Share

Chapter 19

EROS' POV

Nilagok ko ang alak na nasa loob ng bote. Nakasandal ang isang braso ko sa fence ng tulay habang nakatingin ako sa dulo ng natatanaw ko sa ilog. Rinig na rinig ko ang bawat pagdaan ng sasakyan sa kalsada at mayroon pang mga bumubusina dahil siguro sa bagal ng daloy ng trapiko.

Hindi maalis sa isip ko ang boses ni Ryann, sobrang lambing ng bawat salitang lumalabas doon kahit kapag nagsusungit siya; kasing lambing ng kung paano ako kausapin ni Daisy. Hindi lang pagsasalita ang may pagkakapareho sakanila, pati yung kilos niya ngayon ay parang si Daisy na rin, yung paraan ng pagsasalita at pati na rin yung pag-irap.

Natawa nalang ako sa naiisip ko tsaka ako muling uminom mula sa bote. Baka dala nalang ito ng lungkot na nararamdaman ko. Siguro kaya nakokompara ko na si Ryann kay Daisy ay dahil kahit labing-anim na taon na ang lumipas simula n’ong araw na iyon, hindi ko parin matanggap na wala na nga ang mag-ina ko.

Dahil alam ko sa sarili kong qala akong nagawa para iligtas sila.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status