Share

Chapter 7

Matapos ang apat na subjects namin ngayong araw ay tumambay muna ako sa cafeteria. Nagugutom ako kaya bumili muna ako ng siomai at coke in can. Pumwesto ako sa hulihan at kilid na bakanteng upuan sa loob, marami ring estudyanteng kumakain at ang iba naman ay napiling dito tumambay kaya masyadong maingay ang paligid.

Alas doss na at hindi pa ako nakakapagtanghalian. Uuwi naman ako maya-maya kaya siomai nalang muna yung kinain ko. Hindi pa naman kasi ako gutom kanina nung lunch at nakalimutan kong may assignment pala kami sa math kaya ginawa ko nalang yun instead of eating my lunch. After lunch Math in the Modern World ang subject namin, pagkatapos nun ay wala na kaya uuwi rin ako at sa bahay nalang kakaing muli.

I pouted, I've re-read a book last day at natapos ko naman yung basahin kagabi. Some books were worth to re-read pero mas maganda talaga yung new story ang babasahin para todo yung kilig at may mga bago namang lesson akong ma-le-learn.

I sighed. Hindi naisakatuparan yung plano kong dapat ilang chapters muna ang babasahin para hindi matapos agad. Kaso natapos ko nga sa dahilang hindi ako agad makatulog kagabi.

Para akong zombie na pilit kumakain ng siomai instead of utak ng tao. Walang kabuhay-buhay kong nginuya iyon.

"Pwedeng maupo?" Si Raffael sa harapan ko.

Biglang umasim ang pakiramdam ko. Pinanliitan ko siya ng mga mata. The playboy.

Ngumisi siya't di pa man ako nakakapayag ay umupo na siya sa harapan ko. Pinabayaan ko nalang, 'di naman sakin tong cafeteria para maging selfish.

Tinusok-tusok ko ang siomai gamit ang stick na binigay ni ale. Naalala ko tuloy yung napag usapan namin ni Kerwin tungkol sa kanya kahapon.

I looked at him. Himala nga pala't hindi niya kasama ang mga kaibigan niya? Or her girls? Tumingin ako sa paligid kung may papalapit na iilang babae sa gawi namin pero wala, mga matang nakatingin lang sa gawi namin at kinikilig sa kanya.

Napailing ako. Girls with their thing with this Monreal! I smirked. He's not even that handsome!

Excited niyang nilagay ang tray ng pagkain niya sa lamesa ko. Klarong-klaro sa mukha niyang gutom na gutom at takam na takam siya sa pagkain. Hindi pa ba siya nag la-lunch? Imbes na kainin ang siomai ko'y napatingin ako sa ginagawa niya.

Kinuha niya ang kutsara't tinidor sa gilid at pinunasan ito ng maigi gamit ang tissue. He even look at it like examining if he could see his reflection on it clearly, bago niya ito ginamit para kumain.

Ngumiwi ako sa ginawa nito. Maarte ka boy?

"Bakit?" Tanong nito seconds after nang mapansing nakatitig ako sa kanya.

Wtf! Bat ba ako natutulala sa kanya?

Kumain na nga lang ako muli ng siomai ko pero hindi pa man ako natatapos ay tapos na niya yung sa kanya. Gutom ngang talaga ang Monreal na ito.

He put back the plate on the tray again like how its was earlier and move it on the right side of the table kasabay ang basong pabaliktad niyang ibinalik sa lagayan.

I look up at him to see his reflection.

Maarte talaga siya. Dahil sa ginawa ay mapaghahalataan ang pagiging anak mayaman. Ganun ba talaga kumain ang mga tulad nila? Inisip ko ang ang pinsan. Mayaman naman sila Austrid pero mas maayos pa akong tingnan kapag kumakain kesa sa kanya.

Tiningnan ko siyang muli na ngayo'y kumukuha muli ng tissue sa bag niya at pinunasan ang lamesa kahit wala namang madumi roon.

"Are you done eating?" He asked ng makitang nakatingin na naman ako sa kanya.

Tinaasan ko siya ng kilay at hindi pinansin. Binalik ko ang tingin sa kawawa ko nang siomai. Nagkapira-piraso na pala 'to. Omg! Sorry siomaii namurder kita unconciously!

I pouted. I feel sad on it pero gutom pa ako kaya ko na iyon bago ko siya sinagot.

"Yes" I said.

He crossed his arms at tinignan ako.

"Siomaii murderer." Humalakhak siya.

