Share

06: BIRTHDAY GIFT  

Alam ko sa aking sarili na hindi matutupad ang aking naunang plano. Marco showed me the love that I’ve been finding for so many years. At hindi ko magagawang iwan ang taong nagparamdam sa akin ng pagmamahal na nais kong makamit.

Lumipas ang isang buong buwan na halos siya ang kasama ko sa araw-araw. Tinulungan niya akong makahanap ng magandang apartment na malapit sa dagat. Halos araw-araw ay palagi niya akong binibisita. May dala siyang kung anu-ano. Pagkain, bulaklak, tsokolate, at iba pang mga bagay na sa tingin niya ay magpapasaya sa akin.

Pero hindi naman iyon ang kailangan ko. Kahit wala siyang dala, basta makita ko siya, ay ayos na ako.

Sa hindi kalayuan mula sa aking apartment, mayroong mga puno ng aroma. Mayayabong ang dahon nito kaya nagmumukhang liblib ang lugar. Iyon ang palaging pinupuntahan namin ni Marco kapag gusto naming malayo sa karamihan ng tao.

Naging safe place at hide out namin ang lugar na iyon. Magdadala lang ako ng tela bilang pan-sapin sa aming mga likura
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status