Papadala ka ba sa mga revelations niya, Margaux?
MargauxNaniningkit ang mga matang nakatitig sa akin si Draco. Nasa bahay na ako, at nadatnan ko siyang tahimik na nakaupo sa gilid ng aming kama, ang mga siko'y nakapatong sa tuhod at ang mga kamay ay magkasalikop, tila pinipigilan ang sariling damdamin.“You forgot about me?” mahinang tanong niya, pero ramdam ang bigat ng tampo.“I’m so sorry, Cupcake. I feel so overwhelmed and–”“Hindi ko akalain na gano'n mo lang pala ako kabilis makakalimutan,” mariing tugon niya. May halong lungkot sa kanyang boses ngunit halata din na hindi galit. Never pa siyang nagtampo sa akin and seeing him doing that right now is quite amusing.He's cute pero kitang kita ko pa rin ang pagiging lalaking-lalaki niya. Pwede pala yon, maarteng lalaki. Sa loob-loob ko ay napangiti ako. Pwes, heto na ang pagkakataon ko para suyuin din siya.Napanguso ako. Unti-unti akong lumapit, parang batang gustong mag-sorry sa kanyang kalaro. Yumapos ako sa kanya, ngunit umiwas siya na parang ayaw niyang maramdaman ang kahit
Margaux“Margaux, anak!” Masayang tawag ni Mommy habang agad siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap. Kita sa mukha niya ang sobrang tuwa, halos mangilid ang luha sa kanyang mga mata. Naiwan naman sa sofa si Dad katabi ang babaeng nagmamay-ari din ng mukhang kapareho ng sa akin.Tumayo rin si Dad at ang babae sa tabi niya, at parehong tuluyang humarap sa akin. Iba ang pintig ng puso ko. Parang may humigpit sa dibdib ko.“Look who’s here,” ani Mommy, may halong kaba ang tinig ngunit nangingibabaw ang pananabik.Napako ang tingin ko sa babae. Mula sa hugis ng kanyang mukha, sa kurba ng kanyang labi, hanggang sa ekspresyon ng kanyang mga mata—parang nakaharap talaga ako sa salamin. Ngunit isang mas malambot na bersyon ng sarili ko. Isang pamilyar na estranghero.Tahimik akong inakay ni Mommy palapit sa kanila. Ramdam ko ang lamig at init na nagsanib sa palad niya. Habang papalapit, hindi na nawala ang eye contact naming dalawa ng babaeng iyon. May alanganing ngiti sa kanyang labi, paran
DracoTumigil kami ilang metro mula sa abandonadong warehouse sa labas ng lungsod. Madilim ang paligid, pero nakatago sa likod ng dilim ang mga galaw ng mga tauhan ko, mga pamilyar kong anino na sanay sa tahimik na operasyon. Kasama rin namin ang ilang pulis na naka-civilian. Walang sirena, walang anunsyo. Tahimik at planado ang bawat galaw.“Team Bravo, sa kanan. Alpha, sumunod sa akin. We go in silent. No unnecessary shots unless they shoot first,” utos gamit ang radyo ng pulis na namumuno sa operasyon na nasa tabi ko lang din, at isa-isang nag-confirm ang mga kasamahan namin.Dumungaw ako sa gilid ng SUV bago bumaba. Tumama agad sa akin ang malamig na hangin. Seryoso ang mukha ko, pero ang dibdib ko’y mas mabigat pa sa bulletproof vest na suot ko. Para kay Margaux ‘to. Don't play hero daw at higit sa lahat, inaasahan niya ang pag-uwi ko mamaya.Sa hudyat ng pulis na kasama ko, sabay-sabay kaming pumasok sa compound.Isang putok ng baril ang pumunit sa katahimikan.“Put—!” Napayuko a
MargauxBalot ng matinding pag-aalala ang aking kalooban matapos ang usapan namin ni Draco. Kahit anong pilit kong kontrolin ang sarili ko, hindi ko mapigilan ang kaba na tila paulit-ulit na tumitibok sa aking dibdib. Sino ba naman ang hindi mabalisa, kung alam mong ang taong mahal mo ay papasok sa panganib?Pagkatapos naming mag-usap, agad akong pumikit at taimtim na nagdasal. “Panginoon, ilayo N’yo po siya sa kapahamakan. Ingatan N’yo po si Draco. Kayo na po ang bahala sa kanya at sa mga kasama niya."Wala pang isang minuto, tinawag ako ng kasambahay naming si Letty. “Ma’am Margaux, nakahain na po ang tanghalian.”Napabuntong-hininga ako. Ayaw ko pa sanang kumainn dahil wala akong gana, pero naalala ko ang huling bilin ni Draco, na huwag ko raw pababayaan ang sarili ko habang wala siya. Kaya kahit mabigat ang pakiramdam ko, pinilit kong tumayo at lumakad papunta sa hapag-kainan.“Ma’am, okay lang po ba kayo?” tanong pa ni Letty habang inilalapag ang huling putahe sa lamesa.“Okay lan
