Share

Chapter 6

Ilang araw kung inisip kung ano ang gagawin ko sa araw ng shoot namin ni Kerwin. Minsan naisip ko nalang mag back out kasi kinakabahan at baka nang dahil sa akin ay hindi siya makakuha ng malaking grade.

Tumawag siya sa akin kanina na ngayon kami mag sh-shoot kaya naghahanap ako ng damit na susuotin ngayon sabi niya any dress can do pero nalilito ako kung ano ang susuotin. Hindi namandaw about sa kung ano yung pose ng model ang mahalaga the important thing is kung paano kinuha ang litrato with the measurements of its angle.

Ang hirap siguro nun.

I end up wearing a white dress that end up abouve my knee. I put some light make up at kinulot ang buhok ko sa dulong bahagi. Masyado kasing dull kong natural lang na straight iyon kaya kinulot ko siya mas bumagay naman kaya mas gumanda pa.

Paglabas ko ng bahay ay nasa labas na si Kerwin. Nakaupo sa motor niya. Agad npsiyang ngumiti nang makita ako.

"Ang ganda mo." Siya.

Tumawa ako. " Nambola pa."

Sinuot niya sa akin ang isang helmet. Tulad ngdai ay inayos niya muni ang pagkakakapit ko sa kanya.

"Baka this time mapunit na talaga yung shirt ko." Humalakhak siya.

"Malayo-layo pa naman yung pupuntahan natin."

Papunta kaming sunflower farm. Pinili namin doon para aesthetic. Buti nalang at hindi mainit at walang traffic dahil kung meron man siguro pagdating namin dun sunog na ako.

I gasped when I saw the beautifull flowers. Hanggang bewang ko pa lang ang taas ng mga sunflower kaya mas maganda siyang tignan kapag pumunta ako sa gitna. Kahit maliliit pa ay marami na itong mga bulaklak.

"Should we start?" Tanong niya.

"Sige para matapos tayo ng maaga." Naaaliw kong sabi. Kada punta namin sa ibang side ng farm ay kumukuha kami ng litrato.

Yung unang litrato ko puro lang naka peace sign dahil nahihiya pa ako.

"Para akong natatae dyan!" Natatawang turo ko sa picture na stolen.

"Hindi naman ang ganda mo nga eh." Siya.

"Nambola ka na naman."

"Hindi ah." I just shrugged

Naglibot-libot pa kami sa ilang bahagi ng farm. Masaya naman siyang kasama dahil mabait at madali lang din pakisamahan.

"Smile" hindi ako nakapaghanda. Ngumiti nalang ako at nag peace sign.

"Ano ba yan, sabihan mo naman ako." tumawa ako.

Inilayo niya ang camera mukha at tiningnan ang kuhang litrato ko. Ngumiti ito at pinakita niya sa akin ang mga nakuha niyang photo kadalasan dun ay yung mga naka-peace sign kong picture sa tuwing susulpot lang siya bigla at kukuha ng litrato. Meron namang mga stolen na namamangha ang ekspresyon ko sa mukha at tumatawa. Thou hindi naman siya pangit, magaling siyang kumuha ng angle at confident ako sa sarili kong close ako sa mga camera.

Napakamot ako sa batok at nahihiyang tinanong kung okay na ba ang mga yun? Nakakahiya naman kung hindi pala okay ang mga iyon diba, para pa naman yun sa grades niya kaya dapat I have to pose nicely para naman maganda yung maipapasa niya, pero shit! Pano ba kasi!

Ngumiti ito sa akin and assure me that okay na ito but for me it is not talaga, mukha akong tuod!

"Talaga? Eh puro lang naka peace sign yung pose ko jan at stolen"

"Wag ka kasing mahiya." Tumawa siya. "Tsaka... the important thing about this is just the angle, but if you don't like it, we can change it naman" ani niya and gave me a genuine smile.

Kumuha pa kami ng ilan pang shots this time ay in-apply ko na talaga yung mga natutunan ko sa pagmo-model. Hindi ko kasi kayang isipin na yun yung ipapasa niya sa Prof. niya, baka pagtawanan lang siya wala man lang effort yung mga pose ko.

