เข้าสู่ระบบDear readers, every time you open a chapter of Too Late to Win Back His Betrayed Wife, you’re giving my story something valuable, your time. Thank you very much po sa suporta.
Hindi sila sa pangunahing entrance inilabas.Nauna ang dalawang pulis sa makitid na daanan sa likod ng gusali. Sumunod si Avery, kasama sina Nick, abogado nito, at site supervisor.Naririnig pa rin niya ang mga sigaw mula sa kabilang panig.“Dito po,” sabi ng pulis, binuksan ang pinto ng nakahandang sasakyan.Sumakay silang apat. Isinara ni Avery ang notebook bago inilagay sa bag.“Naiwan ang kotse ko sa parking.”“Hindi pa po maaaring balikan. Sarado ang daanan,” sagot nito.Tumango siya.Sa pag-usad nila, lumingon siya sa site. May ambulansyang palabas, habang patuloy ang pagpasok ng mga rescuer.Sa kalapit na opisina ng proyekto sila dinala.May bakanteng mesa sa maliit na conference room. Doon inilatag ng supervisor ang attendance list at mga tala.“Biglaan po,” sabi nito sa dagdag na tanong ni Avery. “Wala akong natanggap na naunang babala tungkol sa bitak.”Isinulat niya ang sagot.Hindi iyon sapat upang matukoy ang sanhi. Ngunit kailangang malinaw kung ano ang alam ng taong kau
“Avery.”Papalapit si Nick nang may sumigaw mula sa likuran nito.“May namatay dahil sa inyo!”Napalingon siya.May lalaking sumusubok makalampas sa mga pulis. Sumunod ang ibang tao, habang nagsiksikan ang mga reporter upang makakuha ng sagot mula kay Nick.Isang mikropono ang halos tumama sa balikat niya.“Mr. Araneta, alam ba ninyong substandard ang ginamit?”“Bakit ninyo hinayaang magtrabaho ang mga tao?”Napaatras si Avery nang may sumagi sa kanyang bag.Humawak si Nick sa braso niya.“Dito.”Inilayo siya nito sa siksikan, patungo sa mas maluwag na bahagi sa tabi ng information area. Sumunod siya upang hindi maipit sa pagitan ng mga taong lumalapit.Napatingin siya sa kamay nitong nakahawak sa kanya.“Dito ka muna,” sabi ni Nick. “Hintayin natin ang pulis para maeskortahan ka palabas. Baka madamay ka.”Babawiin pa lamang niya ang braso, bumitiw na ito.“Narito ako bilang abogado ng investors. Kailangan kong malaman ang nangyari.”“Alam ko.”“Hindi pa ako aalis.”Tumingin si Nick s
“Bumaba bilang CEO?”Napaupo si Nick sa sofa. Kumikirot ang ulo niya, ngunit hindi na iyon ang pinakamatinding dahilan kung bakit hindi siya makagalaw.“Opo, sir,” sagot ng secretary.“Sino ang lumagda?”Binanggit nito ang mga pangalan. Kilala niya ang bawat isa.“May board meeting ba?”“Ngayong alas-diyes po. Ipinadala na ang notice.”“Pakipadala rin ang petisyon. Babasahin ko muna.”Pagkatapos ng tawag, binuksan niya ang email.Reklamo ng investors. Mga ulat na hindi nagtutugma. Pagkawala ng tiwala sa pamunuan.Sa ibaba, naroon ang mga lagda ng mga direktor na dati niyang hinikayat na suportahan ang paglaki ng PrimeArc.Siya ang nagtayo ng kumpanya. Ngunit nang mangailangan ng dagdag na puhunan, nagpasok siya ng ibang shareholders. May sarili silang mga kinatawan sa board.Ngayon, hinihiling nilang ibang tao muna ang mamuno.Tinawagan niya ang kanyang abogado.“Nabasa mo na?”“Oo. Kailangan nating suriin ang kahilingan at ihanda ang records para sa pulong.”“Hindi pa nga nila alam k