Inirapan ko siya at uminom ng tubig sa tumbler ko.

"Shut up."

"Maganda ka pala talaga no?" Hindi ko inaasahang sabi niya.

"Huh?" Pinagsasabi nito?

"You're beautiful" sabi nito, in-english pa! Oo nga pala't he's the best definition of a spokening dollar.

Don't me!

Ginaya ko ang ginawa niya kanina, I put the stick on the lil plate and move it away.

"Trip mo na naman yatang pagtripan ako ngayon no." Yung awang naramdaman ko sa kanya kahapon ay biglang nawala. Napalitan na naman ng inis.

Nilagay niya ang mga siko sa lamesa at nilapit ang mukha sa akin. Inayos niya ang pagkakaupo.

"Bat naman kita pagt-tripan?" Ngumisi siya.

I swallowed hard because of his seriousness. Tangina bat ang lapit niya? Bat ang kinis ng mukha niya. Ano kayang skin care niya?

I imagine on shooking my head in my mind. Playboy yang kausap mo Dani wag kang papaloko.

Nilayo ko ang tingin sa kanya at napasulyap sa paligid. Baka nasa paligid lang sina Austrid. Baka sabihing isa ako sa mga babae nito! Malaking no way yun para sa akin! I'm not as cheap with his other girls no! at dalagang pilipina ako!

"Kasi trip mo lang?" Umayos ako. I stay calm as possible.

Ngumisi ito at tumawa ng bahagya. Ibinalik ang pagdampi ng kanyang likud sa upuan.

"Do I look like a tripper to you?" Ay! Ine-english ako oh!

"Malay kow sayow" I said slungly at inirapan ko siya.

He starred at me for awhile.

"Bakit?" Hindi ito gumalaw pero nakatutok parin ang mga mata sa akin.

His lips roused.

"Why are you starring? Crush mo na ba ako niyan?" Putik! I want to slap my mouth. Bat ko nasabi yun? Ito talagang bunganga ko!

Tumawa siya ng malakas dahilan upang mapalingon ang ilang pares ng mga mata sa gawi namin. Napahawak pa siya sa tiyan dahil sa kakatawa, yung iba nadadala narin sa tawa niya kaya natawa narin.

Ang OA nito ah! Sobrang nakakatawa ba nung sinabi ko?

"I didn't know you're that funny and assuming." sabi nito sa gitna ng pagtawa. At dahil sa hiya ay di na ako makapagsalita. Gusto ko nalang tuloy umalis sa silid na ito!

Umayos siya ng upo at diniretso ang tingin sa akin.

"Teka lang" nilagay niya ang dalawang kamay sa harap. Nagpipigil matawa.

"Wait... what's your name again?" He asked. Putik? Kanina pa siyang narito tapos di niya pala alam pangalan ko! Kilala ba ako nito?

I gasped.

"Sikretong malupet, di dapat malaman ng mga pangit" I whispered.

"Im not pangit. Gwapo ako so pwede kong malaman" kampante niyang sabi.

Huh, talaga ba?

"Sino muna may sabi?"

"A lot of them." He said sa hambog na tono. Sumulyap pa siya sa paligid at nakitang marami nang nakatingin sa amin.

"So ano nga?" Hah! The playboy Monreal asking for an ordinary and not so pretty girl's name? Dapat ba akong magbunyi dahin dun? Should I take this as a great pleasure to have a conversation with this dashing Monreal?

"Ewan ko.. sayo!" Inis kong sabi.

"Sige Ewanko... I just want this to be clear hindi kita type." he call me what! Humalakhak siya. A very boyish chuckle.

"Hindi Ewanko-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ng tumayo siya. Isinukbit ang bag sa braso at naglakad papalayo.

"Hoy--!''

"See you when I see you Ewanko!" Sigaw nito ng makalayo ng ilan pang hakbang.

Some people chuckled. Some people ay kinikilig. Habang ang iba naman ay masama ang tingin sa akin. Gago! Baka anong sabihin ng mga tao!

"I didn't know na pumapatol pala si Raffael ng mga nerd." Rinig kong sabi ng isa sa mga babaeng katabi ng table namin. Sinipat niya ako.

"Hindi ka pa nasanay kaya Raffael. She's just one of those pampalipas ng oras." The other one smirked.

Nakayuko kong niligpit ang mga gamit at lumabas narin ng silid. Nakatingin tuloy sa akin yung mga tao!

