เข้าสู่ระบบHindi alam ni Lorraine kung bakit siya kinakabahan, kailangan pa nga niyang pakalmahin ang sarili baka kasi mapansin pa ni Tyron na nanginginig ang mga daliri niya.Ewan din ba, hindi nga rin niya ma-gets kung bakit siya kinakabahan samantalang kumakain lang naman sila. Wala namang big deal eh. Mas maiintindihan pa niya na kakabahan siya kung nag-propose ito or ikakasal na siya. At ang mas weird pa, hindi naman sana ito ang unang beses na magkasama sila sa labas pero bakit ganito kalakas ang kabog ng dibdib niya.So f*cking weird, sabat naman ng utak niya. Weird na weird nga.Pero habang naglalakad sila papasok sa restaurant kanina ay pakiramdam niya ay parang may maliliit na tambol na walang tigil na tumutugtog sa loob ng kaniyang dibdib. At mas dinig pa niya ang kabog niyon dahil tahimik ang paligid. Hindi tulad ng mga mamahaling restaurant sa Maynila na puno ng tao at maingay ang usapan. Mas simple ang lugar na ito, mas tahimik at mas private.May mga fairy lights na nakasabit sa m
Hindi alam ni Lorraine kung bakit ngunit sa tuwing nakikita niya si Tyron pagkatapos ng isang mahabang araw, parang kusang gumagaan ang pakiramdam niya. Parang nawawala ang pagod niya sa buong araw. Parang nawawala ang stress niya. Parang sapat na ang makita lamang ang ngiti nito para maging maayos ulit ang buong araw niya.At iyon mismo ang naramdaman niya habang nakatayo ito sa harapan niya ngayon. Ni wala pa nga talaga itong ginagawa pero ang makita niya ang presensiya nito ay malaking bagay na sa kaniya.Ang mahinang simoy ng hangin sa hapon ay bahagyang gumagalaw sa manggas ng puting long sleeves nito. Nakaluwag ang unang dalawang butones ng kuwelyo nito, dahilan upang mas lalo itong magmukhang relaxed kumpara sa palaging seryosong CEO na nakikita niya sa opisina.Napakaguwapo talaga ng boyfriend niya. Hayaan niyo na lang na mangarap siya ngayon. Kasi kung tutuusin, boyfriend naman niya talaga si Tyron sa paningin ng iba. Sila lang namang dalawa ang nakakaalam tungkol sa kontrata
Pakiramdam ni Lorraine ay hindi talaga umusad ang oras buong hapon. Mula nang iwan siya ni Tyron sa school pagkatapos ng lunch nila, tila naging napakabagal ng bawat minuto. At lalo lamang iyong lumala matapos ang walang katapusang pangungulit ni Regine.Ngayon pa lang ay sumasakit na ang pisngi niya kakapaliwanag na wala namang special na nangyari. Pero siyempre, hindi naniwala ang kaibigan niya. Hindi rin naniwala ang ibang teachers at lalo namang hindi naniwala ang sarili niya.Dahil kahit anong pilit niyang itanggi, special talaga ang araw na iyon.Hindi naman araw-araw na inaaya siya ni Tyron sa isang totoong date. Hindi naman araw-araw na nakikita niya itong nagseselos. At lalong hindi araw-araw na sinasabihan siya nitong susunduin siya pagkatapos ng klase.Kaya naman nang tumunog ang huling bell ng araw na iyon ay halos gusto niyang tumayo agad sa kinauupuan niya. Ngunit nagpigil siya, ayaw niyang magmukhang excited. Kahit na ang totoo ay excited na excited siya.Abala siyang n
Hindi pa rin makapaniwala si Lorraine kahit nakaupo na siya sa passenger seat ng sasakyan ni Tyron ay hindi talaga nag-si-sink sa utak niya ang sinabi nito. Hindi talaga kayang ipasok sa utak niya lahat. Akala niya selos lang yon, eh.Iba pala magselos ang isang Tyron, bulong niya sa isip.Kahit nakalabas na sila sa restaurant ay hindi pa rin mawala sa isip niya. Kahit nga ilang minuto na silang bumibiyahe pabalik sa school. Pakiramdam niya ay hindi pa rin lubusang nagsi-sink in sa kaniya ang nangyari.Date, one word lang yon pero parang big deal sa kaniya ang lahat. Talagang niyaya siya ni Tyron sa date. Hindi na business event, hindi charity event at hindi dinner kasama ang mga business partners nito.Kundi literal na date na talaga. Date na silang dalawa lang.Napakagat siya sa ibabang labi habang pasimpleng nakatanaw sa bintana. Ngunit kahit anong pilit niya, hindi niya mapigilang mapangiti. Lalo na kapag naaalala niya ang mukha ni Tyron kanina.Ang seryoso nitong ekspresyon at an
Tyron wasn't expecting to feel jealous that day. In fact, jealousy was probably the last emotion he expected to experience when he left the office that afternoon. Hindi niya lubos akalain na mararamdaman niya iyon sa mismong araw na gusto niya lang sanang makita si Lorraine.He simply wanted to see Lorraine. That was all. Bigla niya lang naramdaman na gusto niyang makita ito. Hindi naman siguro masama diba kasi may relasyon naman sila.Yeah, fake, bulong ng utak ni Tyron.The entire morning had been exhausting. Back-to-back meetings, presentations, contract reviews, several phone calls from investors and an emergency issue involving one of their overseas partners.By noon, he should have been mentally drained. He should have been thinking about profit margins, about quarterly reports, about business expansions. Instead, he found himself wondering what Lorraine was doing.Again, the realization alone was enough to make him shake his head. When did this become normal? When did she becom
At mukhang hindi man iyon aaminin ni Tyron ay kitang-kita naman sa buong kilos nito.Hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi ni Lorraine habang naglalakad silang palabas ng gymnasium. Sa totoo lang, pilit niya iyong pinipigilan pero sa tuwing naaalala niya ang ekspresyon ni Tyron kanina nang makita si Winston na nakahawak sa kaniyang braso, gusto na lamang niyang matawa.Hindi niya akalaing darating ang araw na makikita niya ang ganong side nito. Palagi kasing kalmado si Tyron at palagi nitong pinapakita na kaya nitong i-controll ang lahat, na parang palagi nitong alam kung anong gagawin pero kanina? Halos hinid nito maitago ang selos nito, at ewan din ba kung bakit parang mas natutuwa siya.Ito na ba yong kilig na tinatawag?Napabuntonghininga siya, nakakainis naman! Valid ba tong nararamdaman niya?Naglalakad sila sa mahabang corridor ng high school building habang papunta sa parking area. Tanghali na non kaya maraming estudyante ang nagsisilabasan ng mga classroom, tumatakbo pa n







