แชร์

Chapter 3: The Solution

ผู้เขียน: shining_girl
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-24 16:37:42

Kanina pa nakatayo si Amara sa harap ng full-length mirror sa loob ng kanyang walk-in closet. Suot ng dalaga ang mamahaling cocktail dress na binili pa niya sa isang sikat na designer store. It was one of the things she bought for herself when she started working at AV Real Estates, the company her father owned.

Ang akala niya, sa company event ang paggaamitan niya sa damit na ‘yon kaya lang…. Sinilip ng dalaga ng isang evening gown na nakasabit pa sa kanyang closet. It was supposed to be her gown for tonight’s event—her supposed engagement party with Joaquin. Or should she say ex-fiance now?

Mula nang mag-propose si Joaquin sa kanya, nagsimula na niyang planuhin ang lahat. Mula sa engagement party hanggang sa araw mismo ng kanilang kasal. She had planned everything and she was happy. Akala niya magtutuloy-tuloy na ang kaligayahan niyang iyon kaya lang….

She was reduced to a mere side character in her own story. She lost her happy-ever-after. And an uncertain future is what’s left of her to uncover.

‘Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari, Mommy. Bakit ako magpapanggap na magpapakasal sa taong ni hindi ko kilala?”

‘Dahil ‘yon lang ang paraan para hindi pagdudahan ng mga tao sina Tanya at Joaquin. When people learn that you have decided to marry another person—“

“Pretend or not, I will not marry a stranger!”

“Then be ready to say goodbye to that old Magda in the kitchen. Magagaya rin siya kina Gilda at Isay na pababalikin ko sa probinsiya at hinding-hindi mo na makikita kahit kailan!”

Kumurap si Amara, pilit na inaalis sa isip ang huling pag-uusap nila ng madrasta sa study kanina. Sina Gilda at Isay ang datihan nang katulong sa bahay ng mga Villanueva. They were there when Laura was still alive. Kasama rin ng mga ito si Magda na siya nang kasalukuyang mayordoma ng bahay. Lumaki si Amara na malapit sa mga ito. At sa nakalipas na mga taon, unti-unting inalis ni Celestine ang mga taong gaya nina Gilda at Isay sa bahay. Parusa iyon ng matandang babae kay Amara tuwing sinasabi nitong nagiging suwail ang dalaga. Kamakailan lang napagtanto ng dalaga na pinaalis ni Celestine ang mga datihan nang katulong sa bahay upang mawalan siya ng kakampi at tuluyan siyang mag-isa. At hindi siya makakapayag na mangyari iyon kay Magda. Wala na itong babalikan pa sa probinsiya. Tumanda na itong dalaga sa pagsisilbi sa bahay ng mga Villanueva. Hindi na nito kakayanin ang mamuhay nang mag-isa.

Plano niya sanang isama ang matandang katulong sa kanyang pag-alis kaya lang, hindi rin siya sigurado kung paano ang magiging buhay niya kapag nawala na siya sa poder ng kanyang pamilya. In the future, when she’s already stable, kukunin niya si Magda. The old woman was the only remaining person in her life who has shown her real care and love. Kaya lang sa ngayon, kailangan niya munang maging sunud-sunuran sa kagustuhan ng mga magulang. She will do what her parents told her to do. Subalit huli na ‘yon. Hindi na kailan man siya makakapayag na muli siyang diktahan ng mga magulang.

Napabuga ng hininga si Amara.  For now, she is there, ready to announce to the world that she is marrying another man she has not even met!

Kung sino man ang lalaking tinutukoy ni Celestine na bago niyang fiancé, wala na siyang pakialam. Isa lang ang nasa isip ni Amara sa mga oras na ‘yon, pagkatapos ng palabas ngayong gabi, aalis na siya sa mala-impyernong bahay na ‘yon at mamumuhay nang mag-isa. Kung saan man siya dalhin ng kanyang kapalaran, bahala na. Iisa lang ang alam niya, kapag umalis siya roon, hinding-hindi na siya babalik pa.

She was done. She was done pleasing people. She was done eating on tables she was not invited in. And she was done trying to belong to a family who had rejected her a long time ago. Pagkatapos ng gabing iyon, magbabagong-buhay na siya.

She will rebuild life. Alone.

Maya-maya pa, nagsimula na ang tugtog sa ibaba ng bahay. Nagsisidatingan na ang mga bisita. Hindi magtatagal, malalaman ng buong mundo na siya, siya na naman ang may kasalanan kaya nagkaroon ng problema sa pagitan nila ni Joaquin.

