ログインNapatingin si Arabella sa mga pagkaing nasa mesa, halos paborito niya ang naroon. At halata rin na galing pa ito sa mamahaling restaurant. Umupo ang lalaki sa tapat niya at sabay silang nag almusal.Makalipas ang ilang sandali, biglang nagsalita ang lalaki. “Ano ba ang nangyari sayo kahapon? Bakit mo naman naisipan na mag-inom?”Natigilan ang babae sa pagsasandok ng lugaw. Alam niyang hindi niya kayang itago ang nangyari. Kaya naman buo niyang ikinuwento ang pagkikita nila ni Callie sa Monteverde Capital kahapon. Kung paano niya nakalaro at nayakap ang kanyang anak. Napabuntong-hininga si Lhanze sa kanyang mga narinig. “Siguro nga…may mga bagay talagang hindi kayang maputol kahit nang matagal na panahon.”Sandali siyang tumigil bago patuloy sa pagsasalita. “Marahil kaya magaan ang loob sayo ng bata dahil na rin sa lukso ng dugo.”Mapait na napangiti si Arabella."Siguro nga, pero isang bagay lang ang masasabi ko. Inaalagaan niya ng mabuti ang anak namin, halos lahat ng gusto at pa
“Ulitin ko yung tanong, ano na ang status niyo ni Valentina?” Inulit ni Stephanie ang tanong sa kanyang anak dahil hindi ito sumasagot. “Napansin ko kasi na okay naman sila ng anak mo. Lumalaki na rin ang apo ko, hindi naman pwedeng ikaw lang ang palaging kasama niya. Panahon na rin para isipin mo rin ang sarili mo, hindi ka ba nakakaisip na mag-asawa ulit? Kasi kung mag-aasawa ka ulit, may makakasama ka ring mag-aalaga kay Callie.”“Siguro kapag mas malaki at matured na si Callie, saka ko na lang iisipin ang bagay na iyan.” mahinang sagot ng lalaki. Walang nagawa ang kanyang ina kundi ang mapabuntong hininga na lang. Alam niya rin kasi na wala siyang magagawa pag dating sa desisyon ng kanyang anak. Kung tutuusin, dahil sa anak nila, natanggap na sana niya si Arabella bilang manugang niya.Ngunit hindi niya inaasahang magagawa nitong iwan ang kanyang mag-ama. Sa tuwing iniisip niya iyon, lalo lang siyang nagagalit. Ano ba ang tingin nito sa mga Monteverde o sa anak niya?“By the wa
Mabilis na lumapit si Lhanze, nang makita siya ni Arabella bahagyang gumaan ang pakiramdam niya. Nalaman niya kay Quinn kung nasaan si Arabella at mag-isang umiinom. Matapos silang mag-usap sa telepono, agad siyang nagmaneho papunta sa bar.Malalaking hakbang ang ginawa ni Lhanze hanggang sa makalapit siya kay Arabella. Sinuri niya ito mula ulo hanggang paa bago ito nag-aalalang nagtanong. “Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?”Tumingin sa kanya ang babae at marahang umiling. “Ayos lang ako.”Tahimik namang pinagmamasdan ni Nathaniel ang dalawa. Humarap sa kanya si Lhanze, saka dumako ang tingin niya kay Sidney na patuloy na inaalalayan pa rin ng mga boduguard. Sa isang tingin pa lang, agad na niyang naintindihan ang nangyari. Bahagyang nagdilim ang kanyang ekspresyon, agad siyang bumaling ng tingin kay Nathaniel at magalang na nagtanong. “Sir Nathaniel, ano ba talaga ang nangyari rito?”Nagtagpo ang kanilang mga mata at sa isang iglap tila naging mabigat ang hangin sa paligid.
