Nang malaman ni Andrea na may babaeng assistant si Rafael ay natuwa siya. Para sa kanya sa wakas ay may makakausap na rin siya o maging kaibigan. Normal lang sa kanya ang lahat at kahit kailan wala sa kanyang isip ang pagseselos. Para sa kanya si Claudia ay isa lamang sa mga utusan ni Rafael na pwede niyang lapitan o mapag-tanungan, dahil sa babae din ito. Pero ngayon, napakalayo ng inaasahan niyang mangyari dahil masama ang loob nito sa kanya.
Gayon pa man ay naiintindihan ni Andrea si Claudia. Dahil lang sa sakit kaya labis itong nasaktan para sa lalaking nangiwan sa kanya.
"Aray!" daing ni Andrea.
Biglang sumakit ang kanyang ulo kaya dali-dali siyang nagtungo sa kusina para inumin ang gamot niya na nakalagay sa cabinet malapit sa ref. Ito ang pangatlong beses na sumakit ang ulo niya dahil sa pag iisip tungkol sa mga sinabi ni Claudia. Sa sobrang sakit ay tila isa
Anim na buwan bago mangayari ang pakikipagtalik ni Andrea sa lalaking mamamatay tao, ang ipagamit siya ni Rafael na parang laruan, ay nakapagparehistro na si Andrea gamit ang pekeng pangalan, na hindi niya alam kung ito ay ay kanyang totoong pangalan na ayon sa kanyang naaalala. Nagbayad siya ng cash bilang lehitimong late registered person sa isang munisipyo. Sa tulong ng taong kanyang binayaran ay mabilis niyang nakuha ang kanyang birth certificate. Ngunit isang valid ID lamang ang hawak niya sa ngayon. Gayonpaman, nakapag-open pa rin siya ng isang sekretong local bank account."Ma'am narito po ang susi at ang detalye ng inyong room, happy stay in po..." ang sinabi ng isang babaeng naka- ponytail at yellow skirt. Mababasa sa kanyang ID ang kanyang pangalan bilang "Mina" isang staff sa hotel kung saan mag-stay-in ngayong gabi si Andrea.Nang kinuha na ni Andrea ang susi para sa kanyang kwarto, ay biglang umalingawngaw ang boses ng mga kababaihan."Hahaha.ha.ha" Ang nag-echo na boses
Hindi mapalagay ngayon si Andrea dahil saksi siya kung ano ang ginawa ni Rafael kay Jobert. Pagkatapos itong paluhurin sa sahig ng ilang oras, ay pinabugbog niya ito sa kanyang mga taohan, habang nakatali ang mga kamay sa likod. "Rafael, tama na!" pagpigil ni Andrea. Hindi na siya nakatiis sa nakikitang pananakit ng kanyang mga taohan laban sa isang lalaking walang kalaban-laban. Tumingin si Rafael sa kanya na may pandi-dilim ang mga mata. "Sa nangyari ngayon, sa tingin mo mapagkatiwalaan pa ang taong ito?" "Kung gagawin mo iyan, magiging katulad ka na rin niya, hindi ka mamamatay tao Rafael..." pagpapakiusap pa ni Andrea. Ngunit si Rafael ay hindi nakinig sa kanya, bagkos mas lalo pang pinahirapan ng kanyang mga taohan hanggang sa mawalan na ng malay si Jobert. Nang mawalan ng malay si Jobert ay nagutos si Rafael, "itago mo muna siya, at alamin mo kung ano ang layunin niya, bakit, at paano siya nakakapasok dito?" "Yes Boss!" agarang sagot ng isa sa mga leader ng kanyang mg
