LOGINGusto ko sanang humingi ng despensa sa tagal kong pag update ng panibagong kabanata. Hindi kasi ako makapag-concentrate dahil sa lumalalang sakit ko. Tatanggapin ko ang mga hinaing ninyo. Muli nauunawaan ko ang sama ng loob ninyo, patawad sa sobrang bagal na pagsusulat at update!
Hindi ko na maalala kung gaano na ako katagal na nakaupo sa tabi ni Mommy.Nakatitig lang ako sa kabaong ni Daddy habang iniisip ang lahat ng mga nangyari sa akin.Isa na siguro sa pinakamasakit na katotohanan ang magsisi habang-buhay na hindi na ako makakabawi sa mga pagkakasala ko kay Daddy.Umalis ako at nagtago. Masyadong mataas ang ego at pride ko noon para bumalik at patawarin sila, kahit alam kong ang kapakanan ko lang naman ang iniisip nila.Ngayon, huli na para humingi ng tawad sa kaniya. Huli na para magsisi.Paano ako makakabawi sa iyo, Daddy?Umiwas ako ng tingin at marahang ibinaling iyon sa malaking larawan niya na nakatayo sa gilid ng kabaong. Nanginginig ang mga palad ko habang pilit kong pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak.Mariin akong pumikit.Muli kong inalala ang mga panahong kasama ko pa siya—kung paano niya ako itinuring na prinsesa, kung paano niya ako pinalaki nang puno ng pagmamahal. Ibinigay niya ang lahat ng pangangailangan ko, at higit pa roon
Matagal akong nakatitig sa kaniya habang nanlalamig ang mga daliri ko.Pinakiramdaman ko ang mabilis, mabigat, at buhol-buhol na kabog ng puso ko sa loob ng dibdib ko.Nakatingin ako nang diretso sa mga mata niya. Sinusubukan kong hanapin doon ang kahit katiting na emosyon na posibleng magpapalambot sa naninigas kong puso, pero wala.Malawak at mapagbalat-kayo ang pagkakangiti niya sa akin. Kumikinang ang mga mata niya, ngunit kailanman ay hindi ko nakita doon ang tunay na pangungulila at pagsisisi."Pasensya ka na kung biglaan ang pagdalaw ko sa iyo, anak," mahinahon at paimbabaw na sabi niya.Ilang segundo akong mariin na napapikit. Pilit kong pinipigilan ang sariling sigawan siya sa pagtawag sa akin ng anak.Magmula noong iwan niya ako sa puder ni Daddy para sa sarili niyang kaligayahan, tuluyan na niyang tinanggalan ng karapatan ang sarili bilang ina ko.Nasa isang pampublikong coffeeshop kami sa loob ng resort ngayon. Mula sa pwesto namin ay tanaw ang malawak at maalong karagatan
"Leyah..."Bumilis nang husto ang paghinga ko habang nanlalamig ang mga daliri ko nang banggitin ni Kuya Blaze ang pangalan ko, may halong takot at pag-aalala sa kaniyang boses.Umiwas ako ng tingin, pilit na pinipigilan ang nanginginig kong mga labi at ang muling pagdaloy ng mainit na luha sa mga mata ko."W-We are not leaving... sa guest room lang muna kami tutuloy para magpahupa ng tensiyon," mahinang sambit ko habang pilit na pinapakalma ang sarili.Tatalikod na sana ako nang biglang kumirot nang matindi ang dibdib ko. Kasabay niyon, umikot at tila umalon ang paningin ko. Mabuti na lang at mabilis akong nasalo nina Anding at Menggay. Sabay nilang hinawakan ang mga braso at bewang ko upang hindi ako tuluyang matumba."Leyah!" halos sabay-sabay na tawag ng mga kuya ko."Anak..." nag-aalalang sambit naman ni Mommy habang nanginginig ang boses."Nicole!" gulat ding sabi ni Gale sa tabi."P-Pagod lang ako..." nanginginig ang labing bulong ko habang pilit na kinakalma ang sarili."You s