Naisip ni Arabella na baka ang natanggap na dokumento kanina ni Nathaniel ay ang summons mula sa korte para sa kanilang annulment.Naalala niua ang naging reaction ng lalaki kanina nang makita ang dokumento. Marahil ay pinagtatawanan lang siya nito dahil sa kapal ng mukha niyang magsampa ng kaso. Sumakay na siya sa sasakyan, una muna silang nag tanghalian ng cameraman at ng iba pa niyang kasamahan bago sila bumalik sa kumpanya. Ngunit buong hapon, wala siyang ganang magtrabaho. Hindi siya makapag-focus, paulit-ulit na lumilitaw sa kanyang isip ang mukha ng kanyang anak. Sa loob ng maraming taon, hindi niya nagawang harapin ang kanyang anak. Iniwasan din niyang magpakita kay Nathaniel dahil natatakot siyang hindi niya mapigilan ang sariling emosyon. Ngayon, wala na siyang takas sa mga alaalang patuloy na bumabalik. Kailangan na niyang harapin ang pangungulila at unti-unting tanggapin ang lahat.Noong gabing iyon, balak sana niyang ayain si Chriztle para mag-inom. Ngunit abala ito s
Nang makalabas si Arabella ng opisina, hindi niya napigilang lumingon. Sa loob, kitang-kita niyang binubuksan na ni Nathaniel ang sobre na iniabot ng assistant nito. Nang mabasa nito ang laman ng summons.Lalong naging malamig ang ekspresyon ng kanyang mukha. At sa sulok ng kanyang labi ay lumitaw ang isang sarkastikong ngiti. Natigilan siya sa pag tingin sa lalaki nang marinig ang maliit na boses ng kanyang anak. “Ate Gandaaaa!”Masayang hinila ng bata ang kanyang kamay. “Halika po kayo, ipapakita ko po sa’yo ang secret place ko.” napangiti ang babae"Secret place? Dito sa building ng Daddy mo?”Tumango ang bata at kumindat.“Opo! Kapag nakita mo na po, malalaman mo na.”Nagpaalam muna si Arabella sa cameraman at sa mga staff. “Mauna na kayo sa ibaba, susunod na lang ako.”Pagkatapos niya magpaalam ay sumunod na siya kay Callie. Dumaan sila sa hallway sa tabi ng play area nito at umakyat sila sa ikalawang palapag. Halatang malaking bahagi ng executive floor ang muling ipinaayos.H
Mahinahong huminga ng malalim ang babae bago tuluyang pumasok sa opisina. Ngunit pagpasok pa lamang niya, hindi niya napigilang mapahinto.Malawak ang opisina, ngunit halos bawat sulok nito ay puno ng bakas ng isang munting prinsesa. Sa malinis na puting dinding ay nakadikit ang iba’t ibang guhit at makukulay na stickers. May mga nakakalat na building blocks sa sahig, may maliit na robot na Minions at kung anu-anong laruan ng bata. Hindi na iyon mukhang opisina ng isang CEO. Isa na rin itong munting mundo ng isang limang taong gulang na bata. Sa kabilang dulo ng silid, abala si Nathaniel sa pagtatrabaho. Samantalang si Callie ay tahimik na nakaupo sa sarili nitong maliit na sofa habang nakikipag-usap sa robot.Nang marinig ang pagbukas ng pinto, sabay silang napatingin. Suot ng babae ang puting long-sleeved blouse, itim na slacks at blazer. Maayos na nakatali rin ang kanyang buhok, dahilan upang mas lumitaw ang elegante at propesyonal niyang aura. Sa sandaling nagtagpo ang mga mata
Hindi na muling nagsalita si Nathaniel pagkatapos noon. Nanatili itong nakapokus sa pagmamaneho, habang tahimik na umaandar ang sasakyan sa gitna ng mabigat na trapiko sa lungsod. Sa loob ng kotse, tanging mahinang ugong lamang ng aircon at tunog ng mga sasakyan sa labas ang maririnig.Tahimik na
Nanatiling nakaupo lang si Arabella sa kama habang hawak ang tiyan. Sa labas ng bintana, unti-unti nang lumulubog ang araw. Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.Saglit siyang natigilan bago ito dahan-dahang dinampot mula sa kama. Nang makita niya ang pangalan sa screen, bahag
Mabuti na lamang at napansin siya ng isang nurse, na agad siyang inalalayan pabalik sa loob ng ospital.Ayon sa doktor, naapektuhan lamang ang sanggol dahil sa labis na stress at emosyon.Matapos humupa ang pananakit ng kanyang tiyan, pinayagan siyang makauwi.Mag-isa siyang nagmaneho pabalik sa ka
Anim na buwan nang buntis si Arabella at kasalukuyan siyang nasa ospital para sa routine check-up niya. Malungkot siya dahil hindi siya nasamahan ng kanyang asawang si Nathaniel dahil may mahalaga daw itong aasikasuhin.Pagkalabas pa lang niya ng ospital, natigilan siya nang makita niya ang pamilya