Parang tumigil saglit ang mundo ni Andrea sa pangatlong pagkakataon nang makaharap niya si Claudia. Namumula ang kanyang pisngi. Naisip niya na sana ay hindi na niya ito makausap uli. Ang mas masakit pa ay nang malaman niyang naging babae ito ni Rafael, na mas nauna pa pala, kaysa kanya. "Ang baboy?!" binangit ni Andrea na gustong magwala sa loob ng kanyang kwarto. Galit siya sa sarili niya, at mas lalong galit siya kay Rafael ngayon. Hindi niya masikmurang isipin na dalawa silang tinutuhog, at kung sino lang ang gusto niyang tuhugin. "Iyon na ang huling gabi ng pagkikita natin Rafael. Kailangan na kitang iluwa!" galit niyang sinabi. Umupo si Andrea sa sofa, hinayaan niyang magpahinga ang isip sa ibabaw ng malambot na upuan, at huminga na tila talagang nalulungkot siya. Gayunman, kailangan niyang mag-ingat na huwag ma stress sa mga bagay bagay ayon sa payo ng kanyang doctor. Kinaumagahan, dumalaw sa kanya ang kanyang doktor para suriin ang lagay niya. "Kung may mga naaalala
“Anong kaya mong gawin para sa isang tao kung mahal mo ito?” tanong ni Rafael. Sabay hawak sa saplot na soot ni Claudia, sa sobrang iksi nito ay nagawa siyang hilahin ni Rafael. Sa pagkagulat dahil sa ginawa ni Rafael, ay muntik na matumba si Claudia at masobsob ang mukha nito sa upuang sinasandalan ni Rafael ngayon. Mabuti na lang ay mabilis siyang nakahawak sa sandalan. Napakunot-noo si Claudia sa sandali na nakaiwas siya sa mga tingin ni Rafael. Pagkatapos ay bumalik siya sa kanyang pagtayo at ngumiti sa matanda, "sorry" "Parang natataranta ka ata- ok ka lang ba?" tanong ni Rafael sabay haplos sa kanyang baywang. Sa ginawa ni Rafael ay hindi ito ikinatuwa ni Claudia, alam niyang hindi ganoon si Rafael kung maglambing, o di kaya kung may gustong gawin. "Hindi ah. Ikaw kasi, ginugulat mo ako.." "Masyado ka nang naging nerbyosa dahil sa kaka-kape mo. Ano bang gusto mong gawin natin para kumalma ka?" paglilinaw ni Rafael. "Hmm.. depende sa iyo.." sagot ni Claudia na gusto na rin
“Jobert?” sunod sunod na pagtawag. Ang boses ay umalingaw-ngaw sa buong paligid ng basement. Nagbukas ang isang maliwanag na ilaw sa isang hindi kaaya-ayang sulok.“Nandito ako..” sumagot si Jobert.Sumunod ay nag-ingay ang rehas, alam ni Jobert na ito ay pintuan palabas kung saan siya kasalukuyang nakakulong. Maya maya pa ay nasilaw si Jobert sa sobrang liwanag na pumasok sa loob. Agad niyang tinakpan ng palad ang kanyang mga mata, napakurap ng ilang beses at parang nakakita siya ng isang anghel na dumating, para iligtas siya.“Oh my gosh Jobert! Anong ginawa nila sa iyo”“Pakiusap, ilayo mo ako dito.. Claudia” sinabi ni Jobert na hinang-hina na.“Oo, etatakas kita.” Mabilis kumilos si Claudia, dala niya ang susi para pakawan si Jobert mula sa pagkagapos sa kadena, ang kanyang mga paa, kamay at kwelyo. Sa ganoong itsura niya ay para siyang hayop kung ituring.