Kumuyom ang mga kamay ni Amara. Huling beses na niya iyong gagawin. Sa susunod, hindi na siya ulit papayag na aapihin nang kung sino. Kahit pa ng pamilya niya.

Isang mahinang katok sa p***o ang nagpabaling sa dalaga sa direksyon niyon. “Come in.”

“Hija, pinapatawag ka na sa ibaba. Malapit na raw mag-umpisa ang…” Nabitin sa era ang sana’y sasabihin ni Magda nang biglang lumabas sa walk-in closet si Amara. Sandaling hinagod ng tingin ng matandang katulong ang kabuan ng dalaga bago napangiti. “Napakaganda mo, hija. Kung makikita ka lang ni Ma’am Laura ngayon alam kong matutuwa siya,” dugtong pa ni Magda sa garalgal na tinig.

Humakbang palapit ang dalaga sa katulong, masuyong pinunasan ang pisngi nitong hilam na sa luha. “H’wag kang umiyak, Manang. Alam kong nakikita ako ni Mommy ngayon. She’s always with me, remember?” ani Amara, hinawakan ang kwintas na suot na pamana ng namayapang ina sa kanya. “Salamat po sa lahat ng pag-aalaga ninyo sa akin, Manang. Kahit paano, hindi ko naramdaman na mag-isa ako dahil lagi kayong nandiyan.”

Pilit na ngumiti ang matandang katulong, inabot ang kamay ng dalaga. “Kung sana’y kaya lang kitang ipaglaban palagi, hindi ka sana nahihirapan gaya ngayon, hija. Walang puso si Celestine, maging si Tanya. Si Arturo naman ay bulag sa katotohanan. Kung sana—“

“Sapat po ang mga nagawa ninyo para sa akin. Manang.”

“Pero—“

Lumakas ang tugtog sa ibaba ng bahay, mukhang malapit nang magsimula ang party. Pilit na ngumiti si Amara sa matandang katulong. “Kaya ko na po ang sarili ko, Manang. H’wag po kayong mag-alala. Pagkatapos ng gabing ito, hindi na nila ako magagawang saktan pa,” ani Amara bago tuluyang lumabas sa kanyang silid.

Bahagya pang sinilip ng dalaga ang sala mula sa second floor ng malaking bahay. Puno na nga ng bisita doon. Si Celestine ang mismong nage-entertain ng guests. Sa may bandang cocktail area, naroon sina Tanya at Jaoquin, kausap ang iba pang bisita.

It was a happy crowd. Just not hers. Gayunpaman, hinila ni Amara ang kanyang mga paa na bumaba sa hagdan. Nasa kalagitnaan pa lang siya niyon nang makita siya ni Celestine. Ngumiti ang babae bago bumulong sa emcee na nasa makeshift stage.

“For our surprise announcement, tonight is a double engagement party. They say love moves in a mysterious way and tonight is a proof. We now formally announce the engagement of Ms. Tanya Villanueva to Mr. Joaquin Alcantara.”

Sandaling natinginan ang mga guests, subalit unti-unti ring nagpalakpakan nang umakyat na sa make-shift stage sina Tanya at Joaquin.

They were all smiles. Their eyes, shining. Na para bang walang ginawang malaking kasalanan ang mga ito.

The crowd began to congratulate the two. At si Amara, nalunod sa kasiyahan ng kapatid na para sana sa kanya.

Ilang sandali pa, may isang lalaking humarang sa harapan ng dalaga. Napatingala si Amara, pinagsino ang lalaki. It was a waiter. But he looked different. Why the man is handsome—thick brows, neat hair, brown eyes and chiseled jaw. Kung si Amara ang tatanungin mas muka itong model kaysa sa waiter. But…. he really is a waiter. Why? Well, he was wearing a waiter’s uniform for the night’s event.

“You’re blocking my view,” malumanay na sabi ni Amara.

Umangat ang gilid ng labi ng lalaki. “Alam kong ayaw mong panoorin ang nasa harapan mo. I’m doing you a favor. I’m saving you.”

Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga. Maingay ang paligid dahil sa palakpakan. “Why you—“

Nabitin sa ere ang sana’y sasabihin ni Amara nang biglang agawin ni Tanya ang mic sa emcee. “And we have another engagement to announce, ladies and gentlemen. My sister Amara is engaged now to another man. And that man is with her now. Look!”

Sabay-sabay na lumingon ang mga guests sa kinaroroonan ni Amara. Hindi itinago ng mga tao ang disgusto sa kanilang mga mukha lalo na nang makita ang suot na uniform ng lalaki.