Fuck? Anong Ewanko? Baka sabihing call sign namin yun, gago talaga ng lalaking yun. Pero meron bang call sign na ganun. Syempre wala kaya cool lang self.

Lumabas ako ng cafeteria na maraming nakatingin sa akin. Nakakahiya! Habang bitbit-bitbit ang iilang makapal na libro ay nagmadali na akong umalis run.

Malayo ang cafeteria namin sa gate kaya naglakad pa ako ng ilang metro. Nadaanan ko ang IIT's mini park at doon nakita si Raffael na ngayon ay pinapalibutan na ng mga babae. Ang mokong kinawayan pa ako ng makita at tinawag! Gago talaga!

Napatingin tuloy sa akin ang mga babaeng kasama niya at tinignan ako ng mga ito from head to foot! Ang isa'y inirapan pa ako bago binalik sa kanya ang paningin. Tss!

I rolled my eyes and just continue on walking. Ilang building pa ang nadaanan ko. Hanggang sa maka-abot ako sa gate, maglalakad na sana ako patungo sa waiting shed when someone stop me from holding my wrist.

"Ano ba!" Naiirita kong sabi.

"Whoaaa, chill!" ani ni Austrid na ngayon ay nakataas na ang dalawang mga kamay, like she's surrendering.

Inis ko siyang inirapan. If you just know kung paano akong pinapahiya at binibwesit ng kaibigan mo Austrid!

"Chill lang!" She chuckled. "Uwi kana? Sama ka muna samin gala kami kina Tadashi" sabi niya.

Napatingin ako sa likuran niya at naroon na ang mga kaibigan niya even Raffael ay naroon na kasama ang mga kaibigan. Nginisiha ako nito ng nakakaloko kaya hindi ko napigilang mapairap. Is he done flirting with those big booby ladies?

"Sige na Dani girl, sama ka na" yaya ni Edgar at Tadashi.

Sa huli ay nakita ko ang sariling nakaupo sa mga hita ni Austrid.

Nakasakay kaming lima sa isang tricycle, nagsisiksikan. Akala ko ba mayaman ang mga 'to bat kami nagsisiksikan dito? Nawawala ang posie ko! At sobrang nahihirapan dahil kailangan ko pang iyuko ang ulo ko dahil sa liit ng tricyle, tapos may dala pa akong mga libro!

Wala akong choice kunde makiupo sa hita ni Austrid ayoko rin naman umupo sa mga hita ni Raffael noh, over my dead freaking sexy body!

Ang iba naman ay nasa kabilang tricycle at nagsisiksikan rin. Ubusan na kasi ng tricycle sa ganitong mga oras kasi marami na rin ang pauwi sa kani-kanilang mga bahay kaya dalawa lang yung naiwan for us.

Wala talaga akong no choice rito kay Austrid.

Nakangisi si Raffael na nakatingin sa akin. Nasa tapat na upuan namin siya kaya nagkakaabutan ang tuhod naming dalawa.

I rolled my eyes.

"Hi Ewanko, ayos ka lang ba dyan? Pinagpapawisan kana." sabi nito at umakto pang pupunasan ang pawis sa mga noo ko. Tinampal ko ang kamay nito.

"Ako nalang nito." Kuha niya sa mga libro ko. Di na ako umalma kasi nahihirapan naman talaga ako dun. I let him hold them for awhile.

Ramdam ko ang mga tingin ng mga kaibigan nila sa aming dalawa. Kahit nahihirapan sa pwesto ay nakangisi pa rin ang gago sa akin.

"Pwede ba, wag mo akong nginingisihan ng ganyan." Inis na sabi ko.

"Ay may LQ?" Si Edgar.

"Hindi no!" halos pasigaw kong sabi samantalang itong lalaki sa harapan ko'y tinawanan lang ang sinabi ng kaibigan. Lalong nag init ang ulo ko sa kanya. Ang init na nga at ang hirap pa ng pwesto ko dinagdagan niya.

"Sabi mo nga crush mo ko eh" ngumisi ito.

Napatingin ako sa kanya.

"PINAGSASABI MO?" Pasigaw kong sabi. Patanong kaya yung pagkakasabi ko kanina, may question mark!

Natawa lamang siya habang ako'y namumula na. Kinukurot pa ako ni Austid dahil masakit daw ang hita niya sa kakalikot ko.

"halahala! hindi lang nakasama sa atin ng lunch napaglaruan na pinsan mo" pagsusumbong ni Tadashi kay Raffael samantalang tahimik lang si Tj at Airra sa front seat ng trycicle. Apat lang ang kasya sa likuran kaya sa hita ni Austrid ako naupo.

