LOGINLimang oras akong nakaupo sa harap ng malaking vanity mirror sa master suite habang pinapalibutan ako ng anim na tao. Isang sikat na makeup artist, dalawang hairstylist, at tatlong personal dresser. Lahat sila ay nakasuot ng itim na uniporme, kumikilos nang mabilis at tahimik na parang mga makina.Walang small talk. Walang nagtangkang magtanong kung kumusta na ako o kung bakit ako nawala ng limang buwan. Alam ng mga taong ito kung paano magtrabaho para sa isang halimaw tulad ni Wilbert Vanguard, kailangan nilang maging bulag, bingi, at pipi. Para sa kanila, hindi ako isang tao. Isa akong mamahaling manika na kailangan nilang bihisan.Ipinikit ko ang aking mga mata habang marahan nilang inaayos ang buhok ko, itinatali ito sa isang masalimuot ngunit eleganteng chignon na nag-iiwan ng ilang takas na hibla upang bumagsak sa aking batok. Naramdaman ko ang malamig na brush sa aking mga pisngi at talukap, naglalagay ng mga kulay na sadyang pinili upang gawin akong perpekto at maganda.Magand
Ang unang gumising sa akin ay ang nakakapasong init ng isang mabigat na braso na nakapulupot sa aking baywang.Hindi ko pa man iminumulat ang aking mga mata, alam ko na kung nasaan ako. Amoy pa lang ng mamahaling fabric conditioner sa makapal na silk, at ang mahinang ugong ng aircon, pamilyar na pamilyar na sa akin. Wala na ako sa maliit at maalikabok kong apartment sa San Isidro.Nandito na ulit ako sa impyerno.Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Ang unang sumalubong sa paningin ko ay ang malapad at hubad na dibdib ni Wilbert. Nakatagilid siya paharap sa akin. At nang mag-angat ako ng tingin, nakita kong kanina pa siya gising. Ang madilim at mapanuri niyang mga mata ay tahimik na nakatitig sa mukha ko, binabantayan ang bawat paggalaw ng aking mga pilikmata, hinihintay ang pamilyar na panginginig ng aking katawan sa tuwing magigising akong katabi siya.Ngunit pinatay ko na ang lumang Catherine.Sa halip na umiwas ng tingin at umatras, nanatili akong tahimik. Humugot ako ng
Ang bawat pag-ikot ng kamay ng malaking orasan sa gilid ng kwarto ay tila martilyong marahang ibinabaon sa aking utak.Lumipas ang buong maghapon na nakakulong lamang ako sa master suite. Walang bintanang maaring buksan, walang telebisyon na gumagana, at walang anumang komunikasyon sa labas ng mundong ito. Ang tanging ingay lamang na narinig ko ay ang tatlong beses na pagpasok ng mga kasambahay upang magdala ng pagkain at linisin ang banyo. Ni hindi nila ako kinakausap o tinitingnan sa mga mata. Mapapamura ka na lang talaga. Leche!Tinitigan ko ang malamig na truffle pasta at caviar sa ibabaw ng silver tray na iniwan nila para sa aking tanghalian. Kung ako ang lumang Catherine, ang babaeng umiiyak, nagmamakaawa, at nagpapagutom bilang protesta, marahil ay itinapon ko na ang buong tray sa pader.Ngunit tapos na ako sa pagiging mahina. Hindi ako makakalaya kung mamatay ako sa gutom. Hindi ako makakalaban kung wala akong lakas.Dahan-dahan akong tumayo, naglakad patungo sa mesa, at kinuh
Nananatiling nakasiksik ang mukha ni Wilbert sa gilid ng leeg ko. Bawat mainit niyang paghinga ay tila asido na unti-unting tumutunaw sa natitira kong lakas. Nakatitig lamang ako sa aming repleksyon sa malaking vanity mirror. Ang mga dyamanteng hikaw at kwintas na suot ko ay kumikinang, tila mga kadenang kumukutya sa aking pagkatalo."You're shivering," mababa at paos na bulong ni Wilbert. Hinaplos ng magaspang niyang hinlalaki ang aking balikat, pababa sa itim na silk robe na suot ko. "Takot ba 'yan, Catherine? O lamig?"Hindi ako sumagot. Pinanatili kong tuwid at walang emosyon ang aking mukha, kahit na sa loob-loob ko ay nagwawala na ang aking puso. Sa kanang palad ko na nakatago sa ilalim ng manggas ng robe, mahigpit na mahigpit ang pagkuyom ng aking mga daliri sa maliit na kahoy na keychain ni Leobert. Bumaon na ang mga gilid nito sa balat ko, ngunit iyon lamang ang nag-iisang bagay na pumipigil sa akin upang hindi tuluyang mabaliw sa sandaling ito.Humarap si Wilbert sa akin at