Nakakahiya naman, baka ako pa yung maging dahilan para bumagsak siya diba?

We shooted some candid shots, me smiling, back photo, fierce and some more.

"Hala! Ang ganda, ang galing" I clapped my hands as I've seen the shots.

Sobrang ganda na parang professional photographer talaga ang kumuha. Shit, manghihingi talaga ako ng kopya nito at ipo-post ko sa mga social media accounts ko bahala na kahit wala akong followers at reactors.

"Thank you." humble niyang sabi at napakamot sa kanyang batok.

"Maganda ka rin naman kasi kaya maganda din yung shots ko." Namula ako run! Useless pala yung blush on ko kapag siya yung kasama ko.

"You're actually good, have you ever tried modelling or something?" Tanong nito habang tinitingnang muli ang mga kuha ko sa camera niya. Nakaupo kami sa isang swing dito sa farm. I think its for couples kasi kasya ang dalawa, actually magkakasya kahit tatlo eh.

"Ah, eh oo. Na-try kong mag modelling nuon, actually last summer" I said.

"Oh really, kaya naman pala ang galing mo eh. Pa humble kapa at first"

"Hindi naman. Nahihiya lang talaga ako."

"Eh, bat ka naman mahihiya sa akin para namang mongs to" huh? Mongs? As in monggoloid?

"I mean para ka namang iba na sa akin"

"Ahhhh" mahaba kong ani at natawa nalang pagkatapos.

"Btw pwede ba tayong kumuha ng photo together? Its part of the requirement actually."

"Uh.. si-sige!"

Instead of the dslr ay kinuha niya yung phone niya, oh nga naman mahirap gamitin yung dslr baka hindi maayos sa pagkuha. At wala ring tao sa paligid para pakiusapan.

We took five photos para roon. Kinikilig pa ako kasi ang lapit namin sa isa't-isa. Damn! We look like a couple who's out for a date!

After that ay nag-aya na siyang umuwi. Hindi ko nalayang hapon na pala. Mga two pm kasi kami kaninang umalis sa bahay. Nang nasacity na kami ay lumiko muna siya sa isang caffe, kakain muna daw kami bago niya ako ihatid pauwi. His way of thanking me.

Nagutom din ako sa pinaggagawa namin kaya umoo na ako. Umorder siya ng Strawberry Cake para sa aming dalawa.

While waiting for our order ay pinasahan niya na ako ng mga pics na kuha niya. Gusto ko rin sanang hingin yungbpicture naming dalawa sa phone niya pero nahihiya ako.

"Musta nga pala ang educ department?" He asked.

"Okay lang naman."

"Hmm, mahirap ba course niyo?"

Nag-isip ako. "Hindi naman masyado pero mas mahirap talaga yung sa inyo." Tumawa ako.

Tumawa din siya. "Mahirap nga."

Dumating na yung inorder namin. Naging tahimik kaming dalawa, wala naman akong masabi kaya pinukos ko nalang muna ang sarili sa inorder niyang cake for me.

"Yow! Ker!" Bati ng isang pamilyan na bosses mula sa likuran ko. The door chimes made a sound saying he just entered the caffe. Nakatalikud ako sa entrance kaya hindi ko siya nakita at ayaw ko siyang lingunin no! Masisira lang ang araw ko.

"Sino to girlfriend mo?" I coughed because of that. Agad namang tumayo at kumuha ng tubig si Kerwin para sa akin. Nang makalapit si Raffael at nakita ako ay nangunot ang noo niya.

Ininum ko agad ang tubig na binigay ni Kerwin.

"You okay?" He asked while Raffael is still standing beside our table.

Nilingon niya ang kaibigan at nginsihan ito. "Are you both in a date?"

Tiningnan ko siya at ngayon lang napagtantong naka uniform pala siya? Nakakapagtaka eh sabado naman ngayon? Bat siya naka-uniform?

"Hindi, kakatapos lang naming mag shoot para sa project natin." Si Kerwin.

