เข้าสู่ระบบ“Are you out of your mind?! Bakit mo sinabi sa mga bisita na papakasalan mo ang hampas-lupang iyon sa loob ng tatlong araw? You are clearly deranged, Amara! Nababaliw ka nang talaga!” husterikal na pahayag ni Celestine habang nagpaparoo’t parito sa loob ng study ang matandang babae.
Nasa study ulit ang mag-anak na VIllanueva. Pagkatapos ng party, doon dumiretso ang lahat. This time, naroon din sina Tanya at Joaquin. Magkahawak-kamay ang mga ito habang nakaupo sa mahabang sofa sa tapat ni Amara, na para bang nananadya. Na para bang wala silang nasaktang tao ng araw na ‘yon.
Kung si Amara ang tatanungin, base na rin sa pigil na ngiti sa labi ng kapatid, talagang sinadya nito ang mga pangayayari ng araw na iyon. Walang duda sa bagay na iyon. Tanya would always rain on her parade. Her younger sister wants everything she has. Everything.
“Mommy, baka naman talagang gusto ni Amara ‘yong waiter. Bakit hindi na lang natin siya pagbigyan sa gusto niyang mangyari? Tutal naman halos parehas silang dalawa—a dumped woman and a trash. Isn’t it a perfect match, babe?” ani Tanya natatawang bumaling kay Joaquin.
“I did not expect you to make the announcement yourself, Amara. Kung nagmamadali kang maghanap ng papalit sa pwesto ko, pumili ka naman nang mas maayos. What a downgrade you had? Anong panama ng isang waiter sa kagaya ko, tagapagmana ng isang malaking negosyo na gaya ng Alcantara Construction?” si Joaquin, puno ng sarkasmo ang tinig.
“We explained everything to you. We hired the guy to save this family from shame. Bakit ba ginawa mo na namang kumplikado ang lahat, Amara,” si Arturo, may hawak ulit itong crystal glass at panay ang simsim ng alak doon. “That man was just there to pose as your fiancé just for tonight. Hindi ko sinabing pakasalan mo nang totoo ang lalaking ‘yon na siguradong mas mahirap pa sa daga! At sinabi mo pang magpapakasal kayo sa loob ng tatlong araw! Talaga bang hindi ka nag-iisip, Amara?!” The old man was struggling not to throw another burst of anger. Subalit dahil sa ginawang gulo ng panganay ay nahihirapang magpigil ng emosyon ang matandang lalaki.
Hindi agad umimik si Amara. Sa totoo lang, iniisip niya kung sasagot pa siya o hindi na. She just knew, kahit na anong sabihin niya, sa mata ng kanyang pamilya, mali pa rin siya. They were ganging up on her like she is the most vicious woman in the world. Hindi ba siya ang naging biktima sa sitwasyon? Hindi ba siya ang nawalan, nasaktan. Subalit…
Sa bandang huli, piniling tumayo ni Amara mula sa sette. Akmang aalis na sana ang dalaga sa silid nang pigilan siya ni Celestine.
“At saan ka pupunta? Nag-uusap pa tayo, Amara. H’wag kang bastos!” anang matandang babae, humakbang na palapit sa dalaga at walang sabi-sabi itong sinampal.
Natigalgal si Amara, nanlalaki ang mga matang hinawakan ang nasaktang pisngi. It has been years since her stepmother last did that to her.
“Kahit kailan, wala ka talagang modo, Amara. Wala ka nang ginawa kundi ang galitin ako!” si Celestine ulit, marahas na nagbaba-taas ang dibdib nito.
Kumibot ang labi ni Amara, humapdi rin ang lalamunan ng dalaga sa muling pagpipigil ng kanyang nais sabihin. She has a lot to say. She wanted to defend herself. But…
“Then let me unburden you, mother. Allow me to leave this house. H’wag kayong mag-alala, kapag nakaalis na ako rito, hindi ko na kayo ulit guguluhin pa. Without me, you can finally be a happy family. Just like what you’ve always wished for,” ani Amara, pumihit na patalikod.
Handa na siyang iwan ang pamilyang ni minsan hindi siya binigyan ng pagmamahal at respeto. Sana, noon pa niya iyon ginawa. That could’ve saved her from a lot of heartaches and tears.