‘A waiter!” anang isa.

“Ipinagpalit niya si Joaquin sa isang waiter?” sabi pa ng isa.

“She’s crazy!”

“Such a disgrace!”

Nanginig si Amara, sinubukang pigilan ang emosyon. Subalit hindi na nagawa pa ng dalaga, tuluyan nang tumulo ang kanyang luha. That day had been too much. The betrayal. The humiliation. All too much.

Maya-maya pa, hinawakan ng lalaki ang kamay ni Amara. “I’m Zion. You’re Amara, tama ba?”

Pasimpleng nagpunas ng luha ang dalaga, nag-angat ng tingin sa lalaki bago tumango.

“Kaya kitang alisin sa lugar na ‘to. Pwede mo kong maging kakampi. I can be your fiercest ally, Amara. So what do you say? Marry me in three days?” dire-diretsong sabi ng lalaki.

Kumurap si Amara, hindi makapaniwala sa narinig. He is a stranger yet he is promising to be her ally.  The right answer is no. But she didn’t know why the sincerity in the man’s eyes made her say, “Y-yes.”

Ngumiti ang lalaki, marahang pinisil ang kamay ng dalaga.

She must be crazy. The man is a stranger and yet… she has never been more sure in her life that she is betting her life to be with him.

Muling hinarap ni Amara ang mga bisita at sinabing, “Yes, Zion and I are engaged. Forgive the short notice, but we will marry in three days.”

Lalong lumakas ang bulung-bulungan ng mga bisita.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • The Unwanted Daughter's Billionaire Destiny   Chapter 10: Wedding Day 2

    “Sumagot ka, Amara! I don’t have much time to spare!” si Tanya nang manatiling tahimik si Amara. “Alam mong kasal ko din ngayon!”Ilang araw nang humahanap ng tiempo si Tanya para kausapin si Kimberly De Dios ng personal dahil ito ang gusto niyang maging make-up artist sa kasal niya. Subalit kung hindi ‘busy’, fully booked ang isinasagot ng mga staff nito. But Tanya is not one to just let it go. Napagsabi na ng babae sa mga kaibigan niya na si Kimberly ang magme-make-up sa kanya sa kasal niya. Kimberly De Dios is a big name in the industry. Kapag ito ang kinuha mong make-up artist, talagang magiging sikat ka rin. Kaya naman determinado si Tanya na ito ang maging make-up artist niya sa kanyang kasal. She was so confident that Kimberly would say yes once she learned it was her. That's why she's chasing Kimberly right up to the last minute. Kaya niya rin ito sinundan sa hotel na 'yon. Naging classmate niya kasi ito noong high school. They are basically friends. Kaya sa isip ni Tanya, da

  • The Unwanted Daughter's Billionaire Destiny   Chapter 9: Wedding Day

    Two days later…Isang magaang katok sa pinto ang nagpamulat kay Amara nang araw na iyon. Sandali munang sumulyap sa orasan ang dalaga bago pinilit ang sariling tumayo. It was just past seven in the morning. Gusto sana niyang matulog pa dahil hindi siya masyadong nakatulog nang husto nang nagdaang gabi. Iniisip niya kasi kung anong gagawin niya ngayon dahil araw ng kanyang kasal at—Bahagyang napasinghap ang dalaga, natutop ng kamay ang bibig. It was her wedding day!Sandaling nablangko si Amara, hindi alam kung anong dapat maramdaman o dapat na unahin. Should she feel excited, worried or scared perhaps? O dapat ba niyang tawagan si Zion o si Isagani? Isagani is Zion’s boss. Iyon ang pakilala nito sa kanya. Kaya naman noong makalawa nang tumawag si Zion sa kanya na si Isagani ang may alam ng tungkol sa wedding preparations nila at ito ang dapat niyang tawagan kung may kailangan siya, nag-alangan na agad ang dalaga.Nahihiya siyang abalahin si Isagani kahit na may mga tanong siya tungko