Tumango ito and sighed like he just heard a big problem. "Kailan nga ba yun ipapasa?"

"Sa lunes na. May model ka naba?" Napatingin siya sa akin. Kunot ang noong binalik niya ang tingin sa kaibigan at umiling.

Napainom ako ng tubig dahil sa kakaiba niyang tingin sa akin. Bakit? Hindi nama niya ako inayang maging model niya ah! Bat siya ganyan makatingin?

The girls from the other table giggled when Raffael look at their side. Nakangisi na siya ngayong tumingin muli sa gawi namin.

"Maybe I should just ask the girls." Umalis siya at pumunta na sa counter. He ordered something for his self habang ang mga babae naman ay nakasunod lang ang tingin sa kanya.

Kerwin just chuckled infront of me at napapailing nalang nang makitang nakuha na ng kaibigan ang order nito ay sa table ng mga babae siya diretsong umupo.

The other girl automatically gave a space for him. Tumayo pa talaga ang isa sa kanila para pagitnaan siya.

Lumingon ito sa gawi ko. Our eyes met at matagal bago yun naputol kung hindi lang ako tinawag ni Kerwin.

What a playboy Janus Raffael. Now hindi ko na alam kung anong nagustuhan ng karamihan sa kanya. Pati yung kaibigan kong si Kristal na mahiyain and is not really into boys ay baliw na baliw sa kanya. Hindi ko alam kung ano talagang nakita nila sa lalaking yan.

All I can see on him is a total playboy. He's also rude and... and I don't like the way he looks at me. Para niya akong pinagtitripan sa mga tingin niya lang at ginagago sa mga ngisi niya. He's really creepy.

Binaling ko ang tingin kay Kerwin. Napapailing parin ito dahil sa kaibigan.

"May klase ba kayo? Why is he still on his uniform?" Nagtatakang tanong ko.

"No, we don't have classes. Maybe grounded na naman siya kaya nagpapalusot na namang may make-up class kami ngayon para makalabas at makapaglakwatsa."

"Oh! Siguro ang tigas ng ulo niyan, ang tanda na na-g-grounded pa." Tumawa ako.

"Its actually for his safety. I'm sure Tita's worried already now, knowing he's out without bodyguards and not in school. " unti-unting naputol ang tawa ko at pinakinggan nalang ang sinasabi niya. Sinulyapan ko si Raffael na ngayo'y kinakausap ng mga babae pero ang mga tingin ay sa cake niya. Ngumingiti lang kapag kinakausap ng mga kasama niya.

"Si Raffael ang mag mamana ng kompanya niya and all the assets of their family as he is the only son kaya madaming nagtatangka sa buhay niya..."

"Nagtatangka?" Gulat kong tanong?

"He was once kidnapped before buti nalang at walang nangyaring masama sa kanya." Nilingon niya ang kaibigan saglit para tingnan. Shocked on what he just said ay napatingin din ako sa gawi ni Raffael. Nakita niyang nakatingin kaming dalawa sa kanya kaya ngumiti naman siya.

I smiled a little. Nakunan ng kaunting inis sa d****b at napalitan ng awa. Siguro na p-pressure na siya dahil sa mga responsibilities na papasanin niya sa sariling mga kamay niya.

Ang maging anak palang ng isa sa pinakamayamang tao sa bansa eh nakakapressure na. Paano pa kaya kung tatayo ka as a leader of thouse thousands of workers?

I look at Raffael na nakikisabay na ngayon sa tawanan ng mga babae. Nakangiti pero halatang pagod ang mga mata. Humalumbaba ako. Siguro ang hirap nun para sa kanya. Kung ako siguro yun sobrang nap-pressure na ako ngayon. Good thing, hindi kami mayaman.

Pagkatapos naming kumain ay hinatid na ako ni Kerwin sa bahay. Nagpaalam pa kami kay Raffael bago umalis. Pagdating sa bahay ay umalis naman siya agad para ihatid din si Raffael to make sure that Raffael will go home safe.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status