“Our book is closed, Nick.”Hindi siya nakasagot.Tinipon ni Avery ang mga gamit ng mga anak. Kinuha nito ang bag ni Nathalia, saka tiningnan ang ilalim ng mesa upang matiyak na walang naiwan.Kanina, masaya sila. Magkatabi silang pumalakpak para sa mga bata. Sa litrato, silang apat muli ang magkakasama.Ngunit batay sa sinabi ni Avery, isang araw lamang iyon.Nakita niya ang supot ng mga premyo sa bakanteng silya. Kinuha niya iyon bago pa makalayo ang asawa.“Avery.”Lumingon ito.“May naiwan.”Tinanggap nito ang supot.“Salamat.”“Ingat kayo.”Tumango lamang ito bago naglakad patungo sa entrance.Sumunod si Nick hanggang sa labas. Naroon sina Nikolai at Nathalia kasama si Don Aurelio. Nang huminto ang kanilang sasakyan, binuksan ng matanda ang pinto at inalalayan si Nathalia sa pagsakay.Ibinigay ni Avery ang mga bag bago sumunod sa mga bata. Si Don Aurelio ang huling sumakay.Ibang tao na ang kasama ng pamilya niya sa pag-uwi.Bumaba ang bintana sa likod.“Sa susunod ulit, Daddy!”
Lumitaw ang tatlong tuldok sa chat.Hinintay ni Avery ang sagot sa alok niyang magkita. Nawala ang indicator, saka muling lumitaw.Muntik siyang mag-type ulit.Ngunit ibinaba niya ang telepono.Hindi niya kailangang kumbinsihin ang isang taong ayaw pang humarap.Binalikan niya ang dokumentong nasa mesa. Makalipas ang ilang minuto, umilaw ang screen.“Gusto kitang makita nang personal, pero hindi pa ako handa. Ayokong mangako ng pagkikita na hindi ko kayang panindigan.”Nakaramdam siya ng kaunting pagkadismaya.Hindi na siya sumagot.***Kinabukasan, magkatabing lumapit sina Nikolai at Nathalia habang inilalapag niya ang bag sa sala.“Mommy, may invitation po!”Iniabot ni Nathalia ang papel.Family Day.Nakatakda sa susunod na linggo ang programa, mga laro, at family picture.“Kasama po ba si Daddy?” tanong ng anak.Nasa tabi nito si Nikolai, hinihintay din ang sagot.“Kakausapin ko siya.”“May relay po,” sabi ng batang lalaki. “Apat daw po ang puwede.”Pinagmasdan ni Avery ang mga muk
“Gusto ko. Pero puwede bang ipakuha ko na lang sa reception? Hindi pa ako handang magpakilala. Sa totoo lang, kinakabahan ako.”Binasa ni Avery ang sagot nang dalawang beses.Wala pa ring pangalan. Wala ring address.Napatingin siya sa fruit basket sa sulok ng mesa. Kayang magpadala ng pagkain, bulaklak, at regalo, pero sa pagtanggap ng cookies niya ay kinakabahan?“Cookies lang ang ipapadala ko, hindi summons.”“Hindi ko pa alam kung paano haharap sa ’yo.”May kumatok sa bukas na pinto. Si Ana, may dalang dokumentong kailangang pirmahan ni Avery.“Mukhang good mood po kayo, ah?”“May kausap lang.”Sumulyap ito sa teleponong hawak niya, saka sa mga padala.Ngumiti si Ana, ngunit hindi nagtanong.Pagkaalis nito, bumalik si Avery sa chat.“Dadalhin ko bukas. Puwedeng ipakuha kay Ana nang alas-diyes.”“Sige. Sasabihin ko rin kapag papunta na ang rider.”“May ayaw ka bang ingredients?”“Wala. Kung ano ang gusto mong gawin.”Chocolate chip cookies ang balak niya. Matagal na siyang hindi na