  • The Unwanted Daughter's Billionaire Destiny   Chapter 8: Getting Married

    Maingat na nagsalin ng alak sa kanyang baso si Zion bago sumulyap kay Isagani na noon ay panay ang hikab habang nakaupo sa mahabang sofa.Kung wala lang siyang hinihintay ng gabing iyon, baka kanina pa niya ito pinauwi. Why, the man is an innate whiner. Kung hindi lang niya ito matagal nang kilala baka matagal na niya itong inalis sa trabaho. Subalit kahit na reklmador ito, hindi rin naman matatawaran ang loyalty na ipinakita nito sa kanya sa nakalipas na mga taon.He had known Isagani since he was fifteen. Subok na niya ang katapatan nito. At sa mundong ginagalawan niya at ng kanyang pamilya, wala nang mas hihigit pa sa importansiya ng katapatan. And so he had kept Isagani for more than a decade now. He trusts him even with his life. Kaya lang…Humikab nang malakas si Isagani, humiga na sa sofa. “Boss, puntahan na lang kaya natin si Ms. Amara nang matapos na ‘tong paghihintay natin?” anito, niyakap na ang throw pillow.“Kung gusto mong wala ka nang trabaho bukas, we can consider your

  • The Unwanted Daughter's Billionaire Destiny   Chapter 7: Fate's Way

    Kanina pa tinititigan ni Amara ang tasa ng kape na nasa kanyang harapan. Nasa coffee shop ng hotel na kanyang tinutuluyan ang dalaga. Kasama rin niya roon si Zion. Na gaya niya ay tahimik lang din.Ito ang nagpumilit na ihatid siya roon. O mas tamang sabihin na ito ang pumilit sa boss nito na ihatid sila roon. To her embarrassment!Nag-offer siya ng kahit na kape lang para sa abala nito. Subalit tumanggi si Isagani. Instead si Zion ang sumama sa kanya para magkape. And now there they are, both speechless.“Si Isagani… I mean si Boss Isagani rin ang susundo sa ‘yo sa makalawa para sa kasal natin,” basag ni Zion sa katahimik maya-maya.Kasal. Parang nakuryente si Amara nang marinig ang salitang iyon kaya naman agad na dumiretso ng upo ang dalaga, nag-angat ng tingin sa kausap.“A-about that… I-I… I don’t… I mean…” Ni hindi maumpisahan ng dalaga ang nais sabihin. The idea of marrying a stranger last night seemed like a good idea. But now that she is thinking straight, the idea feels craz

  • The Unwanted Daughter's Billionaire Destiny   Chapter 6: Doubts

    “Anong ginagawa mo rito?” ani Arturo nang makita ng matandang lalaki dumaan si Amara sa tapat ng opisina ng kanyang opisina sa AV Real Estate kinabukasan. Matapos ang mainit na pag-uusap ng mag-ama sa study nang nakaraang gabi, tinotoo ni Amara ang pag-alais sa malaking bahay.Ni hindi ipinaalam ng dalaga kung saan siya pupunta. At walang balak ang dalaga na ipaalam kahit kanino sa kanyang pamilya kung saan nga siya nagpunta. Umalis na siya sa poder ng mga magulang. Paninindigan niya. She’s determined to live a different life now. Away from her family.“Ano, natauhan ka na ba at magmamakaawa kang patawarin kita, Amara?” si Arturo ulit nang hindi agad sumagot ang panganay na anak. “Well, you’re too late! I will never forgive you for being disobedient and bringing shame to our family! You are such a disgrace!”Huminto si Amara, humakbang papasok sa nakabukas na pinto ng opisina ng ama. Ngumti ang dalaga, sarkastiko. “H’wag kang mag-alala, Dad. Hindi ako pumunta rito para humingi ng taw

  • The Unwanted Daughter's Billionaire Destiny   Chapter 5: Not Just A Waiter

    Samantala sa harap ng isang bakanteng lote sa mataas na bahagi ng siyudad, tinanaw ni Zion ang nagkikislapang mga ilaw mula sa ‘di kalayuan. Malamig ang simoy ng panggabing hangin. Tila tinatangay ang mga alalahanin ng binata sa gabing iyon.Maya-maya pa, lumapit ang isang lalaki sa binata. Gaya niya nakasuot din ito ng waiter’s uniform. “Boss, hindi pa ba tayo uuwi?” tanong nito.“You have the nerve to ask. Tell me Isagani, should I go home or should I prepare now for my wedding which is in three days?” malamig na tugon ng binata, ang mga mata nakatitig pa rin sa kabuuan ng siyudad. The gears in his head were turning fast. Hindi malaman kung ano ang dapat niyang unahing gawin. Well, it's a given. He had never been married before. It was a new endeavor. Napakamot sa kanyang batok si Isagani. “Boss, bakit mo naman kasi inagaw ‘yong raket ko kanina sa catering? Mukha pa namang willing magbayad si Mrs. Villanueva ng malaking halaga para sa sino mang papayag na magpanggap na fiancé ni A

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status