Kaya lang… ang pusong patuloy na nagmamahal, hindi sumusuko. Subalit iba na ngayon. Mas pinipili na niya ang sarili niya kaysa sa kanyang pamilya. Tapos na ang pagsasakripisyo niya. Siya naman ngayon.
“Amara! Get back here!” sigaw na utos ni Arturo nang magsimula nang maglakad patungo sa p***o ang dalaga. Subalit parang walang nagrinig si Amara, nagpatuloy lang ito sa paglalakad. “I will disown you, Amara! Ni isang kusing wala kang makukuha sa ‘kin sa oras na lumabas sa ng bahay na ito upang pakasalan ang pulubing lalaki na ‘yon!”
Napahinto ang dalaga, nilingon ang ama. “It’s okay, Dad. Kaya kong magtrabaho. Kaya naming magtrabaho ng magiging asawa ko. Didn’t you always say, as long as we work, there will always be food on the table? Kaya ko ang sarili ko,” determinadong sagot ni Amara, muling nagpatuloy sa paglalakad.
“Kung pakakasalan mo ang basurang lalaking napili mo sa loob ng tatlong araw, pwes, magpapakasal rin kami ni Joaquin three days from now! Tignan ko lang kung hindi ka lalong pagtawanan ng mga tao. Wala kang magiging bisita sa kasal mo, Amara. Not even your family!” pahabol na sabi ni Tanya nang nasa p***o na si Amara.
Hindi na nag-aksaya pang lumingon ang dalaga bago sumagot. “Don’t bother. None of you are invited anyway,” malamig na tugon ni Amara bago tuluyang lumabas ng silid.
Makailang ulit pa siyang tinawag ni Arturo at Celestine subalit nagpatuloy lang sa paglalakad si Amara. Handa na siyang umalis sa bahay na ‘yon. At walang sinumang makakapigil sa kanya.
“Sumagot ka, Amara! I don’t have much time to spare!” si Tanya nang manatiling tahimik si Amara. “Alam mong kasal ko din ngayon!”Ilang araw nang humahanap ng tiempo si Tanya para kausapin si Kimberly De Dios ng personal dahil ito ang gusto niyang maging make-up artist sa kasal niya. Subalit kung hindi ‘busy’, fully booked ang isinasagot ng mga staff nito. But Tanya is not one to just let it go. Napagsabi na ng babae sa mga kaibigan niya na si Kimberly ang magme-make-up sa kanya sa kasal niya. Kimberly De Dios is a big name in the industry. Kapag ito ang kinuha mong make-up artist, talagang magiging sikat ka rin. Kaya naman determinado si Tanya na ito ang maging make-up artist niya sa kanyang kasal. She was so confident that Kimberly would say yes once she learned it was her. That's why she's chasing Kimberly right up to the last minute. Kaya niya rin ito sinundan sa hotel na 'yon. Naging classmate niya kasi ito noong high school. They are basically friends. Kaya sa isip ni Tanya, da
Two days later…Isang magaang katok sa pinto ang nagpamulat kay Amara nang araw na iyon. Sandali munang sumulyap sa orasan ang dalaga bago pinilit ang sariling tumayo. It was just past seven in the morning. Gusto sana niyang matulog pa dahil hindi siya masyadong nakatulog nang husto nang nagdaang gabi. Iniisip niya kasi kung anong gagawin niya ngayon dahil araw ng kanyang kasal at—Bahagyang napasinghap ang dalaga, natutop ng kamay ang bibig. It was her wedding day!Sandaling nablangko si Amara, hindi alam kung anong dapat maramdaman o dapat na unahin. Should she feel excited, worried or scared perhaps? O dapat ba niyang tawagan si Zion o si Isagani? Isagani is Zion’s boss. Iyon ang pakilala nito sa kanya. Kaya naman noong makalawa nang tumawag si Zion sa kanya na si Isagani ang may alam ng tungkol sa wedding preparations nila at ito ang dapat niyang tawagan kung may kailangan siya, nag-alangan na agad ang dalaga.Nahihiya siyang abalahin si Isagani kahit na may mga tanong siya tungko
