Share

Chapter 20: Move In

Author: Senyorita
last update publish date: 2026-06-04 11:49:39

Habang pauwi sila ay hindi pa rin makapaniwala si Lorraine sa nangyari buong araw. Pakiramdam niya ay para siyang nakasakay sa roller coaster na pati inner child niya ay na-heal ni Tyron.

Mula sa biglaang pagdating ni Tyron sa school nila, hanggang sa masayang balita tungkol sa investment nito at hanggang sa date na hindi niya inaasahang magugustuhan niya.

At ang pinakanakakainis?

Hindi niya maikakaila sa sarili niya na nag-enjoy siya. Ayaw man niyang aminin sa sarili, nag-enjoy talaga siya. Tu
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 62: "This belongs to you."

    Hindi alam ni Lorraine kung bakit tila mas kinakabahan siya kaysa kay Tyron, ang lakas ng kabog ng dibdib niya nang sinabi nitong kukunin nito ang stuffed toy. Napakagat na lang siya sa daliri niya. Putek! Hindi naman siya ang sasali sa laro pero bakit kinakabahan siya. Hindi rin siya ang gumagastos bakit parang siya pa ngayon ang namomroblema.At lalong hindi siya ang nakatayo ngayon sa harap ng game booth na parang may personal na laban sa malaking stuffed bear na nakasabit sa gitna. Pero heto siya, nakatayo sa gilid ni Tyron at mahigpit ang kapit sa strap ng maliit niyang purse at hindi maalis ang tingin sa lalaking kasalukuyang nakaharap sa laro.Kailangan niyang panoorin si Tyron at baka kapag natalo ito ay awayin nito ang nagbabantay sa game booth. Natawa na lang siya sa naisip niya.Natatakot ka ba talagang awayin ni Tyron ang nagbabantay o gusto mo lang masigurado na makuha nga ni Tyron? Tudyo ng utak niya. Sus! Palusot ka pa talaga, Lorraine. Mga rason mo talaga, expired na.

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 61: Stuffed toy

    Hindi na sana papansinin ni Lorraine ang game booth.Sa totoo lang, masaya na siya sa simpleng paglalakad nila ni Tyron sa loob ng amusement park. Pakiramdam niya nga ay sapat na ang buong araw na iyon para manatili sa alaala niya nang matagal. Kulang na lang ay gawan pa niya ng diary eh, dahil sobrang saya niya talaga. Halos wala na siyang paglagyan ng tuwa niya.Mula nang dumating sila ay para siyang batang muling nakawala sa paaralan pagkatapos ng mahabang linggo ng quizzes at exams. Tuwang-tuwa talaga ang puso niya na pati yata inner child niya ay na-heal ng date nilang to. Ang main point lang naman sana ng date na to is maranasan din ni Tyron ang ganitong experience pero pati siya ay naki-heal na rin ng inner child.Nakailang rides na sila ni Tyron at nakailang tawanan na rin pero parang hindi pa rin sila napapagod. Hindi na yata niya mararamdaman ang pagod kasi parang lamang ang saya at hilo niya ngayon. At kahit ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang bahagyang panginginig ng ka

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 60: Oh, come on

    Hindi na maalala ni Lorraine kung kailan siya huling naging ganito kasaya. Siguro noong bata pa siya, noong wala pa siyang iniisip na trabaho. Noong hindi pa umiikot ang mundo niya sa lesson plans, quizzes, attendance sheets, at mga batang kailangang pagsabihan na huwag magtakbuhan sa hallway.Siguro noon.Ganito nga siguro yong tinatawag nilang adulthood. Yong parang puro trabaho na lang ang iniisip mo. Hindi nakakatuwa pero wala ka rin namang choice kundi magtrabaho kasi kailangan mo ng pera.Pero ngayon, sobrang saya niya. Hindi man lang niya naisip na teacher siya ngayon. Pwede naman sigurong magsaya muna siya diba? Break from work muna, parang ganon. Dahil sa mga sandaling ito, pakiramdam niya ay bumalik siya sa pagiging bata.At kasalanan iyon ni Tyron.Tinitigan niya ang salarin kung bakit siya nandito. Wala ring mapaglagyan ang tuwa nito ngayon. Kung gaano siya kasaya ay parang mas double ang tuwa na nararamdaman ni Tyron.Pagkababa nila mula sa carousel ay hindi pa rin nawawal