Mabilis at tahimik ang pag-arangkada ng mga itim na SUV sa kahabaan ng highway. Walang kahit anong ingay mula sa labas ang nakakapasok sa loob ng sasakyan. Tanging ang mahinang ugong ng makina at ang pagbuga ng malamig na hangin mula sa aircon ang bumabasag sa nakabibinging katahimikan.Nakasiksik ako sa pinakadulong bahagi ng leather seat, pilit na inilalayo ang sarili ko kay Wilbert. Nakasandal siya nang komportable sa kabilang dulo, ang isang binti ay naka-krus sa ibabaw ng isa, habang ang mga mata niya ay hindi umiiwas sa pagtitig sa akin. Para siyang isang hari na pinagmamasdan ang kanyang ibon na ibinalik sa loob ng hawla.Dahan-dahan siyang umusog palapit. Awtomatiko akong napasinghap at lalong isiniksik ang sarili ko sa pinto ng sasakyan, ngunit wala na akong aatrasan pa.Inabot niya ang nanginginig kong kamay. Pilit ko iyong binabawi, ngunit humigpit ang hawak niya. Iniangat niya ang palad ko sa tapat ng mukha niya at maingat na pinagmasdan ang aking mga daliri."Look at what
"Fiancé?"Ulit ni Leobert sa salitang binitawan ni Wilbert. Wala ni katiting na takot sa boses ng MAPEH teacher, bagkus ay isang matinding pagkalito at pamumuo ng galit. Ang mga mata niyang laging maaliwalas ay ngayon ay nakatitig nang diretso sa malamig at nanlilisik na paningin ng bilyonaryo.Nakatayo si Wilbert sa harapan ko, tila isang kongkretong pader na humaharang sa nag-iisang liwanag ko. Ang malaki nitong kamay ay nanatiling nakapulupot sa siko ko, isang pamilyar na hawak na nagpapahiwatig ng babala at pag-angkin."Totoo ba 'to, Catherine?" tanong ni Leobert, inililipat ang tingin sa akin. Pilit siyang sumisilip mula sa malapad na balikat ni Wilbert. "Fiancé mo ang lalaking 'to? Bakit ka umiiyak? May ginawa ba siya sa'yo?"Naramdaman ko ang mabilis na pagdiin ng mga daliri ni Wilbert sa braso ko. Bumaon ang kuko niya sa balat ko, isang tahimik ngunit nakamamatay na paalala: Isang maling salita, Catherine, at mamatay siya.Kumabog nang napakalakas ang dibdib ko. Nanlamig ang b
Tahimik ang buong sala pagkatapos ng matigas na pagtanggi ni Lorraine. Ni sa panaginip niya ay hindi niya inaasahan na may makikipag-deal sa kaniya ng ganito. Alam naman niyang maganda talaga siya at hindi maikakaila iyon, pero ayaw naman niyang magkaroon ng first boyfriend sa ganitong paraan.Naka
Hindi maalis ni Lorraine ang panginginig ng mga kamay niya habang tahimik na nakaupo sa napakalawak na living room ng Zaragoza Mansion.Pakiramdam niya ay mali pa rin ang lahat ng nangyayari. Talaga namang mali. Walang tama sa ginawa niya mula pa kahapon.Mahigpit niyang yakap ang bag niya habang p
Nagising si Lorraine dahil sa sikat ng araw na tumatama sa makapal na kurtina ng silid na parang dumadapo rin iyon diretso sa mukha niya. Ayaw pa niya sanang bumangon dahil hinihila siya ng kaniyang ulo na sobrang sakit ngayon at mabigat pa. Maliban pa don, sobrang bigat din ng katawan niya.Pero k
Malalakas na patak ng ulan ang halos bumubulag kay Lorraine habang naglalakad siya sa gilid ng madilim na kalsada. Sinamahan pa ng malamig na hangin kaya wala siyang nagawa kundi yakapin na lang ang sarili at pasimpleng nagsisisi kung bakit pa niya tinuloy ngayon ang plano niya.Mahigpit niyang haw







