas sanay sa palengke kaysa sa private dining rooms.The estate stood like a fortress in the heart of Forbes Park—modern in architecture but cold in atmosphere, as if every tile and sculpture was there to remind her she didn’t belong. Malalaki ang bintana, pero walang liwanag ang pumapasok. Kahit hapon pa lang, pakiramdam niya gabi na sa loob.Nag-alok si Cassian na sunduin siya gamit ang sasakyan nito, pero tumanggi siya. Gusto niyang dumating bilang sarili niya. Hindi bilang babae ng kung sino. Hindi bilang alaga. Hindi tagasunod. Gusto niyang patunaya
Nakatayo si Evelyn sa harap ng maliit na gate ng lumang bahay nila sa Quezon City, hawak ang overnight bag sa balikat—pero mas mabigat pa roon ang pinapasan niya sa dibdib.Ilang linggo na siyang hindi umuuwi. Wala siyang padalang text. Walang tawag. Wala ni isang “kumusta.” At ngayong nasa harap na siya ng gate, isang lumang bakal na may kalawang sa mga sulok at bahagyang umaangat kapag hinawakan, biglang sumiksik sa dibdib niya ang tanong na kanina pa niya tinatakasan.Handa na ba talaga ako?Pero ang totoo, walang sinuman ang talagang handa sa ganitong klaseng balita.Umaga pa lang, pero may init na sa hangin. Naamoy niya ang luma at tuyong damo sa paligid ng bahay—pamilyar, pero ngayon ay parang may ibang bigat. Tumigil siya sandali, pinilit huminga nang malalim, at pinigilan ang panginginig ng mga daliri habang pilit inaayos ang pagkakabit ng strap ng kanyang bag sa balikat.Biglang bumukas ang screen door sa terrace.Lumabas ang nanay niya, suot ang lumang duster na kulay faded
Tatlong linggo na ang lumipas mula nang opisyal na ipakilala si Cassian Alcott bilang bagong President at CEO ng creative studio. At sa bawat araw na lumilipas, para itong isang patibong na hindi niya matakasan.Sinusubukan din niyang iwasan ang mga tanong ng mga katrabaho, kung bakit daw siya nilapitan ng boss nila at paano sila nagkakilala. Sinabi na lamang niya'y nagkilala sila noong nagbakasyon siya sa Santorini at wala nang iba pa. Humupa rin naman ang mga tanong na siyang kinatuwa niya.Evelyn kept her head down. Sa meetings, pinipilit niyang manatiling propesyonal. Isang maikling pagtango, matipid ang mga sagot, at halos walang eye contact. Sa emails, halos kasinglamig ng kape sa pantry ang tono niya. Pero kahit anong effort ang gawin niyang iwasan ito, nararamdaman pa rin niya ang presensya ni Cassian. Kahit hindi siya nakatingin, kahit nasa kabilang sulok ito ng silid, alam niya.May isang uri ng bigat sa paligid kapag naroon siya. Isang tensyon na hindi maipaliwanag pero ram