Share

09: WARNING

“Oh, ayan na pala sila,” ani Harwin habang kasalukuyan itong kumukuha ng beer sa ice box. Lahat kami ay sabay-sabay napalingon sa mga bagong dating.

Tatlo ang mga ito. Dalawang lalaki at isang babae. Ang babae ay mahigpit na nakakapit sa braso ng isang lalaki. Medyo papadilim na ng mga oras na iyon kaya hindi ko na gaanong maaninag ang hitsura nito. Pero halatang magkasintahan ang nauna. Habang ang nag-iisang lalaki na naglalakad ay nasa hulihan ng mga ito.

Kasabay ng kanilang pagdating ay pagsindi ng ilaw sa buong Villa.

Tumayo sina Harwin, Lester, at Uriel para batiin ang mga bagong habang si Marco naman ay nanatili lang na nakaupo sa tabi ko. Hindi niya inaalis ang kaniyang braso sa pagkakapulupot sa aking beywang.

Nang lumingon ako, unang bumaling sa akin ay lalaking walang kapares. Kumunot ang aking noo nang makilala ko ito.

Siya yung lalaki na nakausap ko sa barko. Doon ko rin nakumpirma na tama ang hinala ko. Pati yung Bryan at Maureen na tinutukoy ng mga ito, iyon din ang dala
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status