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 59: Beautiful in anything

    Hindi alam ni Lorraine kung bakit siya natatawa habang hinihila siya ni Tyron papunta sa pinakamalapit na clothing store sa loob ng amusement park. Siguro dahil sa sobrang excited nitong bumili sila ng pantalon o siguro naman dahil sa ekspresyon nito.Para kasi itong batang nakahanap ng bagong laruan at nakakatawa iyon para sa isang lalaking katulad ni Tyron. Kung may ibang makakakita rito ngayon, malamang hindi nila paniniwalaang ito ang parehong lalaking kinatatakutan ng mga empleyado sa kompanya nito.Ang lalaking walang ngiti sa mga business magazines. Ang lalaking laging seryoso. Dahil sa mga sandaling ito ay parang ibang tao ang kasama niya. Sobrang gaan nito kasama, sobrang saya niya at alam mo yong walang halong pagkukunwari talaga.Napatingin siya sa kamay nilang magkahawak at agad niyang iniwas ang tingin dito. Hanggang ngayon pa rin talaga ay hindi pa rin siya sanay. Hindi pa rin siya sanay sa katotohanang si Tyron mismo ang kusang humahawak sa kaniya.Parang natural lamang

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 58: Rides

    Wala siyang idea kung saan siya dadalhin ni Tyron. Wala rin naman kasi itong binanggit na lugar na gusto nitong puntahan nila. Hindi katulad sa mga past dates nila na sinasabi nito kung saan sila pupunta. Pero ngayon ay hindi man lang siya binigyan nito ng hint.Habang tumatakbo ang sasakyan sa kahabaan ng kalsada ay panaka-naka siyang sumusulyap sa bintana at sinusubukang hulaan ang destinasyon nila. Eh, kaso, hindi niya rin alam ang lugar na dinadaanan nila kaya wala rin siyang napala.Sa una ay inisip niyang baka sa isang mamahaling restaurant gaya dati o baka naman sa isang museum. Posible rin namang sa isa sa mga resort na pagmamay-ari ng kumpanya nito. Kung tutuusin, iyon ang mga lugar na mas bagay sa isang lalaking tulad ni Tyron diba? Elegant at sophisticated at bagay sa status nito sa buhay.Ngunit nang unti-unting lumitaw sa kaniyang paningin ang napakalaking ferris wheel sa di kalayuan, dahan-dahang nanlaki ang kaniyang mga mata. Napakurap pa siya ng ilang beses at baka nam

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 57: Going Out

    Hindi pumayag si Lorraine sa gustong gawin ni Tyron. Kahit anong pilit pa ni Tyron na dito na lang sila sa kwarto niya kasi mas maganda daw na mag-stay na lang sila kaysa lumabas pa. Marami naman daw pwedeng gawin sa kwarto niya. Syempre hindi siya pumaya. Ang kagandahan niya, hindi pwedeng tinatago lang! Natawa pa siya sa naisip niya.Kahit anong drama pa ang gawin nito ay hinding-hindi talaga siya mapapapayag nito, kahit pa mag tumbling ito ay hindi nito mapapabago ang isip niya.Kahit pa nakatayo ito sa harap ng pintuan na para bang isa itong bodyguard na handang harangan ang sinumang magtatangkang lumabas. Wala siyang balak umatras, aalis siya, aalis silang dalawa.Hindi puwede na dito lang sila sa kwarto, no! Talagang hindi puwede.Naka-ilang oras siya sa pagpili ng damit. Naka-ilang beses siyang nagpalit. Naka-ilang beses din siyang nagpabalik-balik sa salamin para tingnan kung maayos ba ang buhok niya.At higit sa lahat, natiis niya ang walang katapusang pang-aasar ni Regine. P

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 5: The Negotiation

    Tahimik ang buong sala pagkatapos ng matigas na pagtanggi ni Lorraine. Ni sa panaginip niya ay hindi niya inaasahan na may makikipag-deal sa kaniya ng ganito. Alam naman niyang maganda talaga siya at hindi maikakaila iyon, pero ayaw naman niyang magkaroon ng first boyfriend sa ganitong paraan.Naka

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 4: The Deal

    Hindi maalis ni Lorraine ang panginginig ng mga kamay niya habang tahimik na nakaupo sa napakalawak na living room ng Zaragoza Mansion.Pakiramdam niya ay mali pa rin ang lahat ng nangyayari. Talaga namang mali. Walang tama sa ginawa niya mula pa kahapon.Mahigpit niyang yakap ang bag niya habang p

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 3: The Viral

    Nagising si Lorraine dahil sa sikat ng araw na tumatama sa makapal na kurtina ng silid na parang dumadapo rin iyon diretso sa mukha niya. Ayaw pa niya sanang bumangon dahil hinihila siya ng kaniyang ulo na sobrang sakit ngayon at mabigat pa. Maliban pa don, sobrang bigat din ng katawan niya.Pero k

  • Trapped with Mr. Billionaire   Chapter 2: The Mistake

    “You’re ready? I’m f*cking horny.”Nanlaki agad ang mga mata ni Lorraine. Na para bang sanay na sanay ang lalaking kaharap niya sa ganoong usapan. Para bang nag-aalok lang ng popcorn sa gilid. Kinagat na lang niya ang pang-ibabang labi niya, hindi niya kasi alam kung anong gagawin at isasagot sa l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status