LOGINRamdam na ramdam ni Aviannah ang unti-unting pagguho ng mga pader na matagal niyang itinayo sa paligid ng puso niya. Mga pader na pilit niyang binuo upang pigilan ang sarili na muling masaktan. Mga pader na paulit-ulit niyang pinatibay sa tuwing ipinapaalala niya sa sariling hindi na siya dapat umasa.
Ngunit sa bawat salitang binitiwan ni Andrei, sa bawat titig nitong puno ng sinseridad, at sa bawat marahang paghaplos nito sa kanyang pisngi, ay unti-unting nababasag ang lahat ng iyon.<
May mga pag-ibig na kailangang dumaan sa unos bago tuluyang makarating sa tahanan.May mga pusong kailangang mabasag bago matutong magpatawad.At may mga katotohanang kailangang mabunyag upang tuluyang maging malaya ang mga taong matagal nang ikinulong ng maling paniniwala.Isang taon ang matulin na lumipas. Isang taon mula nang magwakas ang lahat ng lihim. Isang taon mula nang mabunyag ang katotohanang nagpabago sa buhay nina Andrei at Aviannah.Sa loob ng isang taon, unti-unting naghilom ang mga sugat na iniwan ng nakaraan.Hindi iyon naging madali. May mga gabing binabagabag pa rin sila ng mga alaala. May mga umagang mabigat pa rin dahil wala na ang mga nakasanayan. At may mga pangalang nanatiling masakit banggitin.Ngunit natutunan nilang mabuhay nang hindi na alipin ng nakaraan. Natutunan nilang patawarin ang iba. At higit sa lahat, natutunan nilang patawarin ang kanilang mga sarili.Dahil ang tunay na paghilom ay hindi ang paglimot.Kundi ang pagpiling magmahal sa kabila ng laha
Tahimik ang buong paligid. Tanging mga hikbi lamang ni Aviannah ang maririnig habang yakap-yakap niya ang wala nang buhay na si Vangie. Hindi niya magawang bitiwan ang matandang babaeng itinuring niyang pangalawang ina sa loob ng maraming taon.“Yaya…”Nanginginig ang mga kamay niya habang marahang hinahaplos ang mukha nito.“Bakit kailangang umabot sa ganito?”Wala nang sumagot sa kanya. Wala nang ngiting sasalubong sa kanya tuwing umaga. Wala nang tinig na paulit-ulit na magpapaalala sa kanya na mag-ingat.Sa kabila ng lahat ng ginawa ni Vangie, hindi pa rin kayang burahin ni Aviannah ang lahat ng masasayang alaala nila.Lumapit si Andrei at marahang yumuko at lumuhod sa tabi niya.“Aviannah…”“Bakit? Bakit kailangang maging ganito ang lahat?” patuloy na pag-iyak niya habang lalong niyakap ang katawan ni Vangie.Wala ring maisagot si Andrei sa mga iyak at tanong ni Aviannah. Dahil sa totoo lang, kahit siya ay hindi alam kung paano haharapin ang lahat ng nangyari.Samantala, ilang ha
Mahigit isang oras nang nawawala si Aviannah.Matapos kausapin ni Andrei ang kanyang ina, agad niyang sinundan si Aviannah sa loob ng bahay. Ngunit nakapagtatakang wala ito sa sala, sa silid nito, sa garden, o sa kahit saang bahagi ng bahay.Unti-unting lumipas ang mga minuto. Hanggang sa tuluyan nang mag-panic ang lahat.“Na-check na ba ang buong bahay?” tanong ni Andrei habang mabilis na naglalakad sa hallway.“Oo, boss. Pati ang garden, service area, at rooftop, wala rin siya,” sagot ni Rome.Napahawak si Andrei sa kanyang noo. Hindi puwedeng basta mawala si Aviannah. Lalo na pagkatapos ng nangyari sa Mindoro.Naalala niyang si Vangie ang huling nakita niyang kasama ni Aviannah nang pumasok ito sa loob ng bahay.“Nasaan si Yaya Vangie?”“Bukod kay Aviannah, ay nawawala rin siya,” sagot ni Rome na ikinatigil ni Andrei sa paglalakad. “Posibleng… pareho silang kinuha pero posible ring…” Hindi maituloy ni Rome ang nais niyang sabihin.Ayaw nilang mag-isip ng masama sa ginang pero…“And
Nanatiling tahimik ang buong paligid. Walang sinuman ang makapagsalita matapos ang pag-amin nina Andrei at Aviannah.Si Ark ay nakaupo lamang sa kanilang harapan, nanginginig ang buong katawan sa matinding galit at pagkabigla.“I’m sorry, Dad. Patawarin niyo po kami,” lumuluhang sabi ni Aviannah habang nakatingin sa ama.“Patawarin?” mapait na natawa si Ark. “Alam mo ba ang ginagawa ninyo?”“Alam po namin,” sagot naman ni Andrei.“Hindi!” Mariing umiling si Ark. “Hindi ninyo alam!” Biglang tumaas ang boses nito. “Mahal ninyo ang isa’t isa? Pwes, hindi ko tatanggapin ang relasyong ito!”“Dad—”“Enough!”Napapikit si Aviannah. Ramdam niya ang labis na pagkadismaya ng kanyang ama sa kanya.“Hindi ko kailanman matatanggap ang pagmamahalan at relasyon ninyong iyan!” galit na sabi ni Ark bago siya tumalikod at naglakad papasok sa bahay.Naiwan ang lahat sa garden. Tahimik at naroon pa rin ang pagkabigla at tensyon.