"Andrea, huwag mong lokohin ang sarili mo. Sapat na ang panahong pananatili mo dito. Kaya utang na loob mag isip ka" sinabi ni Jobert. Napangiti si Rafael sa kaunting drama na napapanood niya ngayon. Parang teleserye na pilit pinaghiwalay ang dalawang magkasintahan, at si Rafael ang kalaban. Pati ang mga taohan ni Rafael ay natatawa sa kanilang eksina.Biglang lumingon si Andrea at sinabing, “Rafael, paalisin mo siya dito. Hindi ako sasama sa kanya.”Sa pangalawang pagkakataon, narinig ni Jobert ang masakit na salitang tinangihan siya ni Andrea. Hindi siya ang pinili nito, kaya nasasaktan siya na kung titingnan ay parang nanghihina.“Sigurado ka na ba Andrea? O baka naman natatakot ka lang?” tanong ni Rafael sa kanya.“Bakit naman ako matatakot, sa iyo ako may tiwala at ikaw ang mahal ko. Ang lalaking iyan bigla lang nagpakita dahil pinagnanasaan niya ako” paliwanag ni Andrea. Agad natahimik si Rafael nag iisip kung anong susunod na gagawin kay Jobert.“Dahil Ninyo siya sa basement
"Isa sa ugali ko ang pananaliksik. Ang pagiging speya ay normal na gawain ko, kaya hindi kana dapat nagtataka kung bakit ako narito sa harapan mo ngayon." matapang na sagot ni Jobert. Sa maling lugar at oras, biglang nagpakita si Jobert. Nasa harapan niya ngayon si Andrea, ang babaeng minamahal niya at si Rafael na minsan na siyang e-hire para pumatay ng tao. "Wala kang karapatan para sunduin ang taong hindi mo ka ano-ano. " sinabi ni Rafael. "Malalaman din niya kung sino ako. Kapag sasama siya sa akin" sagot ni Jobert, pinandilatan niya ng mga mata Rafael. Ina-analize niya kung ano ang posibleng iniisip nito. "Wrong move ka, tahanan ko ito. Maari kitang epakulong for tress passing and harassment, sa kinakasama ko." sinabi ni Rafael at bahagyang lumapit sa lalaking nasa harap. "Oh talaga? ano ang ibedensya mo? asawa mo ba ang babaeng yan?" pinagmamalaking tanong ni Jobert. "Wala akong ibedensya. Pero siya ang maging tsstigo laban sa iyo. Isa pa narito siya dahil inaalagaan
"Matuto kang makinig sa akin..." sinabi ni Rafael. "Rafael.. nasa.saktan a.ko." putol-putol na nagsasalita si Andrea. Kalaunan ay nakaramdam din ng awa si Rafael kaya binitawan na niya ang leeg ni Andrea. "Ok! ohg! uhg!" pag uubo ni Andrea na nililinis ang kangyang throat. "Ngayong alam na ninyo ang sitwasyon nating tatlo, anong masasabi ninyo?"pagpapahiwatig ni Rafael. Tumalikod ito at tumingin sa malayo. "Mahal kita Rafael. Pero kung siya-" putol na sinabi ni Claudia. Hindi niya maituloy ang nais sabihin, nagdadalawang isip pa ito kung sasabihin pa niya ang karugtong ng kanyang mga salita. "Binibigyan ko kayo ng pagkakataong mamili. Malaya kayong umalis, sa poder ko. Siguraduhin lang ninyo na hindi muli magko-cross ang landas natin." sunod na sinabi ni Rafael. "Pero hindi ko iyan magagawa. Aminado ako kailangan ko ang trabaho ko. At ngayong may iba ka man o manlamig ka na sa akin. Tatanggapin ko, basta hayaan mong manatili ako dito.." pakiusap ni Claudia. Sinadya niyan
"Sorry .." saad ni Claudia. Hindi paman natapos ang hapunan ngunit nawalan na ng gana si Andrea. Uminom siya ng tubig na hindi tumingin kay Claudia. Sa hindi inaasahan, nagulat na lamang siya nang bigla siyang ipinaghiwa ni Rafael ng beef steak at nilagay sa kanyang plato. "Kumain ka ng marami, kailangan mo iyan." sinabi ni Rafael. Nakita ito ni Claudia at napailing, hindi na niya magawang magsalita. Ayaw niyang magalit sa kanya si Rafael. Sa kaloob-looban ni Claudia ramdam niyang mas matimbang si Andrea pagdating kay Rafael, nagseselos ito at lalong nagpapakita ng fake smile sa kanyang mga labi. "Claudia, maari mo bang buksan ang wine. Gusto kong matikman na ito." sunod na sinabi ni Rafael. Ginawa ni Claudia ang request ni Rafael. Sa parehong sitwasyon, Isa-isa niyang nilagyan ang tatlong baso ng imported wine na gawa sa blue berries, para sa kanilang tatlo. "Salamat" sinabi ni Andrea. Pagkatapos mai-abot ni Claudia ang kanyang baso na may lamang wine na hindi tumingin s