Share

Chapter 3

Author: eleb_heart
last update publish date: 2026-11-01 17:03:06

Hindi na ako nagdalawang isip pa na mag-impake ng aking mga damit. Nasabi ko na ang mga bagay na gusto ko at ipinangako ko rin sa sarili ko na sa pagkakataong ito ay mabubuhay akong masaya.

Pero hindi nawawala sa isip ko ang paghihiganti. Gusto kong maramdaman din nila kung anong naramdaman ko sa dalawa kong nakaraang buhay.

Kaunti lang naman ang gamit ko kaya kumasya na ito sa isang maliit na bag. Mabuti na lang at may mga alahas si Daniela o mas tamang sabihin na ako, dahil ako naman na siya ngayon na pwedeng kong ibenta para makapagsimula.

Wala naman akong ibang gusto kundi ang mamuhay lang ng tahimik, yung tipong mabuhay lang ako ng malayo sa kanila ayos na sa akin iyon.

Pag-alis ko sa bahay na ito, hinding-hindi na ako babalik pa. Ayoko na sila pang makita at mas lalong ayoko na silang makasama pa.

Mas gugustuhin ko na lang na mamuhay ng mag-isa kaysa ang maging sunod-sunuran sa mga utos nila at sa huli, mamamatay lang din ako sa kamay nila.

Tahimik akong lumabas ng aking silid dala ang maliit na bag. Kahit na mawala ako doon ay tiyak na hindi nila mapapansin kaagad dahil wala naman sa akin ang atensyon nila. Palagi itong na kay Denise.

Maganda ito, maamo ang mukha at malambing ang boses na hindi makabasag pinggan sa sobrang hina at hinhin. Pero sa likod ng maamo nitong mukha ay nagtatago ang bulok at nakakadiri nitong pag-uugali.

Akala ng iba ay napaka perpekto niya. Napakabait, pero hindi nila alam kung gaano kasama ang ugali niya.

Hindi naman siya ganun kasama noong sinulat ko siya sa aking libro. Ginawa ko nga siyang perpekto at walang bahid ng dumi, ibinigay ko kase ang lahat ng iyon may Daniela kaya maging ang mga readers ko noon ay galit na galit sa kaniya.

Kaya nga lang noong ako na ang nakaranas ng mga bagay na sinulat ko, hindi pala masaya. Hindi pala tama na basta ko na lang siyang pinarusahan ng pauulit-ulit hanggang sa mamatay siya sa kamay ng lalaking pinakamamahal niya para lang maging masaya ang aking mga bida.

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa aking labi bago napa buntong hininga. Nakalabas na ako ng gate na hindi man lang napapansin ng sinuman dahil wala naman talagang may pakialam sa akin sa bahay na iyon.

Tiningala ko ang napakataas na bahay. Kung ang iba ay pinapangarap ang ganun kalaking bahay, ako naman ay sinusumpa ko.

Dahan-dahan akong tumalikod at nag-umpisang maglakad palayo.

Parang kailan lang, ako lang si Danica. Isang simpleng dalaga ba may pangarap na maging isa sa kilalang writer sa platform na pinagsusulatan niya.

Bata pa lang ako ay pangarap ko na talagang maging isang sikat na writer, yung tipong magkakaroon pa ng mga adaptation ang mga sinulat ko pero ngayon? Parang napaka imposible ng mangyari pa ang bagay na iyon.

Napatingala ako sa kalangitan. Puno ito ng mga bituin at bilog na bilog din ang buwan. Kahit medyo malalim na ang gabi ay naging maliwanag pa rin ang daan dahil sa buwan.

Pero nagpapasalamat pa rin ako na sa libro ko mismo ako napasok dahil paano na lang kung sa iba? Ang masakit pa ay paano kung historical ang kwento e di sobrang hirap nun hindi ba?

Sinulat ko ang kwentong iyon dahil sobra akong na-inspire. Ginawa kong napaka greenflag ni Henry kay Denise, pero hindi para may Daniela kaya nga namatay ang karakter niya sa dulo ng kwento na ako mismo ang sumulat.

Pero simula nang mabuhay ako bilang si Daniela, doon ko nakita ang tunay na ugaling meron si Henry. Ang ugali niyang hindi nakikita ng iba o ng karamihan. Ugaling ako pa lang yata ang nakakita.

Nang muli kong maalala kung paano nila ako pinahirapan ni Denise ay kaagad na nagdilim ang aking mukha.

Halos araw-araw akong nagmamakaawa sa kanila na palayain na lang nila ako, na hayaan na lang nila akong mabuhay ng malayo sa kanila. Pauulit-ulit kong sinabi sa kanila na hindi ko na sila guguluhin pa pero hindi sila naawa.

Much worse ay hinayaan nila akong mamatay sa gutom kahit na, kahit na alam nila parehong buntis ako.