MargauxSinundan ko ng tingin ang sasakyan ng aking asawa hanggang sa makalabas na ito ng garahe. Huminga ako ng malalim bago bumalik sa loob. Mukhang mag-isa akong magla-lunch ngayon.May mga kasambahay na kami kaya hindi naman ako totally nag-iisa. Mababait pa ang mga ito at alagang-alaga nila kaming mag-asawa. Nagkakabiruan pa sa tuwing magsasabi si Draco na siyang magluluto ng pagkain namin.Dalawang oras na ang lumipas mula nang umalis si Draco, pero parang buong araw na ang pakiramdam ko. Paulit-ulit kong tinitingnan ang orasan habang hinihigpitan ang pagkakayakap ko sa throw pillow sa sofa.Tahimik ang buong bahay, maliban sa mahina ngunit matatag na ugong ng aircon. Muling bumalik sa isipan ko ang aking kakambal.Nagulat ako nang biglang tumunog ang telepono ko na laging nasa malapit lang sa akin para madali kong masagot kung sakaling tumawag si Rey kung may concern sa office or sinuman kila Mom and Dad or Draco.“Cupcake,” agad kong sagot, halos malaglag ang puso ko sa kaba. “
MargauxSobra ang kaligayahan ko and at the same time, may kung anong takot na bumabalot sa dibdib ko. Parang may bagyong papalapit habang tirik pa ang araw.“Relax, Sugar…” bulong ni Draco. Tumigil ako tsaka tumingin sa kanya. Sabay kaming naglalakad papunta sa living room matapos manggaling sa study room.Nakatitig siya sa akin, ang mga mata niyang puno ng pag-unawa at pag-aalala. Napalunok ako, pilit itinatago ang kaba sa likod ng pilit na ngiti.Nang araw na tumawag si Mommy at sabihing natagpuan na raw nila ni Dad ang kambal ko, parang gusto ko na agad pumunta sa garahe, sumakay sa kotse at puntahan sila. Pero pinigilan niya ako. Nasa ospital daw si Margareth at ang babaeng nagngangalang Marites, na siyang tumulong daw sa kanya, ang kasalukuyang naroon dahil sa isang karamdaman.Gusto nina Dad na isama na si Margareth pauwi, pero ayaw raw nito. Hindi raw siya aalis hangga’t hindi niya nasisiguro ang kaligtasan at tuluyang paggaling ni Marites.Sa akin, natural lang iyon. Kung ako
MargauxAyon na rin sa kagustuhan ng asawa ko, isang linggo na akong nananatili sa bahay. Hindi man madali para sa akin ang hindi makialam, pinilit kong intindihin ang kagustuhan ni Draco. At 'yon ay ang manatili ako sa loob ng bahay habang full force ang ginagawa nilang imbestigasyon para mahanap si Joseph ang siyang pinaniniwalaan nilang utak sa likod ng insidente sa parking lot.Napag-alaman ng isa sa mga tauhan ni Draco na magkakilala sila Chiara at Joseph base na rin sa pag-track sa kinaroroonan ng lalaki gamit ang kuha ng CCTV mula ng umalis ng office ng asawa ko ang lalaki ng magpunta ito roon.Nang naikuwento iyon sa amin, biglang bumalik sa alaala ni Draco ang sinabi sa kanya ni Chiara noon na ang boyfriend daw niya ay isang photographer. Parehong-pareho ng hilig ng dati niyang kaibigan. Coincidence? Hindi. Doon na nila napagtagni-tagni ang mga piraso ng puzzle.Kaya pala hanggang ngayon ay tila walang bahid ng takot si Chiara sa kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya sa patul
MargauxKatatapos ko lang magpalit ng damit, at ngayon ay nakaupo ako sa kama. Nakasandal sa headboard habang mahigpit na yakap ang sarili kong mga tuhod. Para akong batang naghahanap ng kahit anong makakapitan para hindi tuluyang mabuwal.Sa totoo lang, natakot ako ng sobra.Muntikan na talaga.Parang nanigas ang buong katawan ko kanina, at kung hindi ako agad nahila ni Gustavo, baka hindi na ako humihinga ngayon. Siguro ay nasa ospital na ako, o mas malala pa… baka nasa morgue na. Gusto kong palayain ang sarili sa kakaisip, pero paulit-ulit lang ang eksena sa utak ko.Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal sa ganitong ayos. Tahimik ang paligid maliban sa mahinang tunog ng aircon. Wala akong naririnig kundi ang sarili kong paghinga at ang kabog ng dibdib ko.Alam kong tinawagan na ni Gustavo si Draco pero kahit sigurado akong parating na siya, hindi ko mapigilang mag-panic. Ang takot ay para bang usok na sumisingaw sa bawat butas ng katawan ko.Mabilis akong napaangat ng tingin na
DracoBusy ako sa pakikipag-usap kay Kevin tungkol kay Joseph ay tumunog na ang phone ko, Gustavo calling.Napakunot agad ang noo ko. Hindi siya tatawag kung walang dahilan. Hindi siya ‘yung tipong tatawag para lang mangumusta.Sinagot ko agad.“Boss,” bungad ni Gustavo, at sa unang tunog pa lang ng boses niya, alam ko nang may nangyari.“Ano'ng meron?” diretsong tanong ko, pinipigilan ang kaba sa dibdib ko habang mas binilisan ang pagpiga sa manibela.“May gulo po kanina malapit sa sasakyan ni Ma’am Margaux. May nagsaksakan. Muntik na po siyang tamaan ngunit nahila ko siya paatras bago pa man…”Hindi ko na siya pinatapos.“Anong ibig mong sabihin? Muntik siyang masaksak?!” sigaw ko, halos mabitawan ang telepono habang biglang sumikip ang dibdib ko. Si Kevin ay nakikinig lang ngunit kita ko na sa mukha niyang tungkol sa asawa ko ang usapan.“Wala siyang sugat, boss. Pero ‘yung distansya... ilang pulgada na lang talaga. Nasa biyahe na po kami pauwi, dyan po dapat kami pupunta para sundu