Maingat na nagsalin ng alak sa kanyang baso si Zion bago sumulyap kay Isagani na noon ay panay ang hikab habang nakaupo sa mahabang sofa.Kung wala lang siyang hinihintay ng gabing iyon, baka kanina pa niya ito pinauwi. Why, the man is an innate whiner. Kung hindi lang niya ito matagal nang kilala baka matagal na niya itong inalis sa trabaho. Subalit kahit na reklmador ito, hindi rin naman matatawaran ang loyalty na ipinakita nito sa kanya sa nakalipas na mga taon.He had known Isagani since he was fifteen. Subok na niya ang katapatan nito. At sa mundong ginagalawan niya at ng kanyang pamilya, wala nang mas hihigit pa sa importansiya ng katapatan. And so he had kept Isagani for more than a decade now. He trusts him even with his life. Kaya lang…Humikab nang malakas si Isagani, humiga na sa sofa. “Boss, puntahan na lang kaya natin si Ms. Amara nang matapos na ‘tong paghihintay natin?” anito, niyakap na ang throw pillow.“Kung gusto mong wala ka nang trabaho bukas, we can consider your
Kanina pa tinititigan ni Amara ang tasa ng kape na nasa kanyang harapan. Nasa coffee shop ng hotel na kanyang tinutuluyan ang dalaga. Kasama rin niya roon si Zion. Na gaya niya ay tahimik lang din.Ito ang nagpumilit na ihatid siya roon. O mas tamang sabihin na ito ang pumilit sa boss nito na ihatid sila roon. To her embarrassment!Nag-offer siya ng kahit na kape lang para sa abala nito. Subalit tumanggi si Isagani. Instead si Zion ang sumama sa kanya para magkape. And now there they are, both speechless.“Si Isagani… I mean si Boss Isagani rin ang susundo sa ‘yo sa makalawa para sa kasal natin,” basag ni Zion sa katahimik maya-maya.Kasal. Parang nakuryente si Amara nang marinig ang salitang iyon kaya naman agad na dumiretso ng upo ang dalaga, nag-angat ng tingin sa kausap.“A-about that… I-I… I don’t… I mean…” Ni hindi maumpisahan ng dalaga ang nais sabihin. The idea of marrying a stranger last night seemed like a good idea. But now that she is thinking straight, the idea feels craz
“Anong ginagawa mo rito?” ani Arturo nang makita ng matandang lalaki dumaan si Amara sa tapat ng opisina ng kanyang opisina sa AV Real Estate kinabukasan. Matapos ang mainit na pag-uusap ng mag-ama sa study nang nakaraang gabi, tinotoo ni Amara ang pag-alais sa malaking bahay.Ni hindi ipinaalam ng dalaga kung saan siya pupunta. At walang balak ang dalaga na ipaalam kahit kanino sa kanyang pamilya kung saan nga siya nagpunta. Umalis na siya sa poder ng mga magulang. Paninindigan niya. She’s determined to live a different life now. Away from her family.“Ano, natauhan ka na ba at magmamakaawa kang patawarin kita, Amara?” si Arturo ulit nang hindi agad sumagot ang panganay na anak. “Well, you’re too late! I will never forgive you for being disobedient and bringing shame to our family! You are such a disgrace!”Huminto si Amara, humakbang papasok sa nakabukas na pinto ng opisina ng ama. Ngumti ang dalaga, sarkastiko. “H’wag kang mag-alala, Dad. Hindi ako pumunta rito para humingi ng taw
Samantala sa harap ng isang bakanteng lote sa mataas na bahagi ng siyudad, tinanaw ni Zion ang nagkikislapang mga ilaw mula sa ‘di kalayuan. Malamig ang simoy ng panggabing hangin. Tila tinatangay ang mga alalahanin ng binata sa gabing iyon.Maya-maya pa, lumapit ang isang lalaki sa binata. Gaya niya nakasuot din ito ng waiter’s uniform. “Boss, hindi pa ba tayo uuwi?” tanong nito.“You have the nerve to ask. Tell me Isagani, should I go home or should I prepare now for my wedding which is in three days?” malamig na tugon ng binata, ang mga mata nakatitig pa rin sa kabuuan ng siyudad. The gears in his head were turning fast. Hindi malaman kung ano ang dapat niyang unahing gawin. Well, it's a given. He had never been married before. It was a new endeavor. Napakamot sa kanyang batok si Isagani. “Boss, bakit mo naman kasi inagaw ‘yong raket ko kanina sa catering? Mukha pa namang willing magbayad si Mrs. Villanueva ng malaking halaga para sa sino mang papayag na magpanggap na fiancé ni A