Napuno ng galit ang dibdib ko habang inaalala ang mga bagay na iyon.

Mas higit pa sa hayop ang ginawa nila sa akin. Ikinulong nila ako sa isang silid kung nasaan din ang silid nila at tanging salamin lang ang nakapagitan sa amin. Kitang-kita ko kung paano sila magtalik na dalawa at maglamungan o mas tamang sabihin na sinasadya nilang ipakita sa akin ang lahat ng iyon para ipamukha sa akin na hindi ako ang mahal ni Henry, na hinding-hindi magiging ako ang magmamay ari sa puso niya.

Tiniis ko ang lahat ng iyon. Tiniis ko sa pag-asang baka sakal na kapag namatay ako ay makakapagpahinga na ako pero hindi.

Napahigpit ang hawak ko ng wala sa oras sa hawak kong bag. Wala akong pakialam kung anong mangyari sa kumpanya ng taong iyon. Hindi niya ako itinuring na anak kaya hinding-hindi ko na rin siya ituturing bilang ama ko.

Isa pa, alam kong hindi sila magpapakasal kaagad ni Henry dahil hindi pa pwede. Unang magpapakasal si Denise sa bilyonaryong si Damien Montefalco na hindi niya nakita sa mga nakaraang buhay niya.

Hindi ko alam kung bakit hindi kami nagkitang dalawa pero marahil wala naman kaming koneksyon sa isat-isa. O dahil isa lang din siyang aide character sa ginawa kong kwento?

Ah, oo. Naaalala ko na. Sinulat ko rin siya bilang isang side character sa aking kwento kung saan ay na-inlove siya ng sobra may Denise pero hindi ito ang mahal ni Denise dahil si Henry iyon.

Sa dulo ng kwento bago ang wakas ay namatay ito sa isang aksidente. Hindi ko na inelaborate pa ang dahilan pero dahil nga gusto kong ang magkatuluyan ay sina Denise at Henry kaya ko tinanggal na lang basta ang hadlang sa pag-iibigan nila pero ngayon ay napapaisip ako…

Isa nga lang bang aksidente ang pagkamatay niya o may ginawa ang dalawa lalo na at alam ko kung gaano kasama ang mga budhi nila?

…

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Transmigration: Never Again, Not In This Life   Chapter 11

    Buong akala ko ay pagtatawanan niya ako dahil sa sinabi ko. Isang malaking kalokohan iyon. Walang tao na nakakakita sa future ng isang tao dahil napaka imposible na mangyari iyon.Nakatayo lang siya, nakatingin sa akin at seryoso ang mukha. Na para bang naniwala sa sinabi ko. Nagulat ako nang bigla na lang siyang ngumiti sa akin hanggang sa napatawa. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya, nagtataka at naguguluhan. Pinagtatawanan niya ba ako?“Sorry…” paghingi niya ng paumanhin pagkalipas ng ilang sandali pero hindi niya pa rin binitawan ang kamay ko.“It’s ridiculous right?” tanong ko sa kaniya ngunit mabilis na bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya.“Ridiculous? Of course not!” Ngumiti siya sa akin. “You think na hindi ako maniniwala right? But you’re wrong.”What the?! Nababaliw na ba siya?“Let’s say naniniwala ako na hindi.” Muli niya akong hinila, this time ay papasok na kami sa loob ng villa. Sa labas pa lang ay napakarangya na nito at tiyak na mas marangya na na

  • Transmigration: Never Again, Not In This Life   Chapter 10

    Halos matulos ako sa aking kinatatayuan ng bumukas ang gate. Kung wala si Damien sa bahay niya, tiyak na nasa private villa niya ito.Paano ko nalaman iyon? Palaging pinagkwekwentuhan ito ni Denise at Henry noon at sadyang ipinaparinig sa akin. Sayang saya sila pareho dalawa baliw na baliw ang lalaki kay Denise. Bukod sa piniperahan lang ito ni Denise ay halos malugi din ang kumpanya nito bago mamatay dahil sa isang malagim na aksidente.Aksidenteng hindi ko na alam pa kung tunay nga bang aksidente lang o plinano lang din ng dalawa. Kaya ako pumunta doon ay dahil gusto ko siyang balaan. Gusto kong sabihin sa kaniya na kung maaari, huwag na siyang magpakasal pa kay Denise at maghanap na lang ng ibang babae para maging masaya at hindi mamatay pero…Hindi ko lubos akalaing na si Damien pala ay ang lalaking pinagbigyan ko ng aking sarili sa nakaraan kong buhay.Paanong nangyari ito? Bakit hindi ko man lang naisip na iisang tao sila?Bakit hindi ko siya nakilala?Nang hawakan niya ang le