Matagal kaming nagkatinginan ni Gale. Para bang pinoproseso pa niya ang mga sinabi ko habang nanliliit ang mga mata niya sa paligid. Lumalim ang gitna ng noo niya nang muli niyang pasadahan ng tingin ang magagandang pasilidad ng resort. "Why? Are they working here?" Bakas ang pag-aalangan sa boses niya, tila pilit niyang pinaniniwala ang sarili sa isang bagay na alam niyang hindi totoo. "There's no way this resort is your property, Nicole," madiin niyang sabi, may halong pagdududa at pagmamataas. Sa lakas ng pagkakasabi niya, biglang nag-iba ang ekspresyon ng mga tauhan namin. Makikita sa mukha nila ang tahasang pagtataka at bahagyang pagkainis sa paghamak niya. "Pero iyon po ang katotohanan, Sir. Anak po si Ma'am Calliyah ng mga amo namin," magalang ngunit may diin na sagot ni Daliah—ang apo ni Manang Diday. Mas naging proud ang hitsura ng iba naming tauhan. Kahit si Manang Diday ay hindi pinagalitan ang apo niya sa ginawa nitong pagsasalita; lihim lamang itong ngumiti bago ibina
Napatigil ako sa paglalakad bago dahan-dahang umikot paharap sa kanila.Doon ay nakita ko si Nate, isang dangkal na lang ang layo sa akin. Puno ng determinasyon at kakaibang ningas ang mga mata niya.Nasa likuran niya si Gale, pulang-pula ang mukha at tila handang makipagpatayan sa tindi ng pagkakatitig sa kapatid niya. Umigting ang panga nito habang mabilis na tumataas-baba ang dibdib dahil, marahil, sa matinding selos.Bumigat ang paghinga ko nang ibalik ko kay Nate ang tingin ko. Nagsimula ring manlamig ang mga palad ko.Hindi ko siya maintindihan kung bakit kailangan pa niyang makisali rito, gayong hindi na nga maganda ang relasyon nila ni Gale.Bumilis ang tibok ng puso ko nang magsimula siyang humakbang palapit sa akin.Para bang lumayo ang lahat sa paligid ko dahil sa biglang pagbagal ng oras.Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit parang may kakaiba?Napakagat-labi ako nang mariin habang nanginginig ang mga daliri ko. Kung ano man itong bwisit na nararamdaman ko, sigurado akong d
Diretso akong nakatingin sa harap habang umaandar ang sasakyan.Napakalakas ng kabog ng puso ko, para bang nagwawala ito sa loob ng dibdib ko."Mommy..." tawag ng anak ko kasabay ng marahas na paghatak sa suot kong bestida.Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya, pilit na pinapalambot ang mga mata ko para sa kaniya kahit naninikip ang lalamunan ko.Namumungay ang mga mata niya dahil pilit niyang nilalabanan ang antok.Inalalayan ko siya habang lumilipat sa mga hita ko, saka siya sumiksik sa akin."What's wrong, honey?" malambing na tanong ko habang nanginginig ang mga daliri ko sa pag-ayos ng buhok niya."Is it true that Daddy is going to have another child?" tanong niya, basag ang boses at puno ng lungkot.Napayuko ako para salubongin ang nag-aalalang mukha ng anak ko, habang unti-unting nanlalamig ang mga kamay ko."A-Anak—""Narinig ko po, Mommy... Nakabuntis si Daddy ng iba, sabi mo."Kumuyom nang husto ang mga kamao ko hanggang sa bumaon ang mga kuko ko sa palad ko. Ano bang katang
Naiintindihan ko na si mama, para manatiling buo ang pamilya kailangan mong magtiis at magpakatanga sa kagagohang ginagawa ng asawa mong hindi iniisip ang kapakanan ng inyong anak. Samantha Bernardo is my insecurities. Dahil sa kanya, ang dami kong nakitang mali sa akin. Akala ko nga perpekto na ak
Hindi ako mahuhulog sa kanya, iyon ang akala ko. He’s cold, distant, and arrogant towards me. I will never fall for a man like him. But I was wrong. Minahal ko pa rin siya. “Bakit ngayon ka lang?” Alas dos na ng umaga at kakauwi lang ng magaling kong asawa. Paakyat na siya ng hagdan ng magsalit
I never expect na mapapagod din pala ako sa kanya, na susukuan ko rin pala siya sa huli. “Thank you Mike.” Saad ko sa kaibigan. “Are you really sure about this?” May lungkot sa mga mata niya. “Yes, sure na ako!” Nakangiting sagot ko. Tumango siya. Pagkatapos niyang iabot sa akin ang sadya ko ay
I hate red dresses. That’s why I never wear all the dresses Glenda Salazar brought me. Suot ang puting bestida na abot sa ibabaw ng talampakan, umikot ako sa harap ng salamin, tube ito. Tenernohan ko ito ng white flat sandal. Hindi rin ako nagsusuot ng jewelries, tanging ang wedding ring lang ang m