Chapter 99:Tahimik at payapa ang buong bahay ng mga Madrigal. Hindi engrande ang selebrasyon ng kaarawan ni Aviannah. Gaya ng gusto niya, pamilya at malalapit na kaibigan lamang ang naroon.Sa garden ay may simpleng dekorasyon, ilang ilaw na nakasabit sa mga puno, at isang mahabang mesa na puno ng mga paborito niyang pagkain.Matapos ang lahat ng nangyari sa Mindoro, sapat na para sa kanya ang makitang magkakasama ang mga taong mahal niya.“Happy birthday, Avie!” masayang bati ni Sandra habang yakap-yakap si Aviannah. “Napakaganda mo!”“Thank you!” nakangiting tugon ni Aviannah. “Maganda ba? Ang bagal ko pa rin maglakad dahil sa sugat ko.”“Eh ano ngayon? Maganda ka pa rin kahit may sugat ka, ‘no!”Napailing na lamang si Aviannah habang natatawa.“Sandra, huwag mo nang yakapin nang mahigpit si Avie. Baka bumuka ang tahi niya,
Tahimik ang conference room ng Tuazon Build & Design. Nakaharap si Andrei sa maliit na grupo ng mga taong nagtatrabaho para sa kanya. Hindi sila malaking kompanya. Wala silang dose-dosenang executives o malalaking board members. Ang naroon lamang ay ang mga taong pinagkakatiwalaan niya—si Rome, ang operations coordinator ng kompanya, si Attorney Benedicto, ang retained legal counsel nila, si Marlon, ang finance officer, at si Denise, ang business development manager.Nakatutok ang lahat sa financial reports na naka-project sa screen.“Sir,” panimula ni Marlon, “na-review na namin ang financial records ng Madrigal Pharmaceuticals.” Tumango si Andrei. “Ang problema nila ay hindi lang simpleng kakulangan sa pera,” pagtutuloy ni Marlon saka nito nilipat ang slide. “Nagkaroon sila ng malaking cash flow problem. Delayed ang bayad sa suppliers. May recall issue sa isang product line nila. At natigil ang expansion project nil
“Dahil seryoso akong… ayaw ko na siyang makita pa kahit na kailan.”Paulit-ulit sa isipan ni Aviannah ang mga huling salitang sinabi niya sa kaibigang si Sandra, nang kausap niya ito kanina sa kanyang cellphone. Desidido naman talaga siya at seryoso siyang ayaw na niyang makita pang muli si Andrei.
“Sino ba naman kasi ang nagsabi sa’yong magpakalasing ka ng ganoon? Birthday iyon ng kaibigan mong si Sandra, pero ang ending ay namroblema pa siya sa inyo kung paano kayo iuuwi. Pinag-alaga at pinag-alala niyo pa siya sa inyo.”Marahang paulit-ulit na hinihilot ni Aviannah ang magkabilang sentido
“I love it! I really really love it! Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa’yo. Napakaganda ng kinalabasan ng design mo para sa’kin!” masayang puri ng magandang babae kay Aviannah habang hawak-hawak nito ang sketchbook na may wedding dress na iginuhit niya para dito.Nang matapos sa pag-aaral si
Malakas ang pagkabog ng dibdib ni Aviannah habang tahimik siyang nakaupo at naghihintay sa sasabihin ng kanyang ama sa kanya. Sa muling pagkakataon kasi ay sinabayan siya nito sa pagkain, bagay na ginagawa lamang nito kapag may importante itong sasabihin sa kanya.“Magpapakasal na kami ng Tita Cris