  • Transmigration: Never Again, Not In This Life   Chapter 9

    “Pasensya na po kayo ma’am pero wala pa po si sir Damien. Kung gusto niyo po ay tawagan ko po muna siya kung anong oras po siya makakauwi.” sabi ng kasambahay sa akin na lumabas mula sa gate. Mabilis naman akong tumango.“Sige po. Maghihintay na lang po ako dito.” sagot ko sa kaniya.Pagkaalis ko kanina sa park ay dito na ako dumiretso. Gusto kong itama ang lahat. Gusto kong mag-iwan ng babala kay Damien, ang magiging asawa ni Denise na ni minsan ay hindi ko man lang nakita dahil hindi ako nagkaroon ng pagkakataon.Noong kinasal silang dalawa ni Denise ay hindi ako nakapunta o mas tamang sabihin na hindi ako imbitado sa kasal ng sarili kong kapatid. Yes, ganun nila ako ituring at ni hindi man lang ako kasali sa mga dinner sa bahay namin dahil simula ng ikasal ako kay Henry, hindi na ako nagkaroon pa ng access sa labas ng bahay kung saan ako nakatira. Para akong isang hayop sa hawla at hindi makalabas. Ikinulong nila ako para hindi ko makita at malaman kung ano ang ginagawa nila.Kung

  • Transmigration: Never Again, Not In This Life   Chapter 8

    “Wala ka ba talagang balak na sagutin ang tanong ko?” tanong niya sa akin dahilan para mahila ako sa malalim na pag-iisip. Ilang beses akong kumurap hanggang sa mabilis kong binawi ang kamay kong hawak niya noong mga oras na iyon.Sinalubong ko ang mga mata niya at umatras ng ilang hakbang. Ang buong akala ko talaga ay hindi na muling magkukrus pa ang landas naming dalawa pero, mukhang nagkamali ako. Sa dinami-dami ng pwede kong makasalubong o makita, bakit siya? Tyaka bakit parang kilala niya ako? May naaalala kaya siya? Pero imposible namang mangyari iyon hindi ba? Tanging ako lang ang nakakaalam na nauulit ang lahat ng pangyayaring iyon. Tanging ako lang ang nakakaalam kung paano tumatakbo ang mga buhay ng mga main characters sa kwento.“I’m sorry. Pero hindi kita kilala.” sagot ko habang nakatingin sa kanyang mga mata. Sinubukan kong maging kalmado. Ayokong makita niya na kinakabahan ako.Kaya lang ay parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko at sa halip ay muli siyang humakbang

  • Transmigration: Never Again, Not In This Life   Chapter 7

    Wala akong pakialam sa paligid ko. Kahit na sobrang lakas ng tugtog at napaka ingay sa paligid ko, tahimik pa rin akong nakaupo sa isang sulok.Hindi ako mahilig sa mga ganitong lugar, in fact dalawang beses pa lang akong nakapasok noon sa isang bar. Pero si Daniela, halos linggo linggo na nasa bar. Sinulat ko siya na may pagka rebellious talaga dahil sino naman ang hindi magrerebelde kung ganun ang sarili niyang pamilya sa kaniya, right?Well, oo na. Kasalanan ko na. Pero part lang naman talaga iyon ng kwento. Idagdag pa na tuwang-tuwa pa naman ako noon sa nga comments regarding sa kaniya dahil inis na inis sila sa kaniya not knowing na mapupunta ako sa sitwasyon niya.Hindi ko alam kung may babalikan pa ako. Kung makakabalik pa ba ako o dito na lang ako. Pauulit-ulit na lang ba akong mabubuhay at pagdadaanan ang lahat ng iyon?What if baguhin ko ang kwento? Baguhin ko ang buhay ni Daniela at ang mga choices niya? May karapatan ba akong gawin iyon?Bakit hindi?Ako ang nagsulat ng kw

  • Transmigration: Never Again, Not In This Life   Chapter 6

    Hindi ako makagalaw, hindi ko magawang bawiin ang kamay kong hawak ng lalaking nasa harap ko.Sa totoo lang, alam ko namang malawak ang mundo. Akala ko, hindi na muling magkukrus pa ang landas naming dalawa lalo na at sinabi ko sa sarili ko na pagkatapos ng lahat ng ito ay mabubuhay ako ng tahimik at masaya.Pero… paano ko pa iyon ngayon gagawin?“Tell me… who are you, really?” naniningkit ang mga mata niyang tanong sa akin. Napuno ng takot ang dibdib ko dahil sa buhay na ito ay hindi pa kami nagkikita. Hindi pa kami nagkakilala. Pero bakit ang mga titig niya ay iba at ang way ng pagsasalita niya?Naramdaman kong mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Sunod-sunod ang naging paglunok ko at sinubukan kong ibuka ang bibig ko para sumagot sana pero walang kahit na anong salita ang gustong lumabas sa mga labi ko.Literal na napipi ako habang nakatitig sa gwapo niyang mukha. Hindi ko alam pero habang nakatitig ako sa mga mata niyang punong-puno ng tanong at kalituhan ay bigla na l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status