"Oh nga eh" sabi ni Austrid at pinanliitan ng tingin ang kaibigan.

Raffael laughed. "I'm innocent!"

Nakarating na kami kaya una na akong bumaba. Austrid will pay my transpo kaya lumapit na muna ako sa ibang kaibigan nila. Lumapit rin sa akin si Kerwin ng makababa galing sa sinasakyan nitong tricycle. Hindi niya ata dala motor niya.

"Hi Dan!" Ngumiti siya.

May kumiliti bigla sa akin at kinilig. Sa highway kasi kami bumaba at lalakarin nalang daw namin ang daan patungo sa bahay nila Tadashi malapit lang naman rin daw.

Di niya kasi dala kotse niya kaya, lakad muna raw kami. Kahit naman dala niya yun di naman kami lahat kasya dun.

Lahat kami naka-uniform kaya kitang-kita ko kung paano siya mas gumwapo suot ang uniporme niya. First three bottons of it were unbottoned at yung buhok niya ay halatang sinuklay to one side na mas nagpahalata ng kumikinang niyang earring sa taenga.

"Uy" I greeted him back. Syempre, kunyare di kinikilig.

"I just want to thank you kasi ang laki nung score ko sa project" sabi niya.

Napangiti ako. Masaya na nakatulong.

"Welcome, magaling ka rin naman kasing um-angle" sabi ko rito. Inayos ang strap ng bag.

Base naman kasi sa mga kuha niyang litrato ay parang professional photographer yung kumuha. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa and unlocked it. Pinakita ko sa kanya yung mga posted pictures ko sa f******k.

"Look, first time kong makatanggap ng hundred reacts" tumawa ako at pinakita sa kanya ang isang comment.

"Pwede ka ba daw makuha as photographer para sa debuth ng kapatid nitong classmate ko" natawa ulit ako.

Napakamot siya sa ulo niya halatang nahihiya.

"Sa sobrang galing mong kumuha kala tuloy ng iba professional photographer ka"

Tumawa siya "hindi naman-"

"Uy ano yan?" Biglang pasok ni Raffael sa eksena namin. Kinuha ko ang mga libro ko sa kanya kasabay nun ang pagkuha din niya bigla sa phone ko't hindi na nakapalag ng tingnan niya ang mga pictures ko.

"Pare ibalik mo yan." sabi ni Kerwin. Nahihiya dahil sa ginawa ng kaibigan.

"Teka ito ba yung na perfect mo kanina?" Tanong nito kay Kerwin. Napa-irap ako.

"Maganda" puri niya sa pictures. "Pero mas hot tong sa 'kin" sabi niya at kinuha ang cellphone mula sa bulsa niya, yaman latest iPhone. Lumapit si Kerwin dahil pinalapit niya ito.

"Gago, pinag bikini mo?" Agad na sambit ni Kerwin at lumayo sa cellphone ni Raffael. Napapailing sa kung ano ang nakita. Gusto pa sanang ipakita ni Raffael ang ibang litratong kuha nito pero si Kerwin na mismo ang lumayo.

"Pa-virgin!" Sigaw ni Raffael rito nang sumunod na ito sa gawi nila Tadashi papasok na sa isang malaking bahay. Yun na ata ang kanila.

"Gago yun, maganda naman kuha ko ah" rinig kong bulong niya sa sarili.

Binalik niya ang cellphone ko sa akin. Tutuloy na sana ako papasok ng gate nang bigla itong magtanong sa akin. Mainit pa naman kaya halos maipikit ko na ang mga mata ng tumingin pabalik rito. Nakakasilaw ang init ng araw.

"Maganda naman kuha ko diba?" Tanong niya at nilapit ang phone sa akin.

I rolled my eyes dahil wala naman akong makitang kahit ano. Hindi naka full brightness.

Kinuha ni saglit at pinakita ulit sa akin. Hindi ko pa rin masyadong maaninag kaya I put my hands around his phone habang hawak-hawak niya parin ito. Nilapit ko ang mukha sa phone niya para matabunan ang sikat ng araw.

And there then I see a zoomed photo of a fucking big ass.

"What the hell!" Bulyaw ko't lumayo sa kanya.

I stared at him, my forehead creased because of irritation.

Tumawa ito ng malakas.

Wala akong ibang masabi, kundi ang bastos ng lalaking to!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status